webnovel

Simula: Ang Paglalakbay

"Uuwi ka ba sa inyo, 'Neng?"

Hindi ko nagawang sagutin ang tanong na narinig. Hinayaan ko lamang iyong nakalutang sa ere bagaman sa likod ng aking isipan ay mayroong nag-iisang kasagutan: "I live in my backpack."

Nginitian ko na lamang ang matandang babaeng nakaupo sa aking tabi. Sa tingin ko ay nasa middle sixties na ang edad niya. Sakay kami sa isang bus na patungo sa kung saan man. Captain America: Civil War ang palabas sa flat screen tv sa unahan. May ilang pasaherong nakatutok ang paningin sa pelikula. Ngunit batid kong mas marami ang nagpasyang matulog na lamang.

Ibinalik ko ang tingin sa matandang babae. Saan kaya siya patungo at bakit siya naglalakbay na mag-isa? Pinagmasdan ko siyang mabuti. Sa kabila ng kulubot na balat at abuhing buhok ay ang matangos na ilong at bilugang mga mata. It is easy to tell that she was once a very beautiful lady when she was around my age. Ngumiti ang matandang ginang nang tila mapansing nakatitig ako.

Sa naramdamang hiya ay humikab na lamang ako at nagpanggap na inaantok. Alas-tres naman nang madaling araw kaya't hindi mahirap idahilan ang bagay na iyon. Pero ang totoo niyon ay gising na gising ang aking diwa. Sa kapayapaan ng paligid ay napakaraming naglalaro sa aking isipan.

Isa pa, I don't want to be rude. But talking to strangers, whether young or old isn't and will never be my cup of tea. Niyakap ko na lamang ang aking bag pagkatapos ay sumandal sa back rest. Ibinaling ko ang aking paningin sa bintana. Wala namang gaanong makikita kundi mga puno at mangilan-ngilang neon signboards sa gilid ng kalsada. The road is pretty much engulfed in darkness. And I like it. I like the dark. In the dark, I can't be seen. In the dark, I can hide.

The bus keeps moving. And the farther it goes, the more evident it gets that I am away from home.

'I live anywhere and nowhere.'

I haven't been home in about almost a year. To be exact, I don't have a home any longer. I am practically living in the blue and black knapsack strapped over my shoulders. Like a turtle, I carry my house on my back every single day of my waking life. Lahat ng mga bagay na kailangan ko ay dala dala ko kung saan man ako mapadpad. Ilang pirasong damit, sapin sa paa, mahahalagang dokumento at iba pang pangangailangan lamang naman iyon.

Hindi ako napipirmi sa isang lugar lamang. Hindi kailanman naging permanente ang aking pananatili. Sa bawat bayan, hindi ako maaaring tumagal nang higit pa sa isang buwan. Before I hit the road today, I was in the mountains of Rizal. And prior to that, for around two weeks I was in one of the hundred islands of Pangasinan. Marami na rin akong napuntahan. Marami na rin akong nakitang tao at kultura.

Ngunit gaano man karami ang mga taong nakasalubong ko sa bawat paglalakbay ay hindi pa rin ako nakipagkilala. Ni minsan ay hindi ako nakipag-daupang palad. Palagi akong palipat-lipat kaya walang dahilan para magkaroon pa ng kaibigan o kakilala man lang.

No one and nothing has ever remained constant in my life. I don't really hate people and places. But, I always have to be on the move.

I can't make friends because I know from the very start that in the end I will always leave. I can't be attached to places no matter how peaceful and beautiful they are because I can never make them my home. I have to keep going. Iyon ang kailangan kong gawin. Iyon lang ang kaya kong gawin. Dahil wala naman akong ibang mapagpipilian.

Gaya ng dati, hindi ko alam kung saan patungo ang bus na sinakyan ko. Basta na lamang akong sumampa sa unang sasakyang nakita ko. Wala rin akong pakialam kung saan ito pupunta, hindi rin naman ako magtatagal kung saan man ako makarating.

Wala akong plano. Wala akong tiyak na direksyon. I will just go wherever the course decides to take me.

"Miss, nasa last stop na tayo. Wala ka bang balak bumaba?"

Napamulat ako nang may kamay na umaalog sa aking balikat. Nakatayo ang kunot-noong kundoktor malapit sa akin. Tumango na lamang ako pagkatapos ay tumayo na. Maliwanag na rin ang sikat ng araw nang huminto ang bus sa huling 'stop' nito. Ako na lamang ang natitirang pasahero. Wala na akong nagawa kundi ang bumaba na rin. Narating ko na ang dulo ng paglalakbay na ito pero hindi ko pa rin alam kung saan ako pupunta.

Matatayog at naglalakihang mga gusali at makukulay na billboards ang sumalubong sa akin nang itapak ko ang aking mga paa sa lupa. Saka ko lamang napagtanto na sa siyudad na hindi pamilyar ako napadpad. Nakapikit ako buong biyahe at iniharang ko rin ang kurtina sa bintana kaya't hindi ko nabigyang atensyon ang mga tanawing nadaanan kanina. Isa pa, nang tanungin ako ng konduktor kung saan ang aking destinasyon ay 'last stop' lamang ang aking sinabi... gaya nang lagi kong sagot.

Iginala ko ang aking paningin sa kabuoan ng terminal. Maraming bus na patungo sa iba't ibang probinsya. Mayroon ding mga taxi, mga jeep at mga tricycle na patungo naman sa iba't ibang bahagi ng Metro Manila. Dayuhan at baguhan ako sa lugar na ito ngunit natitiyak ko naman kung nasaan ako. Maraming sasakyan. Sa sidewalk ay nakahilera ang maraming klase ng paninda. Mga busina, nagtatawag na kundoktor, nag-aalok ng paninda at samu't saring mga bagay ang aking naririnig. Maingay ang paligid. Taliwas sa kapayapaan ng mga isla at kabundukan kung saan ako pansamantalang nanatili noon.

Pinagmasdan ko ang dagat ng mga taong patungo sa kani-kaniyang destinasyon. Masuwerte ang mga taong alam kung saan ang kanilang patutunguhan. Mapalad ang mga taong may uuwian… lalo't higit ang mga taong mayroong hinihintay at naghihintay.

Mayroon kaya sa mga taong naririto ang tulad ko na kung saan saan na lamang napapadpad?

"Ano ba?!"

Napukaw ang aking atensyon sa malakas na sigaw na narinig. Agad kong binalingan ang pinagmulan niyon. Sumubsob ang gulong ng isang pedicab sa putikan. Masama ang tingin ng driver niyon sa matandang babaeng may tilamsik ng putik ang laylayan ng suot na bulaklaking bestida. Marungis din ang hatak nitong malaking brown na leather bag. For her age, she's still strong. Sa tingin ko'y iniwasan ng driver ang tumatawid na matanda kaya't bigla itong nawalan ng balanse.

"Pasensya na, hijo," paumanhin ng matanda. Saka ko lamang napagtanto na iyon ang lola na katabi ko sa bus kanina.

Pumalatak lamang ang driver pagkatapos ay inayos nito ang sasakyan at nagpatuloy sa pagmamaneho.

Naglakad na lamang ako patungo sa isang waiting shed at tinanaw ang hilera ng mga bus. Marami akong posibleng destinasyon ngayon. Sa unang pagkakataon ay gusto kong piliin ang aking pupuntahan ngunit wala akong mapili.

Muling dumako ang paningin ko sa matandang babae. Tila hirap na hirap ito sa paghatak sa napakalaki nitong bag. Mukhang napakabigat niyon.

Despite the fact that I don't want to deal with strangers, I can't stand to see people suffer especially the old and the frail ones. I have more than enough suffering to last a lifetime. I definitely know how hard life is. Tumayo ako sa kinauupuang bench at nagmartsa patungo sa matandang babae.

"Hija." Matamis na ngiti ang iginawad niya sa akin nang tila mamukhaan niya ako.

"Tulungan ko na po kayo," wika ko at kaagad ding umiwas ng tingin. Just this once... I will talk to a stranger. Matapos nito ay maghihiwalay din naman ang landas naming dalawa kaya wala akong dapat ikabahala.

Binuhat ko na ang malaki niyang bagahe. Mabigat nga! Bato ba ang laman nito? Binalingan ko ang matanda. Bakit niya ito binuhat nang mag-isa?

"Wala po ba kayong kasama? Wala po ba kayong sundo?" wika kong pilit ginawang normal ang ekspresyon sa aking mukha. Kahit nabibigatan ako sa dalahin ay hindi ko iyon ipinahalata.

"Wala, e." Umiling siya. "Ako lang mag-isa," may halong lungkot sa tinig niya.

"Tara na po. Ano po bang sasakyan n'yo? Saan po ba kayo nakatira?"

Agad kong nakagat ang aking labi. If I am to be asked with the same question, I will just shrug it away like I always do.

"Sa Pasig, 'Neng. Ihahatid mo ba ako? Maraming salamat!"

Wala na akong nagawa nang muli niya akong ngitian. May pagtitiwala ang tinging ibinigay niya sa akin. Will she really trust a stranger like me?

Dalawang jeep at isang pedicab ang aming sinakyan bago namin narating ang lugar kung saan nakatira si Lola Emilia. Nagpakilala siya sa akin habang nasa biyahe at nagkuwento ng tungkol sa buhay niya. Mag-isa na lamang siya sa buhay. Nagtungo siya sa Rizal para bisitahin ang puntod ng namayapa niyang panganay na anak at asawa. Mayroon pa siyang isa pang anak ngunit hindi na ito nagpakita sa kanya mula nang maglayas mahigit dalawampung taon na ang nakalipas.

Binaybay namin ang mahaba, masikot at madilim na eskinita bago kami huminto sa isang maliit at sira-sirang  barong barong. Sa pag-ihip ng hangin ay tangay ang alingasaw ng samu't saring amoy. Iginala ko ang paningin. Maliliit at hindi maayos ang mga tahanang nakapalibot. Tagpi-tagping sako o 'di kaya'y butas-butas na yero lamang ang dingding. How could people live in a place like this? Well, I guess it's better than having no home at all.

"Tuloy ka, 'Neng," nakangiting paanyaya ni Lola Emilia matapos niyang buksan ang pinto. "Pasensya na sa abala. Magpahinga ka muna."

Tumango na lamang ako at nagmartsa kasunod niya. Nahihingal pa akong umupo sa kupas nang monoblock chair matapos ilapag ang misteryosong bag. Ano kayang laman niyong bagahe? Bakit ba napakabigat niyon? Iginala ko ang paningin sa munting tahanan ni Lola Emilia. Walang gaanong kagamitan. Ang dingding ay butas... ang bubong butas din. Mayroon lamang kurtinang sako sa gawing kanluran.

Umupo siya sa kawayang upuan sa tapat ko. "Maraming salamat sa tulong mo. Napakabait mong bata. Naabala pa tuloy kita."

"Wala hong anuman."

"Saan ka ba nakatira, Hija? Baka malayo ito sa uuwian mo."

"Hindi po ako tiga-Maynila," matipid kong sagot. At least, I am telling the truth this time.

"Uuwi ka ba sa probinsya mo?" muli niyang tanong.

Umiling ako. Wala rin naman akong uuwiang probinsya.

"Mananatili ka ba rito sa Maynila? Kung wala ka pang matutuluyan, maaaring dumito ka muna," pahayag ng matanda.

Nanlaki ang aking mga mata. Something tugged in my heart. I never heard anyone offer me a place to stay.

Umiling ako. No! I can't stay here not because it's a dumpsters and it reek of foul smell.

"Dahil ba iskwater lang ito?"

Muli akong umiling pagkatapos ay matipid na ngumiti. "May matutuluyan na po ako."

Mali. Kasinungalingan.

Pero iyon lamang ang maaari kong isagot. Kailangan ko nang umalis bago pa niya ako makumbinsi. Sa halos isang oras naming biyahe kanina ay dama ko sa mga kuwento niya ang kasabikan niyang magkaroon ng makakasama. I feel sorry for Lola Emilia that she is living alone on her own. But I can't stay with her. Hindi siya maaaring madamay sa masalimuot kong buhay.

Tumayo na ako. "Mauna na po ako."

Matapos magpaalam ay lumabas na ako ng bahay.

Muli kong binaybay ang tila isang maze na eskinita. Hinahanap ko ang daan palabas nang marinig ko ang sunod sunod na tunog ng aking cell phone.

Sunod sunod din ang mga dumating na mensahe nang buksan ko ang telepono. Nanlaki ang aking mga mata nang mabasa ang pare-pareho din lamang na messages. Agad kong tinawagan ang nagpadala niyon.

"Jesus! Are you really in Manila, River?"

Her voice is with absolute panic.  I can imagine her pacing back and forth in her pink and purple room.

"Paano mo nalaman?" I said as I stood frozen. Puno ng kuryusidad ang aking isipan kasabay ng malakas na pagkalabog ng aking dibdib. Mabilis din ang pagbaybay ng aking mga mata sa paligid.

"Holy shit! So you are really in Manila now? May nakakita sa iyo habang nasa Rizal ka. Nakita rin ang pagsakay mo ng bus patungong Maynila," sagot nito na naghatid ng higit pang kaba sa aking dibdib.

"Did they see me in Manila? Please tell me they didn't." Nagising ang matinding pagkabahala sa aking dibdib.

"Hindi ko alam, Riv. Where are you exactly?"

Iginala ko ang aking paningin. Hindi ko alam kung saan ang aking eksaktong lokasyon.  Ang tanging alam ko lamang ay nasa Pasig ako at madumi at mabaho ang paligid.

Dinig ko ang malakas na buga ng hangin mula sa kabilang linya. "Wherever you are, stay there. Don't go anywhere near bus terminals, ports and public areas. I'm sure they'll be scouting those places. Don't worry, malaki ang Maynila, mahihirapan silang maghanap."

"I can't stay here, Astrid."

"Stay there. Kahit ilang araw lang. Don't ever think of travelling to whatever province now, Riva Veronica."

Walang pamamaalam na pinutol nito ang linyang namagitan sa amin. The conversation lasted for less than a minute. Hindi kami maaaring mag-usap nang matagal. There's a chance of finding my location if we talk long. Agad ko ring pinatay ang aking cell phone, inalis ang baterya pagkatapos ay muling isinilid sa aking bag.

Napabuga na lamang ako ng hangin. I guess I have no choice. Binaybay ko ang daan pabalik sa barong-barong habang nag-iisip ng kasinungalingan.

"Pagpasensyahan mo na ang maliit kong bahay, Nica," ani Lola Emilia.

"Ako po ang dapat humingi ng pasensya. Makikituloy pa rin ako rito gayong tinanggihan ko ang alok ninyo kanina."

Umiling si Lola Emilia. "Wala iyon. Hindi mo naman alam na okupado na pala ang apartment."

That was my lie. Sinabi ko na lamang na tinawagan ako ng landlord at sinabing wala na palang available na unit. Napaniwala ko naman si Lola Emilia. Mainit niya akong tinanggap sa kanyang tahanan. Bakas ang kaligayahan sa kanyang mga ngiti.

Nang sumapit ang gabi ay hindi ako dinalaw ng antok. Kahit anong pilit ko ay hindi ko magawang makatulog. Bumangon na lamang ako at kinapa ang flashlight sa ilalim ng aking unan. Walang kuryente sa  bahay na ito. Tanging kandila lamang ang ilaw namin kanina. Pinatay namin iyon bago nagpasyang matulog. Mabuti na lamang at may flashlight akong dala palagi.

Nakaiilang hakbang pa lamang ako mula sa higaan nang mabunggo ang aking binti sa isang matigas na bagay. Kinagat ko ang aking labi upang hindi mapasigaw sa sakit na naramdaman dahil baka magising si Lola Emilia.

Namayani ang kuryusidad sa akin nang itutok ko ang liwanag ng flashlight sa aking nabunggo. Iniluhod ko ang isang tuhod pagkatapos ay kinapa ang leather duffle bag. Binalingan ko si Lola Emilia, natutulog pa rin.

Dahan dahan kong binuksan ang zipper ng bag. Sisilipin ko lamang ang laman nito dahil nahihiwagaan ako. Wala akong ibang balak gawin. Napasinghap ako nang makita ang isang kahon. It's a wooden box — a mahogany-colored chest. It even smells ancient. Binaybay ng aking mga daliri and makinis at makintab na kahoy. Nangunot ang aking noo nang tumama ang aking palad sa isang padlock. Lalo pang naghari ang kuryusidad sa akin.

"Iligtas mo ako."

Nanlaki ang aking mga mata at muli akong napasinghap nang marinig ang malalim at tila napakalayong tinig. Mabilis kong iginala ang paningin at itinutok kung saan saan ang liwanag. Ngunit walang ibang tao maliban sa amin ni Lola Emilia.

Umiling na lamang ako. Siguro ay may gising pa sa mga kapit-bahay sa ganitong oras. Isinara ko na lamang muli ang bag.

"Tulong," muling wika ng panlalaking tinig.