3 Chapter 3: Ang lalaki sa larawan

Josh Point of view

Umalis ako sa secret house namin para hanapin si Manang Esther, ang taga-pangalaga ng mga kaluluwang nabubuhay at namatay na.

Pumunta ako upang malaman kung anong katauhan ang meron sa babaeng aming natagpuan sa gubat.

"Natagpuan niyo na siya, tama ba?" Bungad agad sakin ni manang esther habang siya ay nagkakape.

"Oo. Nandito ko para malaman kung bakit siya napunta dito, Paano natin siya mailalabas? " tanong ko at umupo sa sofa.

" Mabuti naman at naunahan niyo si herros. " buntong hininga niya." Ingatan niyo ang babaeng iyon. Nasa kanya nakasalalay ang kahihinatnan ng dalawang mundo " dagdag pa nito.

" Anong sinasabi mo?" Nakakunot noo kong tanong.

" Tinawag ko ang kaluluwa ng babaeng yun dahil kailangan na kailangan na natin siya sa mga oras na to kaya naman hindi agad siya maaaring lumabas dito, may mission pa siyang dapat tuparin " -manang esther

" Sayo pala nanggaling ang boses na binanggit niya kanina "

" Tama, ako nga. Alam mo naman siguro na iniisa-isa na ni herros ang mga may force-field superpowers o kung tawagin ay Aegis sa mundo natin. Kailangan natin siya para pagalingin ang mga sugatan at nanghihinang aegis kung hindi mauubos sila at mawawala ang harang sa mundo natin at sa mundo ng mga normal na tao. " pagpapaliwanag ni manang esther.

Si herros ay may pambihirang kakayahan dito sa mundo namin kaya niyang kopyahin ang  kapangyarihan ng tao kapag nahawakan niya ito. Ang mga tao sa mundong ito ay itinago upang di makapang-gulo sa mundo ng mga tao kaya naman kapag nawala ang harang na yun ay maaaring makapanggulo ang mga panig kay herros at tiyak na isang malaking dagok na naman ito.

"  Paano niya pagagalingin? " Nagtataka kong tanong.

" Sa oras na to, Paniguradong alam na niya kung anong meron siya. Ang dugo niya" -manang esther.

" Anong meron sa dugo niya " tanong ko.

" Nakakapagpagaling ang dugo niya " sagot niya.

Nagulat ako sa sinabi ni manang esther. Mabuti nalang talaga at kami ang nakakita sa babaeng iyon.

" Baka maubos ang dugo niya kung papagalingin natin lahat ng aegis dito?" kunot noo kong sinambit.

"Isang patak sa sugat at sa nanghihina, Buong dugo niya naman para makabuhay ng namatay kaya nais ni herros kunin lahat ng dugo ng babaeng yun para magkaroon ng walang katapusang buhay na kailangan natin maiwasan, nararamdaman ko ang kaluluwa ni herros na alam na niya ang tungkol sa babaeng ito kaya itago niyo siya hangga't di pa tapos ang mission niya dito " -manang esther. 

"Nasaan nga pala siya? " pagiiba niya ng usapan.

" Nasa secret house kasama ni Dacia "

" Wala siya doon. Huwag mong hayaang may makaalam at huwag na huwag kang magtitiwala sa ibang tao tungkol sa sikretong ito. " kunot noong payo ni manang esther.

"Salamat manang esther "

Agad agad akong umalis para balikan si dacia at ang babae sa secret house namin.

Akala ko normal ang babaeng yun.

3rd Person Point of View

Sa Mansion ni herros pumunta ang binatang lalaki sa kulungan upang kausapin ang isang aegis na bihag.

" Iharap niyo siya sakin " tinitigan niya ang mga kawal na blackjacks at saka naman kumilos ang mga ito.

" Huwag nyo akong hawakan " pilit na pag pupumiglas ng matandang lalaking hina na at sugatan kaya't nahihirapan na siyang gamitin ang kanyang kapangyarihan.

" Wag ka na magmatigas victor, gusto ko lang naman sabihin sayong nakapasok na daw ang anak mo sa mundo natin. " nakangiting sambit ng binatang may maitim na aura.

Si Victor ang punong Aegis sa angkan ng may mga force-field superpowers na kinulong ni herros dahil sa balitang may anak itong nakakapagpagaling o nakakapagbigay ng walang katapusang buhay.

" Hindi maaari ! " sigaw ng aegis na si victor.

" Maaari. Gagamitin ka namin para makuha siya" bahagyang ngumiti ang binata.

" Layuan niyo siya! Lucas! Gumising ka! Wag ka magpagamit  sa hayop mong ama! " galit na isinigaw nito.

"Manahimik ka" sambit ng binata.

" Pigilan mo ang kapangyarihan niya. Alalahanin mo ang mga dati mong kaibigang sina Dacia at Josh pati narin ang iyong ina! Mamuhay ka ulit ng masaya at normal. Parang awa mo na wag ang anak ko, Masisira ang mundo! Kapag nagpatalo ka sa kapangyarihan ng ama mo" pagpupumilit ni victor ngunit hindi ito tumalab sa binata dahil nasa ilalim ito ng kapangyarihan ni herros.

"Tsk"

Pokerface lamang ang binata at saka iniwan ang matandang lalaki sa kulungan na patuloy parin ang pagsumamong layuan ang anak nito.

--------

Chapter 4 : Bagong mundo

avataravatar
Next chapter