3 Three

Revenge's Downfall

Nathan's Point of View

"I'm her fiancée." Nakataas ang isang kilay kong sagot sa kanya. Nagkatinginan ang mga ito at napansin ko pang napaismid ang isa sa kanila bago ako sinagot ng isang may katandaang nurse doon.

"Ikaw si Nathaniel." Hindi iyon isang tanong. Parang siguradong sigurado siya sa sinabi niyang iyon. Tumango na lang ako kahit na sa loob loob ko ay may nararamdaman na akong hindi maganda na may kasamang pagtataka sa paraan ng pagkakatingin niya sa akin at sa pagkakakilala niya sa akin.

Malungkot na ngiti ang isinagot niya sa pagtango ko.

"Halika. Sasamahan kita papunta sa kanya." Magalang naman akong sumang- ayon ditto dahil pabilis ng pabilis ang tibok ng puso ko. Ilang beses kong pinilit lumunok dahil parang tuyong tuyo ang lalamunan ko.

"Mabuti naman at naisipan mo na siyang dalawin. Matagal ka na niyang hinihintay." Halatang halata ang pait at lungkot sa tinig nito kaya naman lalo akong kinabahan.

Pero nanatili akong tahimik.

Tumigil kami sa tapat ng isang pribadong kwarto, pero hindi katulad ng inaasahan ko. Hindi ito opisina ng isang doctor. Nagpalipat- lipat ang tingin ko sa pinto at sa matandang nurse na kasama ko.

Bigla akong napaatras.

"A-anong?" May namumuo ng konklusyon sa aking utak pero ayokong tanggapin at paniwalaan kung ano man ito. No way.

There's no way.

Hindi ako binigyan ng pagkakataon ng matandang nurse na makatakbo palayo, binuksan na niya ang pinto.

At doon.

Nakita ko ang babaeng mahigit tatlong taon kong hinanap. Ang babaeng mahigit tatlong taon kong kinamuhian. Ang babaeng mahigit tatlong taon kong pilit kinalimutan.

Nakatulala sa labas ng bintana, Maputla.

I hesitated but I still walked painfully slow towards her. I tried calling her but she didn't bother looking at me. I'm not even sure if she can hear me.

Lumapit pa ako lalo kasabay ng pagtawag ko sa sariling pangalan nito.

"Lian." It's like it took a year before her head turns to my direction. Pero nanatiling lampasan ang tingin niya sa akin. Wala din akong mabanaag na rekognisyon sa mga mata niya.

Nanlalambot na ako. Ito ba? Ito ba ang babaeng kinamuhian ko sa loob ng mahigit tatlong taon? Anong nangyari sa kanya?

Napaupo na ako sa isang upuan na malapit sa kama niya. Ilang agwat lang ang layo namin sa isa't isa. Pero muli lamang bumalik ang tingin niya sa labas ng bintana.

"May tatlong taon na din siguro nung natagpuan naming siyang nagpapalaboy- laboy suot ang sira sirang damit pangkasal. Duguan siya at pulos sugat sa buong katawan. Wala naman kaming makuhang sagot sa kanya. All we heard was 'Nate', 'Nathaniel' and she keeps apologizing. Afer she fainted and woke up again, ganyan na siya." Nahigit ko ang paghinga ko. Parang masisiraan ako ng ulo. I felt my eyes tear up.

Biglang bumukas ang pinto kaya't bumaling ang tingin ko sa direksyon ng pintuan.

Ito yung lalaki na madalas niyang kasama sa litrato na ibinigay ni Santos sa kanya. Napagtagni- tagni ko na. Ito marahil ang doctor niya o isa sa mga dokto dito

avataravatar
Next chapter