1 Prologue

"Luke"

"Yes, love" niyakap ko siya. Mamimiss ko siya ng sobra. Di ko alam kung may pagkakataon pa kaming magkita pero hinihiling ko na sana balang araw, papayagan kami ng tadhana na magkita muli.

"Excited na kong makakita ka"

"Ako din, sabik na ko makita ka" sinuksok nito ang mukha niya sa leeg ko. Napakaswerte ng babaeng mamahalin mo Luke.

"May problema ba?" hinaplos niya ang mukha ko. Gusto kong umiyak pero hindi ko magawa.

"Wala, baka lang kasi ayawan mo na ko kapag nakakita ka na" totoo naman baka kamuhian niya ako kapag nalaman niya ang ginawa ko.

"No love, kahit sino ka pa o ano man ang itsura mo mahal kita at kahit di ako nakakakita alam ko na maganda ka" hinalikan ako nito sa noo.

"Mamimiss kita"

"Hindi mo naman siguro ako iiwan no?" mahinang tawa nito.

"Hindi no" hinawakan nito ang mukha ko na parang kinakabisa ang bawat madaanan ng mga daliri nito.

Hindi ko alam kung kakayanin ko pa bang iwan siya, naging parte na siya ng bawat araw ko pero anong gagawin ko kung mismo ang tadhana na ata ang naglalayo sa aming dalawa.

"I love you Ma. Esperanza Santos"

"Mahal din kita Luke Mikhail Bartolome"

Siguro kung sa ibang panahon, pagkakataon o sitwasyon tayo nagtapo hindi ko na sana kailangang mamili pa.

Please remember me in your heart, Luke.

avataravatar
Next chapter