webnovel

Ang Panayam

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Dumating din ang unang pagulan ng taglamig, at nagtagal ito ng dalawang araw.

Sumandal si Roland sa kanyang working desk at tumingin palabas ng bintana sa malabong bayan na inuulan. Ang hangin ay nagdala ng ulan sa bintana, na nagsanhi ng mga ripples. Nagiba ang anyo ng silhoutted outline ng bayan dahil sa mga ripples. Ang mga bahay at ang extension ng mga kalye at tila nabaluktot, kumpara sa maayos nitong itsura dati. Dahil sa kakulangan sa maayos na drainage measures, umapaw ang naipong tubig sa crisscrossed flagstone pavement. Sa malayo, ang tubig sa kalsada ay nag mukhang maraming maliliit na crystalline brooks.

Ang malalayong mga bundok at kagubatan ay natatakpan ng mist, looming at pabago-bago na parang isang nawawalang mundo sa earth.

Kung sa modernong panahon, ang ganitong tanawin ay tiyak na magiging isang tourist attraction, ngunit ang nais makita ni Roland ay isang gubat na gawa sa kongkreto at bakal. Dahil sa ulan, kinailangan din tumigil ng konstruksiyon ng city wall. Naapektuhan neto ang kanyang mood at pinawala nito ang kanyang kasiyahan sa pagtatagumpay niyang pinahina ang loob ng messenger ng Stronghold kahapon.

"Sinabi mo na ang hangin sa paligid natin ay binubuo ng iba't-ibang gases, totoo ba iyon?"

Ginambala ng malinaw na boses ni Anna ang mga iniisip ni Roland, habang tinitignan siya nito curiously, at pinipikit ang kanyang magadang asul na mga mata.

"Ahem, Miss Anna, dapat mong tinatawag ng may paggalang ang Prinsepe," babala ng chief knight na nasa tabi niya.

"Wag kang maabala tungkol dito." Umikot si Roland, "Estudyante ko na siya ngayon." Dahil umuulan at wala sila masyadong gagawin, tinawag niya si Carter at ang dalawang witch na dumalo sa kanyang klase—oo, nagdesisyon siya na magbigay ng isang munting panayam tungkol sa natural science. Nagkaroon siya ng inspirasyon dahil sa kolehiyo ni stonemason Karl. Kung nagawang magtayo ng paaralan ng isang mason, maaring magbukas din ng paaralan ang isang mechanical engineer. Bakit nagkakaroon ng diskriminasyon? Hindi ba dahil sa kamangmangan? Sa anumang panahon ng kasaysayan, ang unibersal na edukasyon ang pinakaepektibong paraan upang itaguyod ang pag-unlad ng sibilisasyon.

Ninais niyang dumalo sa klase pati na ang assistant minister ngunit masyadong itong abala sa mga gawaing administratibo at magalang niyang tinanggihan ang kanyang alok. Hindi alam ni Roland kung bakit, ngunit mula simula ng taglamig, tila sabik na sabik si Barov at mag-isa niang pinangunahan ang lahat ng araw-araw na pamamahala ng Border Town.

Sa kadahilanang ng magkaroon ng bagong kaalaman, agad kumislap ng may halong curiosity ang mga mata ni Anna. Natuwa din si Nana dahil hindi niya kinailangan na manggamot ng kahit anong sugatang hayop. Para naman kay Carter, dahil wala siyang espesyal na gagawin, dumalo siya sa klase upang makita kung anong bagong bagay na walang kabuluhan ang naisip ng prinsepe.

Ngunit hindi nagtagal matapos magsimula ng klase, agad inantok ang knight. Si Nana ay mayroong kaguluhan sa kanyang mukha, ang kanyang mga mata ay nakatitig sa salitang 'Natural Science'. Tila tanging si Anna lang ang nakaintindi sa general idea at sinusubukang tandaan ang lahat ng kanyang narinig. Hindi maiwasan ni Roland na itigil ang lecture ng saglit, at hinayaan ang tatlo na pagisipan ang kanyang panayam.

Para sa tanong ni Anna, ngumiti siya at tumango. "Oo, kahit na parehas sila ng itsura."

"Kamahalan, hindi ko maintindihan, dahil magkakamukha ang lahat ng ito, paano mo nasasabi na magkakaibang gases ang mga ito?" Ipinahayag ni Carter ang kanyang pagdududa.

"Kaya kong patunayan ito sayo.

Alam ni Roland na sa pamamagitan lang ng kanyang mga salit, ang karamihan sa mga tao ay maguguluhan sa pakikinig sa ganitong mga teorya. Kaya nagpasya siyang kunin ang kanilang interes sa pamamagitan ng pagpapakita sa kanila ng isang halimbawa ng isang simpleng eksperimento.

Isang kandila, isang baso, isang wooden basin, at isang mangkok ng clear limewater—matagal na niyang inihand ang mga bagay na ito. Kahit na sa oras na ito ay mayroon lang silang plae brown na baso na di hamak na mas malabo kaysa sa normal na baso, maari parin nitong gamitin para sa layunin ng eksperimento. Dahil hindi naman kailangan obserbahan ang modification process sa simpleng eksperimento na ito.

Ginawa na ni Roland ang eksperimento, at pinakita ng mga resulta na kahit na tunay ang mahika sa mundong ito, ang patakaran ng kalikasan ay parehas sa earth. Hinayaan niyang sindihan ni Anna ang kandila at ilagay ito sa palanggana.

"Ang proseso ng pagkasunog ay nangangailangan ng ispesipikong gas. At ang gas na ito ay may relasyon sa lahat ng buhay. Kung titigilan natin ang paghinga nito, magiging katulad tayo ng kandilang ito. Tignan niyo." Inilagay ni Roland ang baso sa kandila, at pagkatapos gumalaw ng apoy ng ilang beses, di nagtagal at namatay din ito.

"Naubos na nito ang hangin, Kamahalan, hindi ito nakakagulat," sabi ng chief knight, "Siyempre mamamatay tayo kapag walang hangin, halimbawa, kapag nahulog tayo sa tubig."

Paulit-ulit na tumango si Nana.

"Sa tingin mo wala ng nasa loob ng baso?" Tanong ni Roland at ibinuhos ang limewater sa palanggana. Agad umangat ang waterline at tumigil ito sa pag-angat ng mapuno na ang kalahati ng baso.

Ito ay isang klasikong eksperimento, kadalasang ginagamit ng mga elementarya upang makuha ang interes ng mga bata sa natural science. Hanggang ngayon, naaalala parin ni Roland ang pagkagulat na naramdaman niya ng ipinakita ito ng kanyang guro. At sa sandaling iyon nagsimula ang kanyang paglalakbay sa daan ng science at engineering at hindi na tumingin pabalik.

Maingat niyang inangat ang isang sulok na baso, at agad na may makikitang lumalabas na bula ng hangin sa limewater.

Pagkatapos, agad naging malabo ang malinaw na limewater, at may ilang puting particle ang kumalat sa loob ng baso.

"Kung walang laman ang baso, wala tayong makikitang kahit anong bula o kahit anong pagbabago sa ibabaw ng tubig. Pinapatunayan nito na ang hangin ay binubuo ng hindi bababa sa dalawang magkaibang uri ng gas. Sa katunayan, ang pagsindi ng kandila ay kumokonsumo lamang ng isang parte ng hangin, habang ang natitirang parte ay walang kinalaman sa proseso ng pagkasanog. "Kahit na parehas itong walang kulay at walang amoy, ang nature nito ay ang kabaligtaran ng isa."

"Well… mukhang iyon nga ang nangyari." Matagal nag-isip si Carter bago niya naintindihan ang relasyon sa pagitan ng dalawa. "Ngunit saan naman magagamit ang kaalamang ito?"

"Kung makukuha natin ang former na gas, maari nating hayaan na magtagal ang apoy, at kapag nakuha naman natin ang isa pang gas, maari natin agad na mapapatay ang apoy!" Bilang sinabi ni Anna.

"Isang henyo!" Tahimik na puri sa kanya ni Roland. Kahit na may konti siyang pagkakamali, pinakita niya ang kanyang sarili na isang henyo sa pamamagitan ng pagmumungkahi ng paghiwalay at pag-purify ng mga gas bago gamitin. Wala siyang natanggap na kahit anong sistematik na modernong edukasyon, ngunit agad niyang naisip ang puntong ito. Pinapakita nito na higit sa normal na tao ang kanyang logical skills—higit sa kanyang chief knight.

"Tama, simula pa ng panahon na natutunan ng mga tao na gumamit ng apoy, naiiba na sila sa mga hayop. Siguro ang lahat ng ito ay isang pagkakataon lang, tinamaan ng kidlat ang isang puno at sinunog ito, o isang spark na nagmula sa dalawang bato. Ngunit kung walang sinuman ang nakapansin nito at sumubok, sa malamang ay parehas lang tayo sa mga hayop," matiyagang sagot ni Roland, "Ang layunin ng eksperimentong ito ay ipakita sa inyo na ang curiosity at ang pag-iisip ay ang dahilan ng pag-unlad ng tao. Maraming nakatago sa kalisakan ang mga ganitong forces, naghihintay na matuklasan natin at gamitin ang mga ito."

Pagkatapos niya magsalita, si Carter ay may pagdududa parin habang si Nana ay nakatitig kay Roland na bukas ang mga mata, namamangha ngunit hindi maintindihan kung ano ang ibig niyang sabihin. Tanging si Anna lang ang tumingin pababa na para bang may iniisip siyang bagay.

Nagbuntong hininga si Roland sa pagsang-yon na ang pagtuturo ng advance theories ay hindi magdudulot ng paliwanag, bagkus ito lang ay magdudulot ng higit na pagkalito ng mga tao. Ang lebel ng kanilang intelekto ang nagpasya na hindi nila maaring maintindihan ang kahalagahan ng mga bagay na ito maliban nalang kung makikita nila ito gamit ang sarili nilang mga mata. Pagkatapos lamang nito nila maiintindihan kung gaano kamangha-mangha ang nakatagong pwersa ng kalikalasan.

Sa sandaling ito, ang takuri na nasabit sa mantel ay gumawa ng ingay—ang ingay ng paglabas ng steam sa takip.

"Ah, kumukulo na ang tubig." Lumakad papalit ang knight upang alisin ang takip sa takuri gamit ang tinidor, at agad nawala ang ingay. Binalot nya ang isang piraso ng tela ang hawakan, at nilagyan ang mga tasa ng lahat.

[Tignan mo ito bilang isang halimbawa.] Inabot ni Roland ang tasa at pinakiramdaman ang temperatura ng hawakan. [Mula sa pagkadiskubre ng apoy, naging isang katotohanan ang prinsipyo ng pagkulo ng tubig. Maraming tao ang nakasaksi ng 'kumukulong tubig' at ginamit ito, ngunit walang nakaisip ang ang malumanay na umaangat na water vapor ay maaring maglaman ng napakalaknig enerhiya.]

[Pagkalipas ng ilang daang taon, ito ang magiging pangunahing dahilan ng pag-unlad ng sangkatauhan, at mabilis nitong babaguhin ang kasaysakay ng sangkatauhan. Bagaman simple ang prinsipyo, dahil sa limitadong teknolohiya, hindi iyo ang magiging unang pipiliin pagdating sa pagsasaka. Ngunit iba ang mundong ito,] inisip niya, [may mga witch dito. Ang paggamit ng mahika para sa mga digmaan ay isang paraan ng mga barbarians… Sa halip, ang paggamit ng mahika upang lumikha at palitan ang ilan mga pangunahing teknolohiya upang mapabilis ang pag-unlad ng sibilisasyon ay ang tamang paraan ng paggamit ng mahika.

Nag-usap sila hanggang sa lumubog ang araw, at pagkatapos kumain ng hapunan, pumunta si Roland sa kanyang kwarto.

Walang nightlife sa panahong iyon, at karamihan sa mga tao ay natutulog na maaga kung hindi sila nagtatalik. Dati na niyang inisip na gamitin ang kanyang posisyon bilang isang prinsepe at tumawag ng isang katulong para sa isang pisikal na gawain. Ngunit sa huli, masyado siyang nahihiya na gawin ito.

Pagkatapos niyang sindihan ang kandila sa kanyang silid, nakaranig siya ng palakpalak sa likod niya, at biglang may nagsalita, "Isang kamangha-manghang lecture. Hindi ko inaasahan ang isang taong may napag-aralan."

Ito ay boses ng isang hindi kilalang babae. Agad naramdaman ni Roland ang malamig na pawis sa kanyang noo. Kung nagawa niyang biglang magpakita sa kanya sa loob ng kanyang silid ng hindi pinapaalam sa kanya, ano pa siya kung hindi isang assassin?! Agad siyang tumakbo patungo sa pintuan, ngunit bago pa niya maabot ang doorknob, nakaramdam siya ng malamig na hangin na humihihip sa kanyang tenga. Ng bumalik siya sa malay, natagpuan niya ang isang silver dagger na pirming nakabaon sa pintuan, at isang daliri lamang ang layo sa kanyang pisngi.

Next chapter