webnovel

Relax, It's Just Immaturity

Si Dabrien Santos ay isang babaeng maloko pero seryoso? Lumipat siya sa Manila at doon naranasan ang iba't ibang bagay na unti unting bumago sa takbo ng buhay niya. Bagong tahanan, bagong paaralan, bagong kaibigan, bagong kalandian?!

LICS1 · Teen
Not enough ratings
7 Chs

Backstory 1

FLASHBACK ( year 2018 )

"This is wrong, but it feels alright" Malumanay na sabi niya, nandito kami ngayon sa tagong park sa village namin. Mahilig kaming maglakad ni Ken tuwing gabi, just to talk and spend time with each other, palagi kaming ganito, tumatakas ako sa bahay namin while si ken naman ay nagpapaalam. Hindi tutol yung parents namin sa kung anong mayroon kami kasi wala naman silang alam tungkol sa nakaraan naming dalawa, kung anong nakikita nila yun lang ang pinaniniwalaan nila. Malamig ang simoy ng hangin, at pawang kaming dalawa lang yung naka upo sa swing, habang tinatanaw yung kalangitan. "Ken, kalimutan na natin lahat ng nangyari" nakatingin kong sambit sakanya habang siya naman ay tinatanaw pa din ang mga bituin sa itaas. I've known ken for 2 years now, nung una ko siyang makita is nasa library ako tapos natanaw ko lang siya sa kabilang building kasama si Zion na kakilala ko, naalala ko na tinitignan ko siya kasi una palang nagwapuhan na ako sakanya.

( December, year 2016 )

Nang tumingin si Zion sa puwesto ko ay ako naman ang umiwas ng tingin at kunyari ay hindi ko sila naririnig o nakikita. Pinakilala ako ni Zion kay ken nung mismong oras na iyon, "Ken look, nakikita mo yung babae na iyon sa building B1, Si Dabrien Santos nag iisang pinsan ni Harris" kwento ni Zion, pero pinilit ko pa din hindi ipahalata na naririnig ko talaga lahat ng chismis niya. Si Harris, yes tama pinsan ko siya, close kami pero wala naman siyang nababanggit na Ken sa akin, kaya medyo nagtataka ako na kilala niya, well si Zion syempre kilala niya kasi medyo magkaibigan din sila. Dalawang taon ang tanda sa akin ni Harris, sila Zion naman ay isang taon lang. Hindi naman ganoon kaliit ang CCC para ganung makilala nila ang isa't isa, kung tutuusin mas malapit ang building namin nila Zion kesa sa building nila Harris.

Tinawagan ko si Zion para makipagkita at makasagap ng info tungkol dun sa Ken na iyon. "Kuya Zion, hey" masiglang bati ko sakanya, "Hey Brie, bakit may kailangan ka ba?" tanong naman niya, "Nope wala, pero I was wondering kung kailan mo tutuparin yung promise mong libre sa akin nung nakaraan" medyo paawang sambit ko, "Fine, I got you HAHAHA meet me dun sa tagpuan after class" nagpaalam na ako tsaka ko binaba yung call. Last week kasi nagkaroon kami ng maliit na get together, nag bet kami nun ni Zion and I won kaya ililibre niya ako, So for now kailangan ko lang isipin kung paano ko maaapproach yung topic tungkol dun sa gwapo without him noticing na interesado ako. Knowing Zion alam ko na ibubunyag niya iyon at aasarin ako magdamag lalo na't tungkol pa sa lalaki, I don't see a lot of guys kaya malamang sa malamang he will see this as a chance, ayoko pa namang malaman nung Ken iyon lalo na't nagwapuhan lang naman talaga ako salanya DUh.

2:45 nasa cafe na ako, we both love this cafe kasi ang unique nung pangalan niya which is Tagpuan parang ang ganda lang talaga ng dating plus they serve really tasty coffee here tsaka pastries. Natanaw ko nang pumasok si Zion kaya kinawayan ko na siya para makita niya ako. Kuya Zion is tall, gwapo din amd chinito, magaling siya sa sports pero hindi sa acads so fair lang. "Brie, glooming ka ata, you seem happy" bati niya sa akin as soon as makaupo na siya sa harap ko, "I'm not, pagod na nga ako eh nakakastress yung araw na toh" angal ko naman sakanya na agad na ikinatawa niya, "Umorder ka na para matanggal yang pagod mo" pag aalok niya sa akin, tumingin ako sa menu na inabot niya then ordered the usual na salted caramel frappe then ensaymada, nagtatalo ako sana between two options kaya ako na lang yung umorder din kay Zion para matitikman ko HAHAHHAHA, I chose red velvet mocha frappe then isang cinammon roll.

"Kuya nakita kita kanina sa quadrangle naglalakad, tinawag kita pero may kausap ka eh" medyo pagsisinungaling ko sakanya, nakita ko naman talaga sila ulit ni Ken sa quadrangle pero hindi ko siya sinubukan pang tawagin kasi nahihiya ako, "Hindi ka naman mahilig bumaba ng room niyo eh, first time ata kitang makita doon na naglalakad sa initan HHAAHA" Asar ko sakanya kaya napatawa siya ng bahagya, first time niya talaga iyon kasi medyo sensitive siya pagdating sa skin niya kaya hindi yun mahilig magbilad sa initan, lalo na at lumakad sa gitna ng quadrangle, "Oo kanina kasi sinamahan ko yung bagong transferred na kaklase ko si Ken para pumunta sa cafeteria, syempre hindi niya alam kung saan kawawa naman" medyo pabirong sabi niya, "lol, he seems special, kahit ako hindi mo ako sinasamahan pag ganyan eh, and what more transferee pa talaga ha, you barely know him" pang eechos ko para humaba na yung usapan at ma divert dun kay ken, "Well mabait naman si Ken eh, 3 weeks na siya dito sa school kaya kailangan niya mag familiarize. Tsaka hahabulin ng chix yun ano ka ba, mapa mas bata o matanda samin siya ang nais HAHAHHAA" so ayun naman pala eh, gwapo kasi siya talaga, matangkad na tisoy eh kaya agaw pansin "mas gwapo ka kaya dun" biro ko sakanya, agad naman siyang namula sa remark ko HAHAHA cute. "Hindi ah, alam mo ba si ate Heidi mo yung classmate ni Harris pinopormahan si Ken kababaing tao, pasalamat siya mukhang interesado sakanya si Ken, mahilig ata sa maganda eh" kuwento niya. Si ate Heidi? wtf jusko naman, maganda na siya, matalino din tapos sa mas bata papatol, judgemental oo pero kasi HAHAHAH parang pedo lang ang peg although one year lang naman.

Patapos na kami kumain ni Zion nang mag ring yung phone niya, si Ken tumatawag. "Bro ano ganap" rinig kong sabi ni Zion, hindi ko na pinakinggan pa yung iba pero mukhang hinahanap siya nung Ken at inaayang mag hang out, "Brie Pagkatapos nito uwi na tayo, dun tayo sa bahay laro laro lang papakilala kita kay Ken" dirediretsong sabi niya. Parang di pa ata ako ready na makipagclose dun jusko, lalo na sa nalaman ko pa tungkol sa kanila ni Heidi, parang nakakawindang at feel ko chic boy putsa. " Hmm, sge" pumayag na lang ako since wala din naman akong gagawin samin eh, magkapitbahay lang din kami ni Zion kaya hindi din naman nakakapagtaka na ganun na lang siya makapag aya at kung parati din akong nakatambay sakanila these days.

Past 4 pm na kami nakadating sa bahay nila Zion and nandun na pala agad si Ken sa tapat ng bahay nila. Wala sa huswisyo akong nag ayos ng itsura, nakakataranta pero dapat calm lang para mukhang mahinhin at natural, ayoko din naman malaman ni Zion na nagkakaganto ako kasi baka makahalata siya. "Hey, kanina ka pa?" bati sakanya ni Zion at medyo nag apir pa silang dalawa, pfft. "Brie come here, si Ken my new friend, and Ken this is my main Dabrien" pagpapakilala saming dalawa ni Zion, bahagya naman akong tumingin at ngumiti sakanya nang ilahad niya yung kamay niya kaya wala na din akong nagawa kundi makipagkamay na lang, jusko kunyari hindi apektado. Papasok na sana kami ng bahay nang sumigaw si Harris na kadadating lang ata galing school, "Hey, Brie anong gagawin niyo, maghahang out?" Medyo hinihingal na tanong niya sabay tingin kay Ken na ngayon ay nakatingin na din sakanya, "Ate Harris, galing kang school? gusto mo pumasok? maglalaro lang kami nila Brie" aya naman sakanya ni Zion, weird naman nito ni Harris bigla bigla na lang sumusulpot and the hell bakit siya tumatakbo? naka heels pa man din siya gosh. "Sure Zion, give me a sec" tumalikod siya samin at bahagyang nag ayos ng itsura niya kasi medyo pinawisan siya, nung humarap siya ay dumiretso yung tingin niya kay Ken na kanina pa hindi inaalis yung tingin sakanya. Ako lang ba naweiweirduhan sa eksena ngayon, kanina pa sila nagtititigan na parang nag uusap sila and all, parang ngang may tinatago sila na something, something fishy. Nauna na si Harris sa loob na agad namang sinundan ni Ken, "Zion" tawag ko sakanya, kami na lang dalawa yung nasa labas ng bahay nila, hindi ko alam pero parang hindi din siya mapakali eh, "Zion ano yon?" pangalawang ulit ko kaya tumingin na siya sa akin, nagtitigan lang kami and sobrang seryoso niya na talaga na para bang may gumugulo din sa isipan niya. "Brie, I don't mean to tolerate yung behavior nila pero may gusto si ate Harris kay Ken, pero I don't know about him kung si Harris ba o Heidi talaga" sabi niya sabay hawak sa dalawang balikat ko at bahagya lang akong tinignan sabay inakbayan papasok ng bahay nila. WHAT THE ACTUAL F*CK