webnovel

Relationship Goal (SHORT BL STORY)

Nakalaan ang lahat ng mga karapatan. Walang bahagi ng lathalang ito ay maaaring kopyahin, ibinahagi, o maipapadala sa anumang anyo o sa anumang paraan, kasama ang pag-photocopying, pagrekord, o iba pang mga pamamaraan sa elektronik o mekanikal, nang walang paunang nakasulat na pahintulot ng publisher, maliban sa kaso ng mga maikling sipi na naka-embodied sa mga kritikal na pagsusuri at ilang iba pang mga non-komersyal na paggamit na pinahihintulutan ng batas sa copyright.

                                    -2020

Char lang! Share mo basta yung credits ha!!

Don't expect too much first time ko magsulat.

ACT. ONE

EXT. OUTDOOR-DAY

Umuulan at sa ilalim ng mga puno makikita ang dalawang taong parang bagong laya sa selda...At unti-unting tumila ang ulan at sa pag tila nito maririnig ang mga huni ng maliliit na ibon. Binuksan nila ang hose at ginawa nila itong shower. Nagbasaan at kinalimutan ang problema.

KAPITBAHAY

Kanino 'to hindi ako nagsusuot ng ganyang brand ng tsinelas..baka sa kapitbahay natin?(sabay bato ng tsinelas sa dalawang taong nagbabasaan sa harap nila) Hay Naku mga isip bata!!

ARIS

Ay butuki na may butas! Ano 'to? Haisst! (sabay bato sa tsinelas)

YOLO

Kita mo na?! Minamalas talaga tayo!

ARIS

Wala akong pakialam akin na yang hose.Aaaaaaaacccchhhhiiinnngg!!!Aaaaaaaaaachhhhhhiinnnng!!

(Paulit-ulit na bahing nito)

YOLO

Halika dito punasan kita. Sabi ko na sayo mamalasin tayo.

ARIS

Tsk tsk tsk!..nagkataon lang. Paanong hindi ako sisipunin nagpaulan tayo. Nakakaalis ba ng malas ang ulan?

YOLO

Baka?

ARIS

Aaaaaaaaaaaacccchhiiinnggggg!!! (bahing muli nito)

YOLO

Haisst!! Halika rito! (Sabay hug)

ARIS

Anong ginagawa mo?

YOLO

Tinutulungan ka..shut up ka na lang! Tignan mo...effective ba?

ARIS

(Gustong kumawala sa yakap) eeh! Yolo! Ano ba?!   Aaaaaaaccccchhhhhiiiingggg!

YOLO

Tignan mo? Bakit hindi ka kasi naniniwala sakin? (sabay hug ulit)

ACT. TWO

INT. CAR-DAY

Tipikal na kotse.Pula at may Lilo and Stitch na stuffed toy sa likod.

YOLO

Bilis drive na...ma-lelate tayo!

ARIS

Kailangan ko ba talaga suotin 'to? Red pa talaga?

YOLO

Hmm!(sabay labas ng listahan)

ARIS

Gagawin natin lahat yan?!!

YOLO

Oo! Gusto mong malasin tayong habang buhay?!

ARIS

Teka! Sino ba nagsabi sayo ng malas-malas na yan? At kanino nanggaling yang pang-alis na malas na yan ha?

YOLO

Ahhm...Sa isang matanda. Aksidente ko siyang nakita kahapon sa Quiapo!

---------------------------------------------------------------------

*FLASHBACK*

MATANDA

Iho!!

(nagtataka si YOLO)

Ikaw nga!

(sabay turo ni YOLO sa sarili)

Hahabulin ka ng malas!Kalusugan,trabaho,pera at lalo na buhay pag-ibig. Pwedeng mawala sayo sa madaling panahon! Kailangan mong tanggalin ang malas sa madaling panahon. Bago mahuli ang lahat!

YOLO

Tanggalin ang malas?

MATANDA

Ha? Ano yun?

YOLO(louder voice)

Paano ko po tatanggalin ang malas? (ulit nito)

MATANDA

HA! tanggalin ang damit ko? ok!( magtatangal ng damit ang matanda)

YOLO

DI DI DI Hindi po! Malas po hindi damit niyo!

MATANDA

aaahhhh ok ok ok Malas hindi damit. Ok lang naman kung damit ko ang tanggalin ko. May asim pa naman ako!

(YOLO with akward laugh)

Sige...gawin mo lahat ang sasabihin ko.

------------------------------------------------------------------------

YOLO

Pero dapat lahat ng ito ay matapos bago mag hating-gabi.

----------------------------------------

*PRESENT*

ARIS

Naniwala ka talaga!

YOLO

Kung nakita mo lang siya. At saka minalas talaga ako after ko siyang makita kahapon. #1 yung kape ko may ipis! #2 nawala yung pera ko at #3 naubusan akong tissue sa C.R. ng mall.Paniwalaan mo ako baka mamaya magkahiwalay tayo.

ARIS

Baka gawa-gawa mo lang yan?

YOLO

Hindi no!

ARIS

Sige sige! Anong susunod nating gagawin?

YOLO

Akin na!(sabay bukas ng palad)

ARIS

Holding hands???!!!Para saan?

YOLO

Pangtanggal malas! Every one hour!

ARIS

Nababaliw ka na?

YOLO

Huwag mong sabihin yan!

Oh Holy...shocks! Nakalimutan ko.

ARIS

Ano na naman!?!

YOLO

Kailangan natin mag-commute.

ACT.THREE

INT. BUS-DAY

Matao at siyempre siksikan. Nakaupo sila sa pangdalawahan at malapit sila sa may pintuan.

YOLO

Bakit?

ARIS

Wala! Hindi ako commuter,driver ako.

YOLO

Isipin mo na lang nagka driver ka na. At least mas marami tayong oras magkakausap ngayon.(sabay yakap)

ARIS

Huy! Ang daming tao dito at saka mainit!

YOLO

Tignan mo kung nagdadrive ka ngayon hindi kita mayayakap ng ganito.

ARIS

Kapal talaga ng mukha may mga tao. Haist...

ACT FOUR

EXT. GREEN HOUSE-DAY

Parang nasa garden of eden ang dalawa ang daming mga makukulay na bulaklak at mga luntiang pananim.

ARIS

Ano bang hinahap mo?

YOLO

Banaba!(sabay pakita ng picture)sabi nila kapag nagtanim ka daw nito magiging matatag ang love and patience sa relationship.

ARIS

Mamalasin ka talaga.Hindi naman yan Banaba...Pili yan.

YOLO

Banaba

ARIS

Pili yan ang kulit

YOLO

Tanungin pa natin yung may-ari!

ARIS

Sige mag tanong ka pa!

YOLO

Kuya ano po bang puno 'to?

KUYANG GARDENER

Pili po

ARIS( with sarcasm)

Ano po? hindi ko po narinig!

KUYANG GARDENER

Pili

ARIS(confident na humarap ito kay Yolo na nakataas ang kilay)

Ano?

YOLO

Paano ko naman malalaman. Hindi naman ako magsasaka.

ACT FIVE

INT. BUS-DAY

Sa dating pwesto. Marami pa ring tao. Kandong-kandong ni ARIS ang puno ng pili na binili ni YOLO.

ARIS

Oh anong sunod?

YOLO

hmm!

ARIS

Patingin nga! (sabay hablot ng papel pero hindi nakuha)

YOLO

Ako ng bahala.

ARIS

Dapat binili natin 'tong pili mamaya.

YOLO

Eh! Baka traffic na kasi mamaya.

ARIS

Sabado ngayon kaya wala masyadong traffic.

YOLO

Edsa 'to kaya walang sabado..sabado. kahit nga strike traffic eh.

ARIS

Esus! Sobra naman!

YOLO

Tutut Tutut Tutut Tutut!(Tumunog ang alarm at sabay bukas ng palad si YOLO) Akin na kamay mo...holding hands na tayo!

ARIS

Hay Naku!!

ACT SIX

INT. PAGODA-DAY

Chinese pagoda. Sa may binondo! Tahimik at sobrang nakakakalma.

ARIS

Anong susunod nating gagawin?

YOLO

*silence*(looking at ARIS's eyes then lips)

ARIS

*silence*(looking at YOLO's eyes then lips too)

Oo na!! Nakita ko kanina! Kiss? tama?

YOLO

Ano sa tingin mo? Halika na nga pasok na tayo!

ARIS

*Smile

----------------------------------------------------------------------

INT. ROOM WITH INCENSE

Naroroon ang isang matandang babae na may hawak na puting malalaking kumot...

YOLO

Ang puti naman po ng mga kumot na yan?

MATANDANG BABAE

Hindi 'to kumot...

ARIS

Ano po yan?

MATANDANG BABAE

Mga pinagbalutan sa mga patay.

ARIS

Bakit ako nandito?

YOLO

Tayo! bakit tayo nandito? Magkasama tayo!

MATANDANG BABAE

Pumasok na kayo sa kabaong para dayain ang malas. Ang kamalasan sinusundan lang ang mga buhay at kapag akala ng kamalasan patay na kayo lulubayan na kayo ng malas. Naiintindihan niyo ba?

ARIS

Lola? May gumamit na po ba nito?

MATANDANG BABAE

Huwag kayong mag-alala handwash yan with fabric conditioner Ariel seven fifty lang.

YOLO(Akward)

Ayos...hehe! Mabuti naman.

ARIS

Nasisiraan ka na talaga! Patay na gumamit nito!

YOLO(Pabulong)

Feeling ko nagjojoke lang siya!

ARIS

Haist! Mukhang hindi eh!

MATANDANG BABAE

Sinong mauuna?

YOLO

Siya po lola! (sabay turo kay ARIS)

ARIS

Opo ako lola....Ha!! Ako mauuna?? Di di di hindi po patay ka sakin Yoooollllooooooo!!

*Sabay hablot ng matandang babae sa kanya papunta sa loob ng kabaong.

------------------------------------------------------------------------

ARIS

1...2 ....3.... 4... 5....6....7..Yolo? Yolo?!

YOLO

Ano?

ARIS

Hanggang anong oras tayo sa loob nitong kabaong?

YOLO

Hindi ko alam?

ARIS

Ano?! Ang sikip-sikip naman dito at saka hindi na ako nakakahinga!

YOLO

Shut up ka nalang at magpatay-patayan.

ARIS

Haist! Ewan! (sabay bukas ng kabaong at katok sa katabing kabaong)

Hoy buksan mo na yan alis na tayo!...

Ayaw mo ha! (sabay bukas sa katabing kabaong)

Aaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhh!(At sara sa kabaong)

YOLO

Nandito ako sa kabila!

ARIS

Si...Si..sino 'to?

YOLO AT ARIS

AAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!!

YOLO

Infairness yung makeup so natural parang natutulog lang.

*Biglang dumilat yung taong nakahiga sa kabaong*

KUYANG KABAONG

Thanks...

ACT SEVEN

EXT. OUTSIDE PAGODA-DAY

Tutut Tutut Tutut Tutut! Tumunog ang alarm at sabay kinuha ni ARIS ang kamay ni YOLO.

ARIS

Akin na kamay mo. Holding hands time.

YOLO

Good! At oras na para sa susunod sa list. Ang maglakad!

ARIS

Ano? Maglalakad?! Huwag naman to!

(starting to walk while holding hands)

YOLO

Bilisan mo naman maglakad!

ARIS

Pahinga naman tayo!

YOLO

No!

ARIS

999 meters yan yung nilakad natin! Kaya please magpahinga naman tayo.

YOLO

Malapit na tayo isang kanto na lang.

ARIS

Oo na!!

------------------------------------------------------------------------

ACT EIGHT

INT.MOVIE THEATRE-DAY

Sa sinehan. Kaunti lang ang tao. Isang popcorn at soda ay sapat na!

ARIS

Kailan pa nakakatanggal ng malas ang panonood ng sine?

YOLO

Ewan yun yung sabi nung matanda eh!

*watching*

ARIS

Yolo..Weird parang hindi naman ganito ang mga dapat gawin para matanggal ang malas!

YOLO

Weird?parang hindi naman!

ARIS

Oo weird! Dapat nasa simbahan tayo nagpapa bless, nagsisindi ng kandila, nagaalay ng kung ano-ano sa mga dwende or engkanto,nagpapatawas at hindi ganitong nanonood ng sine!

YOLO

Shhh! Huwag kang maingay nakakaistorbo tayo sa mga nanonood.Popcorn gusto mo?

*sabay subo ni Aris sa bigay ni Yolo

ACT NINE

EXT.ALONG MANILA BAY-LATE NOON

Naglalakad ang dalawa. Masaya.

YOLO

Wow. Ang cute cute mo naman meow meow!

ARIS

Itim na pusa yan.Di ba malas yan at dapat iniiwasan?

YOLO

Ahm..ahm..oh..Oo ahm..so ano dapat nating gawin?

ARIS

Lumayo ka pusa patalikod ka lumakad ha.Simple lang! Halika na nga! Naniniwala ka sa malas pero di mo alam malas pag nakakita ka ng itim na pusa.

YOLO

Okay. Lalayo na ako. Patalikod ako lalakad.

------------------------------------------------------------------------

*Holdap 'to!!(Aris can do boxing so wala na tapos ang laban...hahabulin pa sana niya kaso pinigilan siya ni Yolo)

ARIS

Bakit mo ko pinigilan Yolo?

YOLO

Baka kasi mapahamak ka? Pag may nangyari sayong masama. Papaano ako?

ARIS

Ewan ko sayo. Sabihin mo na kung ano pang susunod para matapos na 'tong kamalasan na 'to.

YOLO

*silence*

ARIS

Sabihin mo nga ang totoo.

YOLO

Anong totoo?

ARIS

...Sabihin mo na.

YOLO

*silence

ARIS(louder voice)

Sabihin mo na!!!

YOLO

Oo nagsinungaling ako.

ARIS

Sige sabihin mo!!

YOLO

Gawa-gawa ko lang yung malas tapos yung listahan. Wala talagang matanda.

ARIS

Bakit?

YOLO

Gusto ko lang naman gawin yung ginagawa ng mga magkarelasyon. Hindi yung kailangan natin mag tago kasi para sa ibang tao hindi normal ang ganitong relasyon.

ARIS

Talaga lang! Pati yung sa kabaong ginagawa ba yun ng mga normal na magkarelasyon??

YOLO

Ah yung sa kabaong nasa bucket list ko yun gusto ko lang matapos.

Sorry. Sasabihin ko naman eh kaso lang nakaramdam ako ng laya at saya. At saka tao rin naman tayo bakit kailangan natin magtago sa kanila. Magholding hands sa ilalim ng lamesa. Kailangan magkahiwalay tayo ng upuan sa loob ng sinehan. Hindi pwede magyakapan sa harap ng ibang tao. Aris... Sorry.

ARIS

Haist! Inis na inis ako! Nagbitbit pa ako ng pili nito sa wala! Naglakad ng sobrang layo. Humiga sa kabaong. Gusto mo lang pala ng date! Relationship goal or whatever.

YOLO

Sorry. Hindi ka na galit?...uy!

ARIS

Anong hindi!

YOLO

Ahm..

meron pang natitira sa lista para mawala ang malas. Gusto mo tapusin na natin? Gusto mo? Alam kong alam mo kung ano yun?

ARIS

*smile and grab YOLO and kiss.

EXT.MANILA BAY-LATE NOON

MATANDA

May nakikita akong kamalasan.Hinahabol kayong dalawa kailangan niyong gumawa ng paraan bago mahuli ang lahat.Ito mga iho gawin niyo 'tong nandito sa listahan para maiwasan ang malas.

ARIS

Hindi Yoloooo!!

YOLO

Ngek nagkatotoo!!

MATANDA

Ikaw na nagbabasa hinahabol ka rin ba ng malas? Gusto mo rin ba ng listahan ng pangtanggal malas?