2 Chapter 1

"Sure kayo?" I asked them again if they really want to publish a story. And that story is my love story, yes my love story.

Medyo di sya kapani-paniwala na medyo maganda naman pero, wala eh 'di talaga kinaya.

"Oo bili na! Payagan mo na kami maganda kaya sya!" Pag-pupumilit ni Natalie.

"Oo nga kaya kwento mo na ulit yieeee! Wag nang arte arte tadyakan kita d'yan eh!" Dugtong naman ni Nicole.

Talaga 'tong kambal na 'to! Talagang kambal eh. Pareho nilang pinipilit kaines! By the way sila si Natalie and Nicole Hernandez, like I said they were twins. They are my best friends, they are one of those people I trust so gora na!

"Eto na nga saglet baka 'di nako makauwi ng buhay eh! Nakakahiya naman kase sa inyo noh!" Umirap pa ako para kunwari napipilitan HAHAHA deep inside naman kase gusto ko. Malay mo naman kase eto pala yung way para may maalala si Dewei sa nakaraan namin.

"Aba dapat lang mahiya ka samin noh. Pinakain ka namin naka-connect ka sa WiFi namin!" Sunod sunod na sabi ni Nicole. Aba naman sinumbatan pa ko!

"Oo nga tapos nakahiga ka pa d'yan sa kama namin prenteng-prente pa! Tsssk." Dagdag naman ni Natalie. Kambal talaga sila pinag-tutulungan pa ako! Grabe sila ih.

"Waw! So sinusumbatan n'yo ko? Sige na nga makaalis na" akmang tatayo pa ako HAHAHA para makumbinsi silang aalis ako. Ba naman sumbatan ako.

"De ano ka ba Calla charot lang 'yon. Ikaw talaga Nicole masyado mong sinusumbatan si Natalie hayaan mo s'yang mag-relax relax d'yan" Ngingising sabi ni Natalie.

"Nyenyenye sige na mag-kwento ka na" sabi naman ni Nicole.

"Oo na eto na nga oh!"

"Wait kukuha lang ako ng papel" tumayo si Nicole at kumuha ng papel sa bag nya.

"Saan ako mag-uumpisa?" Tanong ko. Syempre di ko naman alam kung saan ako mag iistart noh.

"Natural don sa nagkita kayo!" Sigaw ni Nicole saken. Aba nakakarami na 'to ha! Di na ako natutuwa hmpft.

"Ah okay po ma'am ha! Sige!"

Sarkastiko kong sagot sa kanya.

"Wait! Irerecord ko ha! Ikwento mo na parang point of view mo talaga alam mo yon? Parang ikaw mismo yung character na nandon sa story." Sabat naman ni Natalie sabay kinuha ang phone n'ya. Mayaman 'toh mga sis naka Iphone 11.

"Oo nga wag mo isipin na sa amin mo sya kinukwento dapat parang nandon ka talaga sa libro!" Dagdag naman ni Nicole.

"Sige sige!" Sagot ko sa kanila. Nakita ko naman na pinindot ni Natalie yung phone nya."Okay na?" Tanong ko sa kanya.

"Ay hinde! Di ko pa nga napipindot oh! Shokla 'toh" Grabe talaga 'tong kambal na 'toh napakatatas ng mga bunganga.

"Sorry ulet ha!Tss.." Sarkastikong sabi ko.

"Bili na mag-salita ka na! Dami pang dada eh!" Sabi ulet ni Natalie.

Huminga ako ng malalim. Eto na, tama gagawin ko na 'toh ngayon.

Huminga pa ako ulet ng malalim at nag-salita.

"Sabihin nalang naten mahirap intindihin ang lahat. Maraming nangyari at maraming hindi kapani-paniwala. Marami ang nag-sasabi nang 'nababaliw ka lang!' 'wala ka na sa katinuan' nakakatawa kaseng kung iisipin mo yung love story ko. Masasabi mo talaga ang mga salitang 'yon. Dahil ang kwento ng pag-ibig ko ay umiikot sa....."

Tumigil ako saglet at nag ipon ng lakas para sabihin ang isang salita.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

"Reincarnation...."

avataravatar
Next chapter