webnovel

Code 1

MANILA | *** CHURCH

1:26 PM

"Itigil ang kasal!" Sigaw ko habang seryosong naglalakad sa gitnang bahagi ng simbahan.

Nagsimulang magbulungan ang mga bisita dahil sa bigla kong pag eksena, may mga bisita pang napatayo sa kani kanilang mga upuan. Nakatingin sa akin ang bride at groom ng may pagtataka sa kanilang mga mukha.

Napangisi ako bago huminto sa paglalakad at sumeryoso."Walang Forever! Mga sira ulo!" Sigaw ko bago isinuot ang isang gas mask at ibinato ang hawak kong tear gas sa kung saan.

***

My name is Red Lorenzo. Red for short, and Gwapo for shorter. Bahala na kayo kung anong gusto niyong itawag sa akin, pero mas gusto ko yung Gwapo. Ako lang naman ang pinakagwapong tao sa buong mundo.

Yes! Gwapo nga ako. Nung nagpaulan kasi ng kagwapuhan si Lord nasa labas lang ako habang may hawak na malaking malaking embudo na nakapatong sa ulo ko. Edi ang kinalabasan, nakuha ko ang titulo ng pinaka gwapong tao sa buong mundo.

Anong magagawa ko? Bukod sa kagwapuhan ko, biniyayaan din ako ng talino at madaming talento. Kung hindi nga lang sa isang bagay baka naging perfect na akong tao eh. Psh.

"What are you doing in this kind of place, Red?" Bungad na tanong sa akin ng panget kong pinsan na si Matt, ng makasakay ako sa kotse niya. Tinawagan ko kasi siya para magpasundo. "Teka! Galing ka ba sa Police station na yun?" Turo niya sa isang Police station sa gilid. Nagkibit balikat lang ako na ikinakunot ng noo niya. "Yung totoo? What did you do here?"

"Wala naman masyado. In-enjoy lang ang buhay." Sagot ko at napangisi ng maalala ang ginawa ko kanina.

"Seriously Red? Enjoying your life without us?" Inis na sabi ni Matt na ikinatingin ko sa kanya.

"What? Eh sa masyado kayong busy sa school works kaya nagsolo nalang ako." Sagot ko.

"What did you do here?" Tanong niya. Geez. Napakamatanong talaga ng isang ito.

Dapat pala kay Max--- twin bro niya nalang ako nagpasundo.

"Wala naman masyado." Tumingin siya sa akin ng naniningkit ang mga mata.

"Wala? Seriously? Nakarating ka dito sa Manila from Bulacan tapos wala lang? Unbelievable." OA niyang reaksyon. Hindi ko nalang siya pinansin.

Ikinabit niya muna ang seatbelt sa akin bago paandarin ang kotse.

Napatingin ako sa bintana ng kotse ng mapandaan kami sa isang simbahan, nagkalat ang mga tao sa labas nito. Meron ding mga pulis at medic na kasalukuyang inaasikaso ang mga tao doon.

"Mukhang may gulong nangyari diyan kanina ah. Ano kayang nangyari?" Nabaling ang tingin ko kay Matt, pasalit salit ang tingin niya sa daan at sa bintana.

Nagkibit balikat lang ako pagkatapos ay itinaas na ang salamin at sumandal na muli sa upuan.

Actually hindi naman kasi talaga iyon kasama sa plano, makikikain lang sana ako sa reception nila kasi nagugutom na ako pero dahil nagmakaawa sa akin yung bride nung mapadaan ako sa bridal car niya kanina na tulungan ko daw siya.

Hindi naman daw talaga kasi niya gustong magpakasal doon sa gurang at matabang lalaki na yun, magulang lang daw niya yung may gusto dahil mapera daw. At dahil nga bukod sa gwapo, matalino, talented, sobrang gwapo ko, napakabait at matulungin ko ding tao. Oh diba? Almost perfect na talaga?

At ayun na nga ang nangyari. Binigyan ko ng gas mask yung babae kaya hindi siya naapektuhan nung tear gas na binato ko at nakatakbo papaalis. Mabuti nalang talaga at mayroon akong ganung mga kagamitan kaya may nagamit ako.

"Mahuhuli kaya nila yung taong may gawa niyan? What do you think, Red?" Tukoy ni Matt sa mga taong ngayon ay walang malay na nakasakay sa mga stretcher.

"Depende." Maikling sagot ko. Dahil sa naging tanong niya, naalala ko na naman tuloy ang nangyari kanina.

Flashback

POLICE STATION

Napakunot ang noo ko ng makita kong diretsyo ang tingin sa akin ng officer na siyang naghuli at nagdala sa akin sa lugar na ito.

Bwiset kasi yung babae, ang bagal bagal na nga tumakbo, doon pa dumaan sa guard ng simbahan, muntik ng mahuli kasi nakatunog na si manong. Edi ako naman itong si gwapo at mabait tinulungan siyang makatakas kaya ito ako ngayon at namomoblema.

Nabalik ang wisyo ko ng patunugin nung pulis yung dalawang daliri niya sa harapan ko. Sa itsura niya parang may hinihintay siyang kung ano. "Gwapo." Sabi ko nalang.

"Ano?"

"Gwapo ho."

"Gwapo ang pangalan mo?" Nagulat ako sa naging tanong niya pero napatango tango nalang ako. Hays. Akala ko naman pinapadescribe niya itsura ko, yun pala pangalan ko.

"Apelyido?"

"Lorenzo."

"Gwapo... Lorenzo?" Kumunot ang noo nito pero hindi na nagkomento pa.

Napangisi ako. Bagay na bagay! Kung sana ganyan nalang talaga ang pangalan ko. Ang astig sana!

"Ilang taon?"

"21." After 5 years.

"Ano?!"

"21 ho."

"21 kana?" Gulat nitong tanong.

Tumango ako. "Baby face lang ho."

"Sigurado ka ba?"

"Tingin niyo ho?" Tumalim ang tingin nito sa akin, napakibit balikat nalang ako. Ayoko kasi sa lahat ng ganyang tao eh. Tanong ng tanong hindi naman pala maniniwala.

"Saan nakatira?"

"Sa bahay ho."

Tumalim na naman ang tingin nito sa akin. "Niloloko mo ba ako?"

"Bakit naman ho kita lolokohin? Close ho ba tayo?" Psh. Mukha ba akong FC? Hindi ko nga alam pangalan niya tapos lolokohin ko pa? Malay ko ba kung anong klaseng tao siya. Baka mamaya mamamatay tao pala siya, edi patay ako niyan.

"Sumagot ka ng maayos!" Inis niyang bulyaw na ikinangiwi ko. Galit agad eh.

"Maayos naman ho ang sagot ko ah."

"Pinipilosopo mo ako eh!"

"Imagination niyo lang yun."

Sinamaan niya ako ng tingin bago binuklat ang papel na hawak niya. "Kaano-ano mo ang mga biktima?" Seryosong tanong nito.

Biktima?

"Sino hong biktima?"

"Yung mga tao sa kasal, kaano-ano mo sila?"

Biktima ba sila? Ako kaya ang biktima dito! Nagmagandang loob lang naman ako ah!

"Hindi ko ho sila kilala."

"Sigurado ka ba?" Tumango ako. "Nagsasabi ka ba ng totoo?"

"Mukha ho bang joke?" Kumunot ang noo niya bago ibinaling ang tingin sa papel na hawak.

"Ano ang intensyon mo sa ginawa mong pagsira sa kasalan kanina?"

Napaisip ako. Intensyon? Sa pagsira sa kasal? "Wala naman ho." Intensyon kong makatulong, hindi makasira.

"Edi bakit mo sinira ang kasal nila?"

Tingin mo? Tsk.

"Maghihiwalay din naman ho sila kalaunan, pinigilan ko na ho habang maaga pa."

"Ano?"

"Prevention is better than cure."

"Ano?"

"Wala ho." -_____-

Mas lalong kumunot ang noo niyang kanina pa talaga kunot na kunot. "Yun lang ang dahilan mo?"

Napaisip na naman ako. "Bakit ho? Meron pa ho ba?"

Napailing iling siya pagkatapos ay bumuntong hininga. "Mga kabataan nga naman ngayon, mga nasisiraan na ng ulo."

"Saan mo dinala ang bride?"  At isa na namang walang kwentang tanong.

Sa ibang planeta.

"Ewan ko ho."

"Anong hindi mo alam? Ikaw ang humila sa kanya palabas. Tinulungan mo pang makatakas sa guard tapos hindi mo alam?"

"Hindi ko nga ho alam, tinutukan na ako ng baril ni manong kaya hindi ko na nasundan." Tsk. Ano yun? Hinatid ko muna sa kung saan tapos saka ako nagpahuli sa kanila? Adik ba tong mga to?

Tahimik niya akong pinagmasdan, mga ilang segundo lang ay umayos siya ng pagkakaupo. "Sino ang nag-utos sayo?"

Napataas ako ng kilay. Anong klaseng tanong ba yan? Hindi ako sumusunod sa utos ng kung sino sino lang. Ako ang sinusunod. Ako ang batas. "Wala."

"Kasabwat?"

Muntik na akong mapairap dahil sa isa na namang walang kwentang tanong. "Kaya ko hong mag-isa." Napakunot ang noo niya dahil sa naging sagot ko.

Hindi niya kasi ako kilala. Hindi niya alam na isang Red Lorenzo ang nasa harapan niya kaya hindi siya naniniwalang kaya kong mag-isa.

"May ideya ka ba kung gaano kalaking krimen ang ginawa mo?"

Napaisip ako. Sa pagkakaalala ko, hindi naman masyadong grabe yung ginawa ko kanina. Kung baga sa isang show, opening performance palang yun.

"Hindi ko ho nasukat."

End

Napailing iling na lamang ako. Hays, minsan pala talaga masamang maging masyadong mabait na tao. Abusado eh. Mabuti nalang at nadaan sa pera yung pulis na yun. Ang dami daming satsat, sa huli bubulong din naman pala '15 thousand lang, okay na.'

"Gutom na ako. Daan muna tayo sa Mcdo." Putol ko sa mahabang katahimikan.

"Roger."

Napatingin ako sa cellphone ni Matt ng bigla itong tumunog at nagregister ang isang pangalan. I have a bad feeling sa pagtawag niya pero sinagot ko pa din at iniloudspeak para marinig ni Matt.

Lolo calling...

[Matthew Lorenzo! Where are you? Are you with Maxine? Wala kayo sa school!]

Syet!

Natataranta kong pinatay agad ang tawag at ibinato sa kung saan ang cellphone niya.

Tumingin ako kay Matt na kasalukuyan na palang nakatingin sa akin. "What to do?" Tanong niya.

Napabuntong hininga ako. "Stick to the plan. Mcdo muna." Napailing iling si Matt dahil sa sinabi ko. Bakit? Syempre dapat may laman muna yung tiyan ko bago ang lahat.

***

"A-aray--- Lo masakit! T-tama na." Daing ko.

"Masakit?" Mas lumakas ang hiyaw ko ng mas lalo niyang pilipitin ang tenga ko. "Dapat lang sayo yan! Gustong gusto mong nasasaktan diba?"

Napahawak ako sa tenga ko ng sa wakas ay tinigilan na niya ito.

"Bakit hindi ka pumapasok sa klase mo?" Nakapamaywang niyang tanong sa akin.

"Pumapasok kaya ako---Aray!" Daing ko ng hampasin niya ako ng dyaryo sa braso.

"At sino namang niloloko mo? Tumawag sa akin ang school at sinabi sa akin na ilang linggo ka na daw hindi pumapasok! Anong kalokohan na naman ang pinaggagagawa mo?"

"Wala! Nananahimik lang kaya ako." Mabilis kong sagot, napangiwi na naman ako ng hampasin na naman ako ng dyaryo sa braso.

Eto talaga si Lolo, kahit kailan napakamapanakit.

"Ano ang pumapasok diyan sa gamunggo mong utak at ginagawa mong laro ang pag-aaral? Paano kung bumagsak ka na naman dahil sa mga pinaggagagawa mo? Dalawang beses ka ng pabalik balik ng Highschool! Hindi ka ba nahihiya!"

Why would I? Walang matalinong tao ang nagawang maging repeater ng highschool, ako lang ang may kakayahang gawin iyon and I consider that as a talent. Kaya hindi dapat ikinakahiya.

Napatingin ako kay Lolo ng hampasin na naman niya ako ng dyaryo. "Nakikinig ka ba?"

Obviously no.

"Eh Lo naman kasi, wala naman kasi talaga akong ginagawa ah! Sila lang itong gumagawa ng issue!"

Totoo naman. Nung pumapasok ako sa school lagi nila akong nirereklamo tapos ngayon namang hindi ako pumapasok nagrereklamo na naman sila! Wala na silang ibang ginawa kung hindi magreklamo.

Tsk. Mga insecure kasi sa kagwapuhan ko.

Napahilot na lang sa sintido si Lolo habang umiiling iling.

"Kapag hindi ka talaga nagtino, ipapadala kita sa Tita Hani mo!" Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Syet! Wag naman kay Tita Hanimaw!

"Lo naman! Ayoko."

"Madali akong kausap, kung hindi ka magtitino, sa Cebu ka magpapasko! Understand?" Nakasimangot akong napatango.

"Good."

Pagkatapos ng mahaba at nakakapagod na sermon sa akin ni Lolo ay pinadiretsyo na niya ako sa kwarto ko para matulog.

Si Matt ay kasalukuyang nakauwi na sa bahay nila. Hinatid niya lang ako dito sa bahay bago mabilis na pinaharurot ang kotse niya pauwi. Ayaw niya daw kasing madamay sa galit ni Lolo.

Psh. Kahit kailan talaga napaka duwag nun. Napapaisip nga ako kung pinsan ko ba talaga yun o hindi eh. Ang layo layo sa kaastigan ko.

Kakatapos ko lang magshower at magbihis ng biglang pumasok si Lolo sa kwarto ko ng walang katok katok, hindi naman kasi ako mahilig magsara ng pinto eh, may dala dala siyang isang kulay itim na box na may logo ng school sa bandang gitna.

"Ano yan, Lo?" Takang tanong ko.

Inilapag niya ito sa kama ko at binuksan. "School Uniform."

Inilabas niya ang isang set ng uniporme. White long sleeves, black vest with the school logo sa may chest, black necktie at isang black and white checkered skirt.

Wait! Don't tell me.....

"Starting tomorrow, you'll wear this."

"Ha?" Gulat kong bulalas."No way!"

Geez. Naiimagine ko palang na magsusuot ako ng palda, nagtataasan na agad ang mga balahibo ko. Kadiri lang!

"Anong no way? Ikaw lang ang nag-iisang studyante sa Fatima University na hindi nagsusuot ng uniporme, hindi na pwede ngayon yun."

"Who said? Ikaw naman may-ari nun kaya wala silang palag." Syet! Napapa english tuloy ako.

"Syempre ako! At ako din ang may-ari kaya papalag ako kung kailan ko gustuhin."

"Lo naman! Ayokong isuot yan! " Reklamo ko at pinukulan ng masamang tingin ang uniporme, lalo na ang nakakapanindig balahibong... Palda.

"At bakit?

Seriously? Tinatanong pa ba yan?

"Dahil hindi bagay sa akin!" Napapasigaw na ako dahil sa sobrang inis, pero eto si Lolo, parang wala lang.

"Bagay naman ah---"

"No it's not! Kahit kailan hindi babagay sa kagwapuhan ko yang.... yang kadiring bagay na yan!" Sabi ko habang itinuturo ang hawak hawak niyang palda.

Kumunot ang noo niya. "Ayan ka na naman sa katomboyan mo, Maxine! Your a girl. Kailan ka ba magtitino?"

Tama. Ang isang bagay na humahadlang sa akin sa pagiging perfect na tao ay ang pagkakatrap ko sa katawan ng isang babae.

"Hays. Hindi talaga magandang ideya ang palakihin ka na puro lalaki ang kasama mo. Dapat ipinadala na kita sa Tita Hani mo. Sinasayang mo lang yang ganda mo dahil diyan sa katomboyan mo."

"Lo naman, anong problema sa kagwapuhan ko? Ang gwapo gwapo ko kaya!"

"Ewan ko sayo." Napasimangot ako sa sinabi ni Lolo. "Matulog ka na. Basta bukas isuot mo ito ha." Sabi niya bago lumabas ng kwarto ko.

Nabaling ang tingin ko sa box na iniwan ni Lolo, sinamaan ko ito ng tingin.

Lagot ka sa akin!