webnovel

Chapter 1 and 2

P.S.

Chapter 1&2 mahaba.

Chapter 3&4 mahaba din po. Pagtiyagaan na lang po basahin 😂

But the rest chapters sakto lang 😊

* * * * *

"Sumasakit na ang ulo ko sayo ALEXANDRA dela TORRE!! Kelan kaba titino ha?! Araw-araw na lang ba ako pupunta sa university para kausapin ang dean nyo!?"

*yawn* nakakaboring.. araw-araw ganito ang nangyayari samin ni Marco. I'm a proud violator, after kong pumasok sa gulo, patatawagan si Marco, pag punta naman sa office ni Marco sermon nanaman sakin.. Tss! As if titino ako sa panenermon nya.

"This is useless, sinasayang ko lang ang laway ko."

"sino bang nagsabing magsalita ka!" sabi ko habang pinpaikot ang cellphone ko.

"Get out of my office! you're wasting my time."

Tumayo na ako pero bago paman ako makalakad palabas..

"and by the way young lady, you're grounded. You'll stay in our house for a week."

"HELL NO!!! Don't let me stay in that bullcrap house of yours."

"You won't change my mind. That's final..

and dont you dare runaway missy, all my men are waiting for you outside."

Sa sobrang inis ko, tinapon ko ang laptop nya sabay talikod.

"ALEXANDRAAAAAA!!!!" wala akong paki kung ano man mga files ang nandun .He deserves it anyway.

True enough, my mga lalaki ngang nag-aabang sa office ni Marco.

"Don't you dare touch me MONKEYS!" banta ko sa mga lalaking mukhang paa.

"WHERE.IS.MY.CAR.?!!!!!!"

"ah.. maam .. ka--kasi po..."

"ANO?!"

"kinuha po kasi ng daddy nyo.Kami daw po ang hahatid sainyo"

triple sh*t to that old man!

pinagsisipa ko ang kotse ni Marco.

"Maam! tama na po. Baka magasgasan ang sasakyan ni sir Marco."

mga letcheng to! mas concern pa sa kotseng yan kaysa sa paa ko! how dare them!! Lumapit sila sakin at pilit na pinapasok sa kotse.

"Sorry po Maam, utos lang po kasi ni Sir Marco"

"Go to hell!..isama nyo na ang Marcong yun.Pare-pareho kayong mga walang kwenta!" sigaw ko sa kanila. Di na nila ako inintindi at nag drive na lang.

--

"Andito na po tayo maam"

"alam ko hindi ako bulag.Alisin nyo na nga to. Tss."

sinunod naman nila. Dapat lang dahil kung hindi makakatikim sila ng hagupit ng baseball bat ko.

Pagbaba ko ng kotse, pinagmasdan ko muna ang mansyon ni Marco.

"It's been a while since I've been here *sigh*" i said to myself.

"Alexandra.. it's been a while huh." (inulit nya lang sinabi ko)

I continued walking upstairs. Pagtapat ko sa pinto ng room ko may chakang nagsalita..

" Ganyan ba talaga kasama ugali mo.? You didn't respect my mom."

tinaasan ko lang sya ng kilay at pumasok na sa room ko. For sure nanggagalaiti nanaman ang ANGEL na yun. Bakit karespe-respeto ba mommy niya. Tss

Tumingin ako sa paligid ng kwarto ko. 2 taon na rin ang nakalipas ng umalis ako sa pamamahay na to. Hinawakan ko mga picture frames sa side table ko. It's our family picture. Itinaob ko ito. I hate it when I see it.

The woman who approached me a while ago was Angeline ang babae ni Marco.. Angel is not Marco's daughter so meaning hindi ko kadugo ang Angel na yun. Sa ganda ng pangalan nila yun naman ang kinabantot ng ugali nilang mag-ina.

When Marco went home with those 2 devil, i decided to move out. Nalaman yun ni Granny kaya nagalit siya. Binigyan ako ni Granny ng Condo unit. Since I am at my legal age, my granny allowed me to leave alone. Kaysa daw makiisa ako sa bahay kasama ang kirida ni Marco.

At sa mga panahon na nag iisa ako sa buhay ni minsan hindi ako sinubukang pabalikin ni Marco dito. Ngayon lang ulit.Tss. Why now?

I laid on my bed and think kung paano ako makakaalis sa pamamahay na to.

*TOK!TOK!TOK!*

sa lakas kumatok ng kung sino man istorbo napabangon ako.

*TOK!TOK!TOK!*

Bwiset!panira ng pagmumuni-muni.

bahala kang mamatay sa pagkatok dyan.

*TOK!TOK!TOK!*

Dahil naiinis na ako.Pagalit kung binuksan ang pintuan.

"WHAT THE F*CK"

"Alexandra.. naku ikaw na bata ka! bakit ngayon ka lang bumalik."

It was Manang Rosa. Sya ang pinakamatandang kasambahay dito.Simula nung pinanganak ako nandito na siya. And she knew a lot what's happening to this family.

yinakap ako ni manang Rosa,pinapasok ko kaagad sya sa kwarto.

"Manang ano ka ba naman, kung makakatok ka kulang na lang gibain mo pintuan."

"Naku ang ganda ganda mo na. Kamukhang- kamukha mo ang nanay mo. "

she ignored what I've said.

"Manang, stop pinching my face." pagsasaway ko sa kanya. Tiningnan niya ang buo kong mukha.

"Hayaan mo na ako, namiss lang kitang bata ka. Ang tagal mo ng di pumupunta dito. Umuwi kana kasing bata ka. Tingnan mo nga, para kanang tikling. Ang payat payat mo na."

"Me? Tikling, excuse me Manang, I'm sexy." Tumawa siya sa sinabi ko at hinaplos ang kamay ko.

"Nalulungkot ako na marami ang pagbabago sa bahay na ito, nalulungkot ako na iba na ang pinagsisilbihan ko. Bumalik kana dito anak."

Malungkot niyang wika.

"I can't Manang, ayokong tumira sa pamamahay na to kasama ang mag-inang yun!"

"Alam ko anak, pero paano ang papa mo kailangan ka din niya."

"Hahaha..Ako? You must be kidding me Manang. Bakit Manang, simula nung umalis ako dito, nagawa niya bang bisitahin man lang ako.Nagawa niya bang kamustahin ako? Kung kumakain ba ako? Kung may sakit ba ako? Hindi diba? Sa tingin ko nga mas masaya siya na walang Alexandra sa pamamahay niya."

"Nakung bata ka. Tigilan mo nga yan, nilalamon kana ng galit mo anak."

"Wala ba akong karapatang magalit Manang?" Napayuko si Manang sa sinabi ko.. Tumayo siya at inayos ang buhok ko. Tulad ng ginagawa niya dati sakin.

"Dalagang dalaga kana talaga, di kana yung batang uhugin palagi. Masaya ako na lumaki kang kayang ipagtanggol ang sarili mo.Oh siya lalabas na ako, igagawa kita ng Meryenda."Sabi niya at lumabas ng kwarto.

"Yes manang, kailangan kong maging matapang dahil walang ibang magtatanggol sa akin." With that nakaidlip na ako.

CHAPTER II

"Good morning senyorita" bati sakin ng mga katulong.

"nasan ang amo niyo?" i said in a cold tone.

"nasa kusina po,nag-aagahan sila."

how sweet,happy family huh.!!

pumunta agad ako sa kusina.Ba't ba ang laki ng bahay na to ako tuloy ang nahihirapan.Next time ipapabomba ko to.

"Very good Angel,mabuti kapa napakabait mong bata hindi tulad ni Alexandra puro sakit ng ulo ang binibigay sakin."

WOW HA!!ang sayang salubong nito sa umaga ko.

"Hindi naman po. Pinaghuhusayan ko po talaga para maging proud kayo sakin ni mommy."

PLASTIC!!!!!

"Tama na yan mag almusal na tayo.Manang pakitawag nga ulit si Alexandra para sabay sabay na kaming mag almusal."

"No need, I'm already here."

Tinginan sila sakin, di ata napansin ang presence ko. Too bad they ruined my mood.

"Halika na, sumabay ka samin" -Angeline

"No thanks! I lost my appetite. Baka SUMAKIT LANG ANG ULO NYO PAG MAKASABAY NYO AKO MAG-ALMUSAL"

Sabi ko habang nakatingin kay Marco.

"So kanina kapa pala. Wag kanang mahiya sumabay kana samin."

Pesteng KABET to. Ako pa mahihiya. Hindi ko na lang pinansin ang sinabi ni Angeline.

"Where's my key" sabi ko kay Marco. Lending my hands in front of his face.

"Maupo ka at mag-aalmusal tayo.Diba sinabi kong grounded ka.Sabay na kayo ni Angel tutal madadaanan naman papuntang school niyo ang school nila."

"JUST GIVE ME MY F*CKIN' KEY MARCO!!!" i yelled kanina pa ako nangagalaiti sa galit.

*PAAAAAAAK*

"Marco!!!"

"Alexandra!....

Marco, anak mo parin siya" inilayo ako ni manang kina Marco. I smirked. So he slapped me for the first time. Just great, how great.

"Wala kang modo! How dare you to call me by my name. Im still your dad at ANAK lang kita!"

"Yeah anak mo lang ako! How unfortunate am I, right?" kita kong sasampalin nya ulit ako pero humarang si manang.

"Hindi ko alam kung san ka nagmana ng kagaspangan ng ugali mo"

"Seriously, are you asking me that? You should know it very well. My mom is a lot different from me. So meaning, sayo lang naman ako nagmana. You have to be proud." sabi ko ng nakangisi.

*PAAAAAK* another slap. tsss!

"Marco nasasaktan na ang anak mo!" sabi ni manang.

"it's okay manang. This is nothing compared to the years I felt when MOM left & felt that I am alone. Because of him I suffered a lot and I'm so immuned of all the shits in my life. Including you! ." sabi ko sabay turo kay Marco.

Napayuko si Marco sa sinabi ko. Makonsensya ka sana.

"Tama na anak.."

"No Manang, he deserved it. Bakit ba kita tatawaging daddy? Bakit karapat-dapat ka bang tawaging dad! tatay, papa! Hindi! Simula nung pinabayaan mo ako, kinalimutan ko din na may tatay pa ako.!" Mariin kong sabi. Hindi siya makapag salita.

"I want my key, if you wont give it to me, I swear hindi nyo magugustuhan ang gagawin ko sa family portrait nyo."

"Wag yun.Marco ibigay mo na nga ang susi dyan sa sutil mong anak!"

"You heard your mistress,give me my key." Tiningnan ako ng masama ng mag-ina kaya inirapan ko sila.

Inilapag ni Marco ang susi ng kotse ko sa mesa na agad ko naman kinuha. Ibibigay din naman pala gusto pa magkagulo.Tss.

"You can leave now and you're not grounded anymore.You can go back to your unit." mahinahong sabi ni Marco.

"Good, coz honestly I can't take it to leave in this hell place." then I walked out.Di paman ako nakakalayo sa kanila....

"Umalis kana! Wala kang modo!"

pahabol ni Angeline. Tss..

"Tumigil kana Angeline!"

"Dapat sa anak mo Marco dinidisiplina."

"I SAID STOP IT!"

Naririnig ko silang nag aaway. Buti nga sa kanila. Bahala sila basta ako gusto ko ng makalayas sa lugar na 'to.

I started my engine & went out. I cursed this house.

**SCHOOL

"Alex ba't ang pula ng pisngi mo? Nakipag-away ka nanaman no?"

"Tigilan mo nga akong nerd ka!"

"Ang sama nito, HOY! Itong nerd na 'to ang kaisa- isang kaibigan mo."

"Nagsalita ang maraming kaibigan."

"Hehe.. Oo nga no? I love you bestfriend ^________^"

"Tssssss! Nasan ba ang mga tao dito?"

"Wala man lang response hmm... Di bale sanay na ako sayo. Yung mga classmate natin? Ayun takbuhan sa lobby dadating daw anak na lalaki ng may-ari ng school."

"Tss. Yun lang? Ang lalandi."

"Uy wag ka! Galing yun West University"

"Oh tapos"

"*facepalm* nakalimutan ko, ang weird mo pala, incase you don't know which is obviously you really don't know I wi..."

"Ikaw ba magkekwento o iiwan kita dito."

"sabi ko nga ang WestU ay exclusive for all Business Ad students, hindi lang sila ubod ng yaman kundi magaganda at gwapo pa.Yung mga level ng mga koreano ang kagwapohan. Ganurn!"

"Kala mo sakin engot. Yun lang ba?"

"Ay ewan ko sayo LG ka forever! That means na kaya wala dito mga classmate natin kasi inaabangan nila ang bagong transferee which is said to be a super duper hot gorgeous man."

-_-

"Lumalandi ang nerd."

Yun na lang ang nasabi ko kasi para rin siyang engot na dreamy face pa.

Siya pala si Joy,ang besfriend ko daw sabi niya. As I said earlier nerd siya with matching blue thick braces. Maganda siya in and out. Graduating na kami at transferee ako dito. It's funny that in just 3 months nakakuha ako ng bestfriend daw. It's a long story how we became friends. Basta alam niyo na Geek siya at ako pakialamera sa mga away. So the story goes on then boom we became friends.

"Kyaaaah! Ang gwapo niya..my god!"

"Suplado naman nun pero okay lang kasi ang gwapooooooooo,"

Nagsidatingan na pala ang mga mahaharot. Almost 30 lang kami,limitado ang boys kaya ganyan ang mga yan.

"CAN YOU ALL SHUT UP! NAKAKARINDI ANG TILI NIYO. Respeto naman sa nag-aaral dito"

I yelled! Natahimik naman sila. Bigla akong tiningnan ni Joy na parang nang-aasar.

"At san mo naman napulot ang nag-aaral thingy na sinasabi mo."

"Nag-aaral naman talaga ako ah!"

"He tumigil ka, walang laman notebook mo. Hahahaha. Nag-aaral daw. Hahahaha."

Habang hagalpak siya ng tawa, tiningnan ko siya ng mabuti.

"Hahaha..ahhh aheem ahemmm. Joke lang.. To naman di na mabiro. Hehe." Sabi niya sabay peace sign at binuklit ang notes niya. Tss.

After ng 3rd class ko lumabas kami ni Joy para pumunta ng cafeteria.

"Gosh bestfriend, si Mr.Transferee andito. "

Sabi ni Joy at tinuron ang lalaking papalapit kina Peter. Ito ba yung sinasabi nilang gwapo. Tss.

"Oh tapos?"

"Ang gwapo niya.. Huhu"

"Umayos ka nga Joy, itago mo yang kalandian mo."

"Aray ha! ang hard nun."

"Whatever."

Nung malapit na kami sa kinaroonan nung transferee, may nagsitakbuhan kaya muntikan na ako madapa sa harap niya buti na lang nasalo ako nung transferee. Masyado mang cliche pero nandidiri ako sa posisyon namin ngayon.

Maraming nakatinging mga estudyante at ang kumag na to nakahawak sa bewang ko. He smiled to me. Sinamaan ko siya ng tingin at inalis ang kamay nya sa bewang ko.Inayos ko tayo ko at sinampal siya..

"Woaaaaah" napasinghap ang mga nanunuod sa live show namin.

"What the.... What was that for?"

"Hoy! Alam ko yang mga galawan niyong yan ah! Manyak." Sabi ko sa kanya... Mas lalong napasinghap ang mga nanonood dahil sa sinabi ko.. Hinatak ko na si Joy paalis pero narinig ko pa siyang nagsalita.

"What's wrong with that girl! She's crazy."

Aba't ako crazy?!!! Babalikan ko pa sana siya.Pero hinatak ako ni Joy.

"My God! My God! Nakakahiya! Nakakahiya!" Sabi ni Joy habang hinahatak ako.

"Ano ba! Bakit mo ba ako hinahatak!"

"My God Alex.. nakakahiya ka! Bakit mo naman sinampal si Koyang Pogi. "

"And so?Eh ang manyak nya eh."

"Manyak? Eh tinulungan ka lang naman nya. Buti nga sinalo ka ng malalaki niyang muscles kaysa yung nguso mo makiss yung sahig."

"Kelangan talaga lahat may compliment ang sasabihin mo sa lalaking yun? Tss.. tinulungan? para-paraan lang yun.Manyak siya."

"Ewan ko sayo. Nakakahiya talaga. "

Kumain na lang kami sa cafeteria at inignore ang lahat niyang sinabi. Talaga namang nananantsing yung lalaking yun eh..

After that bumalik na kami sa class namin. I ignored all those eyes that's criticizing me.

"Haay naku Dela Torre,kababae mong tao ang hilig-hilig mong makisawsaw sa gulo.Alam mo sayang din ang ganda mo, at saka . . Hmmmm.. Sexy kapa..... Araaay! Sh*t !"

Binato ko lang naman siya ng soda in can.

"Ang dami mong sinasabi, ibabalik mo ba ang ballpen o hindi?!"

"Taena! Ballpen lang to, atsaka di naman to sayo ha! Sa nerd na yan."

"Hoy pangit! Di mo ba alam napakaimportante ng ballpen,pag walang ballpen hindi siya makakakopya ng notes at pag wala siyang notes, wala siyang pag aaralan, dahil dun hindi ako mapapagaya pag exam!"

mahaba kong sabi na para bang ineexplain sa kanya ng maayos.

"PFT..... PWAHAHAHAHA!!!"

=_= anong nakakatawa sa sinabi ko?!

"Pare baliw na ata to si Alexandra eh, hoy Dela Torre sa mental hospital kana lang

pumasok! Hahahaha!"

Dahil naiinis na ako sa baboy na to. Tumalikod ako at hinila si masayang nerd (JOY). Narinig ko pang nagtatawanan sila. Sige lang tawa lang, akin pa rin ang huling halakhak. Tingnan ko lang kung makakatawa kapa pag-uwi mo .

- - - -

"Shit! Who did this to my car? P*t* naman eh. Bagong bili to!!"

"Ako! Bakit may angal?!"

sabi ko habang hawak ang baseball bat!

"You?!!! Do you know what trouble you got into b*tch?!" I smirked.

"Yes asshole"

Susugudin niya na sana ako pero....

*BLAAAAAAAGGG*

"Sh*t kang babae ka! Malilintikan ka talaga sakin!!"

"What will you do little piglet? Punch me?

Oh cmon' just give me what I want or else I'll make your car a piece of sh*t!"

"Sh*t ! Sh*t ! Sh*t ! Oh ayan na, tang*n*! Ballpen lang yan tapos 2 salamin ng kotse ko ang kapalit!"

"Bibigay mo din pala eh, tse. Adios amigo!" I turn my ball cap and let the baseball bat rest on my shoulder.This precious thing never failed to impress me *grin*

"Grabe Alex, ang galing mo talaga, I love you talaga bestfriend. Thank you huh? Mahal pa naman ng GTEC, mahal na mahal mo talaga ako bestfriend, ayiieeeh."

"Hindi no! May kapalit yan, pagayahin mo ako sa calculus bukas."

"Asus, kala ko naman mabuting tao kana. Ahehehe.. Joke.. Tara libre kitang kwek-kwek."

"Nanaman? Malapit na akong tubuan ng kwek-kwek sa lalamunan, araw araw na lang."

"Eh, alam mo naman poor lang ako diba. Di tulad mo, MAYAMAN."

"Tss. Mauna na ako sayo. Titingnan ko pa ang boutique ko."

Nagpaalam na ako sa kanya. Di ko na siya sinamahan mag kwek-kwek kasi sa loob ng 3 buwan ko sa University na to, yun at yun din ang pinupuntahan at kinakain namin after class.

Yes, 3 buwan pa lang ako dito pero kung makapag bestfriend yang si 'konsensya'.. Diba yan yung nag aappear sa commercial ng Joy Dishwashing Liquid, si Konsensya :)))

(waley! HAHAHAHA)

Next chapter