8 Chapter 8

"Magandang araw,madlang pipol ako nga pala si Leir Mia Fenis" napahalgalpak naman ng tawa ang mga kaklase ko pagkatapos kong banggitin ang aking apilyido pati ang prof namin nakisali narin. Napairap nalang ako, sinasabi ko na nga ba at ganito ang magiging reaksyon nila.Kasalanan ko bang ganoon ang apilyido ko? Fenis na katunog ng alam  nyo na hay.

"Tawang tawa guys? Wala na bang bukas iyan? " napaubo ubo naman sila at tumigil narin sa pagtawa pero nandun padin yung kakaibang ngiti nila habang nakatingin sa akin.

"Pasensya na pretty Leir, nakakatawa lang kasi ang apilyido mo at masaya kami na may kaklase na kaming babae" tinaasan ko naman ng kilay ang taong nakaupo sa harap ko. In fairness gwapo sya pero hindi ko gusto yung pananalita nya. Anong masaya na may babae dito? May balak ba sa sila sa akin? Subukan lang nila putulin ko pututoy nila eh.

Hindi na ako magtataka na puro lalake ang mga kaklase ko dahil napunta lang naman ako sa last section ng mechanical engineering,medyo nahuli na kasi ako ng enroll kaya nandito ako. Pero ayos narin na puro lalake, dahil wala silang arte sa mga bagay bagay.

"You may seat now, Ms.Fenis" tumango ako sa prof at diretsyo ng pumunta sa dulong upuan. Buti nalang sa likod ang may free vacant seat kasi ayaw ko talaga sa harap baka lagi akong tawagin sa recitation eh.Pagupo ko agad nang nagpakilala ang katabi ko sa kanan

"Yow dude,ako pala si Keit tawagin mo nalang akong Ketong" napaka weird naman ng nickname nya. Napatawa naman yung katabi ko sa kaliwa

"Wag ka ng magtaka sa nickname nang mokong na iyan, talagang mabaho katulad nya"

"Tangina mo talaga Ice,sana di ka na sagutin ng nililigawan mo"

"Gago, wala ka bang data? Inupdate ko na yung relationship status ko sa FB. 1 week ago na! "

"Wala akong data kasi naka wifi ako gunggong! "

Bago pa masira ang araw ko ay agad ko na silang binigyan ng tag iisang kotong. Parehas naman silang tumingin sa akin habang nakanguso, inirapan ko nalang sila at tumingin sa harap. Nagtuturo na kasi ang prof namin buti hindi kami napansin dito sa likod

Isang oras din ang nakalipas bago natapos ang first class namin meron kaming 1 hour vacant bago pumunta sa gym para mag PE.

Kaya halos lahat ng classmate kong lalake at pinalibutan ako at nagpakilala sila isat-isa.Buti nalang mabilis akong makakapagkabisado ng pangalan. Marami silang tinanong like sinong crush mo? Taga saan ka? Sinong pinakagwapo dito? Virgin ka pa ba? Anong gusto mo 69 or cowgirl position?

Nakaka gago ang tanong ng iba kaya nakatikim lang naman sila ng sapak sakin. Imbis na magalit ay natuwa pa sila dahil hindi daw ako katulad ng mga babae na nakasalamuha nila.

Pagkatapos nila akong mainterview ay kanya kanyang balik sila sa upuan at ginawa nanaman ang mga pinagkakaabalahan nila.

Ako naman ay nabibingi na sa usapan nila Ice at Ketong. Bakit kasi nasa gitna pa ako? Tsk.

Nilabas ko nalang ang phone ko na at nag earphone narin para makinig ng music pero hindi nakatulong dahil ang hina ng sound ng earphone ko.

"Guys, wala daw prof natin sa PE tara nood ng pelikula"

"Woooooo"  napasigaw naman kami dahil walang prof. May time na ako para gumala dito sa university

"Saan ka pupunta Leir dude? "

"Iikot ikot lang sa labas sama ka? " umiling si Ketong at pinaupo ako ulit. Nagtaka naman ako sa ginawa nya

"Hindi ka pwedeng mag gala sa university baka mahuli ka ng President dyan naku mapagalitan kapa"

Nagkibit balikat nalang ako

"Dito nalang ako garod, ayaw ko ng gulo lalo nat 1st day ko dito" napangiti at napatango nalang sila Ice at Ketong.

"Anak ng putcha Fin,bakit fifty shades of grey at 365 Days lang ang nasa flashdrive mo? "

"Ano ba kayo, maganda iyan mga men, nakakapanginit ahhaha" napairap nalang ako. Mga lalake talaga

"Gago ka Fin!may bold din dito tangna mo ka.. Tara manood hahaha"

Agad na nilang pinlay ang video at mga kupal seryosong nanonood.

Mga gago talaga nakalimutan ba nila na may babae silang kaklase at ako yun?

Wala pang ilang segundo ay kanya kanyang sigaw ang mga gago

"Tangna, pasok mo na! "

"Ampucha, makatas ahah"

"Woah, iyan na haha"

Naririndi na ako sa ungol ng babae sa pinapanood nila kaya tumayo ako at pumunta kung nasan ang laptop. Akmang ipapause ko na ito ng may marinig kaming sigaw

"WHAT THE HELL ARE YOU WATCHING?? " napasinghap naman ang lahat dahil nasa harap lang namin ang principal

"ALL OF YOU GO TO MY OFFICE NOW! " at dali dali na itong umalis.

Lahat naman kami ay parang mamatay na sa kadahilanang nahuli ang section namin na nanonood ng Porn.

"Putcha, lagot tayo sa tandang yun"

"Naknang baka isuspend tayo mga dude"

Sinamaan ko ng tingin ang mga pasimuno at napalunok naman sila dahil dun

"Kung hindi dahil sa kalibugan mong tangna ka hindi tayo malalagay sa ganito! "

"Oo nga,president ka pa naman Fin"

"Gago, Ikaw nga Vice president naki ayon ka pa eh" napasapo nalang ako sa noo. Dyusko naman bakit nadamay ako sa ganto.

Wala na kaming nagawa kundi pumunta nalang sa office ng Principal pero dahil hindi kami kasya pinapunta kami sa Gym. Ako naman ay namamamawis na dahil paano kung masuspend talaga kami? Tas malalaman ito nila Sir Lucas panigurado madidissapoint sila sa akin.

"Sinong pasimuno ng kalokohan ninyo? " lahat naman ay nanigas sa tanong ng principal. Napasulyap na ako sa president naming si Fin parang masusuka na ito sa kaba. Nasesense ko naman na handa na syang ituro ng mga classmate namin kaya agad na akong nagsalita

"Walang pasimuno po Sir,lahat po ay ginusto namin" gulat namang napatingin sa akin ang principal hindi siguro sya makapaniwala na pati ako na babae ay kasali sa kalokohan.

"Opo, Sir pasensya napo hindi napo namin uulitin" sabi naman ni Fin. At sumunod nadin ang iba na nagsorry. Ang principal naman ay napahawak nalang sa kanyang noo.

"Sige,basta wag na sanang mauulit ito, you may go now" para naman kaming nabunutan ng tinik sa sinabi nya.

Habang pabalik sa room nagpasalamat si Fin sa akin dahil niligtas ko daw sya. Ngumiti nalang ako at sinabing wag na nyang gagawin pa yun. Tumango nalang ito at ginulo ang buhok ko. Kawawa naman kasi kung mapunta sa kanya lahat ng sisi halos lahat naman nag enjoy na nanonood ng porn maliban sa akin

"Sayang talaga" napataas naman ang kilay namin ni Ice kay Ketong sa sinabi ito

"Anong sayang pre? "napanguso naman ito

"Sayang talaga na hindi natin nakita kung pano nag climax yung babae sana pinatapos muna ni Mr Principal yung pinapanood natin bago sya umextra kanina" hindi ko alam kung mabubuict ako o matatawa ako sa sinabi ni Ketong.

Agad namang binatukan ni Ice si Ketong kaya napadaing ito

"Mas inisip mo pa yung libog mo gago"

Napahinga nalang ako ng malalim. What a fucking 1st day to me

avataravatar
Next chapter