7 Chapter 7

"Hey, Young Master did you know that I'm a bee? And you are my honey"

"May lahi ka bang keyboard?Kasi Type kita"

"Amo nga talaga kita, kasi inaalila mo ang puso ko. BOOM pamparapampa"

Malakas na hinagis ni Heaven ang mga papeles nya ng maalala nanaman nya ang pinagsasasabi ng pangit na yaya ng kanyang kapatid.Gusto na talaga nyang palayasin ito sa kanilang mansyon ngunit hindi nya magawa dahil sa mga magulang at kapatid nya. Hindi nya rin talaga maintindihan ang maid na iyon dahil kung minsan galit sakanya at minsan nag babato ito ng mga corny pick up lines na lubos naman nyang hindi nagugustuhan.

"She just intentionally want to ruin my mood,Damn!chanak woman" inis na bulong ni Heaven.

Kinuha ni Heaven ang cellphone nya sa kanyang bulsa at tinignan ang oras. Mag lulunch time napala kaya naisipan na nyang tumayo sa kanyang upuan at diretsyo ng lumabas sa kanyang opisina,agad namang bumati at nagsiyukuan ang mga tauhan nya,binigyan nya lang ito ng isang tango. Napansin din nyang ang mga babaeng tauhan nya ay may malagkit na tingin sa kanya,binibigyan pa sya nito ng mga malalagkit na tingin ngunit bale wala lang ito kay Heaven dahil wala syang interes na lumandi sa mga babae. Mas gusto pa nyang magkulong sa kanyang kwarto para magbasa o sa kanyang laboratory para magexperiment kaysa makipaglandian sa mga babae and then fuck them.

Didiretsyo na sana si Heaven sa kanyang sasakyan ng masilayan nanaman nya ang mukha ng taong ayaw na ayaw na nyang makita pa

"Fuck this day"

Leir's Pov

"Leir iha,gusto mo bang magaral ulit?"  bigla naman akong nabulunan sa sinabi ni Maam Catherine.

Grabe ang sarap ng kain ko tas biglang ganun ang banat nya.

"P-po? "

"Walang ulitan sa taong bingi ate"agad ko namang binigyan ng malakas na batok si Gabriel kaya nabulunan din ito at napaubo ubo. Napangisi naman ako. Hah,buti nga sayo.

"Nakwento mo kasi Iha na hindi ka nakatungtong ng college kaya napagdesisyunan namin ng Sir Lucas mo na pag aralin ka kung saan din nagaaral si Gabriel"

"Its also convenient for you Iha, for being Gabriel's bodyguard if you are in the same school"

"Tama,one call away ka lang ate ahhaa"

Napangiti naman ako ng malapad, alam kong masyado ng makapal ang mukha ko para tanggapin ang alok nila pero gusto ko rin talaga makapagtapos ng pagaaral. Mukhang magbabago ata ang plano ko. Pano kaya kung tapusin ko muna ang pagaaral bago pumunta sa Mindanao? O kaya naman pag bakasyon pwedeng puntahan ko din sila dun?

"Maraming salamat po, tinatanggap ko po ang alok nyo na pag aralin ako sa kolehiyo.Ang gusto ko pong kurso ay mechanical engineering" napa wow naman sila sa kursong gusto kong kunin

"Are you sure iha? Mechanical engineering is not easy and especially youre a girl" pinakita ko naman ang invisible muscle ko sa braso ko at pinalo palo ito

"Yakang yaka ko po iyan, pag hindi nakayanan simple lang.. "

"what?" nagtataka nilang tanong sa akin. Ngumiti ako ng malapad at sinigaw ang

"EH DI, SHIFT" napatawa naman silang lahat sa sinabi ko.Tama rin naman kasi kung alam mo nang hindi mo na kaya bakit mo pa ipipilit? Pinapahirapan mo lang ang sarili mo pag ganun. Pero kung mahal mo talaga ang kurso na kinuha mo wala kang magagawa kung hindi mag tiyaga at ibigay ang lahat ng best mo.

"It seems that you're having fun without me huh"

"Heaven"

Napatigil naman ako sa pagsubo ng masilayan ko ang ngiti ni Young Master.Shuta,nakakapanghina ng buto my men ihh.

Patuloy ko lang syang tinitignan habang nakangiti parin na nakikipagusap kila Sir Lucas hindi ko naman maiwasang mapasimangot kasi hindi man lang sya tumitingin sa gawi ko. Sinasadya ba nya na wag ako pansinin?

Di naman mashaket,slight lang

Napalunok naman ako at napainom ng tubig ng biglang direstyong ininom ni Young Master ang isang basong tubig habang nakatingala pa ito kaya busog na busog ang makasalanan kong mata sa taas at babang adams apple nito. Ginagawa na talaga akong manyak ng taong ito.

Napaupo naman ako ng matuwid ng binalingan nya ako ng tingin. Tinaasan pa ako nito ng kilay ngunit binigyan ko lang ito ng killer smile pero inirapan lang ako nito at hindi na ako tinignan ulit.

Tsk. Isnabero talaga ang gago.

Pinagpatuloy ko nalang ang pagkain ng graham ko ng biglang nakuha ng buong atensyon ko ang sinabi ni Gabriel

"What? You saw that girl again?"

Girl? Sinong Girl? Aba aba hindi pa nga kami ni Young Master ay lumalandi na sya. Masyado naman nya ata akong sinasaktan

"What did she do this time son? "

Seryoso ko namang tinititigan si Young Master Heaven na nakaupo na sa tabi ni Gabriel habang kumakain narin ng graham.

"She kiss me"

ANO????

Napatawa naman si Gabriel pero ako hindi ako natutuwa

"Then what did you do Kuya? "

"You already know that brother" habang may ngising nakapaskil sa labi nito.

Aba putangina

Anong you already know? Yun? Anong ginawa nila nag jugjugjugan? Siguro may background music din sila na igiling giling mo habang ginagawa nila yun. Gigil ako ah

"Youre murdering your graham ate Leir" mahina na sabi sakin ni Baby Luc at agad naman akong napatingin sa graham ko.

Agad akong napangiwi. Kawawang graham.

"Bakit kasi masyadong nabaliw sayo yun anak? "

"He used his love potion"

"Thats not true Dad"

Patuloy lang nila pinaguusapan yung babae kaya inis na ako. Dahan dahan akong tumayo at umalis na sa lugar na yun. Di ko alam masyado na ata akong nag oover react? Maganda ako dapat di ako nagseselos.Pero gusto kong makita ang bruha na pinaguusapan nila ng mailigpit ko na,sagabal sa lovestory namin ng aking Langit eh.

Diretsyo akong sumalampak sa sofa at binuksan ang TV. Mag chill chill muna ako ngayon

Natigil ang pagmumukmok ko ng biglang may tumunog.Napatingin naman ako satable at kinuha ang phone.

Teka kay Young Master Heaven ito ah?

Nagkibit balikat nalang ako at sinagot ang tawag, wala namang nakalagay na name kaya mas magandang ako muna ang kumausap,mamaya kasi mga kaaway nanaman nya ito.

"Hello?"

"Hey who are you? "

"Gago! ikaw tumawag sa number na ito tas tatanungin mo kung sino? Bobo kaba? "

"Don't cuss at me Bitch, I know this number is to my baby Heavens"

"Baby? Hindi na sanggol yun malaki na yun" malaki din yung ano hihi

"Are you playing with me bitch? LEND THE PHONE TO HEAVEN NOW! "

"Bakit sino kaba? Para utusan ako? "

"I'm heavens girlfriend bitch and who are you? "

"pake mo? Kung sino ako

Wag ka ng tatawag sa asawa ko tangna mo,mamatay kana" sabay pindot ng end button.Gigil ako ah, makaangkin kay Young Master wagas,tsk.

Hindi kaya yun yung babae na nachukaan ni Young Master? Huta sayang di ko sya namura ng wagas.

"Why are you holding my phone?"

"Ay palakang narape"

Hinablot ni Young Master ang kanyang phone sa kamay ko at binigyan nanaman ako ng deadly stare.

Eto talaga si Young Master mahilig din talagang mang gulat buti nalang hindi ko nasigaw ang RAPE ME baka hindi na ako virgin ngayon hihi

"Hehe,Tinignan ko lang yung phone mo Young Master kung anong model,mahilig kasi ako tumingin ng mga model hehe" lalo lang akong pinangkinitan ng mata ng mata na parang hindi sya naniniwala sa sinabi ko

"Next time don't ever hold my phone again without my permission ugly woman" hindi na ako binigyan ng time nito makapagsalita ng mabilis itong dumiretsyo papapaakyat sa hagdan.

"YOURE SO RODE TALAGA YOUNG MASTER" narinig ko naman ang pagingos nito kaya napatawa ako. Napaka initin talaga ng ulo ng aking Langit.

avataravatar
Next chapter