6 Chapter 6

Tatlong araw na ang nakalipas simula ng muntik ng makuha si Young Master at tatlong araw nadin nya akong hindi pinapansin. Sabagay, kaya mo pa bang maatim na makita sa araw araw ang isang taong ninakawan ka ng halik? I think not.

Kasalanan nya kasi eh, masyado syang hot sa paningin ko kaya hindi ko napigilan na halikan sya.

Hindi ko mapigilang matawa ng maalala ko ang reaksyon nito matapos ko syang halikan.Nakatulala lang kasi itong nakatingin sa akin ng matagal nun tapos bigla nalang nya akong tinulak at nagmamadaling lumabas sa kotse. Kung makaasta nga si Young Master nun ay parang virgin which is malabo naman kasi napaka gwapo nito at nasa mukha nya ang pagiging playboy.

Kaya siguro may gustong kumuha sakanya kasi baka may napaglaruan syang babae na kasama sa mafia o sa may pinakamayaman na pamilya? Pero sabi ni Gabriel normal na daw sakanila tutuusin ang mga ganoong pangyayari dahil kilala ang pamilya nilang makapangyarihan at isa sa mga pinakamayaman sa asia kaya maraming gustong magpabagsak sakanila.Ang hirap ng buhay nila pero  hindi halata sa pamilya nila na may binubuhat silang ganoong kalaking problema kaya bilib ako sa pamilyang ito. Ipapangako kong gagawin ko ang lahat para maprotektahan sila.Dahil para sa akin tinuturing ko narin silang pamilya.

"Ate Leir, Why are you spacing out? Do you have a problem? "  nginitian ko lang si Luc na inosenteng pinagmamasdan ako hihi ang cute talaga ng alaga ko.

"Iniisip ko lang kung paano ko mapapaamo ang crush ko baby" napabilog naman ang labi nito at maya maya ay tumalon talon sa harap ko.

"You have a crush? You have a crush?Who is he? What is he like? Do I know him? "  natawa ako at hindi ko naman mapigilan na pag gigilan ang pisngi nito

"Secret muna baby" napasimangot naman ito sa sinabi ko pero hindi naman na ito nangulit pa. Wow, good boy hindi sya chismoso,hindi katulad ng kuya nyang si Gabriel na lahat ay gusto eh nalalaman.

"Nga pala Baby nasan si Young Master Heaven? "

"He is in his own laboratory,experimenting again"

"Woah? Experimenting? Ano ba ang natapos ng kuya mo? "

"He's a Lawyer,Chemical engineer and doctor too.Mommy said that kuya Heaven is a gifted child that's why" sobra akong namangha sa aking narinig lalo tuloy akong nagkagusto sakanya. Kahit napakapangit ng ugali nito hindi ko parin maiwasan na magustuhan sya.

Confirm na talaga, malandi ako

Dahil hindi pa naman ganun katagal na nakakasama si Young Master Heaven ay nahulog na agad ako sakanya.

Paano ko kaya mapaamo ang ganoong katalinong lalake? Bobo pa naman ako, buti nalang opposite do attract kaya alam kong may pag asa ako hihi.

"Saan banda ang laboratory nya baby? May sasabihin lang kasi ako sa kuya mo"

"Sa kwarto nya po ate"

Kwarto?  Gano ba kalawak ang kwarto non at kumasya pa ang isang laboratory?

"Bobita, sa laki ba naman ng mansyon nila magtataka ka pa?"

Napa facepalm nalang ako.Oo nga naman, bat pa ako magtataka? Tumayo na ako at nagpaalam kay baby Luc na pupuntahan ko lang saglit ang kuya nya. Ngumiti lang ito at nagpatuloy na sa pag lalaro ng mga lego.

Inabot nanaman ako ng ilang minuto bago makapunta sa harap ng pintuan ni Young Master Heaven. Ang hirap talaga pag mansyon, minsan nakakaimbyerna,pero maganda rin dahil maraming places na pwedeng gumawa kami ni Young Master ng kababalalaghan hihi landi

"Toktok"

"Who's there? " hindi ko maiwasang mapakagat labi ng marinig ko nanaman ang napaka husky na boses nito

"Anna"

"Anna Who? "

"Do you wanna build a snowman?"

"What the fuck? Go away! " napasimangot naman ako sa sinabi nito, gunggong talaga. Kaya sa inis ko lalo kong nilakasan ang pagkatok

"WHAT THE HELL IS YOUR PROBLEM? "

Nagulat naman ako ng biglang marahas na nagbukas ang pinto at bumungad nanaman sa harapan ko ang napakagwapo kong Young Master na para nanaman akong kakainin ng buhay sa tingin nito.

"I'm asking you ugly woman! What is your fucking problem and you're here pestering me again! damn it! " imbis na matakot ay nginitian ko pa ito ng matamis pero parang baliwala lang ang charm ko dahil lalo lang nya akong binigyan ng nakakamatay na tingin.

"Narinig ko kasi kay Luc na nageexperiment ka daw kaya pwede ba akong manood sa ginagawa mo Young Master ehhehe"

"Your fucking wish!" isasara na sana nito ang pintuan ng bigla ko itong sinipa ng malakas at dali dali akong pumasok sa kwarto nito.

"WTF? " napangisi nalang ako sakanya at prenteng umupo sa kama nito.Galit itong lumapit sa akin at mahigpit akong hinawakan sa braso

"You are really getting on my nerves, I will fucking punish you"

"Yes please" nagulat naman ito sa sagot ko kala ba nya matatakot nya ako sa punishment chuchu nya?

"Ano na Young master? Halikan mo na ako ng mapusok tapos punitin mo na ang damit ko habang gigil kang pinapalo ang matambok kong pwet dahil sa sobrang katigasan ng ulo ko."

"WHAT THE HELL ARE YOU SAYING? " dali dali itong lumayo sa akin napara bang may nakakahawa akong sakit

"Hindi ba ganoon yung punishment mo sa akin? Halika na, be my Christian Grey baby" nangaakit kong sabi lalo naman itong nagulat at hindi makapaniwalang nakatingin sa akin

"C-crazy u-gly w-woman" napairap naman ako at lumapit kay Young Master.Talagang lagi nya akong ginagalit sa panglalait nito. Nilapit ko ang mukha kay Young Master pero mabilis itong umiwas sa akin. Nakakainis talaga nagmumukha pa akong manyak na lalake dito sa kinikilos nya.

"Hahayaan mo na ba ako manood sa pinag gagawa mo sa Lab mo Young Master o dito nalang tayo sa kama mo at dalhin natin ang isat-isa sa langit" nanginig naman ito sa binulong ko pero maya maya ay bigla nya akong tinulak habang binibigyan nanaman ako ng masamang tingin. Napasabunot pa ito sa buhok nya at may pinindot syang red button na nakatago sa isang frame at napawow ako ng biglang nagbukas ang wall at bumungad ang napakalawak na laboratory.

"Kala ko pipiliin mo yung pangalawang choice Young Master yun pa naman ang gusto ko, Sayang"

"You wish! Chanak" sigaw nito at dali daling naglakad papalayo sa akin. Napangiti lang ako at sinundan sya.

"Hey Chromium Uranium Sulfur Hydrogen, Can you be my Lithium Iron?"

"GO AWAY!!"

Napatawa naman ako sa inis na sigaw nito. Nagets ba nya yung sinabi ko? Gifted sya kaya sure akong alam nya yun

"I don't know why, but I want to get close to you Young Master,I want to reach you" mahina kong bulong habang pinagmamasdan ang likod nito

avataravatar
Next chapter