5 Chapter 5

"Mygod cassie pagod nako! " nanghihina kong sabi sabay upo sa magarang sofa ni Young Master dito sa opisina nya. Isang oras na akong naglilinis ngunit hindi parin ako natatapos dahil sa lawak ng opisina ni to. Nagtagal pa ako sa pagpulot ng mga papeles ni Young Master na halata namang sinadya nyang ikalat sa buong opisina nya para parusahan ako.Walang hiya talaga. Kaylan kaya babait sa aking ang taong iyon? Napailing nalang ako at tumayo. Kaylangan ko ng tapusin ito dahil gusto ko nang lumafang!.

Pero napatigil ako sa pagwawalis ng may marinig akong sigawan.Dali dali akong lumabas at napanganga dahil parang may dumaan na bagyo dahil nagkalat at nagsisilaparan ang mga papel at iba pang bagay na gamit ng mga tauhan ni Young Master.

Lahat ng tao nagsisigawan na dito sa loob, nakita ko rin ang secretary ni Young Master na nanginginig na nakatago sa ilalim ng mesa nito.

Ano ba ang nangyayari?

"Fuck! Don't touch me!"  teka boses ni Young Master yun ah.

Agad akong tumakbo ng makita ko ang Young Master na sapilitang hinihila ng tatlong lalake. Paano sila nakapasok dito? Nasan ang mga guards? Malapit na sana ako makapunta kay Young Master ng biglang may humarang sa akin na limang lalake. Anak ng tinapa naman oh. Kung tatagal pa ako makipaglaban dito baka hindi ko na maligtas ang Young Master.

"Wala ka ng magagawa, napalibutan nanamin ang company na ito"

"Wala ng makakapigil sa amin na makuha si Heaven Leilac Crisoveia"

Ang ganda pala ng full name ni Young Master malayong malayo sa ugali nya.

Okay, back to pagiisip ng plano para makatakas sa limang panget na ito

"Ano miss, umiyak ka nalang din sa sulok para hindi ka namin mapatay"

Barilin ko kaya sila? Ay bobita wala nga pala akong baril. Kingina naturingan akong bodyguard ni Gabriel pero wala akong baril? Nice!

"Hindi na sya makapagsalita mga pare, hahaha"

Makipagsuntukan nalang kaya ako? Pero ang lalaki ng mga katawan ng mga ito, baka madurog ang beautiful body ko.

"Sige na miss--"

"PUNYETA, ANG IINGAY NINYO, NAGIISIP AKO NG PLANO KO!PARA KAYONG HINDI LALAKE! ANG DALDAL NYO KASI, STUPIDMADERPAKERS"

Halatang nagalit naman ang lima sa sinabi ko. Kaya naghanda na ako dahil alam kong susugurin ako ng mga ito. Kung may armas lang sana ako.

Teka? Napatingin ako sa hawak ko,hindi ko maiwasang mapangisi buti nalang nadala ko ito hanggang sa pagtakbo ko.

Ang magic walis ahhaha

Nabalik ang tingin ko sa limang chunggo at nagtitinginan pa sila kung sino ang susugod sa akin. Wala na akong time kaya ako na ang sumugod. Salitan ko silang pinaghahampas ng hawak kong walis. Bubunutin na sana ng isa ang kanyang baril ng agad kong napalo ito ng walis at tumalsik sa malayo ang baril nito.Hindi ko binigyan ng oras na makaganti pa sila sa akin kaya agad akong pumunta sa likod nilang lahat at binigyan sila ng Killua's favorite move. Ayun, nakatulog silang lahat. Tamaan ba naman ang weak spot nila sa leeg. Napangisi naman ako at agad ng tumakbo, pinulot ko din ang baril na nadaanan ko,kaylangan ko ito para maligtas si Young Master.

"HOY MGA PANOT! " sigaw ko agad pagkalabas ng building, ipapasok na sana nila si Young Master sa Van nito ng napatingin silang lahat sa gawi ko.

"The fuck ugly woman! Why are you following us here! Call the Police now damn it! " napairap naman ako sa sinabi ni Young Master.Kung tatawagin ko ang mga pulis malamang natakas na sya ng mga panot na ito at hindi na sya maliligtas ng pulis. May pagkabobo talaga si Young Master eh. Nagkibit balikat nalang ako at mabilis na tinutok ang baril ko sa gawi nila. Halata namang nagulat si Young Master sa ginawa ko.

"Where the fuck did you get that? You want to kill me too? "

"Ililigtas kita,Bobo!

Kaya Tumahik ka nalang kaya dyan,pwede?" binigyan lang ako nito ng nakakamatay na tingin pero wala akong pake. Tinignan ko ng seryoso ang tatlong balak kumuha kay Young Master.Wala akong masabi, ang papanget talaga nila.

"Pumunta kayo ditong lahat, may matapang na babaeng gusto makuha si Heaven Leilac! " napamura naman ako sa lalakeng nasa kaliwa na may katawagan sa phone.Napangisi ito sa reaksyon ko.Ang sabi ng isang lalake na nakalaban ko kanina napalibutan daw nila ang buong building. Ang tanong ilan kaya ang mga ito? Magiging delikado ang buhay ko pag lahat sila may baril.

Bahala na kaylangan ko ng magmadali kung ganon. Kaya agad akong tumakbo na mabilis papunta sa  gawi nila Young Master,hindi naman inaasahan ng tatlo ang pagsugod ko. Sabay sabay nila akong pinutukan ng baril na agad ko namang naiiwasan ng mabilis.Nag back flip ako at sunod sunod na pinutukan sa ulo ang tatlo.

Walang mintis,kaya agad akong napangisi.

"W-what t-the" agad kong inalalayan si Young Master dahil bigla nalang itong napaupo dahil sa gulat siguro.

"Tara na Young Master hanggat wala pa ang mga kasama ng mga panot na ito" hindi na ito nagsalita at sumunod lang sa akin.Nang makapasok kami sa sasakyan nya ay agad kong pinaandar ito ng mabilis. Napatingin naman ako sa gwapong katabi ko. Namumutla parin ito habang tulala na nakatitig sa kalsada.

"Nasan na tapang mo Young Master? Putok ng baril lang yun wag kang mag react na parang bakla dyan" galit naman akong tinignan nito at dinuro

"You really want to kill me right!! Do you? "

"Paano mo nasabi Young Master? "

"You nearly got me shot earlier,Ugly woman! "

"Young Master,hawak ka sa likod ng lalake kanina, at sinasakal ka. Kaya agad ko itong binaril sa noo. Saka hindi ka naman mamatay dun ah, nadaanan lang naman ng bala yung buhok mo"

"That's what--- FUCK FUCK THEY FOLLOWED US!FUCK THEY SHOOT MY CARS SIDE MIRROR" masama kong tinignan ang mga sumusunod sa amin bale tatlong sasakyan sila. Kung minamalas ka nga naman, kung bullet proof lang itong sasakyan ni Young Master hindi ako mag aaalala ng ganito ka slight.

"Humanda ka Young Master"

"WHAT? "

"Babayahe tayo papuntang langit" nakangisi akong nakatingin sa gwapong mukha nito.Pag makakaligtas talaga kami dito kaylangan kong bigyan nya ako ng masarap na halik.

"What are you fucki--" hindi na nya natuloy ang sasabihin ng mabilis kong tinapakan accelerator ng sasakyan at mabilis na nakalayo ang kotse sa humahabol sa amin. Buti nalang talaga at pang race ang sasakyan ni Young Master.

"LOOK OUT! "

Mabilis kong naiiwasan at nalulusutan ang mga sasakyan na nakaharang sa amin. Buti nalang talaga marunong akong magdrive at nakatulong din ang paglalaro ko ng need for speed sa pagiwas ng mga nadadaanang sasakyan.

Lalo kong pinabilis ang takbo ng sasakyan hanggang sa nakapunta na kami sa harap ng mansyon. Sa labas palang, nakakalat na ang maraming tauhan nila Young Master,at ang iba ay nagsikayan na sa kanya kanyang sasakyan. For sure, huhuliin nila yung humahabol samin ngayon. Buti nalang talaga at natawagan ko kaagad si Sir Lucas kanina salamat sa secretary ni Young Master. Nakatulong talaga sya dahil agad nyang inabot sa akin ang phone nito kahit hindi ko naman sinabi.

"Ligtas ka na Young Master" masaya kong sabi habang nakatingin dito. Para naman itong hirap na humihinga habang nakakatitig sa akin.

"Y-youre a f-fucking ugly monster" tignan mo ito, niligtas ko na nga pero nagawa parin akong laitin imbis na magpasalamat sa akin? Kaya sa inis ko agad kong inabot ang leeg nito at pinalapit sa akin. Gulat naman itong nakatitig sa akin.

Kyahh mas gwapo ito sa malapitan

"Susuntukin sana kita eh pero hindi yun ang gusto ko" kinabig ko pa ito lalo sa akin at mabilis na dinampi ang labi ko sa mapulang labi nito.

Hmm sharap.

avataravatar
Next chapter