45 Chapter 44

"Maupo muna kayo dito sa Sofa iha, tatawagin ko na sila Ma'am Catherine" ngumiti naman ako kay Manang saka umupo sa sofa,tumabi naman si Sheenray sa akin at agad sumandal sa balikat ko. Nakangiti ko namang pinalandas ang palad ko sa buhok nito pababa sa pisngi. Ang cute at ang gwapo talaga ng anak ko. Manang mana sa mommy. Iba talaga pag genes ng dyosang katulad ko. Walang tulak kabigin ang resulta ng anak ko hahaha. Bigla naman akong napasimangot ng sumagi sa isip ko ang ama nito. Ano kaya magigiging reaction nya pag nakita si Sheenray? Matutuwa ba sya?o magugulat at magagalit kasi may anak sya sa akin? Pero diba dapat ako ang magalit? Napailing nalang ako. Matagal nang nangyari ang masamang nakaraan na iyon at nawala narin naman na ang galit sa puso ko. Ang gusto ko nalang ngayon ay ang magmeet ang mag ama para kumpleto na ang pamilya namin. Naaawa narin kasi ako sa anak ko kasi lagi nyang tinatanong sa akin kung nasan ang tatay nya.Wala naman akong maisagot noon dahil....ni katiting wala akong alam kung sinong nakabuntis sa akin.

"L-leir? " bigla naman akong nanigas sa kinauupuan ko ng marinig ko ang boses na iyon. Ang boses ng taong sobra kong namiss sa makalipas na limang taon. Dahan dahan akong lumingon dito at bigla akong napasinghap ng mahina sa nasisilayan ko. Napakalaki ng pinagbago nito, kung dati sobrang gwapo nito sa paningin ko ay mas malala ngayon. Medyo lumaki narin ang katawan nito na parang niyayaya ako na lumambitin dito. Nagmatured narin ang mukha nito. Daddy na daddy na ang peg.

Umubo naman ako ng mahina saka tumayo paharap dito at napansin ko namang agad lumibot ang mga mata nito sa buong katawan ko. Agad naman itong napalunok ng dumako ang mata nito sa boobs ko. Huh, kung dati sinasabihan nya akong flat chested ngayon hindi na. Alaga sa gatas ng baka iyan mga pare. Tumaas naman ang tingin nito sa mukha ko kaya nilabas ko ang maganda kong ngiti agad naman itong namula.

Omg!! Ano nang nangyari sa Heaven na nakilala ko? ibang iba na ang Heaven na nakatayo sa harapan ko ngayon.

Sa pagkakaaala ko galit na galit ito sa akin dahil sa niloko daw namin sya ni Devin pero bakit ngayon? Wala akong nakikitang galit sa mga mata nya?

Dahan dahan lumapit si Heaven sa akin at hinila ako ng mabilis para yakapin ng mahigpit. Sa gulat ay, napayakap narin ako dito

"I missed you,baby..I missed you so much" lalong humigpit ang pagkakayakap nito sa akin na para bang wala na syang balak na pakawalan ako sa mga bisig nya. Maya maya pa ay may naramdaman akong may basa sa balikat ko, at ganon nalang ang gulat ko sa napagtanto..

Umiiyak si Heaven..Umiiyak ang aking Langit..

"I'm s-sorry for all the pain I've caused you five years ago, I'm sorry for not trusting you,and I'm sorry for what Ive said to you, I'm just feel betrayed and hurt baby.. I didn't mean that..so please..f-forgive me and come back to me now and don't leave me again.. I love you" agad naman akong napaiyak dahil sa sinabi nito lalo na sa huling binanggit nito. Totoo ba ito? O nanaginip lang ako? Talaga bang sinabi nya na mahal nya ako? Mahal ako? Ng aking langit?

"I love you, I love you, I love you so much" paulit ulit na banggit nito habang binibigyan ng mumunting halik ang leeg at balikat ko. Napayakap naman ako dito ng mahigpit at lalong napaiyak. Ang saya ko. Sobra..

"Omy god Leir,Iha" agad naman kaming napabaklas sa pagkakayap sa isat isa ni Heaven ng marinig namin ang boses ni Ma'am Catherine.Mabilis kong pinunasan ang luha ko sa mga mata at agad binigyan ng ngiti sila Ma'am at Sir Lucas. Lumapit naman sa akin si Ma'am at niyakap ako ng mahigpit pagkatapos non ay si Sir Lucas naman ang pumalit. Ramdam kong namiss rin nila ako kaya labis ang saya na nararamdaman ko sa aking dibdib.

"We missed you so much iha" sasagot narin sana ako dito ng...

"Ate Leir!! " ng biglang may yumakap sa likod ko kaya agad akong humarap dito at labis ang gulat ko ng makilala ito.

"G-Gabriel?? "napangiti naman ito ng malapad saka ulit ako niyakap. Hindi ko akalain na ang sobrang gwapo na yumakap sa akin ay si Gabriel pala. Ang laki narin ng pinagbago nito. Dyusko lord, ang swerte ko at napapaligiran ako ng mga greek god.

"Don't hug her! Asshole" inis na sabi ni Heaven saka hinila papaalis si Gabriel sa pagkakayakap sa akin. Imbis na mainis ay ngumisi lang ang huli at kininditan ako. Napangiti nalang ako. Hindi parin talaga nagbabago ang ugali nito.

"Mommy" agad naman kaming napatingin sa bulilit na nakatayo sa gilid ng sofa. Agad naman akong napasapo sa noo dahil nakalimutan kong kasama ko pala ang anak ko.Nagtataka namang nakatingin sila Heaven kay Sheenray at maya maya pa ay biglang napasinghap si Ma'am Catherine

"Omygod.. Did you see what I see honey? T-that child he looks like a carbon copy of Gabriel! " nakita ko naman ang gulat sa na rumehistro kay Sir Lucas at Heaven. Si Gabriel naman ay napanganga nalang habang nakakatitig sa anak ko at ang anak ko naman ay nakakatitig rin kay Gabriel habang may ngiti na nakapaskil sa mga labi nito. Ano nanaman bang naiisip ng bulilit nato? Wag mong sabihing?....

"Daddy ko!! " matinis na sigaw nito at patakbong pumunta kay Gabriel para yakapin ang binti nito.

"Daddy Ko! Waaa Finally na meet narin kita D-daddy"umiiyak na litanya nito. Para namang natatae na ang mukha ni Gabriel dahil sa ginawa ng anak ko. Anak ng!

"D-daddy mo ko? " gulat na gulat na tanong ni Gabriel. Bago pa lumalala ang lahat ay mabilis kong hinila si Sheenray papalayo kay Gabriel.

"Mommy bakit mo po ako nilalayo kay Daddy? " malakas na singhap nanaman ang namutawi sa sala. Napa face palm naman ako dahil sa katangahan na ginawa ng anak ko.

"A-ate Leir? M-may anak tayo? " namumutlang tanong ni Gabriel saka napadako ang tingin kay Heaven. Napalunok naman ako ng laway dahil sa mukha ng aking langit ngayon. Para na kasi itong papatay ng tao. Sobrang sama ang tingin nito kay Gabriel at nang dumako ang tingin nito sa akin ay nabasa ko sa mga mata nito ang sakit. Shet!

Sila Maam at Sir naman ay pabaling baling ang tingin sa akin pati narin kay Gabriel. Na parang hindi makapaniwala.. Napahinga naman ako ng malalim

"Kung ano man ang iniisip nyo ay itigil nyo na. Mali kayo ng akala"yumuko ako at tinignan ng seryoso ang aking anak"Hindi si Gabriel ang daddy mo Sheenray" napasimangot naman ito at nagdadabog na itinuro si Gabriel

"Pero Mommy! Magkamukha po kami kaya sya ang Daddy ko"

"Hindi nga sya ang Daddy mo Sheenray!Itigil mo iyang pagmamaktol mo kundi makakatikim ka ng sapak sa akin! "pinandilatan ko pa ito ng mata kaya napalunok ito at napayuko.Napangisi naman ako saka ulit humarap kila Ma'am Catherine na gulat paring nakatingin sa anak ko.

"So Gabriel is not the father, so who is it? Is it D-devin?I know its not me because I remember that theres no sex happened between us"mapait na litanya ni Heaven. Agad naman akong umiling dito pero umiwas lang ito ng tingin habang napatiim bagang

"Diba sinabi ko naman sayo? Walang namamagitan sa amin ni Devin,at alam mo iyon dahil sinabi sa akin ni Devin na inamin nya lahat ng sikreto ko sayo,diba?" bumaling ulit ang tingin nito sa akin kaya napangiti ako ng malungkot. Yumuko ako para abutin at buhatin si Sheenray saka hinarap sa kanila. Hinalikan ko muna sa pisngi ang aking anak bago ako nagsalita

"Gusto ko pong ipakilala sa inyo ang gwapo kong anak si Sheenray Michaelis Crisoveia" bumaling naman ako sa aking anak na nakakatitig na pala sa akin, ngumiti naman ako dito at tinaas ang aking kamay na agad namang sinundan ng tingin ng aking anak

"Sheenray,sya ang tunay mong Daddy,si Heaven Leilac Crisoveia"

Malalaki naman ang mga mata at gulat na gulat nakatingin sa akin si Heaven. Pati narin sila Gabriel..

"W-what? "

avataravatar
Next chapter