44 Chapter 43

"Key!! Gusto ko pa ng kalaro" napasapo nalang sa noo si Key habang nakatingin sa 50 na kataong nakahandusay sa kanyang harapan at wala nang buhay. Nagpapasalamat sya at ng dahil kay Mia ay napadali ang misyon nya ngunit hindi ganito na kabrutal na pagpatay ang nais nya. Lahat ng napatay ni Mia ay hindi lang basta namatay sa tama sa noo kundi namatay sa sunod na sunod na tama ng baril sa mukha nito kaya lahat ng mukha nito'y hindi na makilala pa.

Buti nalang hindi katana ang binigay ko kay Mia, kundi paniguradong magliliparan ng mga ulo at iba pang parte ng tao dito sa hideout ng mga kalaban nila.

Iniwas na ni Key ang tingin sa mga bangkay at tumingin naman kay Mia, na abala sa paglalaro ng baril na hawak nito. Hindi nya talaga akalaing makikita nanaman nya ang ganitong side ng kanyang kaibigan. Na parang walang kaluluwa habang brutal na pinapatay ang nabibiktima nito.

"Mia, kaylangan na nating pumunta sa hospital" napatigil naman sa pagiikot ng baril si Mia dahil sa narinig. Ang pinaka ayaw pa naman nyang salita ay ang hospital. Akmang lalapit na si Key kay Mia ng mabilis sya nitong pinaputukan sa balikat at binti kaya napadaing sya sa sakit at napaluhod. Hindi nya akalain na magagawa syang saktan ni Mia.

Si Mia naman ay napangisi dahil sa nakikitang sitwasyon ng kaibigan. Kaya bago pa ito makaganti sa kanya ay mabilis na syang tumalikod at tumakbo.Kaylangan nyang makalayo kay Key para wala ng pipigil pa sa kanyang paglalaro.

Kahit masakit ang braso at binti ni Key ay pinilit pa rin nyang tumayo para sundan si Mia.Nakita na nya itong tumatakbo sa kalsada at sa hindi inaasahan ay bigla nalang may rumaragasang truck na patungo sa kanyang kaibigan.

"MIA!!! "

---------

Its been a week since Heaven see Leir and instead of feeling happy, he's been frustrated because of the absence of their formal nanny.

I hate her! So much.. Then why I'm feeling missing her? That ugly slut of my brother!

Galit na inalis ni Heaven ang lab coat na suot at mabilis na lumabas sa kanyang kwarto. Habang pababa sya sa hagdan ay nasilayan nya agad ang kanyang bunsong kapatid na nakatulala nanamang nakatingin sa kotse nitong laruan na binigay ni Leir. Iniwas ni Heaven ang tingin dito at dumiretsyo na sa kusina para uminom at naabutan naman nya ang kanyang mommy na nakasimangot na nakatingin sa plato nito na may lamang...

"What is that mom? Its look so gross" sinamaan naman ni Catherine

Ang kanyang anak sa sinabi nito ngunit agad din itong nawala at napalitan ng malungkot na expression habang sumalampak sa upuan.Nagaalala naman si Heaven dahil sa inasta ng ina kaya umupo sya sa tabi nito at nagtanong

"Why you look so sad mom? Did dad and you had a fight?"

"No son"

"Then what is it? "

"I just miss Leir, and her special adobo so I tried to cook it but I failed"

Para namang naumid ang dila ni Heaven dahil sa narinig at napadako ulit ang tingin sa failed adobo ng kanyang ina.

Mas masarap halik ko,kaysa sa adobo diba Young Master?

Mabilis na binura ni Heaven ang naalala ng kanyang isip tungkol sa adobo.

She's messing with my head again. Ani nya

Simula ng umalis si Leir sa kanilang mansyon ay naramdaman ni Heaven na parang nagbago at naapektuhan lahat ng myembro ng kanilang pamilya. Laging bukambibig ang pangalan ng dalaga lalo na ang kanyang bunsong kapatid na si Lucas.

"Heaven, we need to talk" bungad ng kanyang kambal pagpasok sa kusina.Napatiim bagang naman si Heaven habang nakakatitig dito. Ang kanilang ina naman ay nagtatakang pabaling baling sakanilang dalawa. Tumayo na si Heaven sa kinauupuan nya at naglakad papalapit sa seryosong mukha ng kanyang kapatid.

"Follow me" ani ni Heaven at agad naman syang sinundan ni Devin.

Gustong saktan ni Heaven si Devin pero nga dahil sa sinabi nya kay Leir na wala na syang pake elam ay handa na syang pakinggan ang sasabihin ng kakambal at kahit malaman nya ang totoo nangangako syang tuluyan na nyang buburahin ang nag ngangalang Leir Mia Fenis sakanyang buhay.

------

"Sigurado ka na ba sa desisyon mo, Silver Fox? " napabuga ng hangin si Key habang nakaupo sa gilid ng hospital bed at hawak hawak ng mahigpit ang kamay ng kanyang kaibigan na si Leir Mia.

"Kaylangan ko syang dalin sa Greece,Tyrant.Hindi ko sya pwedeng iwan dito. Kaya kaylangan ko ng tulong mo"

Tumango tango nalang ang lalake na nagngangalang Tyrant. Hinawi nito ang makapal na berde nitong buhok habang nakakatitig sa kanyang kaibigan na si Key at ang kaibigan nito na si Leir.

Matalik na magkaibigan si Tyrant at Key kaya handa nya itong tulungan.

Ngunit alam na ba ng demonyong hari ang balak ng kanyang kaibigan?

"Alam ba nito ni Lock Survey? " bigla nalang lumabas na tanong ni Tyrant sa kaibigan.

bigla namang dumilim ang mukha ni Key ng marinig ang pangalan ng taong kinaiinisan nya kaya nakatanggap ng nagbabagang tingin si Tyrant kay Key.

"Wag na wag mo ng babanggitin ang pangalan ng putanginang lalake na iyon!maliwanag?!" napataas nalang ng dalawang kamay si Tyrant at napalunok ng malalim dahil sa takot na baka barilin sya ni Key. Halatang galit talaga ang dalaga sa kanyang tanong dahil nagmura ito. Nagmumura lang ito ng malutong pag sobrang galit ang nararamdaman.

Ano kayang nagawa ni Lock Survey at ganoon nalang ang galit ni Key dito?  Napailing nalang si Tyrant at napatawa ng mahina..

Baka sobrang lala lang siguro ng LQ ng dalawa...

Umabot ng tatlong araw ang pamamalagi ni Leir Mia sa hospital bago palihim na tinakas nila Key at Tyrant ang katawan ni Leir at pinasok sa Van. Nagtataka parin si Key kung bakit hindi parin nagigising ang kanyang kaibigan. Wala naman itong kagalos galos at parang mahimbing lang na natutulog.

Kung hindi siguro naligtas ng kaibigan nyang si Tyrant si Leir ay baka mamatay ito dahil sa pagkakalasog lasog ng katawan dahil sa truck at nagpapasalamat syang hindi nangyari iyon. Ngunit pagkatapos maligtas ni Tyrant ang kaibigang si Mia ay bigla nalang itong sumigaw ng malakas hanggang sa nahimatay.

Hindi kaya dahil sa sakit nito ay hindi parin ito nagigising?.Ani ni Key sakanyang isip. Kung iyon nga ang dahilan tama lang ang desisyon nya na dalin ito sa Greece para ipagamot ito pero bago iyon ay may kailangan pa silang sunduin

"Tyrant, kaylangan na nating makapunta sa Nueva Ecija ng mabilisan para makaabot kami sa flight"

"Okay, boss"

-----

Leir's Pov

Dahan dahan akong bumaba sa sasakyan at saka seryosong tinitigan ang mansyon na nasa harapan ko

Hindi ko akalain sa makalipas na limang taon ay pupunta ulit ako dito para makaharap sila. Lalo na sya.

Napahawak ako sa tapat ng dibdib ko at napahinga ng malalim

Kilala pa kaya nila ako? O binura na nila ako sa kanilang buhay simula ng umalis ako?

"Dude! Kahit titigan mo ng matagal ang mansyon ng bebe mo hindi parin iyan matutunaw" napalingon naman ako sa tarantadong kaibigan ko at pinakyuhan sya pero tumawa lang ito ng malakas. Baliw talaga.

"Pwede ka ng umalis dito, tapos na kitang gamitin na driver ko" masungit na sabi ko dito. Napahawak naman si Ketong sa kanyang dibdib binigyan ako ng nagdadaramang tingin

"Sinasabi ko nga ba na manggagamit ka! Hindi mo talaga ako tinuturing na kaibigan huhu ipapademanda kita! " napairap nalang ako dito at sinenyas senyas na ang aking kamay na umalis na sya.

"Wag ka ng magdrama dyan, baka masapak lang kita,magkita nalang tayo nila Ice bukas" sumimangot naman ito at padabog na itong pumunta sa sasakyan nito. Pero bago pa makapasok si Ketong ay agad ko itong tinawag.

"Salamat Prince Ib-"

"NOO!! Wag mong babanggitin ang pangalan kong iyan!! Idedemanda na talaga kita" napatawa nalang ako ng malakas habang nakatitig sa inis na mukha nito.

"Oo na, Hindi na kita tatawagin sa tunay mong pangalan."

"Good"

Napailing nalanga ako at napangiti saka yumukod dito

"Maraming salamat,mahal na Prinsipe"

Umingos nalang ito dahil sa pinakita kong pag galang sakanya

"Nakakainis ka talaga, makauwi na nga,namimiss ko na ang little harem ko, bye Dude Princess "

Kumaway ito sa akin saka pumasok na sasakyan nito at pinatakbo ng mabilis.

Hindi ko talaga akalain na sa isang ugok at bobong si Ketong ay isang prinsipe pala. Akala ko favorite na ako ni Lord meron pa palang may most favorite at si Ketong iyon.

Last year ko lang nalaman ang sikreto nya,noong dinalaw ako ng barkada sa Greece labis ang tuwa ko dahil sa effort nila Ketong at doon ko inamin lahat ng tinatago ko sa kanila at doon rin namin nalaman nila Ice na prinsipe si Ketong. Kung hindi pa sumulpot si Tyrant noon ay hindi pa aamin si Ketong pero buti nalang dahil nadulas si Tyrant at nalaman namin na ang minumura mura, nilalalait lait at binubugbog namin ay isang prinsipe pala.

Natigil ang pagbabalik tanaw ko ng bigla nalang may humawak sa kamay ko.

Nakalimutan ko pala na may kasama ako. Bigla nanaman akong kinabahan at naalala kung bakit ba ako nandito..

Napahawak ako ng mahigpit sa kamay nito bago nagsalita

"Excited ka na ba, Sheenray? " ngumiti naman ito ng matamis sa akin kaya napagaan naman agad ang damdamin ko. Walong taon ko na itong kasama at wala talagang mintis ito sa pagpapagaan sa loob ko at masasabi kong mahal na mahal ko talaga ito.

"Opo, excited na ako.. Mommy"

avataravatar
Next chapter