43 Chapter 42

"Iha,naayos ko na ang pagtutulugan mo, pwede ka nang magpahinga"

"Maraming Salamat Po, Tiya" ngumiti naman ito at tsyaka ito umalis. Ako naman ay, tumayo na at pumasok na sa bago kong kwarto. Bigla ako napangiti ng malungkot. Ma mimiss ko ang kwarto ko sa mansyon nila Ma'am Catherine, syempre pati narin sila baby Lucas. Masakit makita na umiyak si Baby Lucas sa harap ko, pero wala naman akong magagawa kundi mag resign sa trabaho ko at umalis na. Kung mananatili pa ako dun baka mamatay lang ako sa sakit na nararamdaman na dulot nang pagmamahal ko kay Young Master. Alam kong may alam si Ma'am Catherine sa nangyari pero nagpapasalamat ako na hindi na nya ako tinanong tungkol doon, at pinayagan nalang akong umalis sa kanila.

Sinabihan ko naman si Devin na wag na wag na syang magpapaliwanag sa kapatid nito dahil ako na ang bahala don kung handa na si Young Master makinig sa sasabihin ko. Kasi, sa simula palang ako na ang may kasalanan. Naglihim ako dito.

Sino ba namang matutuwa kung malalaman mo na ang taong sinasabing gusto ka mula umpisa ay hindi naman pala naging tapat sayo?Syempre agad nang mawawala ang tiwala mo dito at baka hindi na sumugal pa sa larangan ng pagibig. Kaya naiintindihan ko si Young Master. Kahit sobrang sakit na malaman na sa tagal na nakasama nya ako ay hindi nya man lang alam kung nagsasabi ba ako ng totoo o hindi. Samantalang si Devin, mabilis nya agad akong nababasa. Konting konti nalang talaga na maniwala akong si Devin ang Gifted at hindi si Young Master. Masyado kasi itong tanga at laging nagpapadala sa emosyon.Tama nga ba talaga ako ng taong pinili para mahalin? Kung madali lang sana burahin ang feelings baka ginawa ko na. Dahil hindi ko na ata kayang dalin pa ang sakit na nararamdaman ko.

May patutunguhan pa ba lahat ng ito? Paano kung hindi na ako bigyan ng chance ni Young Master?ano nang gagawin ko?

Napabuga nalang ako ng hininga bago kinuha ang wallet ko sa pantalon ko at binuksan para kunin ang picture na nakaipit dito.

Parang bigla namang nawala ang problema ko ng masilayan ko ang ngiti ng pinakaimportanteng lalake sa buhay ko. 15 years old ako ng dumating ito sa buhay ko. Matatawag ko syang ilaw ko dahil sya ang laging nagpapaliwanag sa madilim kong mundo.

Unti unting nawala ang ngiti ko ng may marealize ako habang nakakatitig parin sa larawan na hawak ko.

"Masyado na ata akong naging abala sa pagsuyo sa aking Langit at panandaliang nakalimutan kita. Pasensya kana, p-pag ayos na ang lahat saka ako babalik sayo" pinatakan ko nang halik ang picture bago ito binalik sa wallet ko saka ako tumanganga at nakikipagtitigan sa puting pader. Pero biglang Nabaling ang tingin ko sa phone ko ng bigla itong tumunog, agad ko naman itong kinuha at binuksan para tignan kung sino ang nagmessage.

Silver Fox

               it's positive Mia.

Napalaki ang aking mata sa nabasa. Anong? Bakit? Paano? Sunod sunod kong tanong sa aking isipan.

Hindi ako makapaniwala.Ano ito pinaglalaruan ba ako ng tadhana? At saka paanong---

Nanginginig kong binaba ang phone ko sa kama saka ako nagsimulang tumawa.Napahawak ako sa pisngi ko at napatingin sa salamin. Baliw na ako.Tumatawa ako habang patuloy na lumuluha ang mga mata ko.

Halo halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon. Gulat, saya, at galit.

Ngayong nalaman ko na ang totoo, ano nang gagawin ko? Kaylangan ko na bang maghiganti? Kaylangan ko ba syang patayin?!

Napailing ako sa huli kong naisip. Hindi..hindi ko sya kayang patayin. Pero dahil sa taong iyon. Nasira ang buhay ko!Pero sya din ang dahilan kung bakit dumating sa akin ang nagbigay ng ilaw at bagong pag-asa sa buhay ko noon at hanggang ngayon.

Marahas kong pinahid ang luha sa aking mga mata at kinuha ulit ang phone ko.

Hindi! Hindi ako pwedeng magpadala sa emosyon ko. Kaylangan kong ayusin ito ng tama!

Dinial ko ang number ni Devin at wala pang segundo ay sinagot na nito ang tawag ko.

"Hey, Leir" huminga muna ako ng malalim bago ako sumagot

"Devin, kaylangan nating magkita ngayon. May mahalagang bagay kang dapat malaman"

Sana tama itong gagawin ko....

----------

Tuloy tuloy na nilagok ni Heaven ang laman ng bote nang alak na hawak nya. Pagkapos kasi umalis ni Leir sakanilang mansyon ay tumuloy si Heaven sa bar ng kanyang kaibigan para magpakalasing. Gusto nya kasing makalimutan muna panandalian ang galit at sakit na nararamdaman nya. Ngunit nagkamali sya. Lalo lang paulit ulit na nagpaplay sa utak nya ang larawan ng kanyang kakambal habang kahalikan at kayakap ang babaeng gusto nya.Kaya lalo lang lumalala ang sakit na nararamdaman nya at lalong umusbong ang galit nya sa mga ito.

They betrayed him. His lover and his own fucking twin!

Hindi akalain ni Heaven na magagawa syang traydurin ng kakambal nya dahil lang sa isang babae. Napahigpit ng hawak si Heaven sa bote at napatiim bagang.

Dahil sa babaeng iyon. Nagulo ang buhay nya pati narin ang samahan nya ng kambal nya..

"That fucking slut!!I despise her so much to death,I wont ever forgive her"

Galit na ani ni Heaven saka ulit lumagok ng alak. May nararamdaman na pagtatanggi ang puso ni Heaven ngunit hindi na lang nya pinansin iyon. Mas lamang ang namumuong galit sa kaloob looban nya.

**BANG**

**BANG**

Dahil sa tunog ng baril na narinig ay. Bigla nang nagkagulo sa bar. Napatayo naman si Heaven at gulat at may takot na nararamdaman sa nangyayari. Lahat ng tao doon ay nagtutulukan na at naguunahan na makalabas sa bar.Pilit hinahanap ni Heaven ang kanyang mga kaibigan ngunit nabigo syang makita ang mga ito.

**BANG**

Mabilis na napayuko si Heaven sa gilid ng counter dahil sa sunod sunod pang tunog na baril na kanyang narinig.

"Fuck, Fuck, Fuck" takot na takot na bigkas ni Heaven habang nakaduko parin sa sya sulok.

"Young Master!!" gulat namang napalingon si Heaven sa kanyang likod ng marinig nya ang pamilyar na boses.At ganon nalang ang gulat nya ng makita ang babaeng kinamumuhian nya.

Mabilis na lumapit si Leir kay Heaven at hinila ito patayo.

"Sumunod ka sa akin, dito ka lang sa likod ko hanggang makalabas tayo" sisigawan sana ni Heaven ito ngunit nakaramdam nanaman sya ng takot ng marinig ang malakas na pagsabog sa labas. Kaya kahit napipilitan ay sumunod nalang sya sa sinabi ni Leir.

Sumenyas na si Leir na maglakad na sila at tumango nalang ang huli.Mahigpit na hinawakan ni Leir ang dalawang pistol na hawak habang mabilis silang tumatakbo papalabas.

Buti nalang ay napadaan sya dito sa bar pagkatapos ng masinsinang paguusap nila ni Devin. At sakto namang sumulpot nalang bigla sa harapan nya si Key at binigyan ng baril. Dahil meron daw na nagbabalak na manggulo sa bar at hindi nga ito nagkamali.Nang saktong abutin ni Leir ang baril kay Key ay nakarinig na sila ng sunod sunod na putok ng baril. Kaya agad silang napatakbo para patumbahin ang mga pasimuno ng gulo at ng pagpasok nya sa bar ay hindi nya inaasahan na makita ang Young Master nya na nanginginig sa takot habang nakatago sa sulok. Dahil sa takot na may mangyari sa kanyang langit ay mabilis na pumunta si Leir sa pwesto nito.

Kahit sinaktan sya ni Heaven ay hindi nya maatim na mapahamak ito. Gagawin nya ang lahat maging ligtas lang ito

Napamura si Leir ng may dalawang lalake na may hawak na baril patakbong papunta sa kanila. Kaya bago pa sila barilin ay inunahan na ito ni Leir at mabilis namang bumagsak ang dalawang lalake at wala ng buhay.

"Bilisan na natin Young Master! " pagyaya ni Leir at pinagpatuloy na ang tumakbo. Para namang masusuka si Heaven ng nadaanan na nila ang dalawang lalake na dilat na ang mga mata at may butas sa noo.

She's a monster..I can't be with her..

Napagtanto na talaga ni Heaven na tama lang na pagtabuyan ang dalaga at hindi na makinig sa mga paliwanag nito..Dahil hindi nya hahayaan na lalo pang magulo ang buhay nya sa babaeng ito..

Nang makalabas at makalayo na sa Bar. Ay agad nang tumigil sa pagtakbo ang dalawa.Kahit maling iwanan ni Leir ang kaibigan nyang si Key ay may tiwala parin syang magiging ligtas ito.

Nakangiti namang bumaling si Leir kay Heaven

"Buti nalang at walang nangyaring masama sayo ng dumating ako dahil kung meron man baka hindi ko kaya--"

"Stop the bullshit, I don't want to hear your ugly voice" malamig na bigkas ni Heaven sa dalaga kaya napapikit nalang ito dahil kumirot nanaman ang puso nito sa sinabi ng kanyang langit.

"Pakinggan mo ako Young Master,Wala kaming relasyon ng kakambal mo, bakit kita lolokohin? Eh patay na patay ako sayo. Hindi mo ba ramdam iyon?Kung gusto mong malaman ang totoo kung bakit nangyari iyon ay handa na akong sabihin sayo ang lahat basta---"

Thats it. Dahil sa naririndi na si Heaven sa dalaga ay bigla na syang sumabog at galit na sumigaw dito

"SHUT THE FUCK UP!! I DONT WANT TO HEAR YOUR VOICE!I DONT NEED YOUR FUCKING EXPLANATIONS ANYMORE!YOU KNOW WHY? COZ I DONT GIVE A DAMN! YOU CAN FUCK WITH MY BROTHER ALL YOU WANT BECAUSE I DONT LIKE YOU ANYMORE! I HATE YOU!I FUCKING LOATHE YOU SLUT! I DONT WANT TO SEE YOUR FACE EVER AGAIN!YOU ARE DISGUSTING SHIT! SO FUCK OF!!"

Naluluhang inabot ni Leir ang kamay ni Heaven ngunit malakas na sinampal lang ito ng binata at saka nagmadaling naglakad papaalis para iwan sya..Hindi na nagawa pang habulin ni Leir ang binata dahil bigla nalang syang nanghina at napasalampak sa lupa at napahagulgol ng malakas.

Kung dati kaya nyang i handle ang sakit na salita na lumalabas sa lalake ngayon ay hindi na..Masyado na nya itong mahal. Hindi akalain ni Leir na mahuhulog sya ng sobra sobra sa isang tao at ang kapalit ay ang hindi magkamayaw na sakit.

Ilang minuto umiyak si Leir hanggang sa unti unti na itong tumahan at tumahimik.

Saka naman dumatinga ang kanyang kaibigan na si Key.

"Mia,ayos ka lang--" hindi na tuloy ni Key ang sasabihin nang may maramdaman syang mali. Dahan dahang lumapit si Key sa tahimik at nakayukong kaibigan at bigla nalang syang nakaramdam ng kaba ng may naalala ito.

No. It cannot be...

Pilit na pinaniwala ni Key na mali ang kanyang naiisip ngunit alam nyang tama sya ng bigla nalang tumingala ang kaibigan nyang si Leir sakanya at ngumisi...

The demon is now awaken...again..

At sa pangyayaring iyon alam ni Key na may mangyayaring gulo...na hinding hindi nya magugustuhan pati narin ang organisasyon..

Parang gustong patayin ni Key ang sinumang tao na nagpabuhay sa demonyo...

Hahanapin kita at sisiguraduhin kong hinding hindi ka na makakawala sa kamatayan!.. Pangako ni Key sa kanyang isipan habang nakakatitig parin sa mukha ng kaibigan na dahan dahang hinihimas ang hawak nitong baril.

"Simulan na natin ang laro"...ani ni Leir na may ngising demonyo na nakaukit sa mga labi nito

avataravatar
Next chapter