42 Chapter 41

"Kasama ako dati sa isang organisasyon, kung saan lahat ng myembro doon ay may bawat misyon at pag nagawa namin ng maayos ang pinapagawa ng pinaka pinuno namin ay babayaran kami nito ng malaking halaga ng pera at depende pa iyon kung gaano kabigat ang misyon na napunta sayo.Alam kong nagtataka ka kung paano ako napunta doon.Noong Eleven years old ako may nagligtas sa akin na lalake at sinabi ko sakanyang utang ko ang buhay ko sakanya kaya naman ng pinasok nya ako sa organisasyon na iyon ay hindi na ako nagreklamo pa. Kahit ramdam ko noon na hirap ang mararanasan ko sa oras na maging myembro ako non ay tinanggap ko ng buo ang kapalaran kong iyon.

Araw araw, sinasanay kami sa pakikipaglaban,sa limang taon ko doon ay masasabi kong lahat na ng style ng martial arts ay alam ko na. Syempre hindi din nawala sa pagsasanay namin ang pagaralan ang bawat armas at maging expert dito. Kaya noong nag date tayo madali lang sa akin tamaan ang mga bagay gaano man ito kaliit o kalayo. Pero nga sabi ko,limang taon lang ako nagtagal sa organisasyon na iyon dahil hindi na ako masaya kaya noong 16 years old ako malaya na nila akong pinakawalan." mabilis akong tumalikod kay Young Master para kumuha lang ng mineral water sa ref at inumin ito,dahil para akong naubusan ng laway sa mahaba kong pagpapaliwanag. Nang kuntento na ako sa nainom ko ay saka ako ulit humarap kay Young Master na seryoso lang na nakatitig sa akin at para itong nagiisip ng malalalim kung ano bang gagawin nya sa mga nalaman tungkol sa nakaraan ko.

"So, you're kind of like an agent or assassin?" tumango tango nalang ako sa tanong nito dahil pagod na akong magpaliwanag pa. Napahinga naman ng malalim si Young Master at parang stress na stress na ginulo ang buhok nito. Napayuko naman ako sa naging reaksyon nito, siguro nagsisisi na ito kung bakit hinayaan nito ang sarili na magkagusto sa akin at makipagdate sa isang katulad ko. Isang babae na mas malakas pa sa barako at kayang pumatay ng wala pang isang segundo kung gagalitin mo. Kumbaga, isang freak na tulad ko. Napataas naman ang ulo ko ng narinig ko ang tunog ng upuan.Nakatayo na si Young Master at  blanko na itong nakatingin sa akin.

"I'm sorry, b-but I want to be alone for a while" pagkatapos non, mabilis na itong naglakad papaalis ng kusina at iniwan na akong magisa.Natawa naman ako ng mapakla. Bakit pa ba ako nagulat? Alam ko naman na simula palang hindi na nya ako matatanggap. Kung ito palang ay ganto na ang reaksyon nito, pano nalang kung malalaman pa nya ang pangalawang sikreto ko? Panigurado mapapalayas na ako dito, dahil hindi nila hahayaan na manatili pa sa mansyon nila ang isang baliw na tulad ko.

"Ate Leir, are you okay? " mabilis ko namang pinunasan ang luha sa mukha ko at ngumiting tumingin kay Gabriel na buhat buhat si baby Lucas.Parehas na may pagtatakang reaksyon ang mga mukha nito na nakatingin sa akin kaya ngumiti ako ng malapad at tumawa.

"Hahaha ayos lang ako guys, naalala ko lang iyong nabasa kong story kanina, malungkot kasi iyong ending eh"

"But Ate Leir you hate reading stories right?" parang gusto ko nang lumubog sa kinakatayuan ko dahil sa sinabi ni baby Lucas. Magsisinungaling na nga lang ako ay iyon pang dahilan na mabilis akong mabisto. Puta ang bobo. Pero dahil ayaw kong mapahiya ay paninindigan ko nalang ang pagsisinunangaling ko. Kaya tumawa naman ako habang naglalakad papalapit sa dalawa.

"Ano ka ba, baby Lucas,people change.hahaha" ginulo ko pa ang buhok ni baby Lucas at pinalo palo naman ang balikat ni Gabriel bago nagmadaling umalis sa kusina.Mahirap na pag nagtagal pa ako doon, baka ulanin nila ako ng mga tanong na hindi ko kayang sagutin ng tama. 

Nang masarado ko na ang pintuan ng aking kwarto ay dahan dahan akong sumandal dito at hinayaan nanamang lumabas ang mga luha kong kanina pang gustong lumabas sa mga mata ko.

Akala ko pag nagustuhan ako ni Young Master mapapanatag na ang pusot isip ko na mabilis nitong matatanggap ang buong pagkatao ko, pero nagkamali ako. Masyado ba akong nagtiwala at umasa? Isa bang pagkakamali na mag kagusto dito?

Ang hirap tanggapin pero tama nga ata si Cia na masasayang lang ang lahat ng ginawa kong pagsuyo kay Young Master dahil sa huli,hindi rin naman ako kayang tanggapin nito ng buo.

"Tangina, ang sakit.. " garargal kong bulong habang hinahayaan ang sarili kong mapasandal ng dahan dahang pababa sa likod ng pinto.

Ganito pala ang pakiramdam. Pag hindi ka kayang tanggapin ng taong wala kang ginawa kundi bigyan mo ng aruga at pagmamahal.

Nakakawalan ng lakas, nakakatangina!!

Para akong nasa state ng comatose..sa nararanasan ko...barely breathing and slowly dying...

----------

"So,you told him already huh..about your work?" tinango ko nalang ang aking ulo habang nakakatitig parin sa kawalan. Bigla, namang may dalawang kamay na humawak sa magkabilaang balikat ko at sapilitan akong hinarap dito.Parang wala ako sa wisyo na nakikipagtitigan sa seryosong mga mata ni Devin.

"Leir, alam ko ang ugali ng kakambal ko. Matatanggap din nya ang buong pagkatao mo.So please, just get hold up your self and be positive again"binigyan ko lang ng maliit na ngiti si Devin bago ko yinuko ang ulo ko.

"P-pano k-kung hindi nya matanggap iyong tungkol sa kondisyon ko? Ayaw ko ng makita ulit iyong reaksyon ni Young Master na parang dissapointed sya sa akin, nangdidiri, at galit dahil sa katauhan ko. Paano---" hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil hindi ko na napigilang mapahagulgol. Agad ko namang naramdaman ang dalawang braso ni Devin na mahigpit ng nakayakap sa akin.

"Shhh.Leir,please..magtiwala ka lang Kay Heaven. I know that he loves you so much. Hi didn't intend to hurt you like that Leir"dahan dahan akong umalis sa pagkakayakap kay Devin at tumitig dito habang patuloy parin na umaagos ang mga luha ko.

"Diba sabi ko*hik*magtagalog*hik*ka pag kausap*hik* mo ako? *hik*Tangna*hik*ka" napatawa naman ng malakas si Devin sa sinabi ko. Dahil sa parang anghel at ang ganda ng tawa nito ay hindi ko narin mapigilan na mapangiti habang patuloy parin na umaagos ang luha ko sa aking mga mata. Ayaw na atang tumigil ng luha ko sa pagbuhos. Masyado ata talaga akong nasaktan ni Young Master.Ang swerte ng gagong iyon. Masyado ko syang mahal.

Ilang oras kaming nagusap ni Devin at talagang nagpapasalamat ako na kahit papano naging maayos ang pakiramdam ko. Napagisipan pa nito na manood kami ng Movie ni Vice Ganda para daw maging maayos ang kalagayan ko. Napuno ng tawa ang buong kwarto ko hanggang sa di ko namalayan unti unti na akong kinain ng antok.

Nagising nalang ako ng may marinig akong malakas na kalabog.Mabilis akong bumangon at napatingin sa tapat ng pintuan at ganon nalang ang gulat ko ng makita si Young Master na nakatayo doon,at galit na galit na nakakatitig sa akin.

"How's your sex with my brother? Huh! slut?!! " nakaramdam naman ako ng takot dahil sa sigaw nito, masasalita na sana ako ng naramdaman kong may gumalaw sa kama ko at napasinghap ako ng mahina nang bumangon si Devin na abala paring kinukusot ang mga mata nito.

Bakit walang pang itaas na suot si Devin? Ano bang nangyari??

Agad ko ulit binaling ang tingin ko kay Young Master na tiim bagang nang nakatingin sa aming dalawa ni Devin.

"Y-young Master, mali ang iniisip mo"aligaga kong sabi dito.

"Oh really,then how about this!! " galit nitong hinagis sa harapan ako ang isang envelope.Di ko alam pero lalong lumala ang kaba ko ng makita ito. Kahit nanginginig ay mabilis ko itong kinuha at binuksan.at para na akong mawawalan ng dugo ng makita ang mga laman nito.Walang iba kundi mga stolen picture namin ni Devin na magkayakap, nagtatawanan,at ang malala ay naghahalikan.

"L-leir" naluluha kong inabot kay Devin ay ang envelope at rumihistro narin ang gulat nito sa mukha ng makita ang mga pictures namin. Mabilis binaba ni Devin ang envelope sa kama at tumayo papalapit kay Young Master pero sinigawan lang sya nito.

"Don't fucking go near at me, you fucking traitor!! "

"Listen to us Heaven, Its not what you fucking think! Leir and I are just friends! " napatawa naman ng malakas si Young Master dahil sa narinig nya kay Devin. Hanggang sa napasigaw nalang ako ng inambahan nito ng malakas na suntok si Devin. Mabilis naman akong tumayo at lumapit kay Devin na parang nahilo ata sa lakas ng suntok ni Young Master.Nang nakatayo na si Devin ay saka ulit nagsalita si Young Master.

"Don't fuck at me, I caught you two once kissing in our garden so dont just tell me that you are fucking friends when you're not! " mabilis naman kaming napaiwas ng tingin sa sinabi nito. Napapikit ako ng mariin.Hindi ko akalaing nakita ni Young Master iyon.

"But Heaven--"

"Shut up!! "

Parehas kaming napapatitig ni Devin sa isat isa.Malungkot akong ngumiti dito. Kahit anong gawing paliwanag namin ay hindi na kami papakinggan ni Young Master..agad naman akong napatitig kay Young Master nang tinawag nya ang pangalan ko. Wala na ang galit sa mukha nito.Pero wala na itong emosyon na nakatingin sa akin.

"I like you,but now I don't. I just feel disgusted and furious now, because you just fucking played with my fucking feelings you whore."

"HEAVEN! " galit na sigaw ni Devin pero hindi sya pinansin ni Young Master at tinuloy nya lang ang sasabihin sa akin.

"I cant believe that I let my off guard because of you.Im really quite right after all my assumptions about you like you are really flirt, and a gold digger ugly woman! Tsk. I don't want to see your fucking face again..So leave now! my brother's slut" agad na itong tumalikod at pabagsak na sinara ang pintuan ko.

Nanghihina naman akong napaupo at napahagulgol. Mahigpit kong hinawakan ang dibdib ko dahil parang mamaya ay aatakihin ata ako sa puso dahil sa sakit na nararamdaman ko. Lahat ng sinabi nito ay parang karayom na tumusok sa buong katawan ko parang paunti unti na ako nitong pinapatay.

"Leir, huminahon ka Leir, please"

Lalo akong napahagulgol nang malakas ng maramdaman kong lalong sumakit ang dibdib ko. Sa sobrang sakit ay hindi ko na naririnig pa ang sinasabi ni Devin.

Ganito ba talaga ang magmahal? Nakakamatay?

Unti unti kong pinikit ang mga mata ko hanggang sa binalot na ako ng kadiliman.

Cia's Pov

Sinasabi ko na nga bat mangyayari ito.

Wag kang magaalala Leir.. Ilalayo na kita sa taong walang binigay kundi sakit sayo.

It's time to save you again.. Sister

avataravatar
Next chapter