40 Chapter 40

"I can't believe that was so hard tsk" napatawa naman ako sa sinabi ni Young Master ng makalabas kami sa Shooting area.Paano naman kasi ilang beses na sakanya tinuro ang tamang paghawak ng bala at tamang pose pag may tatamaan kang bagay pero hindi parin nya makuha kuha.Lahat ng tama nya ay sablay at laging lumalagpas sa target.

"Ang taas ng IQ mo Young Master pero di ko akalaing magiging slow ang ulo mo sa shooting hahaha" agad naman akong nakatanggap nang malakas na sapak sa likod ng ulo ko. Agad naman akong napasimangot sa ginawa ni Young Master.Kung makasapak sya parang wala syang nararamdaman sa akin. At saka maganda akong babae sinasapak nya? Pambira.

"So, saan naman tayo pupunta bukas Young Master?gusto mo maglaro tayo ng pool?"

"Pool? Okay, I want to try that"  napangiti naman ako at hindi maiwasang makaramdam ng kilig. Simula kasi ng naging success ang 1st date namin ni Young Master ay araw araw na nya akong niyayayang lumabas para pumunta sa ibat ibang lugar para makapagbonding kami at ng makilala namin ang isat-isa. Alam narin ng buong pamilya ni Young Master na nagdadate kami at wala namang humadlang samin.Natuwa pa nga si Ma'am Catherine dahil nagawa ko daw paibigin ang anak nyang simula pa pagkabata ay wala ng interes sa babae. Nakahinga naman si Sir Lucas dahil napatunayan nyang hindi bakla ang anak nya.

Napahagikgik nanaman ako dahil naalala ko ang itsura ni Young Master noong sinabi ni Sir Lucas yun. Para kasi syang sasabog sa inis dahil sa narinig.

Nang makapasok na kami sa kotse ni Young Master ay agad kong inabot sa bulsa ko ang phone ko at binuksan para mag facebook.

Kinikilig kong inupload ang selfie pic namin ni Young Master na kinuha ko kanina nang nakaupo kami sa waiting area habang hinihintay ang turn namin sa shooting range.Pag titignan ang picture namin ay talagang mapagkakamalan kaming magjowa dahil sa pic,ay masaya kaming nakangiti sa camera habang nakadikit ang pisngi namin sa isat-isa,kahit pilit lang talaga ang ngiti ni Young Master dahil sa kaartehan ay ayos narin hindi naman halata na nagmumuryot sya sa pic.

Napangiti ako ng natapos na ang pagupload ng pic namin sa FB at wala pang ilang segundo ay tumunog ang notification ko ng tuloy tuloy dahil sa mga classmate ko. Hindi ko maiwasang mapairap dahil alam kong puro kagaguhan nanaman ang mga comment ng mga ito at hindi nga ako nagkamali.

Keith Ketong Pogi:"Aba,pumapagibig na ang prinsesa ng ME!#sanaall. Paano ka nagkalovelife please send nudes!😊

Axl Titus Lee:"Iba talaga ang gayuma ng isang Fenis 😂😂😂"

Viendrei Kent:"Ang sweet naman,pero sa simula lang iyan"

Fin Astral:"WALANG FOREVER!"

Zein Beaumont:"Wow, paano kayo mag aano nyan @leirmia? Parehas kayong may Fenis hahahaha"

Dustin Mmyiarei Fen:"....shjsn"

Dustin Mmyiarei Fen:"Paano mag delete ng comment?"

Bobby Ray:"My phone screen has a fracture so I can't see the picture clearly but from the comments.  I can assure you that the wedding was wonderful.  The only thing we wish the couple is a wonderful honeymoon and a happy marriage life"

Gigil kong ini angry react lahat ng comment ng mga tarantado saka nagpmm ako sakanila isa isa ng picture kong naka pakyu sign. Ayoko namang ilagay ang pic ko sa comment section dahil baka makita ng ibang friends kong lalake at pagnasaan pa ang pic ko. Mahirap na at baka mapaaway pa ang aking langit.

Binalik ko na ang phone ko sa bulsa ko tsyaka inaba ang aking sarili na titigan ang aking langit na seryosong nagmamaneho.Napansin naman nito ang pagtitig ko kaya saglit syang lumingon sa akin at ngumisi

"Your so inlove with me that much? Chanak? " pabiro ko namang hinampas ito sa braso at tumawa. Sasabihin ko sanang makapal ang mukha nito ay naisip kong mas magandang mag bigay nanaman ako ng pamatay na banat dito.

"Young Master,can you be my Lithium Iron? " ani ko dito. Sakto namang traffic sa daanan kaya natuon si Young Master sa tanong ko. Seryoso syang nakatitig sa akin at maya maya pa ay biglang pumorma ang ngisi sa masarap na labi nito. Naku inaakit ba ako ng aking Langit? Dito talaga sa kotse? Baka hindi ako makapagpigil at marape ko sya dito with audience pa iyan.

"Sure, I can be you lithium iron" saad nito at para namang lumaki ang tenga ko sa narinig. Kaya napangiti ako ng malapad at bumanat ulit dit

"You know what Young Master?Even if there's no gravity I'd still fall for you coz you're my only barium beryllium" sabay kindat dito. Bigla namang nawala ang ngisi sa labi nito at biglang namula ang buong mukha ni Young Master kaya natawa ako ng malakas dahil napakilig ko ang aking langit at ang cute nya pag kinikilig.

Masyado akong abala sa pagtawa kaya hindi ko naramdaman ang paglapit ng mukha ni Young Master sa mukha ko at bigla akong hinalikan ng sobrang lalim at marahas.

"hmmmm" sobrang higpit ng kapit ni Young Master sa pisngi ko pero hindi ko yun pinapansin dahil sarap na sarap ako sa matamis nitong halik. Agad akong napasabunot sa buhok nito ng pinasok ni Young Master ang kanyang dila at ginalugod ang loob ng bunganga ko.

Matapos ang ilang minuto ay dahan dahan nang humiwalay ang aming labi habang parehas kaming hinihingal dahil sa wild na halikan.

Malalim kaming nagtitigan ni Young Master hanggang sa sinira na nya ang katahimikan na bumabalot sa loob ng kotse

"I am not a neurologist nor cardiologist."Napataas naman ang kilay ko sa sinabi nito pero hinayaan ko lang itong magpatuloy sa pagsasalita. "

"But I will gladly report to all how my nerves interact with your words and how my heart rate becomes super active with your presence. Damn baby you got me."

Sabay nakaw ulit nito ng halik sa labi ko. Naramdaman ko namang uminit ang mukha ko ng marealize ko ang sinabi ni Young Master. Shuta! Bumabanat narin si Young Master!at dahil doon lalo akong nahulog. Tangina!

**BLAG***

Natigil ang romantic moment namin ni Young Master ng bigla nalang may bumagsak na katawan sa harap ng kotse ni Young Master.Teka?katawan?

Sabay kaming napabitaw ni Young Master at napamura habang gulat na nakatingin sa taong bumagsak sa kotse ni Young Master.Lalabas na sana ako para tignan ang kalagayan nito ng biglang pumihit ito paharap sa amin.Agad naman akong napasinghap ng makilala ko ito.

"Putangina? Kael Envi Yyro Seraphine Raid?!!!!" sakto namang napatingin sa akin si Key at rumehistro sa mukha nito ang gulat  ng makita ako pero agad din yung nawala at nginisian ako kinindatan bago sya bumababa sa kotse.Agad naman akong bumaba at hinarap si Key. Napansin kong madaming matang nakatingin sa amin pero binalewala ko lang.

"Putcha! Key? Anong nangyayari? Bakit bigla ka nalang sumulpot sa gantong ka traffic na araw at biglang bumagsak sa kotse ng amo ko?" sasagot na sana ito ng makarig kami ng putok ng baril. Sabay kaming napalingon sa likod at agad akong napamura ng makita ang mahigit sampung lalake na nakasuot ng itim na tumatakbo papunta sa pwesto namin. Agad nagkagulo sa kalsada at naghihiyawan ang mga tao habang sabay sabay na lumalabas sa mga sasakyan nila. Puta delikado ito, mabilis akong tumakbo papunta sa pintuan ng driver seat para hilahin papalabas si Young Master

"W-what is happening?" imbis na sagutin ang tanong nito ay hinila ko ito ng mabilis papaalis sa kalsada. Sumenyas naman si Key na sundan namin sya kaya tumango ako at binilisan pa ang pagtakbo.

"Answer me Leir!What the hell is happening? I heard a gunsh--" hinigpitan ko ang pagkapit sa kamay nito at saglit lumingon dito.

"Mamaya ko na sasagutin ang tanong mo Young Master,basta tumahimik ka nalang muna at sumunod sa akin. Isipin mong nasa action movie tayo at tayo ang bida"

"What?" sigaw nito habang pabagal ng pabagal ang pagtakbo nito. Napahinga ako ng malalim at tumigil sa pagtakbo para harapin ang mukha ni Young Master na gulong gulo at napansin ko din ang takot sa mga nito.

"Oo, tayo ang bida.. Bida na tumatakbo papalayo kay kamatayan! Kaya putangina bilisan mo ang pagtakbo at wag ka ng magtanong! "agad kong hinablot nanaman ang kamay nito at hinila para tumakbo ng mabilis. Hindi ko na alam kung ilang minuto na kami tumatakbo para makalayo lang sa mga men in black na iyon.

Dumaan kaming tatlo nila Key sa masikip na eskinita at ng makalabas na kami ay tumigil si Key sa harapan ng Lamborghini.Shet!

"Sumakay na kayo, alam kong malapit na silang mahuli tayo! " agad akong sumakay sa passenger seat habang si Young Master naman ay nasa likod namin.Mabilis namang inistart ni Key ang kotse at mabilis na pinaandar ito. Narinig ko pang napamura si Young Master sa likod. Pero ako ay napangisi at tuwang tuwa na napamura

"Tangina, saan mo ito ninakaw Key? Meron ka pa ba nito? Ibalato mo na sa akin yung isa"

"Hindi ko ito ninanakaw Mia, bigay ito ni Lock" agad naman akong napatigil dahil sa narinig kong pangalan. Dyusko. Ano ba talagang koneksyon ni Key sa halimaw na yun? Gusto ko sanang magtanong ay naisipan kong hindi nalang baka kasi may spy camera pala dito sa kotse at pinapanood kami ng halimaw.. Waaaa.

"Kunin mo ito Mia"

"What the fuck? " malutong na mura ni Young Master ng makita nya ang inabot ni Key sa akin. Walang iba kundi isang uri ng rifle.Ang Ak-47.Nakangisi ko namang tinititigan ito. Ilang taon narin ng hindi ako nakakahawak ng gantong baril. Kaya hindi ko mapigilan ang excitement ko na magamit ulit ito. Nakita ko namang may kinuha ulit si Key sa parang hidden cabinet ng kotse at inabot kay Young Master na tulala parin. Agad ko namang sinenyasan si Key na ilayo kay Young Master ang inaabot nya dito na agad ipinagtaka ng mukha nito. Mahal ko si Young Master pero Mahal ko din ang buhay ko. Kaya hindi ko hahayaang makahawak si Young Master ng baril dahil magiging delikado ang buhay namin pag ginamit nito ang tangang skills nito sa pagbabaril.

"Imbis na yung men in black ang barilin nya ay baka tayo pa Key, kaya ilayo mo na iyang pistol kay Young Master kung mahal mo pa buhay mo" agad namang sumunod sa akin si Key at binalik na ang pistol sa dating lalagyan nito.

"FUCK"

"FUCK"

"FUCK"

Sunod na sunod na mura ni Young Master ng bigla nalang paularin ng mga men in black ng bala ang sinasakyan namin. Kalmado parin si Key na nagmamaneho at mahusay na iniiwasan ang mga sasakyan na nadadaanan namin.

"Huminahon ka Young Master! Bullet proof ang sasakyan kaya hindi ka matatamaan ng bala! " paagaalo ko sa aking Langit. Agad naman itong napatigil sa pagmumura at paggalaw pero patuloy parin ang panginginig ng katawan nito. Naawa naman ako sa nangyayari dito. Gusto ko syang yakapin at sabihin magiging okay din ang lahat pero hindi sa oras na ito.

Napahigpit ang hawak ko sa baril at tumalim ang aking mata sa mga men in black na sumusunod sa amin. Agad kong sinenyasan si Key na buksan ang bubong ng sasakyan na agad naman nitong ginawa. Mabilis kong nilabas ang kalahati ng aking katawan at sunod sunod na inasinta ang mga kalaban.Mahigit sampu na aking napatay dahil sa headshot kaya di ko maiwasang mapangisi ng demonyo dahil sa nagawa. Limang sasakyan pa ang sumusunod sa amin kaya naman ay bumalik ako sa loob ng kotse at kinuha ang bazooka sa paanan ni Young Master.Napamura nanaman ito dahil sa nakita.

"Easy ka lang Doble Per" napatingin naman ako sa nakangising mukha ni Key habang abala parin ito sa pagmamaneho.

"Ano ka ba Silver Fox,hindi ko. Gagawing madugo ang laban na ito" nakita ko namang napailing ito bago ko nilabas ulit ang kalahating katawan ko at inayos ang posisyon ng bazooka direct sa kalaban. Bumakas naman ang gulat sa mga mukha ng men in black kaya napatawa ako ng mahina

"Happy New Year, maderpakers!"

Pagkatapos non, isa isa nang sumabog ang sasakyan ng men in black na agad kong ikinangisi. Buti nalang ay walang katao tao at sasakyan dito sa dinaanan namin kaya napili kong gamitin ang bazooka. Nang masiguro ko nang wala ng sumusunod sa amin ay bumalik na ako sa loob ng kotse at binaba ang bazooka.Nagulat naman akong nakahiga na si Young Master sa upuan at tulog?

"Nakita nya ang ginawa mo sa pagsabog ng limang sasakyan, kaya ayan nahimatay" tawang tawa na paliwanag ni Key, napangiwi naman ako dahil sa nagawa. Ngayong nakita na ni Young Master ang kaya kong gawin irereject naba ako nito? Nakita na rin nya ako nakipaglaban noon pero hindi ganito kalala na nakikita nya akong tuwang tuwa na pumapatay ng tao.

"Bakit ka nga ba hinahabol noong mga taong iyon, Key? "

"Hindi lang ako Mia, pati rin ikaw at hinahabol nila, dapat ako palang ang balak nilang patayin ngayon pero dahil nagkita tayo ay sabay na nila tayong papatayin pero inununahan mo na sila kaya pwede ka nang makahinga ng maluwag sa ngayon" agad namang akong nagulat sa sinabi nito. Sa ngayon? Bakit? Bakit gusto akong ipapatay??Normal na mamamayan nalang ako ngayon, Hindi na ako tulad nang dati!! Agad naman akong nakaramdam ng takot. Takot hindi sa buhay ko. Kundi sa buhay ng mga taong nakapalagid sa akin ngayon. Paano kung pati rin sila ay idamay ng mga iyon? Hindi ko yata kakayanin pag may mangyayaring masama sa kanila

Para namang nabasa ni Key ang iniisip ko kaya agad itong nagsalita

"Wag kang magalala, tayo lang ang target nila at hindi sila mandadamay ng iba,natatandaan mo pa naman ang rules diba? " nakahinga naman ako ng maluwag at napatango.

"Bakit nga ba nila target tayo? " nakita ko namang napahinga ng malalim si Key bago ako sinagot

"Gusto nilang pagbayaran natin ang ginawa natin 6 years ago" tangina? Pagbayaran? Akala ko ba naayos na iyon? At saka wala kaming kasalanan noon!

"Ako ang magisang tatapos ni Mia, dahil ako naman talaga ang may kasalanan ng lahat, hindi ko hahayaan na may mangyaring masama sa inyo." nagaalala naman akong tumingin kay Key pero binigyan lang ako nito ng maliit na ngiti. Napapikit naman ako ng mariin.Kaylan ba lalayo ang gulo sa amin? Ilang taon pa ba kami makakaranas ng ganitong gulo?

wala na akong magagawa sa desisyon ni Key,Dahil kahit umalis na ako sa organisayon ay tinuturing ko padin itong lider. Codename nito ay Silver Fox dahil sa mahaba at puting buhok nito. Ako naman ay Doble Per dahil sa----

"Mia,itigil mo na ang masyadong pagiisip dyan at lumabas na tayo sa kotse para samahan mo akong bumili ng maraming pagkain at first aid kit"

Napamulat naman ako ng mata at tumango kay Key,napatingin naman ako kay Young Master na tulog parin.

Paano ko sisimulan ang pagpapaliwanag dito? Balak ko namang aminin dito ang mga gawain ko noon pero hindi sa gantong kalagayan! Kung kaylan nagkakabutihan palang kami eh! Arghh

Napasabunot ako sa aking buhok dahil sa stress.

Sana maging maayos ang pagpapaliwanag ko kay Young Master dahil kung hindi paalam lovelife na ako!

avataravatar
Next chapter