38 Chapter 38

"Dude, tara na! Baka maubusan tayo ng cupcake" tamad na tamad akong tumayo sa aking upuan para sundan ang mga ugok na naguunahang pang makalabas sa classroom.Mahigit dalawang buwan din ang lumipas bago kami pinapasok ulit. Buti nalang at hindi na naextend pa ang lockdown dahil naagapan narin ang covid 19,dahil nakagawa kaagad sila ng vaccine para dito.

Kung sakali mang naextend ang ECQ ay hindi naman ako mabobored sa mansyon dahil kay Young Master.Napahagikgik naman ako sa aking naisip. Simula kasi ng umamin si Young Master sa akin ay malaya na talaga akong landiin ito saka tsansingan hihi. Kahit wala pa kaming label ay pumayag narin ako dahil sure na sure akong magiging Boyfriend ko na ang aking langit. Hindi na ako makapaghintay na maging akin sya talaga.

Napatigil ako sa pag dadaydream nang bigla nalang tumunog ang phone ko.

"Dyosa, may tumatawag sayo, Dyosa may tumata-- 🎶" agad kong kinuha ang phone ko sa aking bulsa at sinagot ang walanghiyang nanira ng pag dadaydream ko

"Hello de puta?Anong kaylangan mo sa aking istorbo ka? Hah? " lalo namang uminit ang ulo ko ng umabot na ang sampung segundo ay hindi parin nagsasalita ang tumatawag sa akin. Mumurahin ko nasana ito ng bonggang bongga nang marinig ko ang boses ni Young Master na nagsalita sa kabilang linya.

"Let's go date later, I will fetch you in 3:00 pm"

"Hello? Hello??? Young Master? " inalis ko ang phone ko sa aking tenga para tignan ang screen. Ay puta? Binabaan ako? Napakabastos talaga. Kung hindi ko lang mahal yun ay baka nabigyan ko na ito ng flying kick.

Ano nga ulit yung sinabi nya kanina?

Let's go date later? Ano na bang date nga--

"Holy molly?!!! "niyayaya ako ni Young Master na magdate kami?Totoo talaga? At susunduin nya ako? Napatalon talon naman ako at napatili. Napatigil lang ng pinagtinginan ako ng mga estudyanteng napapadaan. Huminga ako ng malalim at pilit na kinakalma ang aking sarili. Alam kong hindi ako nanaginip,alam kong totoo ito. Dahil.. Dahil...

"Tangina..natatae ako bigla" taranta kong bulong at nagmamadaling pumunta sa Cr. Habang tumatakbo ay tinext ko sila Ketong na hindi na ako makakasunod sa canteen dahil kaylangan kong magbawas.

Grabe.. Dahil sa kilig ko ay bigla akong natae. Ibang klase talaga ang aking Langit.

Dumating ang alas tres ng hapon ay saktong paglabas ko ng university ay nakita ko kaagad ang kotse ni Young Master. Kahit sampu ang kotse ni Young Master ay nakasaulo ko na ang mga plate numbers nito,kulay,at itsura nito kaya isang tingin lang ay alam kong kay Young Master ang sasakyan. Pinagaralan ko talaga ang bawat sasakyan nya, kasi para malaman ko noon kung sinusubaybayan ba ako ng aking langit. akala ko palihim akong iniistalk ng aking Langit noon kahit pakipot sya. Pero tama nga ako, PURO AKALA KO lang pala ang lahat. Masyado kasi akong feeling talaga. Hindi ko maiwasan kasi masyado akong maganda.

"Hello Y--hmmm" pagpasok ko sa kotse ay agad hinablot ni Young Master ang batok ko para mapalapit sakanya at mahalikan ako ng marahas. Oo marahas talaga. Dahil gutom na gutom na kinakain ni Young Master ang mapula kong labi.Saka lang ito tumigil ng parehas na kaming hindi makahinga. Habol na hininga kaming nakakatitig sa isat-isa at nang maging okay na ang pakiramdam namin ay umayos na kami ng pagkakaupo sa sasakyan.

"Ang wild mo din Young Master ah,nangain ka kaagad ng pumasok ako dito sa kotse mo, wala ka man lang pasabi, ganoon ka ba talaga kaadik sa labi ko? "

"Hmm"

Tignan mo, ang ganda talaga kausap ng Young Master ko. Sa haba ng sinabi ko ungol lang ang sinagot? Kingina talaga.

"Saan ba tayo magdadate Young Master?"

"You'll see"

"Sabihin mo na! Gusto kong malaman"

"I don't want to talk"

Agad kong tinaas ang kanang kamay ko at pinakyuhan ito.Wala naman itong reaksyon dahil seryoso lang itong nagmamaneho at titig na titig sa kalsada. Napanguso ako at tumingin nalang sa bintana. Grabe din itong taong ito. Nagyaya nang date pero hindi ko makausap ng matino. Aba magaling, ako pa magaadjust?

Dumaan ang ilang minuto at tumigil narin ang sinasakyan namin. Agad naman akong lumabas at napataas ng kilay ng makita ko ang company building ni Young Master. Bakit kami nandito? May kukunin ba si Young Master dito? Bago kami pumunta sa date place namin?

"Let's go" yaya sa akin ni Young Master.Kahit nagtataka ay sumunod na rin ako dito. Agad binati si Young master ng mga employee nya pero ang huli ay hindi man lang bumati at seryoso lang itong patuloy na naglalakad. Pa famous talaga ang aking langit. Di ko talaga mareach.

Nang makapasok kami sa office nya ay, agad na sinuot ni Young Master ang lab coat nito at inabutan din nya ako ng coat na agad kong kinanuot noo.

"Wear that before we go the lab and start my experiment"

"Experiment?akala ko ba magdadate tayo Young Master?" binaba muna ni Young Master ang phone nito sa desk saka ako binalingab ng seryosong tingin.

"Yeah, were going in a date"

"Oo nga magdadate tayo, eh bakit pupunta tayo sa Lab mo at mageexperiment?"

"Exactly..Experimenting some things is our date"seryoso nitong sabi na ikinanganga ko. Nang gagago ba itong lalakeng ito? Magdadate kami sa Lab nya? Para magexperiment ng kung ano ano? Yun na yung date? Wow. Ang sweet naman.

Napatawa naman ako ng malakas na ikanataka ni Young Master

"Madadate tayo sa lab mo? Naka shabu ka ba Young Master?"

"Why? You don't like it?" inosente nitong tanong. Napatampal ako ng malakas sa aking noo.Ano ba ang meaning ng date kay Young Master?

"Young Master ano ba yung pagkakaintindi mo at nalalaman mo kung anong ginagawa mg dalawang tao pag nagdadate sila?"

"Date is about you will bring someone you like, in your favorite place and you will enjoy each other company"

"So kaya dinala mo ako dito office mo para samahan kita sa pageexperiment mo? " tumango tango naman ito. Kaya napamura ako ng malakas at inis na tumitig dito.

"Kung iyon ang pagkakaintindi mo sa date masasabi kong ang bobo mo! " agad namang sumama ang timpla ng mukha ni Young Master sa sinabi ko at binigyan ako ng nakakamatay na tingin. Hindi naman ako Nagpatinag at inirapan ko pa sya.

"My IQ is higher than Einstein so don't you dare call me airhead!" gigil na sigaw nito sa akin

Napaflip naman ako ng hair ko bago ko ito dinuro.

"Oo na matalino kana! Pero simpleng word na DATE hindi mo maintindihan?Kaya matatawag kitang Matalinong bobo!"

"Oh really? Care to share your understanding about dating?Ms. Intelligent fucking Fenis" sarcastic na sabi nito.Dali dali akong lumapit ka Young Master at malakas syang tinulak sa sofa at dinaganan ko ito. Gulat naman itong tumingin sa akin pero ngumisi lang ako. Nilapad ko ang kanang kamay ko sa pisngi nito saka nagpaliwanag

"Ang date ay iyong dadalin mo yung babae sa magandang lugar, katulad ng amusement park para mag enjoy kayo sa ibat ibang tanawin doon na naka holding hands while walking pa kayo at mag try ng ibat ibang laro, pagkatapos maglibot ay dadalin mo sya sa magandang pagkainan at habang kumakain ay naguusap kayo ng kung ano ano para makilala ang isat isa! At pagkatapos noon ay ihahatid mo na ang kadate mo sa bahay nito at bibigyan ng halik bago ka umalis!" tumaas naman ang kilay ni Young Master sa sinabi ko at saka nagtanong

"So bringing you here in my office is not what they called date? " tinaas ko ang kamay ko papunta sa buhok nito at sinabunutan ito ng mahina

"Oo, bobo! " tumayo na ako sa harap nito at hinila ang aking langit para tumayo. Tinanggal ko ang lab coat nito na agad naman itong nagpaubaya na alisin ko.

Nang mahagis ko ang coat sa sahig ay agad kong hinila ang tie ni Young Master para makayuko sya at mahalikan ko ng mabilis sa labi.Pinasadaan ko pa ang dila ko sa labi nito bago nagsalita

"Papakita ko sayo kung anong pakiramdam ng tunay na date" gigil kong bulong dito.

Ngumisi naman ito sa akin habang busy na nagtataas baba ang mga kamay nito sa bewang ko.

"Show me now, babe"

binitawan ko na ang tie nito at hinawakan ang wrist nito para hilain sya papalabas ng office.

Sisiguraduhin kong hinding hindi makakalimutan ni Young Master ang 1st date namin!

-----------

"Kamusta kana?"

"Kung sinabi ko bang ayos lang ako, maniniwala ka? "napailing naman ang babae, saka malungkot na nakatingin kay Devin,agad namang nilamukos ni Devin ang mukha nito dahil ayaw nyang nalulungkot ito dahil sakanya.

"I'm going to be okay, so stop worrying now" nataranta naman si Devin na tumingin sa katabi ng nagsimula na itong umiyak.Agad nya itong hinablot papalapit sakanya at niyakap ng mahigpit.

"B-bakit, h-hindi p-pwedeng m-maging m-masaya tayo? A-ang h-hirap D-devin" napapikit si Devin at pilit na pinipigilan ang luhang gusto ng lumabas sa kanyang mga mata. Kaylangan na nilang tanggapin ang katotohanan. Na kahit kaylan hindi na sila pwedeng magsama at magmahalan pa.

avataravatar
Next chapter