37 Chapter 37

"I like you and you like me,so we can kiss! Ugly chanak!"

"So ganun? Nagkikiss and Touch tayo sa isat isa pero wala tayong relasyon at M.U lang..Ano yun? Chukchukan without label? Landian lang walang relasyon? "

"Chuc-kan? What the hell word is that ?"

Pabagsak kong nilapag ang baso na pinaginuman ko ng tubig at hinarap si Young Master.Nakaukit sa gwapo nitong mukha ang pagkalito at inis. So sya pa ang inis ngayon?Pumamewang ako sa harapan nito at tinaas ang kilay ko. Mas magandang pose ito,para malaman nya na inis at galit din ako.

"Bibigyan mo ba ng label ang relasyon nating dalawa o stay lang tayo bilang M.U?pag ganoon hindi tayo pwedeng maghalikan! Hindi ako ganoon kababaw na babae Young Master" iniling iling ko pa ang ulo ko at ilang beses binanggit ang "It's a No for me" bigla naman akong inirapan ni Young Master at pinagcross ang kamay nito.

"Says the girl who keep seducing me from the start and stealing a kiss from me whenever she has a chance" napatayo naman ako ng maayos sa sinabi nito at napaubo ubo ng ilang beses at napatingin ako kung saan saan sa bawat paligid. Wow, ang ganda ng ilaw.. Char.. Okay napahiya ako dun. Napatawa naman si Young Master sa kinikilos ko at nakangisi na itong nakatingin sa akin,napairap naman ako at napahinga ng malalim.

"Okay,nadale mo ako dun, walang hiya ka tsk. Sige na inakit talaga kita at nananching ako sayo lagi, kasi gusto kong mapansin mo ako at magustuhan mo ako dahil talagang gustong gusto kita kaso ngayong nagkagusto ka na sa akin tsaka naman na ayaw mong magkaroon tayo ng label? Alam mo bang kung gaano kasakit ang walang label? " madrama kong litanya dito. Napahawak naman si Young Master sa buhok nya at seryosong tumingin sa akin.

"I'm sorry chanak,but I'm not ready to enter a relationship with you" lumapit naman ako dito at hinawakan ng mahigpit ang machong balikat nito at niyugyug sya.

"Ayaw mong magkaroon tayo ng relasyon ngayon? Kaylan mo gusto? Pag matanda na ako at ugod ugod huh? Ano ka Young Master? Chicks? Lalake ka na may bayag at alam kong daks ka, ulol!at walanghiya ka din! Ilang beses mo na akong tinatawag na chanak! Ganoon ba ako kapangit sa mga mata mo huh? Kung ganoon, ipatingin mo na iyang mata mo sa doctor! " pinatigil ako ni Young Master sa pagyugyog sa kanya at sinigawan ako.

"Calm the fuck down, Leir Mia fucking Fenis!"

"Pano ako mag cacalm? Kung ayaw mo akong maging GF?mapanakit ka talaga! " pabalik kong sigaw dito. Napabitaw naman sa pagkakahawak sa balikat ko si Young Master at pinunta ang dalawa nyang malalaking kamay sa magkabilang pisngi ko.

"Listen Leir, this is my first time to feel this,Liking a woman and kissing and touching a woman without feeling gross and bored, because you know me,Im a fucking man who loves science and rather choose to stay at the lab and experimenting than flirting with women so that, I'm still confused to what will I do now after confessing my feelings for you..So please, bear with me baby"dahan dahan kong hinawakan at inalis ang dalawang kamay nito sa pisngi ko at humakbang ako ng konti paatras. Rumehistro agad sa mata ni Young Master ang sakit habang nakatitig sa akin. Bakit sya nasasaktan?

"Are you giving---" hindi ko na hinayaang matapos si Young Master sa sasabihin nito dahil agad kong tinaas ang kaliwang kamay ko para patigilin sya. Napatingala ako at napapapikit. Tangina ang sumasakit ang ulo ko.

Nang maramdaman ko ng ayos na ako ay tsaka ako tumingin kay Young Master na mukha nang natatae ang mukha. Ano bang nangyayari dito?

"Pwede ba pag magsasalita ka ng marami eh magtagalog ka nalang Young Master?sumakit ang ulo ko at muntik na akong ma nosebleed kingina ka! " bumakas naman sa mukha nito ang gulat na ipinagtaka ko at maya maya napatawa nalang ito ng mahina. Okay baliw na ata ang aking langit.

"I thought--fuck silly of me" narinig ko pang bulong nito pero di ko nalang pinansin at iwinuwestrang umalis na sya sa kusina dahil magluluto na ako ng ulam namin, tumalikod na ako dito para kunin ang mga ingredients sa ref. Habang abala ako sa pagkuha ay naghabilin ako kay Young Master

"Young Master, Lock the door when you leave" narinig ko namang napatigil si Young Master sa paglalakad at tinignan ako.. Kahit nakatalikod ako ay ramdam ko ang mainit na titig nito.

"You know that,theres no door here chanak, because we are here in the fucking kitchen." sinara ko ang ref gamit ang tuhod ko at humarap kay Young Master.

"Alam ko, expression ko lang yun! Umalis ka na nga! " umiling iling nalang ito

"Remind me again why I fucking like you?" napangisi naman ako at nag pose sa harapan nito

"Dyosa kasi ako, kaya nagkagusto ka sakin,Naman Young Master..ako lang ito oh,ako lang" napangisi nalang ito sa akin at tinaas ang dalawang kamay, wow ang sexy nang aking langit. Napakagat naman ako ng labi. Ihh kagigil talaga. ng makita nito ang reaksyon ko ay nilabas ni Young Master ang kanyang dila at dinalaan nito paikot ang mapula nitong labi . Pagkatapos noon ay tuluyan na syang umalis sa kusina at iniwan akong bitin.

Habang humihiwa ako ng sibuyas ay, ang isip ko ay sinakop lang ng aking langit. Hindi ko talaga akalain na masusuklian ang paghihirap kong ligawan ito. Pero ngayon ayaw muna ni Young Master ang makipagrelasyon dahil mas maganda ngang kilalanin muna naming ang isat-isa. Napatigil ako sa paghiwa ng may maalala ako.

Matatanggap kaya ako ni Young Master pag nalaman nya ang buong pagkatao ko? At ang tinatago tago ko?

Ngayong nandito na rin si Devin ay alam kong medyo hindi magiging madali ang lahat.

Bakit ba ako naipit sa ganito? Kasalanan ko ba ang lahat? Kung naging malakas ba ako noon hindi naba ako magkakaroon ng problema kay Devin? Siguro nga Oo.. Pero kahit sabihin ni Devin na tanggap na nya ay hindi parin ako mapalagay.. Dahil nasasaktan ako...

Malalagpasan ko ba ito lahat?

avataravatar
Next chapter