35 Chapter 35

Dahan dahan kong nilapag ang isang tasa ng kape sa harapan ni Young Master.Agad naman nya itong kinuha at uminom dito saka binaba ang tasa para sapuhin ang noo nito.

Napailing naman ako habang nakatayo parin ako sa harapan nito at pinagmamasdan sya. Bakit naman ba kasi sya uminom? Buti nalang talaga naisipan kong lumabas kagabi sa mansyon kundi baka nasa harapan lang ng pinto si Young Master natulog magdamag. Kawawa naman ang aking Langit pag ganun.

Tumalikod na ako at naglakad papunta sa lababo, habang naghuhugas ay bigla akong napahikab. Hindi kasi ako nakatulog ng maayos dahil sa ginawa ni Young Master kagabi. Nagtataka kasi ako dahil habang inaalalayan ko sya papunta sa kwarto nya ay paulit ulit nyang binabanggit ang pangalan ko. Hindi ko alam kung kikiligin ba ako o maiinis? Kasi naman baka kaya paulit ulit nyang binabanggit ang pangalan ko ay baka sinusumpa na ako nito dahil sa inis nya sa akin. O baka naman may gusto na sya sakin? Naramdaman ko namang uminit ang mukha ko sa naisip ko. Taena, siguro pag totoo yun baka marape ko na talaga si Young Master sa sobrang saya nang nararamdaman ko.

"Slut"

Agad nawala ang kilig ko ng naalala ko nanaman ang sinabi nito sa akin kahapon. Ilang beses na nya akong sinabihan na Slut lalo na't pa kinikilig ako sa mga gwapong actors na napapanood ko sa TV. Kaya ang pinagtataka ko bakit nya ako sinabihan ng Slut eh wala naman kaming ginagawa ni Devin ng masama noong time na yun. Hindi kaya talaga nagseselos sya kasi close kami ng kambal nya? Napahagikgik naman ako. Masyado na ata akong feeling hahaha

Nang matapos na akong maghugas ay agad na akong humarap kay Young Master para sana kunin ang tasa nito ngunit nagulat ako ng seryoso lang itong nakakatitig sa akin. Ano naman kaya iniisip ni Young Master sa akin ngayon? Kahit medyo naiilang ay pinagpatuloy ko ng maglakad papalapit dito para kunin ang tasa nito na wala ng laman ng kape, ang bilis uminom ni Young Master. Tatalikod na sana ako dito ulit ng napatigil ako sa sinabi nito.

"Do you still like me?"

Napataas naman ang kilay ko habang nakakatitig na kay Young Master na seryosong naghihintay ng isasagot ko.Pangalawang beses na nyang tinanong sa akin ito. Pero bakit? Pag sinabi ko bang OO ay sasabihin nanaman ba nyang Good saka sya aalis ulit? At iiwan akong nagtataka at naguguluhan naman? Binaba ko muna ang tasa kong hawak tsyaka nagsalita

"Bakit mo nanaman natanong sa akin iyan Young Master? Nagtataka na kasi ako eh, pangalawang beses mo na sa akin tinanong iyan so bakit ba? " Napatingin naman ako sa kamay nito na biglang kumuyom ng mahigpit saka bumalik ang mata ko sa mainit na titig nito.

"Instead you  answer my question,you just damn throw me another question?are you fucking playing at me right now! Woman?! "

"Eh Young Master---" napatigil ako sa pagsasalita ng bigla itong tumayo sa harapan ko kaya hirap na hirap akong nakatingala dito. Magkaka stiff neck ata ako mamaya.

"Why can't you answer it? Huh! Is it because you don't like me anymore because of my brother? Is Devin more handsome than me huh? " lalong lumalala ang pagtataka ko dahil sa mga tanong nito, bakit napasok si Devin dito? Eh kaibigan ko lang naman ang kambal nya.Napayuko ako bigla ng maramdaman kong sumakit ang ulo ko. Masyado na akong pinapagod ni Young Master dyusko kagabi pa sya.

Nilamon ang kusina ng mahigit labingisang segundo bago magsalita si Young Master ulit

"You don't want to answer huh? Okay fine,I don't need your answer anymore,I Fucking know it already!" napatingin ako ulit sa mata nito at nagulat ako ng makita ang malungkot na itsura nito. Kaya hindi ko maiwasang magalala at hinawakan ang pisngi ni Young Master pero agad nyang nilayo ang mukha nya sa akin at umatras papalayo sa kinakatayuan ko. Ano bang nangyayari sakanya?

"Young Master may problema ba kayo? Sabihin--"

"You have no feelings at me anymore, you already gave on me because of my fucking attitude right? I should feel better but I'm fucking hurting! " napasinghap ako sa sinabi nito, naguguluhan akong nakakatitig kay Young Master na nakayuko. Pero bago pa ako makapagsalita ay agad na itong umalis papalabas ng kusina. Ako naman ay gulat paring nakatayo habang iniintindi ang sinabi sa akin ni Young Master.

"I should feel better but I'm fucking hurting!"

Hurting? Ibig sabihin nasasaktan? Bakit naman sya masasa--

"Putangina?? " malutong kong mura nang marealize ko na ang gustong iparating sa akin ni Young Master. Kaya nya tinatanong ulit kung may gusto ako sakanya ay para maconfirm nya kung meron parin ba akong feelings o wala na dahil iniisip nyang nabaling na ang pagkagusto ko kay Devin which is hindi naman totoo, dahil patay na patay parin ako sa masungit at so rode na aking masarap na Langit.Unti unti naman akong napangiti dahil napangtanto ko na, may gusto narin sa akin si Young Master. Parang kanina lang iniisip ko yun pero ngayon totoo na! Hindi na ako feelinggera!

Nagmamadali akong pumunta sa aking kwarto para kunin ang ukelele ko at tsaka dumiretsyo sa tapat ng pinto ng kwarto ni Young Master.Ilang katok lang ay pinagbuksan na ako nito. Ngumiti ako sa blankong mukha lang nito saka pinilit kong ipasok ang sarili ko sa kwarto nya.

"What are you doing here?? " hindi ko naman maiwasang mapairap dahil napaka cold nanaman ng boses nito eh samantalang kanina ay para itong nakakaawang aso dahil naagawan ng pagkain. Nahihirapan na talaga ako sa paiba ibang mood ng aking Langit kaya pag naging maayos kami,ipaplano ko kaagad ang checkup nya sa psychiatrist..

"Nandito ako para sagutin ang tanong mo" umiwas naman ito ng tingin saka umupo sa dulo ng kama nito

"I told you, I don't fucking need your answer anymore" napatawa naman ako ng mahina. Masyado talaga indenial ang gunggong. Lumapit ako dito at umupo sa kama na paharap sa kanya. Hinawakan ko si Young Master sa dalawang balikat nito para humarap sya sakin. Buti naman ay humarap na ito at seryoso lang nakatingin sa akin pero may halong pagtataka ang tingin ng mga ito.Ngumiti nalang ulit ako saka inistart na patugtugin ang ukelele

Wag mo sanang iisipin napapagod na ko

Di ako apurado pero sayo ano ba ko?

Gusto ko lang kasi makasigurado 🎶

Unti unting rumehistro ang gulat sa mukha ni Young Master ng marinig nya ang kanta ko. Napapikit ako at pinagpatuloy ang kanta

Matagal na panahon na kita balak tanungin

May pag-asa ba ko bakit di pa sagutin?

Sabihin mo ano pa ba ang dapat kong gawin

Bukod sa araw-araw kita dapat mahalin 🎶

Minulat ko ang mata ko at kumindat kay Young Master.

Pero wag mag-alala kasi hindi ako titigil

Kung di ka pa handa di naman ako mainipin

Di pa kita pipilitin tuloy-tuloy ko lang to gagawin

Na araw araw kita dapat mahalin 🎶

Binaba ko ang gitara sa gilid ko at ngumiti ng matamis kay Young Master

"Is that your answer? That song? Is it really true?" mahinang tanong ni Young Master sa akin. Tumango tango naman ako saka inabot ang pisngi nito

"Gusto kita ay hindi mahal na kita Young Master, kahit kaylan hindi ko sinuko ang nararamdaman ko para sayo kahit lagi mo lang naman akong nasasaktan, ewan ko ba kung bakit ang ganda ganda ko na, isa talaga akong dyosa pero hindi mo man lang iyon napapapansin? Pero gaya ng sa kanta gusto kong malaman kung may pagasa ba talaga ako sayo? Ang hirap ng one sided love nakakapanget Young Master kaya ireject mo na ako ngayon para si Devin na ang landiin ko" agad namang sumama ang tingin nito sa akin at mahigpit na hinawakan ang kamay ko na nakadapo sa pisngi nya.

"Don't you fucking dare flirt with my brother!or else I will rape you to know who you fucking belong!!"

"Oh Young Master,iyan pa talaga panakot mo sa akin? Halika na reypin mo na ko now na! " agad naman itong napailing at mayamaya nawala na ang nakakamatay na tingin nito sa akin. Agad naman akong tumayo at humarap dito.

Napatingin naman ito sa akin

"Maghuhubad naba ako Young Ma--"

"I like you Leir" parang tumigil ang mundo ng marinig ko ang sinabi nito

Tumayo si Young Master at hinapit ako sa bewang. Hinalikan ako nito sa labi ng mabilis bago nya nilagay ang kanyang muka sa leeg ko at inamoy amoy ito.

"I fucking like you so much! "

avataravatar
Next chapter