34 Chapter 34

                        "FUTURE ME GC"

Ketong 👑 :"Mamiss ko kayo mga katropa huhuhu"

Axl pogi:"Taenang Covid panira ng pagaaral at paglalandi ko.. Paano na ito?"

Zein VP:"Wala na kayo magagawa, basta wala ng pasukan ngayong taon dahil sa pagtaas ng Cases ng Covid sa atin"

Ice yelo:"Bye freedom 😭😭"

Hindi ko akalain na magkakaroon kami ng cases ng Covid19 dito sa Pilipinas eh sa pagkakaalam ko namamatay daw ang virus sa maiinit na lugar pero hindi naman pala, kahit saang lugar o bansa ay nabubuhay ito at nakakapag bigay ng malalang sakit sa mga tao. Taena na fake news kami ng China.

Nakalumbaba akong nakahiga sa aking kama habang inaaliw ang aking sarili sa pagtingin sa kumikinang na sticker sa dingding ng kwarto ko.

Ayaw kong mabadtrip ng tuluyan at matuluyang mag rant sa twitter at pagmumurahin ang mga Chinese Scientist dahil sa kagaguhang ginawa nila. Maraming nagsasabi na galing sa Bat ang virus pero sa akin hindi. Alam kong may tinatago ang China na ayaw nilang ipaalam sa lahat dahil alam kong may mangyayaring gyera.

"Tangina, paano na ako makakalandi nito? Kung may lockdown? " namumuryot kong sabi habang kinakamot ang pisngi ko.

"Hindi ako dapat panghinaan ng loob, Titiisin ko tong lockdown sa bahay, si Rapunzel nga nalockdown sa tower, nagkajowa. Baka pareho pala kami ng kapalaran" positibo kong sabi sa aking sarili at maya maya natawa ako. Sino naman kaya ang pwedeng ijowa dito sa mansyon? Si Sir Lucas? Hmm gwapo sya pwede na syang maging asukal de papa ko pero ekis sya sa akin dahil baka katayin ako ni Ma'am Catherine hahah. Si Gabriel? Hindi pwede, baka masabihan pa akong child abuse, nakakahiya sa Dyosang katulad ko. Lalo na kay Baby Lucas,dyusko!Its a NO for me.Si Devin kaya? Naku hindi rin pwede eh Taken na yun haha pero sayang char ahaha.. Si Young Master Heaven naman.. Sya talaga ang gusto ko pero wala na ata akong pagasa talaga.Simula ng makauwi kami ni Devin dito sa mansyon pagkatapos naming puntahan sila Tiya. Napansin kong lalong lumamig ang awra ni Young Master Heaven at hindi na talaga nya ako pinapansin pa. Kaya ang laging kong kausap at katawanan ay ang mga kapatid nya lalo na si Devin na naging bestfriend ko na.

Tumayo ako sa kama at lumabas ng kwarto. Hindi ko na kaya, gusto ko ng kausapin si Young Master. Kaya hindi na ako nagdalawang isip pa na pumunta sa harapan ng kwarto nito. Kakatok na sana ako ng bigla itong magbukas at bumungad sa aking ang Topless at messy hair na si Young Master Heaven. Dyusko kay aga aga nagakakasala ako.Bulong ko sa aking isip habang gumagala ang mata ko sa batak na katawan ni Young Master.Napabalik lang ako sa wisyo ng tumikhim ito

"Why are you infront of my door? " malamig na tanong nito. Geezz

"Eh gusto ko sana kitang kausapin Young Master kung bakit parang naging cold ka sa akin" diretsyo kong sabi habang nakakatitig sa walang emosyon na mata nito.

"I'm always cold at you woman,so get out of my sight now,I don't want to see you" nakaramdam ako ng kirot dahil sa sinabi nito. Ganon na ba nya ako ka hate at ayaw na nyang makita ang mukha ko?

Huminga ako ng malalim at galit na nagsalita sa harap nya na sadyang ikinagulat ni Young Master

"Am I not enough? May kulang ba sa akin? " madadamdamin kong sigaw sa harap nito.

"W-what are you saying? " nalilitong tanong ni Young Master sa akin ngunit imbis na sagutin ang tanong nya ay nagpatuloy lang ako

"May mali ba sa akin? Pangit ba ako?" napamura naman si Young Master ng makita nyang umiiyak na ako sa harap nya

"What the hell is happening to you? Damn it! " tinulak ko ang dibdib nito ng akmang lalapit sya sa akin. Tinignan ko sya ng masama at sumigaw ulit

"Pangit ba ang katawan ko? Kapalit-palit ba ako?" inis na ginulo ni Young Master Heaven ang kanyang buhok at tumingin sa akin habang nalilito na sa kilos ko

"I calling you Ugly but you're not that Ugly really..For me you're so b-beautiful like an Angel fell from sky.I don't know whats happening to you right now but..Believe me, I'm smitten by your beauty and your hella sexy body that always turns me on so much that I want to eat you right now" napatigil ako sa pagiyak at bagsak ang panga dahil sa sinabi ni Young Master.Kahit bobo ako sa English ay naintindihan ko ang sinabi nito, putangina? Totoo ba yun? O panaginip lang ito. Sinampal ko ang aking sarili at napatanuyan ngang hindi panaginip ang lahat.

Gulat akong nakatingin kay Young Master na maamong nakatingin sa akin na parang hindi sya yung kanina na kausap ako na gusto akong umalis sa harap nya

Ano na Leir Mia? Ano nang sasabihin mo? Bakit parang nalunok ko ata ang dila ko?

Umubo ako ng peke at natawa ng mahina habang lumapit kay Young Master at tinapik ang balikat nito

"Galing mo sa pag acting Young Master ah, pero syempre mas magaling ako, gayang gaya ko si Liza Soberano pero hindi mo man lang ako hinintay na isigaw ang. "Then why? "kasi bumanat ka kaagad ha ha ha, sige Young Master alis na ako, nakalimutan kong labhan ang panty ko eh,babye" tinapik ko pa ito ulit sa balikat at naglakad na papaalis papunta sa kwarto ko.

Nang makapasok ako ay nanghihina akong napaupo sa aking kama. Napahawak ako sa tapat ng dibdib ko dahil ang lakas parin ng pintig nito.

Kingina, bumabanat narin si Young Master at wala akong nagawa doon kundi mablanko at umaktong tanga sa harapan nito..

Inis na humiga ako sa kama..

"Bakit ganoon ang sinabi ko? Dapat tinanong ko sya kung totoo ba ang sinabi nya sa akin o tinitrip nya lang ako para naman pag totoo ang sinabi nya eh di naghalikan na kami at---" napabalikwas ako sa kama ng biglang may kumatok sa pinto.Napalunok naman ako dahil baka si Young Master ang kumakatok. Mygod! Anong gagawin ko? Kahit kinakabahan ay tumayo na ako sa kama at lumapit sa pinto.

Dahan dahan ko itong binukas at napahinga ako ng maluwag dahil si Devin lang pala ang kumakatok hoo

"Anong kaylangan mo Devin? "

Napangisi naman ito sa tanong ko.. Oh no wag mong sabihing..

"Gawin natin ulit yung ginawa natin kagabi" agad ko itong sinapak sa balikat pero natawa lang ito

"Tangina mo! Masakit pa katawan ko! Sa susunod nalang, magiipon muna ako ng lakas"

"Ang weak mo naman, biruin mo naka dalawang round lang tayo kagabi" sinamaan ko naman ito ng tingin. Gago itong lalakeng ito. Kasalanan ko ba na sobrang wild nya at hindi na nakayanan ng katawan ko?

"Sige na Leir, gawin na natin ulit yun alam ko namang nagenjoy ka eh"

"Oo nag enjoy ako at masarap naman talagang makipag s---" sabay kaming napalingon ni Devin sa taong nagmura at nalaman naming si Gabriel iyon na namumulang nakatingin sa amin, bumalik naman ang kaba ko ng makita kong katabi nito si Young Master Heaven na matalim na nakakatitig sa akin at kay Devin.. Okay? Bakit galit nanaman sya?

"Slut" sigaw sa akin ni Young Master at agad na syang umalis at tinalikuran kami. Nagtataka naman akong tumingin kay Devin na nagkibit balikat lang pero may ngising nakapaskil sa mukha nito

Si Gabriel naman ay lumapit sa amin at sinuntok ng malakas sa braso si Devin

"Fuck you Bro, Leir is your bestfriend but you do that to her? " napataas naman ang kilay ko sa sinabi ni Gabriel

"Ano bang sinasabi mo Gabriel?Anong do that to her? Yung binugbog ba ako ni Devin kagabi ang tinutukoy mo? "

"W-what? " nalilitong tanong nito habang patingin tingin sa aming dalawa ni Devin

"Nag sparring kami ng Kuya mo kagabi at naka dalawang rounds lang kami dahil napagod ako kakasugod ng suntok at sipa sa Kuya mo kagabi at masakit din ang katawan ko dahil napaka wild makopagsparring ng kuya mo! " inis kong paliwanag, namutla naman si Gabriel na ipanagtaka ko at tumawa naman ng malakas si Devin sa di ko alam na dahilan.Ang weird ng magkapatid na ito kaya para hindi ako mahawa ay sinarado ko na ng malakas ang pinto ko at dumiretsyo na sa kama ko.

Tulala akong nakatingin sa kisame..

Totoo kaya yung nakita ko sa mga mata ni Young Master kanina?

Inis, galit, sakit at selos?

Napailing nalang ako.. Bakit naman sya magseselos?

Sya na nga nagsabi na wala syang gusto sa akin at napatunayan ko yun nung nasa Boracay ako.... Tsk.

avataravatar
Next chapter