32 Chapter 32

"I'm sorry, Please excuse us" pagmamadaling ani ni Devin tsaka hinila ang gulat na dalaga patungo sa kanilang hardin.

Naiwan ding nagtataka at gulat ang magulang at kapatid ni Devin sa kinilos nito sa harapan ni Leir. Nagkatinginan ang tatlo at sabay na napatingin kung saan dumaan si Devin hila hila ang dalagang si Leir

"Teka nga! " inis na sabi ni Leir at binawi ang kanyang kamay sa lalakeng nangyakap sakanya at nagdala sa kanya sa hardin. Pumamewang sya sa harapan ng lalake at dinuro ito

"Sino ka? Bakit bigla mo nalang akong niyakap at hinila dito sa garden? Kung sasabihin mong shota kita at nagka amnesia lang ako, pwes hindi ako naniniwala"

Napakunot noo naman si Devin sa sinabi ng dalaga.Hindi sya makapaniwala na ganon ang sasabihin sakanya

"What are you saying baby?Stop joking coz I'm your boyfriend for real" napasinghap naman si Leir sa seryosong sagot ng gwapong papi na nasa harapan nya. Napahawak si Leir sa tapat ng kanyang dibdib at utal na nagsalita

"S-so m-may a-amnesia

n-nga a-ako? " lalo lang kumunot ang noo ni Devin sa sinabi ni Leir. Si Leir naman ay hindi makapaniwala na nagkaroon sya ng gwapong shota, pero anong taon sya lumandi? Dahil 18 palang sya ngayon! Baka naman nakalimutan din nya ang tunay nyang edad?

Oh no.. Parang maiiyak na sabi ni Leir sakanyang isip

"Please baby.I know how you love to playing prank on me, but not now please.Cia I want---"  hindi na natuloy ni Devin ang kaylangan nyang sabihin ng bigla nalang lumapat ang kamay ni Leir sa labi nya

"Tinawag mo akong Cia?? Paano mo nakilala si Cia? " gulat na tanong ni Leir.Naramdaman ni Leir na bumilis ang pintig ng kanyang puso at nagsisimula narin syang pagpawisan dahil sa lalakeng nasa harapan nya.

Daling tinanggal ni Devin ang palad ni Leir sakanyang labi at binigyan nya ng inis na tingin ang babae

"What's happening to you? Your Cia my girlfriend that I love so much and I'm Devin Jin, your lovable mokong so please stop joking now baby" napatigil si Leir dahil sa narinig,si Devin naman ay nakatitig lang sa dalaga at hinihintay ang susunod na sasabihin nito.

Maya maya biglang hinalamos ni Leir ang dalawang palad sakanyang mukha dahil sa stress na nararamdaman. Si Devin naman ay nagsisimula nanamang magtaka sa kinikilos ng kanyang mahal.

"B-baby? "

Napapikit si Leir at napabuntong hininga. Nang maramdaman nyang medyo kumalma na sya ay minulat na nya ang mata at seryosong tinignan Si Devin na boyfriend kuno daw nya.

"Devin may kaylangan akong aminin sayo, alam kong hindi mo ito papaniwalaan at hindi matatanggap pero totoo ang sasabihin ko, kaya makinig ka ng mabuti" napatayo ng maayos si Devin at napalunok. Bakit parang pakiramdam nya na hindi nya magugustuhan ang malalaman?

---

"Where is Devin? " tanong ni Heaven ng makakaba sya sa hagdan. Umupo sya sa tabi ni Gabriel at binuklat ang librong dala nya para basahin.

"He is in the garden with Leir" napatigil sa pagbabasa si Heaven ng marinig ang sinabi ng kanyang kapatid.Tumingin sya kay Gabriel na parang nagtatanong kung totoo ba ang sinabi nito. Tumango naman ito, napakunot noo naman si Heaven at saka nya lang napansin na parehas na tulala ang kapatid nya at kanyang ina. Ang kanyang Dad naman ay busy na nagbabasa ng Newspaper habang nakahiga si Lucas sa binti nito at natutulog na.

"Why they are together?and Mom what happened and your spacing out" nagtatakang tanong ni Heaven. Napabuntong hininga naman ang Ina nya at akto na sanang magsasalita ng marinig nila ang boses ni Devin at Leir na papalapit na sa pwesto nila.

Agad namang napataas ang kilay ni Heaven ng makita nyang nakaakbay ang kanyang kambal sa ugly chanak

Kumaway naman si Leir kila Ma'am Catherine na nagtataka paring nakatingin sakanilang dalawa ni Devin. Napangiwi nalang sya at agad nyang siniko ng mahina Si Devin. Napaubo naman ang binata saka nagsalita

"I know that you're shock because of what happened a while ago.. Amm..Guys, Leir is my friend, I met her in Nueva Ecija when I took 1 year vacation there " nagulantang naman ang apat sa narinig, si Leir naman ay ngumiti nalang ng pilit at iniiwasan mapatingin sa gawi ng kanyang Young Master dahil galit parin sya dito.

Napatayo naman si Ma'am Catherine at ngumiti sa dalawa

"Really son? I'm glad that you two meet again"

"Hehe oo nga po Ma'am,masaya po ako na nagkita kami ulit ni Devin pero hindi ko naman akalain na anak nyo sya at kambal sya ni Young Master Heaven" pasingit na sabi ni Leir, naramdaman naman nyang lalong humigpit ang pagkakahawak ni Devin sakanyang balikat kaya napabuntong hininga nanaman sya

"Ako din Bestfriend, kaya babawi ako sayo.Lets go to the Mall tomorrow" masayang sabi ni Devin at binigyan ng halik sa pisngi si Leir na agad namang ikanamula nito at hindi yun nakatakas sa paningin ni Heaven.

Sumama ang tingin ni Heaven sa dalawa at napahigpit ang kapit nya sa librong hawak

Bestfriend huh?What a fucking surprise . uyam na bulong ni Heaven sa kanyang isip

Leir's Pov

"Salamat,Devin at sumakay ka sa plano ko" agad kong sabi ng maiwan na kaming dalawa dito sa sala at prenteng nakaupo sa sofa habang nanonood ng movie sa Netflix channel.

"Hindi parin natatanggap nang utak at puso ko ang lahat Leir, pero alam kong malalagpasan ko din ang paghihirap nato" nakaramdam naman ako lungkot sa sinabi nito.

Ako din naman hindi ko akalaing na nangyayari ito at wala man lang akong kaalam alam sa ginawa ni Cia.

Nararamdaman kong lalong bumibigat ang atmosphere sa aming dalawa kaya pinilit kong magisip nang mga happy thoughts dahil ayaw ko talaga ng mga negative vibes.

"Alam mo, ang hot mo magtagalog kaya wag kang mag eenglish pag ako ang kausap mo kasi malapit na talaga akong ma nose bleed dahil narin sa kakambal mo,maka english kasi yun ay parang nasa america kami eh wala naman talaga, feelingero din kasi"  pabiro kong litanya, napatawa naman si Devin sa sinabi ko kaya napangiti ako dahil kahit papano napagaan ko ang loob nya.

Napakunot noo naman ako ng bigla ako nitong tinignan ng seryoso at bigla bigla ring ngumiti

"You're not Cia, You're two are really have different personality"

"So naniniwala kana? " napatango naman ito. Tinapik ko naman sya sa balikat saka nagsalita

"Alam kong hindi ganon kadali na maka move on pero baka umayos ang lagay mo pag nakausap mo na sya" napailing naman si Devin pero ngumiti din sya kalaayunan

"I'm hoping Leir.. I'm hoping..na sana hindi na sya maduwag na kausapin ako" di ko alam kung anong sumanib sa akin pero bigla ko nalang niyakap si Devin at hinaplos ang buhok nito. Naramdaman kong napahigpit din ang yakap nito sa akin at sumandal ang ulo nya sa dibdib ko pero hindi man lang ako nailang

"I love you Cia. "

avataravatar
Next chapter