28 Chapter 28

Leir's Pov

"Okay, simulan na natin ang truth or dare" napahiyaw naman kaming lahat sabay taas ng mga hawak naming beer can. Tumingin naman ako kay Young Master na seryoso lang nakayuko habang nakatitig sa beer nito, di ko naman maiwasang mapairap.. As usual KJ si Young Master.

Nilapit ko ang labi ko sa gilid ng tenga nito at bumulong

"Wag ka namang Kj, Young Master,nandito tayo sa labas para magsaya" tumingin lang ito sa akin at inirapan ako.

Napatingin nalang ako kay Ice nang sinimulan na nyang iikot ang bote.

At sa kasamaang palad tumutok sa akin ang head ng bottle.

Binigyan naman ako ng ngisi ni Ice at nagsimula ng nagtanong

"Okay, Princess,Truth or dare?" kung mag dadare ako baka puro kagagaguhan lang ang iutos nila sa akin pero kung Truth naman baka mga nakakahiyang tanong ang ibato sa akin ni Ice. Kaya...

"Dare" nagaalangan kang sagot. Lalo namang lumaki ang ngisi ni Ice at nakita ko pa itong sumulyap kay Young Master bago nya sabihin ang iiutos sa akin

"Eto ang dare mo..Tumayo ka at manghila ng lalake at halikan mo sya in 15 seconds" bakit kaylangang manghila pa? Nandito naman sa tabi ko ang gusto ko, hindi nalang ganun.. Bwisit na Ice ito,sinasadya nya ito eh!

Pero wala na akong magagawa.

"You can do it Leir" pagpalakas sa akin ng loob ni Bingee ang foreigner friend namin. Ngumiti naman ako at tumayo na, napasigaw naman sila dahil sa katapangan ko. Napansin ko namang tahimik lang si Young Master na nakayuko padin habang hawak ang beer can nya. Ano pa bang ineexpect ko? Magseselos sya? Pipigilan akong wag ituloy ang dare? Taena,masyado ko naman atang pinapaasa ang sarili ko.

Umalis na ako sa pwesto ko at nagsimula ng maghanap ng matitipuhan kong lalake, at hindi naman ako nagtagal dahil may papunta sa gawi ko na sobrang gwapo na lalake na pwede atang ipatapat sa kagwapuhan ni Young Master.

Huminga muna ako ng malalim bago hinila ng malakas sa braso ang lalake at hinalikan.Naramdaman kong napatigil ang lalake sa ginawa ko. Narinig ko pa ang hiyawan nila Ice. Sinumulan ko ng igalaw ang labi ko at agad namang tumugon ang lalake.

Hmm ang sarap humalik shet!

15

14

13

12

11

10

9

Hindi pa nakakaabot ng 8,ay may marahas na humila sa akin papalayo sa masarap na humalik na lalake. Nang mapatingin ako ay nagulat ako ng mukha ni Young Master na sobrang dilim nang itsura ang bumungad sa akin

"You making me hate you more,Leir" hindi na ako nakasagot sa sinabi nito dahil, marahas na nyang binitawan ang braso ko at tinalikuran ako para maglakad na papaalis.

Napatingala naman ako para pigilan at napahawak sa noo ko.. Nalilito na ako sayo Young Master

Kung ganyan ang pakiramdam mo Young Master, ako naman lalo mo ginugulo ang pagiisip ko kung ano ba talaga ang dahilan sa mga nakakagulat na kilos mo sa akin

Pwede ba kahit minsan maging honest ka Young Master?Di naman mahirap eh

---

He lost it...

Di na napigilan ni Heaven ang galit nya dahil sa ginawa ni Leir kanina na makipaghalikan sa estrangherong lalake.

Simula ng marinig nya ang dare na binigay ng kaibigan nito ay gusto na nyang magwala..

Alam nya sa sariling wala syang gusto sa babae, pero bakit ganoon nalang sya magreact? . Simula ng dumating ang babae sa buhay nya ay nagulo na nito ang buong sistema nya, na lubos nyang kinaiinisan..

He shouldn't feel this way...He should not..

Because giving his time and attention to a woman is just a NO for Heaven.. Its really a waste of time for him.. But his actions contradicting him and thats so frustrating..

Nang mapansin ni Heaven na nakalayo na sya kila Leir,ay agad na syang umupo sa buhanginan at seryosong pinanood ang agos ng karagatan.. Wala pang ilang segundo ay may umupo sa tabi nya at napaismid nalang sya ng mapantanto nyang sinundan sya ni Leir

Leir's Pov

Napangiwi nalang ako ng makaupo ako sa tabi ni Young Master. Dahil. Halatang hindi nya nagustuhan na sinundan ko sya dito.

"Sorry" napalingon naman sya sa akin dahil sa sinabi ko

"Sorry kasi sinunod ko yung dare nila kahit alam kong magmumukha akong malandi..pero promise Young Master di ko na gagawin yun" malumanay kong sabi, inismiran lang ako nito at binaling nanaman ang tingin sa karagatan.

Wala bang sasabihin sa akin si Young Master? Hinihintay ko pa naman ang pagsigaw at pagmumura nya sa akin pero di nangyari.. Nakakapanibago, habang pinagmamasdan ko si Young Master ay parang nasa malayong pagiisip ito..at napakaseryoso at hindi ko man lang mabasa kung anong emosyon ang nasa mga mata nito..

Napabuntong hininga ako at Napatingin narin sa dagat

"Young Master pwede ba akong magrequest? Pwede ba hanggat nandito tayo sa Boracay ay maging mabait ka naman sa akin? Yung ituring mo naman akong kaibigan kahit saglit lang? Gusto ko lang kasi maranasan kung anong pakiramdam na maka close ka, pwede ba Young Master? " naramdaman ko namang napalingon ito sa akin pero nakatutok lang ang mga mata ko sa dagat.

"Okay" mabilis akong napalingon dahil,sinangyaunan  nya ang request ko.

"Totoo ba iyan Young Master? Walang halong biro? " naeexcite kong tanong habang masayang nakakatitig sakanya. Inirapan ako nito at tumango. Kaya napagigil ako at humawak sa braso nito at sinandal ang aking ulo,agad naman nyang tinulak ang ulo ko at kumalas sa pagkakahawak ko.

"Don't do that to me again chanak! " nagbabantang sabi nito pero ngumiti lang ako at pabiro syang sinapak sa braso

"Ano kaba Young Master, parang yun lang? Eh naghalikan na nga tayo eh, mas malala pa yun" sinamaan lang ako nito ng tingin at tumayo

"How shameless chanak you are? Tsk" pagkatapos nyang sabihin iyon ay nagsimula na itong maglakad kaya agad akong tumayo at humabol para mapantayan ko ang mga lakad nito.

"Dahil pumayag ka sa request ko Young Master, samahan mo akong maglibot ngayon at magsaya tayo ngayong gabi" masaya kong sabi

"Yeah, yeah" bored lang na sagot nito,habang patuloy paring naglalakad..Agad kong hinawakan sa wrist si Young Master at sinimulan ng hilain kung saan.Hinayaan lang ako nitong hilain sya kaya napagigil ulit ako.

Ang una naming pinuntahan ni Young Master ay ang mga nag fifire dancing, tuwang tuwa ako nanonood at si Young Master naman ay napapamura dahil sa nakakatakot na Stunt ng mga dancer. Ang sumunod naman ay ang group dance, lahat ng mga manonood ay niyayang mag sayaw kaya, agad kong hinila si Young Master at pumwesto kami sa gitna, Nagsimula ng tumugtog ang DJ at natuwa ako dahil Hips don't lie ang kanta.. Kaya agad akong nag belly dance sa harap ni Young Master habang sinasabing sabayan nya ako

"I didn't sign up for this" stress na sabi ni Young Master habang tuod na pinapanood akong sumayaw.Inabot ko ang dalawang kamay nito at pinahawak ko sa bewang ko.

"Sabayan mo lang ako Young Master!wag ka namang KJ dyan" at gumiling nanaman ako sa harap nito napahigpit naman ang kapit nito sa bewang ko at nagsimula narin syang gumalaw na parang kawayan na hinahangin..kaya napatawa ako na agad namang sinamaan ako ni Young Master ng tingin..

Binelatan ko lang ito at patuloy parin akong sumasayaw,napapikit pa ako at humiyaw dahil feel na feel ko ang tugtog..

Nang minulat ko ang mata ko,nasilayan ko ang aliw na aliw na mukha ni Young Master habang nakatingin sa akin.. At meron ding maliit na ngiting nakapaskil dito kaya parang tumigil ang mundo ko dahil dun.

Napakaganda ng ngiti nito.. Para talagang angel..kahit isang demonyo talaga ang Young Master nya..

Pero gosh.. Naramdaman nyang uminit ang mukha nya at umiwas ng tingin kay Young Master..

Dahil lang sa ngiti na iyon, lalo akong nafall punyeta!

Nang matapos ang kasiyahan ay ang last destination namin ni Young Master ay ang souvenir shop, nagturo turo ako ng kung ano ano at pinabayad ko kay Young Master.. Nakatanggap naman ako ng masamang tingin dito pero binayaran nya parin ang mga kinuha ko...

May kaibaitan din pala ang amo ko hihi

"Wow, salamat sa libre Young Master ah! Nakatipid ako dun hehe..Sarap mo palang maging kaibigan pwede kitang gawing bangko hahah" inismiran lang ako nito at nakapamulsang tumayo sa harapan ko..

Napatigil naman ako sa pagtawa at nagtatakang nakatingin kay Young Master

"Are you happy?" tanong nito.. Napatingin naman ako sa wrist ni Young Master kung saan nakasuot ang bracelet na pinilit kong pasuotin sakanya..sinabi ko kasing friendship bracelet namin yun kahit sa totoong couple bracelet talaga iyon.. Pero buti nalang nagpauto si Young Master...

Pero dun palang sa pagsuot nya ng couple bracelet namin ay nakaramdam na ako ng kakaibang saya sa dalawang oras pa kaya na magkasama kami? Ay sobra sobra na...

Ngumiti ako kay Young Master at tumitig dito, napataas naman ang kilay nito sa akin

"Masaya ako Young Master,masayang masaya"

Sana magtuloy tuloy na ito..

avataravatar
Next chapter