27 Chapter 27

Tinaas ko ang aking kamay at hinaplos ang pisngi ni Young Master at tumitig sa nakakalunod nitong mga mata.Nagaapoy parin sa galit ang mga mata nito na nakatitig sa akin.

"Imbis na tapunan mo ako ng mga masasakit na salita, bakit di mo nalang aminin na nagseselos ka? " bumakas naman ang gulat sa mata nito

"Jealous?why the hell I get jealous?To them?because of you? Do you fucking kidding at me right now? " mabilis na sabi nito kaya natawa ako, halata namang indenial ang gago

"Hindi ka naman pala nagseselos, eh di hayaan mo na akong bumalik sa apat na mokong dahil may gagawin pa kami" humigpit naman lalo ang paghahawak nito sa wrist ko. At gigil na hinawakan ang panga ko

"Don't you dare" nangangalaiting banta nito sa akin.

Nainis naman ako sa ginawa nito. Kung hindi sya nagseselos bakit ganoon nalang ang reaksyon nito? Masyado na atang pakipot si Young Master

"Alam mo Young Master, tsundere ka din noh? Galit at inis ka sa akin pero halata namang may gusto ka at nagseselos ka sa mga tropa ko dahil magkakasama kami sa iisang kwarto" talagang diniinan ko ang pagkakasabi ko sa kwarto kaya lalo lang rumehistro ang galit sa mukha nito at pagkahigpit sa mga wrist ko. Dahil nasasaktan na ako sa pagkakahawak nito ay agad ko itong tinuhod sa tyan at mabilis na hinawakan ang wrist nito at kinubawan. At ako naman ang magiging dominante ngayon.

"Wag ka na magalit Young Master,ikaw lang ang gusto ko kailangan pa bang imemorize yun? Sila Ketong naman mga kaibigan ko lang talaga at kahit nasa iisang kwarto kami ay walang mangyayaring dirty doon dahil magkakapatid na ang turing namin sa isat isa" mahaba kong paliwanag, lumamlam naman ang mga mata nito kaya binitawan ko na ito at umalis na ako sa ibabaw nya at umupo sa gilid ng kama. Umupo na rin si Young Master sa tabi ko at namayani ang katahimikan sa amin.

"I'm still mad at you, so just stay here and sleep in my room for 2 days."

"Pero Young Master--" sinamaan naman ako nito ng tingin kaya napa zip nalang ako ng labi.

Maganda naman ang sinabi ng aking langit dahil pabor talaga akong makasama sya sa iisang kwarto pero gusto ko rin naman makabonding sila ketong mamayang gabi dahil balak naming maglaro ng truth or dare sa labas mamayang gabi kasama ang mga foreigners.

Paano kung yayain ko nalang kaya si young master makijoin sa amin?

"Ok, payag na ako Young Master pero wag mo sana akong reypin ah? Bata pa ako eh"

"That would never happen,youre not my type " napatawa nalang ako dito  at pabiro pang pinalo sa braso si Young Master. Wow ang tigas

"Kukunin ko lang ang gamit ko kila ketong at magpapalit muna ako ng damit. Gusto mo bang sabayan kaming magtanghalian? Tsaka mamayang gabi iinom kami sa labas at makikipagbonding sa mga foreigners.Kung sasama ka,matutuwa ako hehe" inirapan lang ako nito pero tumango naman

Aysus, tsundere talaga ang aking langit

Kaya lab na lab ko ito eh

Ayun nga. Pagkatapos kong ilipat ang gamit ko sa room ni Young Master at nakapagbihis narin ako ay agad ko na syang niyayang bumaba para kitain sila Ketong sa labas ng hotel.

Halata namang ayaw ni Young Master sa apat na mokong dahil nang nagpakilala sila Ice ay nagsabi lang ito ng "I don't care" oh diba? Ma attitude talaga ang aking Langit sarap parusahan ng halik

"Napakasungit ng Young Master mo" bulong sa akin ni Ice ng makaupo kami.Nandito na kasi kami sa isang restaurant na pinili ni Young Master na pagkakainan namin. Mga mayayaman nga naman.Buti nalang may pangbayad kami nila Ketong

"Pagpasensyahan nyo na lang sya Ice pinaglihi ata ng sama ng loob iyan kaya ganyan" bulong ko kay Ice,mahirap na baka marinig ni Young Master at iharap nanaman sa aking ang demonyong side nito

"Why the hell are you sitting beside that bastard? Go here and sit next to me" demand na sabi ni Young Master habang masamang nakatingin sa amin ni Ice.Napailing nalang si Ice at sinabihan na akong lumipat ng upuan bago pa magkaroon ng gulo.Nakasimangot naman akong tumayo at umupo sa tabi ni Young Master.Pwede naman nyang sabihin na gusto nya akong katabi sa sweet na paraan diba? Kaso hindi nya ginawa tsk.

"Stop pouting woman, you making me losing my appetite"

"Namo ka" inis kong sabi at with matching pairap pa. Napa aray naman ako ng bigla ako nitong pinitik sa noo.

"Bakit ka ba ganyan? Masyado ka ng mapanaket ah! " angal ko dito peri ngumisi lang ito sa akin at tumingin na sa menu.Pisteng yawa, ini snob nalang ako bigla? Ganon nalang yun? Hindi na makatarungan!

"#ignore zone" natatawang ani ni Vie at ginatungan pa ng tatlong gago

"#Dinamanmasakit"

"#sadlife"

"#Onesidedlove"

Tinaas ko lang ang gitnang daliri ko sa tatlo, gusto ko silang pagmumurahin at bugbugin pero nasa restaurant kami kaya sa susunod nalang

"May araw din kayo sa akin!" banta kong sabi sa kanila pero lalo lang tumawa ang mga mokong. Napatingin naman ako kay Young Master at nagulat akong nakakatitig ito ng seryoso sa apat na mokong at bigla ay tumitig din sa akin. Napangiwi naman ako.

ano nanaman bang ginawa ko?

Kaya para makaiwas sa galit ni Young Master ay kinuha ko ang menu na nasa harap ko at sinabi kay Young Master ang gusto kong kainin. Buti nalang ay tumuon ang atensyon nya doon kaya nakahinga ako ng maluwag .

Naging payapa naman ang tanghalian namin doon. Kahit hindi na inalis ng apat na mokong ang nangaasar nilang tingin sa akin.

Dahil mamayang gabi pa kami maglalaro ay, napag desisyunan ko munang matulog sa room para may lakas ako mamaya, sila Ketong naman daw ay maglilibot naman.

Dahil hindi naman bet ni Young Master sa apat ay sumama na sya sa akin pabalik sa hotel. Tahimik lang kami hanggang sa makapasok kami sa room. Ng hindi ko na nakayanan ang katahimikan ay nagtanong na ako

"Young Master bakit ka nga pala nandito sa Boracay? Nagbabakasyon ka din? "

"It's None of your business" masungit na sabi nito habang prente pading nakaupo sa sofa at kinakalikot ang phone nito.

Napa facepalm naman ako,ang ganda talaga kausap ni Young Master.Hanep,the best!

Dahil halata namang gusto ako kausapin ni Young Master ay dumiretsyo na ako sa kama at humiga. Itutulog ko nalang lahat ng inis ko. Mahirap pag laging stress, nakakaubos ng ganda kahit malabo namang mangyari sa akin iyon.

Nang malapit na akong makatulog ay naramdaman kong parang may sumampa sa kama pero hindi ko nalang pinansin dahil nilamon na ako ng kadiliman.

------

Nang makatulog na si Leir ay si Heaven naman ay seryoso lang na pinagmamasdan ang mukha ng dalaga habang nakahiga sya sa tabi nito. Inabot ni Heaven ang mukha ng dalaga at pinalandas nya ang kanyang kamay sa malambot na pisgi nito

"I still don't like you, Leir Mia Fenis" madiin na sabi ni Heaven at nilayo na nya ang kanyang kamay sa dalaga at humiga nang maayos sa tabi nito.

avataravatar
Next chapter