24 Chapter 24

Inis na nilapag ni Heaven ang coffee mug nya sa lamesa habang nakakatitig kay Leir na busy pinapakain ang kanyang kapatid na si Lucas.

Nagtataka kasi si Heaven dahil ilang araw nang himalang hindi sya tinatapunan ng cheesy pick up lines ni Leir at hindi na nagpapacute ang babae sakanya. Kaya hindi alam ni Heaven kung bakit ganoon nalang ang inis nya.

Wala naman syang pakielam sa babae talaga dahil inis sya dito at wala sa personality nya na sakyan ang paglalandi nito. Pero simula nang makita nya si Leir at Aries na masayang magkasama ay napapansin ni Heaven na may unti unting nagbabago na sakanya.

Nang matapos nang kainin ni Heaven ang breakfast nya ay agad na syang tumayo at umalis sa kusina. Kaylangan na nyang pumunta sa company nya dahil may maaga syang meeting with their stock holders.

Kahit may nararamdamang inis si Heaven ay pinagsawalang bahala nya muna ito dahil hindi pwedeng ma distract sya sa meeting mamaya

Ngunit.....

"What's wrong with me? Shit! " yun agad ang lumabas sa bibig ni Heaven ng makapasok sya sa kanyang office. Hindi kasi sya nakapag concentrate sa meeting nila kanina dahil laging pumapasok sa isipan nya ang mukha ni Leir na hindi nya alam kung bakit.

Niluwagan ni Heaven ang tie ng kangyang suit bago umupo sa swivel chair nito. Napadako ang tingin ni Heaven sa wall clock at napataas sya ng kilay.

It's almost time for lunch and chanak is not here to give me her prepared lunch for me.Is she giving up already ? inis na tanong ni Heaven sa kanyang sarili

At agad namang pumasok sa isipan ni Heaven ang senaryo na magkasama si Aries at Leir. Kaya lalong uminit ang ulo nya.

Galit na tumayo si Heaven at lumabas sa office nya.Habang naglalakad ay gigil na inaayos nya pagkakatali ng kanyang bow tie.Habang ang isip nya ay nasa iisang tao lang. Si Leir Mia na may bastos na apilyido na mukhang chanak sa paningin nya.. Ngunit ginugulo ang isipan at damdamin nya.

"Shit!I'm doomed"

Leir's Pov

Napalagok ako ng isang bottle ng tubig dahil sa hindi ko nakayanang init ng panahon. Bakit kasi ako sinama ni Gabriel dito sa divisoria?

"Bodyguard nga nya pala ako, puta" napairap pa ako habang tuloy parin ang pagsunod ko kay Gabriel na tuwang tuwang tumitingin sa mga damit dahil napakamura daw. Syempre divisoria nga eh. Lahat ng mga second hand na damit ay nandito na.

"Bakit nga pala naisipan mong mamili ng ukay ukay Gabriel? Naghihirap kana ba? " tanong ko ng makapalapit ako kay Gab. Natawa naman ito sa tanong ko at umiling

"May nagsabi kasi sa akin na magandang mamili dito sa divisoria ate, kaya nag tatry lang ako" namula naman ito nang binigyan ko ito ng nagtutusong tingin.Aba may pumapagibig narin ata

"T-thats not what you think Ate" pabiro ko lang itong sinuntok sa braso at hindi na nagsalita pa. Mahirap kasi pag naasar ko at magalit sa akin si Gabriel. Dahil para lang syang si Young Master Heaven na parang demonyo pag nagagalit. Napaka anghel ng pangalan nila pero may demonyong ugali.Nakakatuwa nga naman,buti nalang ang ganda ko.

Mahigit dalawang oras kami nagtagal ni Gabriel sa divisoria bago nya naisipang pumunta sa fast food chain at kumain na para magtanghalian.

Nang makalabas kami ni Gabriel sa Jollibee ay may bigla nalang tumawag sa akin.

"PRINCESS LEIR DUDE!!!" napangiti naman ako ng makita ko si Ketong na papalapit sa amin. Agad naman itong umakbay sa akin at napatingin kay Gabriel na nakakakunot noo na ang tingin sa aming dalawa.

"Ketong si Gabriel ang alaga ko, Gabriel si Ketong tropa at classmate ko"

Ngumiti naman ang dalawa at

Nagshake hands

"Nice to meet you bro" sabay nilang sabi.

"Nga pala Princess,pwede bang pumunta ako sa inyo? Pagusapan natin yung Physics Project natin pati narin yung balak natin nila Ice sa trip to boracay natin" tumingin naman ako kay Gabriel na nanghihingi ng permiso. Nakahinga naman ako ng maluwag ng ngumiti ito at tumango

Kaya niyaya ko na si Ketong na sumama sa amin at sumakay na kami sa kotse ni Gabriel.

Habang nasa byahe ay walang tigil ang usapan ng dalawa. Na para bang magusap at magtawanan sila ay parang matagal ng magkakakilala.

Iba talaga ang mga lalake.Kung mga babae iyan ay puro mahinhin muna magusap sa isat isa at pag nagtagal na magkakilala saka lang lalabas ang mga tunay na ugali.

"Wow, Gabriel pare ang ganda ng mansyon nyo"

"Feel at home kalang dito kuya, no problem" sabay sabay kaming tatlong umupo sa sofa at napasandal.Parang gusto ko ng matulog dahil sa pagod ko. Maya maya pa ay tumayo na si Gabriel at nagpaalam munang pupunta sya sa kwarto nya para ayusin ang mga pinamili nyang damit.Kaya tumango nalang kami at sinabi kong ako nang bahala kay Ketong dahil ako ang dahilan kung bakit sya nandito sa mansyon.

"Nasan kwarto mo dito Princess? Gusto ko makita eh, tara puntahan natin" hinila ako ni Ketong patayo at umakbay nanaman sa akin. Kingina ang hilig talagang umakbay nang taong ito,di ba nya napapansin na nabibigatan ako sakanya minsan?

"Ano? Tara na! "lalo lang nitong hinigpitan ang pag akbay sa akin na parang sinasakal na nya ako dahil sa sobrang excited nya. Mumurahin ko na sana ito ng biglang nakita ko si Young Master na pababa ng hagdan at blankong nakakatitig sa amin.

Eh? Ang aga naman ata ni Young Master?

Nang makababa si Young Master ay napakapamulsa itong tumayo sa harap namin na parang kinikilatis kami. Hindi ko alam pero, parang biglang bumigat ang atmosphere sa paligid namin. Si Ketong naman ay tinigil na ang pagkasakal sa akin pero nakaakbay parin ito habang nakatitig kay Young Master.

"Hello Young Master,ang aga nyo naman po hehe" pero hindi pinansin ni Young Master ang sinabi ko dahil bigla nitong tinuro si Ketong at masungit na nagtanong

"Who the hell is he? " kita kong napaturo naman si Ketong sa sarili nya habang gulat na nakatingin kay Young Master.Napa face palm nalang ako. Mukha nanaman kasi syang tanga. Nilapit ko ang bibig ko sa tenga ni Ketong at bumulong

"Magpakilala ka ng maayos kay Young Master at wag ka ng mag english,bobo ka dun" tinagilid ni Ketong ang mukha nya para makabulong din sa akin

"Fuck you ka princess" handa ko na sanang batukan ito ng bigla kaming nagulat ni Ketong ng sumigaw si Young Master

"STOP FLIRTING! "

"Eh, hindi naman po kami naglalandian Young--".

"STOP TALKING! " agaran naman akong napazip sa labi ko at si Ketong naman ay bigla nalang napasaludo. Huta talaga.Kaya siniko ko ito sa tyan dahil lumalabas na talaga ang pagiging weird nito.Napakamot naman si Ketong at nilahad ang kamay sa harapan ni Young Master

"Pare,ako nga pala si Keith L--"

"The hell I care about your name" napamura nalang ako sa isip ko dahil sa pagiging rude ni Young Master

"Tinatanong mo kay Princess kung sino ako tapos may pa the hell I care kapa? Nang jojoke time ka ba dude? "  lalong sumama ang tingin ni Young Master sa amin kaya binatukan ko naman ng malakas si Ketong na agad namang napa aray. Ang gago eh.

Nakangiwi akong napabalik ang tingin kay Young Master

"hehe Pagpa sensyahan nyo po ang kaibigan ko,hindi na po kasi kumpleto ang turnilyo nyan sa utak kaya---" hindi ko natapos ang sasabihin ko ng nagsalita nanaman si Young Master

"Princess?? "

"Po? "

Tumitig ito sa akin ng sobrang seryoso bago nagsalita ulit

"Why did he call you Princess? Is he your boyfriend?" inis na tanong nito. Para naman akong masusuka dahil sa tanong ni Young Master. Si Ketong naman ay agad binaklas ang pagaakbay sa akin at nangdidiring lumayo.

"Eeewwww Kadiri" sabay naming ani ni Ketong habang diring diring nakatitig sa isat isa.

Napahigit naman ako ng hininga ng biglang hinawakan ni Young Master ang dulo ng siko ko at inis na tumitig sa akin

"Answer my god damn question,ugly woman"

"Hindi ko sya boyfriend Young Master, tanga lang ang papatol kay Ketong at masyado akong maganda para patulan sya" mabilis kong paliwanag kay Young Master na masama padin ang titig sa akin.

"Tangna ka Dude" apela ni Ketong pero inirapan ko lang sya at binalik ang tingin kay Young Master

"Maniwala ka Young Master, because In biology you are my bio." saad ko kaya nawala ang galit nito sa mukha at napalitan ng pagtataka.

Ngumiti ako bago ko tinuloy ang sasabihin ko

" You are not the book of my physics but I love you from the bottom of my hypothalamus." unti unting rumehistro ang gulat sa mukha nito habang nakakatitig sa akin. Nagtaka naman ako ng bigla itong tumalikod.

Namamalikmata lang ba ako? Bakit parang nakita kong namula si Young Master

"Tangna dude, hindi ko gets ang banat mo pero support kita!" pumalakpak pa ang gagong si Ketong na nakaupo na pala sa sofa.Tinaasan ko ito ng gitnang daliri ko bago tumingin ulit kay Young Master na nakatalikod parin sa amin.

Tatawagin ko na sana ito ng nagmadali itong naglakad paalis at umakyat papuntang second floor

Napailing nalang ako. Hindi ko talaga maintindihan ang mood ng aking Langit.

Haaayyy

avataravatar
Next chapter