23 Chapter 23

"Sige na po manong guard, papasukin nyo na ako" napakamot naman sa ulo si manong guard na halata ng naiinis sa pagpupumilit ko sakanya na papasukin ako sa building.

"Pasensya na talaga Ma'am ayaw napo ni Sir Heaven na makapasok kayo sa company, please po ma'am uwi na po kayo wag nyo na po akong kulitin ayaw ko pa pong mawalan ng trabaho" inis na tumalikod na ako kay Manong Guard at nagsimula ng maglakad papaalis.

Sinasabi ko na nga ba, mangyayari ito eh. Nainis na siguro si Young Master sa akin sa bawat lunch time eh pumupunta ako sa office nya para dalan sya ng pagkain. Sinabi nya sa akin ng paulit ulit na pupunta lang ako sa office pag kaylangan nya ng secretary,pero dahil sa dakilang makulit ako ay hindi ko sya sinunod.

Napasimangot akong tumingin sa dala kong lunch box. Sayang naman, pinaghirapan ko pa namang lutuin ito.Siguro,ako nalang ang kakain para hindi masayang ang effort ko.

"the way to a man's heart is through his stomach..cheche scam amputa kainis" kung totoo talaga iyong kasabihan na iyon eh di sana nasa loob na ako ng office ni Young Master at masayang pinapanood sya na maganang kinakain ang luto ko. Kaso hindi eh! Parang lalo lang syang lumayo sa akin.

Makauwi na nga sa mansyon. Makikipaglaro nalang ako kay baby Lucas para mawala inis ko.

"Hey" napatigil naman ako sa paglalakad ng may biglang tumawag sa akin. Napataas ako ng kilay ng makilala ko ito.Lumapit ito sa akin at nilahad ang kanyang kamay

"You're name is Leir right,I'm Ares"

Tinapik ko ang kamay nito at pimamewang sa harap nya

"Bakit ka nagpapakilala sa akin? Ibubully mo din ba ako? Kagaya ng ginagawa mo kay Dummy?" masungit na tanong ko dito.Dumaan sa mata nito ang lungkot ng marinig nya ang pangalan ni Dummy pero nawala din iyon agad. Okay ano iyon?

"Nope.I won't do that" mahinang ani nito

"Eh bakit mo ako nilapitan? " nalilito kong tanong kay Ares. Baka naman gusto ako nito? At balak akong ligawan? Naku may Heaven na ako.

"Gusto ko lang kasi magpatulong sayo para mapalapit ako kay Dummy" napa facepalm naman ako sa narinig. Na columbia ako dun ah,puta.

Hinawakan ko sa sa pulsohan si Ares at hinila papunta sa tabi ng turo turo. Ang hirap naman kasi na magusap kami sa gitna ng kalsada diba? Ayoko pang mamatay, wala pa nangyayari sa amin ng aking Langit.

Nang makaupo kami sa upuan sa gilid ay, hinarap ko si Ares at nginisian.

"Hindi ko akalain na ang gwapong tulad mo ay gwapo din ang hanap" namula naman ang buong mukha nito at napayuko. Nakakapagtaka at nakikita ko ang other side ni Ares. Dahil sa university namin kilala ito sa pagiging snob at cold pero bully din.

"I'm not gay, I know Im straight as ruler but I like Dummy, damn it" napatawa naman ako sa sinabi nito. Lahat ng straight na lalake na naiinlove sa kapwa nila ay ganun nalang ang laging sinasabi

"Share mo naman kung paano kayo nagkakakilala ni Dummy at paano ka nabakla sakanya" excited kong sabi dito, lalo pa itong namula pero sinimulan narin nito magkwento

----

"Sawakas, kumpleto tayo mamayang magbabarkada mamaya sa bar"

"Yeah, miss ko na ang mga gunggong hahaha"

Tahimik lang na naglalakad si Heaven habang nakikinig sa usapan nila Ryle at Enzo.Papalabas na sila ng company ni Heaven para sunduin sa Airport ang kaibigan nilang si Demithri.

Binuksan ni Heaven ang takip ng kanyang coffee at uminom dito ngunit napatigil sya ng may mahagip syang dalawang pamilyar na tao sa tapat ng building nya.

Ang nakakainis na chanak at ang nakakabatang kapatid ng kanyang kaibigan na si Apollo si Ares. Na walang pakundangan na naglalandian sa gilid ng street food vendor.

Kitang kita ni Heaven ang saya ng dalawa habang nagshashare kumain sa isang lunch box.

Umasim ang mukha ni Heaven at hindi nya alam kung bakit

.

Napansin naman nila Ryle at Enzo ang pagtigil ng kanilang kaibigan na si Heaven. Sinundan nila ang tingin ng kanilang kaibigan at napangisi nalang nang makita nila ulit ang babaeng nanalo sa Battle of the bands nung nakaraang linggo.

Nagulat ang dalawa ng bigla nalang bumagsak sa lupa ang coffee na hawak ni Heaven

Napamura naman si Heaven sa nangyari

"Fuck my coffee!" inis na sabi ni Heaven. Napatawa naman sila Ryle at Enzo

"Why are you laughing? " galit na sabi ni Heaven sa dalawa pero imbis na sagutin ang tanong nya ay biglang may sinabi si Ryle na nagbigay ng kaguluhan sa isip nya

"If you really wanted it,why you didn't hold on  to it firmly?"

---

Leirs Pov

"Bye Ares, kitakits nalang tayo sa school" masaya kong paalam bago bumaba sa sasakyan ni Ares. Ngumiti naman ito at nagpaalam na din sa akin. Nang makaalis ang sasakyan nito ay masaya akong pumasok sa gate ng mansyon. Masaya palang kasama si Ares at mali ang pagkakakilala ko sakanya kaya naguguilty ako dahil napaka judger ko masyado.

Pagpasok ko ng mansyon ay dumiretsyo ako sa kwarto ni baby Lucas at nakipaglaro dito. Dahil linggo ngayon ay hindi ako na namomoblema sa pagiging bodyguard ni Gabriel. At thankful naman ako dahil walang mga tarantado ang nangtitrip sa alaga kong iyon.

Pagkatapos kong makipaglaro kay Baby Lucas ay tumulong ako sa ibang maid na maglinis ng mansyon at magdilig ng mga halaman sa hardin.

Mga 6pm ng hapon ay dumating na sila Ma'am Catherine at inutusan na ang mga maid na magluto ng makakain sa hapunan.

Masaya kaming kumain nila Ma'am Catherine kaso medyo may konting lungkot lang dahil hindi namin nakasabay si Young Master.Sinundo daw kasi nito ang kaibigan sa airport at nagbobonding daw sila ngayon. Panigurado nasa bar ang mga iyon,umiinom at nangbabae. Napasimangot naman ako sa naisip ko. Mga lalake nga naman..

Nang makapaghimalimos na ako at nakapagpalit ng pantulog ay naisipan kong tumambay nanaman sa Garden para kumanta ng kung ano ano.Nageenjoy naman ako sa ginagawa ko hanggang sa may maramdaman akong may nakatingin sa akin.

At ganun nalang ang gulat ko ng makita si Young Master na seryosong nakatingin sa akin habang nakasandal sa gilid ng pintuan.

Kanina pa kaya nandoon si Young Master?

Kahit nagaalangan ay, ngumiti ako at kumaway kay Young Master. Pero hindi parin nagbago ang reaksyon nito..

Naglakad ito papalapit sa direksyon ko at umupo sa tabi ko. at nagulat ako ng bigla syang nagtanong

"Do you like me? " nagtataka naman ako habang nakatingin kay Young Master na seryoso lang nakatitig sa mga halaman at hindi man lang ako nililingon. Napalunok naman ako ng laway

"Ano nga ulit iyong tanong mo Young Master? " sawakas ay lumingon na ito sa akin at seryoso akong tinignan. Dyusko, ang gwapo talaga ng taong ito. Pwede na bang sunggaban?

"I said,Do you like me? " muntik na akong napatili nang maamoy ko ang mabangong hininga nito na may halong amoy ng alcohol.Halatang galing sa bar ang kanyang Langit.

Binigyan ko ng matamis na ngiti si Young Master. Napansin ko namang Napatingin ito sa labi ko

Oh god kiss me please..

"I like you, Young Master, hindi pa ba halata sa mga pinag gagawa kong pagsuyo sayo?" pabiro kong sabi sakanya.Seryoso parin itong nakatitig sa akin at maya maya ay bigla nang tumayo.

Pero bago ito maglakad paalis ay may sinabi pa ito

"Good"

Good? Anong ibig nyang sabihin sa good? Good kasi gusto ko sya? Taena, aasa na ba talaga ako na may pagasang maging shota ko si young master?

Ahhhhhhhhhh kainis!!

avataravatar
Next chapter