22 Chapter 22

Ng sumenyas na si Ice na drummer nila ay agad nang nagsimula sila Leir tumugtog

Punyeta ka Ketong,sana magustuhan ng mga audience ang kanta mo!!.Sigaw ni Leir sakanyang isip

Hinawakan na ni Ketong ang Mic at nagsimula ng kumanta.Kumakaway kaway pa ito sa mga nanonood.

How you doin party people

here's Keith Liam once again.

And im gonna do a song

that you never heard before 🎶

and you know what, I know you heard this song baby

from way way back.

so if ya'll know this song,you know what? you better sing along 🎶

Sigawan naman ang mga kalalakihan dahil nagkaroon na sila ng clue kung ano ang kakantahin ni Ketong.

Ako'y nasa Malate, alas siete ng gabi

Nakilala ko tuloy itong magandang babae

Na nakabibighani sa aking mga mata

Ang 'di ko lang alam ay manloloko lang pala 🎶

Napuno ng hiyawan at tawanan ang gym dahil sa kanta ni Ketong.

"HOOOO IDOL!! "

"WAA ANG BASTOS NG KANTA PERO AYOS LANG GWAPO KA NAMAN KYAAH"

"MAGWALA KALANG KETONG WOOOO"

Pati ang mga classmate ng ELIXIR band ay nakikimura at nakikisigaw narin

Ako ay umakbay, mahigpit na mahigpit

Naglalaway sa palda niyang hapit na hapit

Nang ako'y makalinga di ko siya matagpuan

Ubos ang aking money, di ko pa nahalikan 🎶

Nagpout pa si Ketong bago nya kinanta ang chorus kaya ang mga kababaihan ay mawawalan na ata ng hininga dahil sa kakatili

When the night has come

At pinatay ang ilaw

Oh, madalas, lumalabas

Banyo queen 🎶

Lahat ay napakanta maging sila Leir ng dumaan ang chorus. Kahit matagal ng kanta ang Banyo Queen ay memoryado parin nila ang lyrics dahil isa ito sa parte ng kanilang pagkabata.

Napasulyap naman si Leir sa direksyon ng mga judges at nasilayan nanaman nya ang nakataas na kilay ng Young Master nya habang pinapanood ang kanilang performance.Ang dalawang kasama naman nito na sobrang gwapo din ay halatang nageenjoy sa kanta ni Ketong

Teka? Sila yung kumausap sa akin noong nasa office ako ni Young Master. Ani ni Leir habang nakakatitig parin sa kasama ng kanyang Young Master.

Napatingin naman si Leir kay Ketong na sumasayaw na,kahit walang kwenta ang step nito ay napakagwapo padin nitong tignan. So unfair right?

Ako ay nagulat at ako ay nabigla

Ako'y nanginginig, pawis na pawis

Tinutok ko, pinasok ko and boy walang daplis 🎶

Naghipthrust pa ang lalake kaya naghiyawan ang mga tao,sila Ice naman ay napamura at napatawa dahil sa ginawa ng kanilang tarantadong kaibigan

At ang sabi niya sa akin "Ahh-uh-ahh-ahh"

"Ketong, Ketong, sige pa, sige pa!" 🎶

"PORNHUB MASTER TALAGA!HOO"-Fin

"AWIT KA PRE HOO IDOL"-Zein

"MAY NANALO NA PUTA HAHA"-Sin

Lalong pinaghuyasan ni Ketong ang pagsayaw habang kumakanta.Ang mga kasama naman nyang sila Ice ay pilit na nag fofocus tumugtog kahit gusto na nilang maglumpasay sa sahig para tumawa.

At sa awa ng diyos ay natapos nila ng matiwasay ang unang kanta. Napahinga naman si Leir at napapunas ng kanyang noo dahil sya na ang susunod.

"Maraming salamat Madlang pipol, ngayon ang susunod namang magpapakitang gilas ang prinsesa ng ME Section 6,si Leir Mia na dyosa daw sabi nya. Palakpakan naman dyan" ngali ngali namang batukan ni Leir si Ketong dahil sa pagpapakilala nito sakanya.

Pumwesto na si Leir sa gitna at inayos ang stand ng mic. Todo parin ang sigawan ng mga estudyante kaya lalo syang kinabahan.

Leir's Pov

Hoo Leir Mia, kaya mo ito, wag kang papalpak lalo nat nandito ang iyong Langit.

Pagpakalma ko sa sarili ko. Humawak ako sa mic ng mahigpit,nilibot ko muna ang aking mga mata sa mga audience bago nagsalita

"Etong kantang ito ay pinili ko dahil nakakarelate ako dito"

Ngumiti muna ako bago nagpatuloy magsalita

"Naranasan nyo na bang magkagusto ng lubos sa isang tao? Yung kahit alam mong malabo na gustuhin ka nya ay todo papansin kapadin? "

Napa awww naman ang mga kakababaihan sa sinabi ko. Napatawa pa ako ng mahina dahil may matapang na sumigaw

"OO NA AKO NA ANG TANGA, PERO MAHAL KO EH"

Nagbigay lang ako ng ok sign sa babae at nagsalita ulit

"Wala ka talagang magagawa kahit ayaw ng isip mo eh gusto ng puso mo hanggang sa di mo namamalayan nagiging tanga ka na.Kaya Crush pakinggan mo itong kanta ko, para sa iyo ito"

Sumenyas na ako kila Axl kaya nagsimula na silang tumugtog

I really wanna stop but I just got the taste for it

I feel like I could fly with the boy on the moon 🎶

So honey, hold my hand, you like making me wait for it

I feel like I could die walking up to the room, oh yeah 🎶

Late night watching television

But how'd we get in this position

It's way too soon, I know this isn't love

But I need to tell you something

Tumingin ako sa pwesto ni Young Master at kinindatan sya bago ko kantahin ang chorus

I really, really, really, really, really, really like you

And I want you, do you want me, do you want me too?

I really, really, really, really, really, really like you

And I want you, do you want me, do you want me too? 🎶

Sabihin mo lang na gusto mo at kailangan mo din ako Young Master. Agad kong ibibigay ang buong puso ko sayo.

Bulong ng isip ko bago ako pumikit at pinagpatuloy ang kanta.

-----

"Congratulations Leir"

"Galing ng banda mo ate,Congrats"

Yun agad ang bungad sa akin nila Gabriel at Ma'am Cath ng pagpasok ko sa loob ng mansyon.

Nag lava walk naman ako sabay kaway sakanila. Na parang nanalo akong Ms Universe. Napatawa naman sila sa akin kaya napangiti ako dahil gustong gusto ko talagang may natutuwang tao dahil sa akin. Ang ganda kasi pagmasdan ang mga tawa at ngiti ng bawat tao lalo nat pag totoo

"I thought you will not get the first prize because of Kuya Heaven's comment about your group pero nanalo parin kayo" hindi ko naman maiwasang mapairap dahil sa sinabi ni Gabriel.

Ang gagong kuya naman nya kasi. Puro nega comments ang binato nya sa amin kanina, sinabihan pa akong nag fefeeling vocalist aba ngali ngali ko ng mabato yun ng electric guitar kanina buti nalang napigilan ko pa.Sayang naman kasi ang kagwapuhan nun

Kaya ng inanounce ng MC na kami ang nanalo ay binigyan ko ng nangaasar na ngiti si Young Master na binigyan lang ako ng oh so cold stare nito.Buti nalang nakajacket ako.

"Ahm,Maam Labas lang po ako saglit, may tatawagan lang po ako"

"Ok iha" nag bow naman ako na parang koreana bago umexit sa mansyon. Nilabas ko ang cellphone ko para tawagan si Ice dahil nakalimutang kong tanungin kung magkano ang hatian namin sa perang napanalunan namin at kung kaylan kami pupunta sa Trip to Boracay namin. Nainis naman ako dahil wala akong masagap na signal kaya pumunta ako sa gate para lumakas ang signal ng phone ko at hindi naman ako nabigo.

Akmang pipindutin ko na ang call button ng may napansin akong parang may nakatingin sa akin.Binuksan ko ang gate at lumabas para tignan ang bawat paligid hanggang sa may sasakyan na mabilis napadaan sa harap ko. Tumitig ako sa likod ng sasakyan na papalayo na. Kahit sobrang bilis ng pagdaan nito sa akin. Alam kung hindi ako namamalikmata sa nakita kong taong nasa loob noon

"Haru Irie" mahina kong bigkas habang nakatingin padin sa sasakyan na unti unti ng nawawala sa paningin ko

Anong kaylangan mo sa akin? Haru?

avataravatar
Next chapter