19 Chapter 19

"Hoy, Leir tara na mag practice" tawag ni Axl,bagot kong kinuha ang gitara at sinakbit ko ito sa likod ko at lumabas na ng classroom papunta sa gym.

Fours day nalang before Engineering week kaya puspusan ang pagpapractice namin.Hindi ko akalain na masasama ako sa banda lakas din naman kasi trip ng prof namin. Pag mananalo daw kami ipapasa na nya kami sa purposive namin.Kaya nagsilabasan ang mga classmate kong may galing sa pagtugtog ng instrument at mga may magagandang boses. Hindi ako dapat kasama kaso dahil sa suggestion ng bugok na si ketong mas maganda daw na ako ang gawing leader at vocalist dahil babae ako.Hindi ko alam kung anong Connect talaga nun. Hindi naman ako makahindi dahil hindi daw nila ako tatantanan mga punyeta talaga.

Pagpasok ko sa gym rinig ko agad ang pangaasar nila Ice at Ketong kay Vie. Inaasar nanaman nila itong bakla which is hindi naman totoo. Dahil napakagwapo ni Vie at lalakeng lalake at 100 percent sure talaga na hindi sya bakla dahil nung kinalikot ko ang phone nya ay punong puno ng picture ng mga sexy na babae at nahuhuli ko din syang pasimpleng tumitingin sa mga legs at cleavage ng mga babaeng dumadaan sa harapan nya. Kaya nga lang,mahilig si Vie sa Kpop at isa parin syang virgin kaya inaasar syang bakla ng mga classmate namin.

"Mga tangina nyo talaga, wala na talagang nagmamahal sa akin lahat kayo binubully ako! " nagdadramang litanya ni Vie with matching hawak pa sa dibdib nito. Napairap nalang ako. Ang OA

"kung pakiramdam mo wala ng nagmamahal,nandyan si lord para sayo, hindi ka nya papabayaan,sumama ka na kung gusto mo" ani ko kay Vie sabay upo sa tabi ni Axl na busy nanonood ng anime.

"Ang sama mo talaga princess" pinakyuhan ko lang ito at napatawa naman silang lahat. Halos lahat ng kaklase ko tawag sa akin ay princess dahil nagiisa lang daw akong babae sa section namin.Masyadong maraming alam ang mga ugok bwisit

"May naisip na ba kayong kanta guys? Sabi kasi dalawang love song daw ang dapat ihanda natin pwede din daw na lagyan natin ng dance step para maganda" napaisip naman ako sa sinabi ni Ice.

Love song?hmm Broken hearted ako ngayon kaya marami akong maiisip na magandang panlaban namin. Buti nalang kumpleto ang banda namin. Nandyan si Ice na drummer namin. Si Vie na magaling sa piano, Si Axl naman sa bass guitar,si Ketong na mahusay din sa pag gigitara at pagkanta. Ako naman,vocalist nila at magaling sa pagsasayaw. Kung kaylangan kong tumugtog din ng gitara sa laban namin, ay gagawin ko.

"Guys may naisip na akong kakantahin natin, at syempre gagawan din natin ng dance step iyan at ako na ang bahala" napangiti naman silang lahat sa sinabi ko

Ewan ko ba pero habang pinaguusapan namin ang plano namin ay nakakaramdam ako ng excitement sa engineering week. Di ko alam kung bakit.

----

"Boss, I found her" the man with red hair stilled of what he heard to his butler.

"Where is she? " his butler handed the envelope to him and he excitedly opened it and suddenly shock written on his face after he read his butler report about his woman whereabouts.

"She's living in that place? I couldn't believe it." the red haired man says while chuckling

"Pero boss, hindi mo pa sya mapupuntahan sa ngayon" the red haired man sighted

"Yeah I know"

But I will see her soon.

And that's a promise..

---

Leir's Pov

"Ketong pwede mo ba akong ihatid ngayon? Wala kasi si Gabriel eh"

"Oo naman"

"Talaga?"

"Basta ba ihatid mo rin ako pagkatapos kitang ihatid,mag hatidan tayo"  inabutan ko sya ng piso at nagtataka naman syang tumingin sa akin

"Tangna mo,maghanap ka ng kausap mong kasingbaliw mo" with matching fuck you sakanya bago inis na iniwan sya sa gym.Kingina talaga ni Ketong lagi nalang kagaguhan ang nasa utak. Mag aabang nalang ako ng jeep dahil di na ako aasang ihahatid ni Ketong.Dapat pala sumabay na ako kay Ice kanina at iniwan nalang si Ketong magisa sa gym na maglinis.

Para namang nangiinis ang tadhana dahil saktong paglabas ko ng gate ng school bigla nalang umulan ng malakas kaya napatakbo agad ako sa waiting shed.

"Kinginang buhay ito" inis na pinupunasan ko ang basa kong buhok at katawan. Natigil lang yun ng may kotseng tumigil sa harap ko, nang maibaba ang winshield nito ay nagulat pa ako at napakusot ng mata dahil si Young Master lang naman ang nasa loob ng kotse.

"What are you waiting for ugly woman? Get it in to the car now!" napairap nalang akong binuksan ang pintuan ng sasakyan at mabilis ng umupo sa passenger seat. Napakasungit talaga ni Young Master. Nagiging smooth lang sya pag naghahalikan kami. Malandi din eh.

"Salamat Young Master at sinundo mo ako"

"Who says I'm here to pick you up? You wish" gusto ko sanang magtanong kung bakit napadaan sya dito sa university kaso naisip ko wag nalang. Baka magbangayan lang kami

"Sabi mo eh, kunyari naniwala nalang ako" binigyan lang ako nito ng galit na tingin bago tinuon ang pansin sa daanan.

Napatitig naman ako kay Young Master.Napakagwapo talaga nito. Di ko alam kung bakit pero nilabas ko ang ukelele kong dala sa bag at kumanta habang nakatingin parin kay Young Master

We're drivin' down the road

I wonder if you know

I'm tryin' so hard not to get caught up now 🎶

Napatingin agad naman si Young Master  sa akin at binigyan ko sya ng isang magandang ngiti pero umiwas lang din ulit ito ng tingin. Hinawi pa nito pataas ang buhok habang nakatingin parin ng diretsyo sa daanan

But you're just so cool

Run your hands through your hair

Absent-mindedly makin' me want you 🎶

Hindi nakatakas sa mata kong may 10 times vision ang paghigpit ng hawak ni Young Master sa steering wheel ng sasakyan.

Galit nanaman ba sya?

And I don't know how it gets better than this

You take my hand and drag me head first

Fearless

And I don't know why but with you I'd dance in a storm in my best dress

Fearless 🎶

---

Hindi na alam ni Heaven kung anong mararamdaman nya sa oras na iyon. Habang kumakanta si Leir. Gusto nyang sigawan ito dahil ang panget ng boses o kaya naman halikan? Napahigpit ng kapit si Heaven sa steering wheel sa naisip,habang nakikinig parin sa kanta ng chanak nilang nanny.

Napansin ni Heaven na iniwas na ni Leir ang pagtingin sakanya kaya nakahinga sya ng konti

So, baby, drive slow

'Til we run out of road in this one horse town

I wanna stay right here in this passenger's seat 🎶

Hindi alam ni Heaven kung bakit napatingin sya kay Leir na patuloy paring kumakanta habang nakapikit pa ang mga mata nito

You put your eyes on me

In this moment now capture it, and remember it 🎶

I'll probably capture it chanak

Heaven says to his mind before turn his attention again to the road.

avataravatar
Next chapter