18 Chapter 18

"Akala ko ba secretary ka na ng Master mo? Bakit nagagawa mo pading makapasok dito sa school? "

Takang tanong sa akin ni Ice habang abala parin kaming naglalaro ng Call of duty.

"Ako ang secretary na hindi na kaylangang pumasok sa company kasi nagaaral ako, atsaka hindi naman daw kailangan ni Young Master ng secretary talagang mapi lit lang daw sila Ma'am Cath" mahaba kong litanya. Napapansin ko talagang boto sakin ang pamilya ni Young Master na magkatuluyan kami. At syempre pabor sa akin yun

"Eh di tuloy padin ang pagiging bodyguard mo? "

"Oo,ayaw kasi ni Gabriel nang bagong bodyguard eh"

Wala nang nagsalita pa sa amin ni Ice dahil seryoso na kaming nakikipaglaban dahil tatlong team nalang ang tatalunin namin para manalo sa Battle Royale.

At maya maya pa ay napahiyaw kami dahil kami ang nanalo. Nag apir pa kami ni Ice sa tuwa namin. Ang mga kaklase naman namin ay minura kami dahil ang ingay daw namin pero pinakyuhan lang namin sila ni Ice.

Napakunot noo naman ako ng biglang nagring ang phone kaya agad kong sinagot kung sino man ang tumatawag

"He--"

"Go to my office now" pagkatapos nun na end na ang call.

Ay wow, bastos talaga ang lalakeng yun!!pasalamat sya labidabs ko sya naku! Inis akong tumayo at sinuot ang bag ko at diretsyo nang lumabas sa room narinig ko pa ang pagtawag sa akin ni Ice at Ketong pero hindi ko na sila pinansin. Buti nalang wala kaming klase ngayon dahil abala ang lahat sa Engineering Week namin. Pumapasok lang ang iba para sa attendance kagaya ko. Pero ngayon kaylangan ko munang umabsent dahil sa super rude kong Young Master

Mahigit 15 minutes din akong bumyahe bago nakarating sa company buti nalang kilala ako nako ng guard at agad akong pinapasok. Habang binabaybay ko ang papuntang opisina ni Young Master ay halos lahat ng employee nito napapatingin sa akin at nagbubulungan pa. Iba talaga pag masyado kang maganda haayy.

Nang nakapasok na ako sa office ni Young Master ay agad ko itong binati

"Good morning Young Master,Hows your day? Is it good? Is it bad? Of course maganda ang araw mo dahil nakita mo na ang kagandahan ko diba diba? "

"Shut up"  napasimangot naman ako dahil sa pagsigaw nito kaya padabog akong umupo sa sofa at nagpapacute na nakatingin kay Young Master ngunit Umirap lang ito sa akin

Bakla!hmpf

"I called you here chanak because I want you to clean my office and make a photocopy of this papers.Understood?"

Tumango tango nalang ako habang nakanguso pa din

"Don't pout you making your face more uglier"

"Namo Young Master" sabay taas ng gitnang daliri ko sakanya. Nagulat naman ito sa ginawa ko kaya sinamaan nanaman ako nito ng tingin pero inirapan ko lang sya.

Handa na sana itong sumigaw ng biglang bumukas ang pintuan ng office ni Young Master at bumungad sa amin ang tatlong kalalakihan.

Omy! Ulam!

"What's up bro"

"Yow"

"Kamusta pare? Buti buhay ka pa"

Sunod sunod na bati nila kay Young Master na tinignan lang sila ng masama.

"What the hell are you doing here? " inis na tanong ni Young Master sa tatlong papa. Sasagot na sana ang may gray na buhok nang mapansin ako nito na nakatulala na nanonood sa kanilang apat. Bigla naman itong ngumiti at lumapit sa akin

"Hi,pretty girl, What's your name? "

Ngumiti naman ako ng matamis sa gwapong papa at nagpakilala

"My name is Yours  so you can call me Yours" nagulat naman ito sa banat ko pero bigla nading natawa. Natawa nadin ang dalawang papa dahil rinig talaga nila ang banat ko

"Damn, you got me there baby" sabay bigay nito ng killer smile kyaahhh pwede na ba akong mamatay?

"How about me sweetheart can I call you mine? " napahigit naman ako ng hininga dahil nasa harapan ko narin pala ang dalawang papa. Omygod pinalilibutan ako ng tatlong greek god.

Kaya di ko na napigilan at agad akong napahawak sa braso ng nagtanong ng mine at humilig sa balikat nito..hmm ang bango

"ihhh ang gagwapo ninyo,pwede na akong mamatay ng masaya" napatawa nanaman ulit ang tatlo sa sinabi ko pero agad ding naglaho ng bigla nalang may humigit sa akin ng malakas at napasandal ako sa matigas na bagay, at pagtingin ko ay si Young Master na sobrang dilim ng mukha habang nakatingin sa tatlong papa.

"YOU THREE GET OUT OF HERE NOW! "

"Woah dude easy" nakataas na ang kamay nung tatlo habang tumatawa napatingin naman sila sa akin at kinindatan ako bago sila umalis sa opisina. Ihhh kilig to the bones men

Ngunit nawala nanaman ang saya ko ng bigla nalang akong binitawan ni Young Master at tinulak.Nagtataka naman akong tumingin dito.

Madilim ang mukha nito,at umiigting ang panga ni Young Master. Ano nanaman ba ang kinagagalit nito?

"You're a slut" napanting naman ang tenga ko sa narinig.. Puta ako slut?

"Slut ako? Tangna mo!" sabay suntok sa mukha nya.Napabaling lang ang ulo nito at galit paring tumingin sa akin. Napasinghap ako ng bigla ako nitong higitin sa dalawang braso ko at nilapit sa kanya.

"Yes, you're a slut because you flirted with my friends!" para naman akong mabibingi sa sigaw nito

"So yun ang dahilan kung bakit galit ka? Hindi ba pwedeng kiligin Young Master dahil may tatlong nag gagwapuhang lalake na nasa harap ko? Babae ako Young Master, minsan marupok din. " pero parang hindi nakatulong ang sinabi ko dahil lalo lang nagdilim ang mukha nito at lalong humigpit ang pagkakahawak nito sa akin kaya napangiwi ako.

Paano ba mapawala ang galit nito? Napangisi naman ako ng may naisip.

Agad kong nilapit ang mukha ko kay Young Master at hinalikan sya ng bongga. Naramdaman ko namang humina ang higpit nito sa pagkakahawak sa braso ko kaya mabilis akong nakawala at yinakap ang dalawang kamay ko sa leeg nito.

"hmmm" ungol ko ng hinalikan na ako nito pabalik. Nagtagal ng isang minuto ang halikan namin bago kami kumalas sa isat isa.

Nilagay ko ang isang palad ko sa pisngi ni Young Master na seryoso lang nakatitig sa akin

"Don't flirt with my friends again" matigas nitong sabi sa akin. Napangiti naman ako. Dahil halatang nagseselos ang aking Langit. Eto na ba yun? Unti unti na ba nya akong nagugustuhan? Ihh hindi ko naman maiwasang kiligin.

"Sorry Young Master, kaylangan kong lumandi dahil shotang shota na ako. " nagdilim nanaman ang paningin nito sa sinabi ko. Pero ngumisi lang ako habang patuloy paring pinaglalandas ang aking palad sa mukha nito

"Sabihin mo lang na nagseselos ka Young Master, at pangako kong ikaw lang ang lalandiin ko for life kahit walang label" nagulat naman ako ng bigla ako nitong tinulak

"Why would I get jelous? I don't like you" pagkatapos nyang sabihin iyon ay lumabas na ito sa opisina at iniwan akong nakatulala

Punyeta! Lagi nalang ba syang mag wawalkout after naming maghalikan?!! At talagang sinabi nyang hindi nyako gusto? Sa gandang kong ito?Gigil na napasabunot ako sa aking buhok at inis na tumingin sa pintuang pinaglabasan ni Young Master

"Tinataga ko sa condom mong malaki na mamahalin mo ding ang sinasabi mong chanak na katulad ko!!"

avataravatar
Next chapter