17 Chapter 17

Napapunas ako sa aking noo dahil sa sobrang init na nararamdaman ko.Grabe naman kasi bakit ako ang inutusan ni Ma'am Cath mag ihaw ng barbeque ayan tuloy nagmumukha na akong haggard dito.

Di ko akalain na uuwi sila Ma'am Cath Kagabi,kaya wala kaming nasabi at nagawa ni Young Master Heaven nang matagpuan kami ng Magulang nya sa awkward na position.Na nakahiga si Young Master Heaven sa sofa tapos ako nakadagan dito at parang koala na wagas makayakap sakanyang leeg. Talagang stress at badtrip ako kahapon dahil napunta lang sa wala ang pagrereview ko ng calculus. Paano naman kasi, ako pala talaga ang unang namention na nakakuha ng zero sa calculus. Kaya tawang tawa sila Ketong sa akin mga gago sila eh na zero din naman sila eh.Nakakainis talaga, ngiting ngiti pa ako ng tinawag ang pangalan ko shuta! Namali ata talaga ang pagpili ko ng course.

"Ang tagal naman maihaw nito,pagod na ako, kaloka" inis kong binagsak ang pamaypay at dumiretsyo muna sa kusina para uminom ng tubig.

Kumuha na ako ng isang pitchel sa refrigerator para hindi na ako pabalik balik,nang aabutin ko na ang isang baso ay may isang kamay na naunang kumuha dito, paglingon ko ay si Young Master Heaven na seryoso nanaman ang itsura. Kaylan ko ba makikitang nakangiti ito?

Napansin naman ni Young Master Heaven na pinagmamasdan ko sya at binigyan lang ako nito ng napakamalamig na titig kaya umiwas nalang ako ng tingin. Siguro galit si Young Master Heaven sa ginawa ko sakanya kagabi. Ang gusto ko lang naman ay mag pa tutor ulit sakanya sa calculus para makabawi ako kaso dahil nga dumating sila Ma'am hindi ko na naexplain kay Young Master Heaven kung bakit ganoon ang inasta ko kagabi.

Tumitig ako ulit kay Young Master Heaven na seryoso lang lumalagok ng tubig,sarap nya sanang pagmasdan ngunit pinigilan ko ang sarili ko at yumuko nalang dito at nagmadali ng umalis sa kusina.

Pagdating ko sa labas ay nilalagay na ng isang maid ang mga naihaw ko sa isang lalagyan at nilagay na sa malaking lamesa kung saan nakaupo na ang pamilyang Crisoveia

"Leir come here,Lets eat" ngumiti naman ako sa pagyaya ni Ma'am Cath at umupo na sa tabi ni Gabriel na masigla na at magaling na ulit.Bakas padin dito ang pagkapula ng pisngi at sa bandang mata nito pero hindi na ganoon kalala. Labis ang galit ni Sir Lucas sa nangyari kay Gabriel at gusto sanang pahirapan ang buhay ng mga bumugbog dito pero nakiusap ako na wag ng ituloy dahil ako na ang tatrabaho ulit pag balak nanaman ng tatlong binata ang ginawa nila sa alaga ko.

"Ate Leir feed me please"

"Naku, nagpapabebe nanaman ang baby Lucas ko" cute naman itong ngumiti ng pagkatapos ko itong subuan ng pagkain. Maya maya dumating narin si Young Master Heaven at umupo sa tabi ni Ma'am Catherine. Which is sa harap ko. Ang swerte ko naman, lalo tuloy akong ginaganahang kumain. Tinignan nanaman ako ni Young Master Heaven ng cold na tingin kaya napapahid ako sa noo ko ng wala sa oras. Napansin naman yun ni Ma'am Catherine kaya tinanong ako

"Leir iha, naiinitan ka ba? "

"Ah opo Ma'am,pero thankful po ako kasi may anak kayong cold" sagot ko sabay sulyap kay Young Master Heaven na tahimik lang kumakain. Napatawa naman sila Ma'am Catherine sa sinabi ko habang nakatingin din sila kay Young Master Heaven

"I hope you will not give up easily Leir"ani naman ni Sir Lucas,napa-chin up naman ako sabay turo sa mukha ko

"Di po ako madaling sumuko kasi maganda ako" napuno nanaman ng tawanan ang paligid

"Anong connect non Ate? "

"Ipaglapit mo kasi silang dalawa para mag ka connect na" inis kong sagot sa tanong ni Gabriel. Napatingin naman ako kay Young Master na nahuli kong nakatangin sa akin. Agad namang umiwas ito ng tingin at pinagpatuloy ulit ang kumain

"Young Master Heaven" napatingin naman ulit agad sa akin ang aking Langit. Ramdam ko din na napatigil ang mga kasama namin maliban kay baby Lucas na busy nilalaro ang chicken nuggets nya.

"Alam mo sana kaya kong i apply sayo ang Law of Gravity" napataas naman ang kilay nito sa sinabi ko. At hinihintay pa ang susunod kong sasabihin. Ngumiti naman ako bago bumanat

"Para sa akin ka ma-fall" sabay kindat dito. Bigla naman itong napainom ng tubig at sinamaan ako ng tingin.

"You got him Leir"

"Nice pick up line Leir"

"Oh, Bro you're blushing ahhaha"

Padabog na tumayo si Young Master Heaven dahil sa pangaasar nila Ma'am Catherine dito. Grabe, at nag walkout na ang lolo nyo.

Pero kila Sir Lucas ay parang wala lang sakanila na nagdabog si Young Master at pinagpatuloy lang nila ang pagtawa habang kinakausap din ako.Napangiti nalang ako habang pasulyap sulyap sa taas ng mansyon. Panigurado lalo ko lang dinagdagan ang galit ni Young Master Heaven sa akin

Pagkatapos namin kumain ay pinapunta ako ni Ma'am Catherin sa sala at may inabot sa aking brown envelop

"Leir iha,ibigay mo pala kay Heaven ito,Resume mo iyan. Simula bukas magiging Secretary ka na ni Heaven" nagulat naman ako sa sinabi ni Ma'am Catherine

"Secretary?Eh ma'am nanny at bodyguard napo ako ng dalawang anak nyo baka hindi ko napo kayanin pag madadagdagan pa po ang trabaho ko, atsaka baka mawala po ang kagandahan ko sa dami ng trabaho ko, ayaw ko po losyang na haharap sa altar pag kinasal kami ni Young Master Heaven kasi baka wala pang 24 hours ma akit na sya ng mga linta na nakakalat sa labas, eh di kawawa naman po ako. " parang gusto kong maginhaler dahil sa haba at bilis ng pagsasalita ko. Si Ma'am Catherine naman ay napatanga lang sa sinabi ko.

Napalingon naman kami ni Ma'am Catherine sa taong tumatawa habang papalapit sa amin. Si Sir Lucas

"Don't worry iha, may new bodyguard na si Gabriel at marami namang magaalaga kay lucas dito sa mansyon, mas kaylangan ka ng anak kong si Heaven" napangiti naman ako at nagpaalam na sakanila para pumunta sa kwarto ni Young Master Heaven. Para namang inaasahan nito ang pagpunta ko dahil nakabukas ang pinto ng kwarto ni Young Master at prente na itong nakaupo sa kama. Agad nyang nilahad ang palad nito kaya inabot ko nasakanya ang envelope. Binuksan ito agad ni Young Master Heaven at binasa. Ewan ko kung paano ako nagawan nila Ma'am Catherine ng resume na hindi man lang ako tinatanong. Isa silang henyo.

"Leir Mia F-Fenis? "naweweirduhang pagbigkas ni Young Master sa apilyido ko bago tumingin sa akin

"Hehe wag mo nalang pansinin Young Master,saka Leir nalang tawag mo sa akin,wag ang apilyido ko please lang"

"I'd rather call you chanak or ugly than your surname sounds like penis" seryoso na sabi nito pero ramdam ko parin na may tono ito ng pangaasar. Kingina talaga, bully masyado

"Eh di palitan ang apilyido ko para hindi na katulad ng birdy nyo! "

"Then,How will you do that? " nangaasar na tanong nito. Ngumisi lang ako at kininditan si Young Master. Napangiwi naman ito, aba maka react parang ang pangit ko ah

"Simple lang Young Master,Pakasalan mo ako"

"What? "

"Kingina ang bingi,Sabi ko pakasalan mo ako para maging maganda na ang apilyido ko! " gigil kong sigaw sa bingi kong Young Master na halatang nagulat sa sinabi ko dahil. Napalaki ang mata nito at napabukas ang labi ng kunti.

Heaven's Pov

What the hell she's saying?

Shit shit shit

Why my Heart beating so loud?

Damn this!!

avataravatar
Next chapter