13 Chapter 13

"Tangina guys, may quiz tayo bukas huhu"

"Saan daw? "

"Sa putang Calculus pre"

"Shit! "

"Pagusapan na natin yung Seating Arrangement natin! "

Lalo nasira araw ko sa narinig kong may quiz sa calculus. Nanghihina nalang akong kumulumbaba sa desk ko. Kung hindi sana nangyari yung pagpapaasa sakin ni Young Master sa "I want you" nya baka may gana pa akong mag review ngayon kaso wala, masyado akong nabadtrip talaga.

Ikaw ba naman tulugan pagkatapos kang akitin? Sasaya ka ba? Tsk. Kainis talaga yung Langit na yun ang yabang yabang uminom ng alak,mabilis pa lang malasing eh hindi pa nauubos yung laman ng isang bote.

Kaya sa sobrang pagkainis ko sa aking Young Master kagabi ay iniwan ko syang nakasalampak sa sofa. Tsk.

"Bakit wala ka ata sa mood ngayon?" tanong sa akin ni Ice habang busy parin syang nagbubuklat ng libro.

"Inis lang ako sa Young Master ko" nagtataka naman itong tumingin sa akin

"Ano bang ginawa ng Young Master mo sayo?" sasagutin ko nasa yung tanong ni Ice ng biglang sumingit si Ketong sa usapan

"Anong ginawa? Wag mong sabihing nagsex kayo ng Young Master mo kagabi at binitin ka nya Leir dude? " agad namang nakatanggap ng malakas na batok si Ketong kay Ice

"Tangna mo ka, puro kalibugan nanaman nasa isip mo" napakamot naman sa ulo si Ketong at nagpeace sign sa akin.

Ako naman lalong napasimangot lang sa tanong ni Ketong medyo malapit kasi yun eh, kaso walang nangyaring sex talaga..Inakit lang ako at binitin

"Inakit ako tapos tinulugan gago diba? "napanganga naman sila Ice sa sinabi ko.Di siguro nila inaasahan ang sinabi ko.

"LEIR YUNG ALAGA MO BINUBUGBOG SA LABAS" agad naman akong napatayo sa narinig ko.Shet si Gabriel!

"Nasan sila? "

"Nasa likod sila ng gym" tumango ako at nagpasalamat sa estudyanteng nagsabi sa akin na nasa panganib si Gabriel!

Tumakbo ako ng mabilis hanggang sa nakapunta na ako sa likod ng Gym. Agad kong nakita si Gabriel na nakahiga na sa lupa habang pinagsisisipa parin ng tatlong lalake.

"Putangina! " kinuyom ko ang kamao ko ng mahigpit at agad lumapit sa gawi nila. Malakas kong hinila ang isang lalakeng sumisipa kay Gabriel at binigyan sya ng malakas na suntok.Agad itong napaupo sa lupa at napasigaw sa sakit. Gulat namang nakatingin sa akin ang dalawa pa nitong kasama. Hindi ko na sila binigyan pa ng oras na sumugod sa akin,agad ko silang pinagsusuntok at binigyan ng magasawang flying kick. Nanghihina naman ang dalawang napabagsak sa lupa.

"Ang lakas ng apog nyong saktan ang alaga ko! Putangina nyo! Kung may baril lang ako baka pinagbabaril ko na mga bungo nyo! "

Ang bobo ko talaga bakit kasi kinalimutan ko nanaman dalin ang baril ko ngayon tsk.

Namutla naman ang tatlo sa sinabi ko.

"A-te L-leir" mabilis naman akong inalalalayan si Gabriel na tumayo. Talagang nabugbog ito ng malala.Kaya galit na galit kong tinignan nanaman ang tatlong estudyante

"Putangina nyo!Dinungisan nyo ang gwapong mukha ng alaga ko! Pag hindi babalik ang dating mukha ng alaga ko, asahan nyong babalikan ko kayo! At siguraduhin nyo ng manghihingi na kayo ng mukha sa aso! "

Inalalayan ko na ulit si Gabriel at nagsimula na kaming maglakad. Kaylangan na nyang madala agad sa clinic.

Ng makarating kami ay agad syang inasikaso ng nurse.Ako naman ay naghintay lang sa labas.Mga 20 minutes ay lumabas na ang nurse at niyaya na ako pumasok sa loob. Nadatnan ko si Gabriel na mahimbing na ang tulog. Maraming nakabalot na benda dito.At sa mukha naman ay maraming nakadikit na band aid.

Di ko nanaman maiwasang magalit sa nangbugbog sakanya pero mas galit ako sa sarili ko. Ako ang bodyguard nya pero hindi ko man lang sya naligtas agad.

--

"Pasensya ka na talaga Gabriel kung hindi ako nakarating agad"

"Ano ka ba Ate, atleast sa huli nakarating ka padin, atsaka wala kang kasalanan alam ko namang nasa room ka na nun"

Ngumiti naman ako kay Gabriel at nagpaalam nang lumabas sa kwarto nya. Buti nalang ng magising si Gabriel sa clinic ay pinayagan akong i excuse narin at samahang umuwi si Gabriel dito sa mansyon.

Pagpasok palang namin sa mansyon ay masama na agad ang pinukol na tingin sa akin ni Young Master. Sinabihan pa ako nitong walang kwentang bodyguard pero buti nalang pinagtanggol ako ni Gabriel.

Kung matutuloy lang ang pagsasabi sa akin ng masasamang salita ni Young Master kanina baka hindi ako makapagpigil at mabugbog ko din sya. Gago eh.

Ng padiretsyo na ako sa kwarto ko ay nakasalubong ko si Young Master. As usual seryoso lang itong nakatingin sa akin

"I don't want to see my brother on that condition again! So you better do your job perfectly woman" tumango ako at yumukod ng konti

"Yes,Young Master" wala na itong sinabi at iniwan na lang ako dun na nakayuko parin.

Napahinga nalang ako ng malalim at pumasok na sa kwarto ko. Mas magandang maligo ulit ako. Masyado akong napagod sa nangyari kanina sa school. Mabilis kong hinubad ang saplot ko sa katawan at pumasok na sa CR.

Mga Labinglimang minuto din akong nagbabad sa bath tub bago umalis dun at nagshower naman.

Ng matapos ay napasapo ako sa aking noo dahil hindi ko nadala ang towel ko sa loob.Tsk

Kaya lumabas na ako sa CR na nakahubad at pasayaw sayaw pa napatigil lang ako ng makita si Young Master na nakatalikod sa akin at busy na tumitingin sa bawat paligid ng kwarto ko

"Young Master anong ginagawa nyo dito?"

"I want to--W-hat t-the? " nagtaka naman ako dahil biglang namula ang buong mukha nito ng lumingon sya sa akin.

"Para kang nakakita ng multo young master" bigla itong tumalikod ulit at galit nanamang sumigaw sa akin

"PUT SOME CLOTHES ON UGLY WOMAN! " napatingin naman ako pababa sa katawan ko. Narealize ko hubad pala ako at nakadisplay ang katawan ko kay Young Master.Ngunit imbis na makaramdam ng hiya at napangisi lang ako dahil may epekto pala ang katawan ko kay Young Master

"Pano kung ayaw ko Young Master?Ituloy na natin yung naudlot satin kagabi"

"WHAT THE HELL ARE YOU SAYING?" sigaw ulit nito pero nakatalikod parin sa akin. Napailing nalang ako. Masyado talagang pakipot ang Young Master ko.

"Wala tsk.Kalimutan mo na paasa ka eh" inis kong sabi sabay kuha na ng damit ko at nag start nang magbihis.

"Pwede ka ng lumingon Young Master " lumingon na ito sa akin pero hindi parin makatitig sa akin ng maayos at halatang namumula parin ang mukha nito sa nakita nya kanina

"Ano na Young Master maghuhubad nanaman ba ako para makapagsalita ka na ulit? " nangaasar kong tanong.Galit naman itong tumingin sa akin

"FUCK YOU"

"Oh,Young Master fuck me" namula nanaman ito dahil sa sinabi ko.Nakangisi naman akong lumapit dito at agad ko syang hinalikan. Napa YES naman ako ng bigla ako nitong hinapit pa lalo sa katawan nito at gumanti na sa halik ko.

Marahas kaming naghalikan habang lalong humihigpit ang kapit nya sa bewang ko at ako naman sa buhok nya. Ng parehas na kaming hindi makahinga ay agad naming hiniwalayan ang labi ng bawat isa. Napangisi ako ng makita ang itsura nito. Para itong lasing na nakatingin sa akin.

"Sabi ko na nga ba eh,You can't resist me,my Heaven"

Napaaray naman ako ng bigla ako nitong tinulak ng malakas kaya napaupo ako sa kama.

"Fuck this! " galit na mura ni Young Master bago nag mamadaling umalis sa kwarto ko

"Bakit ka ba ganyan?" mahina kong bulong habang nakatitig parin sa pintuan na kinalabasan ni Young Master.

avataravatar
Next chapter