12 Chapter 12

"Mas masarap halik ko,kaysa sa adobo diba Young Master?"

Napamura ito at agad tinanggal ang mga kamay ko sa mukha nya saka nya nilayo ang kanyang upuan sa akin.

Napangisi nalang ako sa ginawa nito. Napaghahalataan na affected din sya sa ginawa ko eh.

"D-dont ever do that again!" nagkibit balikat nalang ako at tinuon na ang pansin ko sa pagkain.

"I already lost my appetite tsk" padabog itong tumayo at umexit na sa kusina. Imbis na mainis sa pagiwan sa akin ni Young Master ay natawa lang ako. Masyado talagang pikon ang aking Langit.

Kahit pinangako ko sa sarili ko na wag masyadong maging mapusok sa kanya ay hindi ko mapigilan talaga ang malandi kong utak at katawan.Sino naman kasing makakapagtimpi sa ganoong kagwapong lalake?Kung tumingin ay para kang huhubaran sa lalim ng titig nito? Nakakapanindig balahibo at nakakapanghina ng tuhod talaga. Kung hindi ako matino baka natali ko na si Young Master sa kama at nirape.

Alam ko din sa sarili kong inis parin ako sa kapangitan ng ugali ng aking langit.Yung inis na parang gusto ko syang ipatapon sa bermuda triangle pero syempre mas lamang ang pagkagusto ko sakanya hihi.

---

      "MGA ALAGAD NI KETONG GC"

Ketong 👑 :"Aking mga alagad, malapit na ang ating exam kaya pakopyahin nyo ako"

Fin President:"Tangna mo Ketong iniba mo nanaman yung name ng GC! "

Ice sa tagalog ay yelo: "Ang kapal mo Ketong!Mag aral ka nga! "

Axl the palakong:"@icesatagalogayyelo nagsalita ang nagaaral 😏"

Ketong 👑 :"Hahah sorry na @FinPresident! Hoy @Axlthepalakong wag mo ibully bestfriend ko dapat ako lang nambubully dyan

Bobby the virgin:"Ang iingay! mga putangina nyo! "

Dummy:"Paano mag leave dito? "

Zein Vice President:"Mag aral na kayo Guys,maging ulirang magaaral muna kayo paminsan minsan"

Vie the Virgin:"Mamatay na nagset ng nickname ko😡"

"Mga baliw talaga" bulong ko habang binabasa parin ang mga nagbabangayan sa GC. Gusto ko sanang makisali pero baka lahat sila pagtulungan akong asarin mahirap na baka makapatay ako ng mga kaklase ng wala sa oras

Nilapag ko ang cellphone ko sa sa table at inabot naman ang aking bag. Kaylangan ko na sigurong magaral. Hindi kasi biro ang kinuha kong course.

Binuklat ko ang notebook ko at nagsimula ng magbasa.

After 1 hour

"Ayaw ko na tangina, wala akong maintindihan ni isa"

Pasalampak akong humiga sa kama. Taena sumakit ulo ko kakaintindi ng calculus kahit wala naman talaga akong naintindihan.

"Leir iha,nakahanda na ang hapunan nyo ni Young Master"

"Sige po Manang bababa na ako"

Tumayo na ako at nagstretching muna, sumakit ang likod ko sa pagdukdok sa lamesa ng isang oras.

Pagkakababa ko sa kusina ay nasilayan ko nanaman ang gwapong mukha ng aking Young Master.Seryoso lang itong kumakain wala man lang itong reaksyon ng umupo ako. Nagkibit balikat nalang ako at nagsimula naring kumain.

Natapos ang hapunan na hindi man lang kami nagusap.Ano paba ang inaasahan ko?

Pagkatapos magpahinga ay kinuha ko ang bag ko at dumiretsyo palabas papunta sa garden. Malamig kasi doon baka matulungan ang utak kong gumana habang nagaaral.

Inuna ko muna ang madadaling subject bago ako pumunta sa mahihirap.

Di ko na mabilang kung nakailang buntong hininga ako habang pilit na pinagaaralan ang mathematics for modern world at calculus 1.Nakailang search at nood narin ako ng mga tutorial sa youtube

"Puta ang dali dali sa YouTube pero pag tinry ko na magsolve,ang hirap hirap na!Tangina talaga" gigil kong sinabunutan ang buhok ko. 1st year palang ako pero sarap na magshift shuta!

"hay nako, bukas na nga lang ulit, magiikot nalang muna ako dito sa mansyon" inayos ko na ang gamit ko at nilagay sa bag. Pumasok na ako at dumiretsyo sa kwarto para ilagay ang bag ko doon atsaka ulit lumabas. Kaylangan ko na sigurong icheck ang bawat paligid ng mansyon mamaya kasi may umaaligid na mga masasamang tao. Tinignan ko ang oras sa phone ko at nagulat akong mag aalasonse napala.

So mahigit tatlong oras akong nagaral?Panigurado yung 2hours dun ay nilamon ng calculus at mathematics for modern world at ang masaklap wala akong naintindihan ni isa.

"Ang hirap ata maging engineer,mag asawa nalang kaya ako ng engineer?" ani ko habang patuloy paring naglalakad at nagmamasid sa paligid.

Nang wala naman akong na sense na danger sa labas ay naisipan ko ng pumasok sa mansyon at napangiti ako dahil nabungaran ko si Young Master na pababa sa hagdan. Agad naman akong napansin nito at tinaasan nanaman ako ng kilay.Tumingin ito sa wristwatch nito at binalingan ulit ako ng tingin

"Its almost midnight and why are you always sleep late at night?"

"Nag check lang ako ng surroundings sa labas ng mansyon Young Master atsaka siguro..... kaya lagi akong nagpupuyat tuwing gabi kasi balang araw magiging tanod ako" napailing nalang ito sa sinabi ko. Di man lang tumawa napaka emotionless talaga

"eh ikaw Young Master bakit di ka pa natutulog? "

"None of your business" masungit na sabi nito at naglakad na padiretsyo sa kusina.Ako naman umupo muna sa sofa,medyo napagod din ako sa paglalakad kanina.

Maya maya pa ay bumalik na si Young Master na may dalang dalawang bote ng beer.

Hmm balak ata ni Young Master magpakalasing ngayon. Nilapag ni Young Master ang dalawang bote sa table para pumunta sa saksakan at buksan ang TV. Kinuha nito ang remote at umupo na sa dulo ng sofa.

Kumbaga nakaupo kami sa dalawang sulok ng sofa. Halata talagang lumalayo sya sa akin hanggat may paraan ito

"Go in your room now chanak"

"Ayaw ko pa, di pa ako inaantok"

"Tsk.I want to be alone while watching some horror movies"

"Eh di manonood din ako, gusto ko ang mga horror movies eh"

"Really?" curious na tanong nito. Napangisi naman akong nakatingin sakanya

"oh, yes Young Master..I like Horror Movies especially Wrong Turn and Fifty Shades of Grey" napataas naman ang kilay nito sa sinabi ko

"Fifty shades of Grey? I haven't watch that film,Is that good? "

"Oo naman Young Master mapapamura ka sa sara--este sa pa suspense ng movie" napatango tango naman ito. Woah wag mong sabihin na--

"Okat lets watch that movie"

"Sure ka Young Master?" tumango nalang ito at nagstart na si Young Master isearch ang movie.Nang makita nya ito ay agad na nyang pinplay.

Dyusko paniguradong malalagot ako kay Young Master pag marerealize nitong hindi naman talaga horror ang papanoorin namin

Nag start na ang movie ako naman ay panay lingon lang kay Young Master na tuloy tuloy ang paginom nito ng alak.

Nang nakaabot na sa gitna ang pinapanood namin ay biglang nagsalita si Young Master

"You fooled me this is not a horror movie" napa peace sign naman ako kay Young Master

"Sorry na Young Master akala ko kasi alam mo iyang movie na iyan eh kaya nagjoke ako heheheh"

"Fuck you"

"Fuck me ay este--tapusin nalang natin yung movie Young Master baka may matutunan ka dyan" sinamaan lang ako lalo nito ng tingin ng tinaas baba ko ang kilay ko habang nakakatitig sakanya. Umingos lang ito at tinungga nanaman ang bote ng beer. Napahinga nalang ako ng malalim akala ko kasi aawayin nanaman ako ni Young Master ng bonggang bongga

Nagpatuloy na kami sa panonood hanggang sa nasa scene na kami kung saan tinatry ni Grey lahat ng laruan nya kay Anastasia habang nasa loob sila ng red room.

Puta bakit parang uminit ata? Napapaypay nalang ako at napatingin naman kay Young Master na nakatutok lang sa screen pero halatang pinagpapawisan din ito.

Napatigil naman ako sa paghinga ng lumingon ito sa akin.

Titig na titig lang ito

Omygod pagnanasa ba yung nakikita ko sa mukha ni Young Master?

Eto na ba? Eto na ba ang oras na mawawasak na ang pechay ko

"Leir"

Napapikit naman ako at napapaypay lalo ng tinawag nito ang pangalan ko gamit ang nakakaakit na tunog

"Y-yes Y-Young M-Master? "

Dahan dahan itong lumapit sa pwesto ko at bigla akong natuod ng nakalapit na ang mukha nito sa akin at bumulong

"I want you"

OM to the G!!!!!

avataravatar
Next chapter