11 Chapter 11

BORING

Sigaw ng utak ko habang nanonood sa pinag gagawa ni Young Master dito sa laboratory nya. Seryoso lang itong nag sasalin ng kung ano ano.

Tsk.

Hindi ba pwedeng itigil muna ni Young Master ang pinag gagawa nya at maglandian nalang kami?

Ang saya saya ko pa naman kanina na wala syang angal na pumasok ako dito sa laboratory nya akala ko kakausapin nya ako para magkwentuhan kami about sa mga sarili namin pero nakakagago nga talaga pag umaasa ka,hindi nangyayari eh.

Tapos pag bumabanat ako hindi na sya nagrereact wala na yung favorite line nya na"WHAT THE FUCK? " talagang pinanindigan nya na wag pagsinin ang aking pagsinta sakanya. Boto pa naman ang pamilya ni Young Master kaya dapat maging successful ako sa misyon kong ito.

"Hihihi" napatigil naman si Young Master sa pagsasalin at nakataas na kilay na tumingin sa akin. Binigyan ko naman sya ng puppy eyes, inirapan lang ako nito at tinuloy nanaman ang pagsasalin.

"Crazy" bulong pa nito

"Ako crazy?sabagay I'm crazily inlove with you hihihi"

Napanguso ako dahil hindi man lang ito nagreact sa banat ko.

Tangina ang manhid. Tumayo ako sa pagkakaupo ko dahil ang sakit narin ng pwet ko, mahigit dalawang oras ba naman akong nakaupo habang nakatitig lang at pinagnanasa--este inaadmire ang kagwapuhan ng aking Langit.

Pumunta ako sa tabi ni Young Master at pinapanood nanaman ang ginagawa nya. Nakakabilib naman yung parang tubig na bumubula at iba iba pa ang mga kulay.

"Kaya mo ba gumawa ng Love potion? "

Blanko naman itong Tumingin sa akin.Bakit may mali ba sa sinabi ko?

"Love potion is not real,chanak"

"Sayang naman, papagawa sana ako sayo eh"

"If I can make a Love Potion where you gonna use it? "

"Sayo sana, para di na ako maghirap" para naman itong hindi makapaniwala na nakatangin sa akin. Nakangisi lang ako habang aliw na aliw sa reaksyon ng aking Langit.

"Are you for real? Tsk. What I'm even wasting my time talking to you" pagkasabi nya non ay tinalikuran na nya ako at diretsyo ng lumabas sa laboratory nya, at syempre sumunod ako at nakita ko syang nakatihaya sa kama habang nakatakip ang braso sa mukha nito.Nakakademonyo na pumatong sa aking langit pero buti nalang napigilan pa ako ng 20 percent na pagka maaanghel ko.

Kaya lumabas na ako ng kwarto at napag pasyahan na wag munang guluhin si Young Master dahil alam kong pagod ito at baka marape ko din ng wala sa oras.

Pagbaba ko sa sala napansin kong napakatahimik ng paligid.Nasaan sila Ma'am? Buti nalang may nakasalubong akong kapwa ko maid at tinanong kung nasaan ang mga amo namin

"Umalis sila kanina pa, saka sabi ni Ma'am Catherine baka hindi daw sila umuwi ng mahigit isang linggo"

Isang linggo? Ang tagal naman, saan kaya sila pumunta? Sila Gabriel at baby Luc kaya kasama nila?

"Kasama nila si Young Master Luc tapos si Young Master Gabriel naman,nasa kaibigan nya daw may ginagawa silang project at makikisleepover daw si Young Master dun"

"Ah, ganun ba salamat"

Nginitian ako nito at umalis na para maglinis ulit. Napabuntong hininga ako.

So?kaming dalawa lang ni Young Master ang magkasama ngayon?

Is this a sign? Para lalo kaming mapalapit ni Young Master?lalo na't wala sila Ma'am dito

"Kahit naman nandyan sila Ma'am Catherine hindi ka parin pinapansin ni Young Master"

Ay, oo nga pala. Tsk ano nga bang pinagkaiba? Para namang wala ata.

Napasimangot nalang ako at napagdesisyunang magluto nalang ng adobo. Syempre, medyo pabibo muna ako kay Young Master ngayon.

Saktong alas onse ng matapos akong magluto. Napangiti ako ng matikman ko ang adobo ko. Hihi baka mainlove na si Young Master sa akin nito.

"la la la la đŸŽ¶ " pakanta kanta ako habang umaakyat sa hagdan.Excited na kasi akong gisingin si Young Master eh parang asawa lang ako hihi

"Young Mas--eh? " yun nalang ang pagkadismaya ko ng di ko nasilayan si Young Master sa kama nito. Nasaan yun? Lumapit ako sa pinto ng CR at nilapat ang tenga ko dun. Narinig ko ang tunog ng shower.

"Naliligo pala hindi man lang ako tinawag hihi" haynako ang landi ko talaga.

Naglibot libot muna ako sa kwarto ni Young Master habang hinihintay syang matapos maligo hihi excited na ako sa paglabas nya ng pinto. Gusto ko ulit makita syempre ang yummy abs nya hihi.

"May nakatago kaya syang condom dito? Ano kaya size nya? Daks kaya o dyutay? " bulong ko habang nililibot parin ang paningin ko sa kwarto

"What are you doing here?" nakangiti akong lumingon kay Young Master ngunit agad ding nawala ng makita ang ayos nito

"Bakit may damit ka kaagad? "dismayado kong sabi.

"You expecting me going out in the bathroom topless? " may inis na tanong nito. Tumango tango naman ako habang nakapout.

"Pervert!" sabay hagis nya ng towel nya sa pagmumukha ko. Ang rude talaga ni Young Master sarap patumbahin eh.

"Sarap mong bugbugin ng halik Young Master,pero kain muna tayo para may lakas ka" kumapit ako dito at hinawakan sya ss braso at hinila na palabas ng room. Pilit syang umaalis sa pagkakahawak ko pero hindi nya magawa dahil mas malakas ako sakanya

"Isang linggo daw mawawala sila Ma'am Cath saka si Gabriel naman nasa bahay ng tropa nya at doon sya matutulog kaya solo natin ang bahay Young Master diba ang saya? "

"Oh, It will be fun" sarkistong sabi nito.

Nang makarating kami sa kusina agad ko ng inayos ang pagkakainan namin. Si Young Master naman tahimik lang na nakatingin sa plato nya habang pinagsasandukan ko sya ng ulam at kanin.

"Lafang na tayo Young Master" masaya kong litanya.Hindi naman ito sumagot at nagsimula ng kumain. Ako naman hindi pa nakaksubo dahil busy akong nakatingin sa mukha ni Young Master,gusto ko kasing makita reaksyon nito sa luto ko.

"What are you looking at? " masungit na tanong nito.Ngumiti lang ako at nagtanong

"Masarap ba Young Master? "

"It's good" napaingos naman ako halatang hindi masyado nagustuhan ang sinabi nito

"Good lang? As in G-O-O-D?"maarte kong tanong. Napatigil nama ito sa pagsubo at seryosong tumingin sa akin

"What the fuck is your problem? "

Napairap naman ako sa galit na tanong nito

"Luto ko kasi yan Young Master kaya hindi ko ma accept na Good lang iyang luto ko it should be Very Good duh! "para naman itong mawawalan na ng bait sa inaasta ko.

"Okay, It's very good and perfect,now happy? "galit na litanya nito. Napangiti naman ako.

"Yeah,happy na ako" inismiran lang ako nito at pinagpatuloy nanaman nyang kumain

"Pero may isa pa akong tanong Young Master"uminom muna ito ng tubig at lumingon sa akin,handa nanaman itong sumigaw sana ng bigla kong inabot ang dalawang pisngi nito at nilapit sa mukha ko para mahalikan sya. Agad kong pinasok ang dila ko sa bunganga nito at agad kong nalasahan ang lasa ng adobo at tamis ng mouthwash nito. Halatang hindi nakabawi sa gulat si Young Master dahil tapos ko na syang halikan ay hindi man lang sya nakaganting humalik sa akin. Ngumiti naman ako at binigyan pa sya ng smack kiss.

Dinilaan ko ang labi ko

"Mas masarap ba ito sa Adobo Young Master?"

avataravatar
Next chapter