10 Chapter 10

Namali..

Yung agad ang narealize ko simula ng lalong lumayo sa akin si Young Master.Masyado ata akong naging mapusok sa pang aakit sa kanya, mas maganda sigurong bawas bawasan ko muna ang pang aakit baka hindi na umuwi si Young Master dito sa mansyon dahil sa akin. Kanina nga lang umupo lang ako sa tabi nya para makinood sa TV pero bigla nalang syang umalis ng wala man lang sinasabi.Hindi na nya talaga hinahayaan na kaming dalawa lang ang magkasama sa iisang lugar.

Napasimangot nalang ako lalo pag naaalala ko pa yung iba pang way nya para layuan ako.

Kaylangan ko na ba talagang sumuko?

Makalabas nga muna sa Mansyon para makapagisip ng maayos, buti nalang hindi nangungulit sa akin si baby Luca ngayon pati narin si Gabriel. Kaya free time ko ngayon.

Pero di ko inaasahang may bubungad sa akin na babaeng kala mo parang clown sa sobrang kapal ng make up.

Tinaasan ako nito ng kilay, kaya tinaasan ko din sya ng kilay.

"Where is your Young Master Heaven?Go and call him for me" aba, makautos ito para syang ang amo ko ah. Bangasan ko na ata eh

"Bakit di ikaw ang tumawag sakanya? Ikaw may kaylangan diba? " seryoso kong sabi, napasinghap naman ito sa pag sagot ko sakanya. Tangina,ang arte

"You're the maid so its your work!"

"Oo maid ako,pero di mo ako maid gaga! "sabay irap sa kanya. Halos mamula na ito sa inis sa akin. Lalo tuloy syang pumanget sa paningin ko.

Nagulat ako ng tinulak ako nito at pumasok na sya loob ng mansyon. Aba, Ma attitude si ate.

Sinundan ko ang clown at hihilain na sana palabas ng nakita ko si Young Master na pababa ng hagdan. May pagtataka sa mukha nito habang nakakatitig sa babaeng mukhang clown.

"Honey? What are you doing here? "

Puta ano raw? Honey?

Kaylangan ko na bang maglinis ng tenga ngayon, dahil baka namali lang ako ng rinig sa pag tawag ni Young Master sa panget na babaeng mukhang clown na nagmadali nang pumunta sa pwesto ni Young Master at niyakap ito ng mahigpit.

"Hey, Baby I miss you"

Gusto kong magselos at hilain ang buhok ng babae papalayo kay Young Master pero naisip ko wag nalang.

Aba, Di hamak na mas maganda ako dyan noh. Sayang lang pagseselos ko tsk. Atsaka, hindi pa naman kami ni Young Master kaya chill muna ako hanggat kaya. Dahil kung may gagawin nanaman ako ngayon baka matuluyan na talagang mawalan ako ng pagasa sa aking Langit.

Napangisi ako ng tinulak ni Young Master ang babaeng clown na nakayakap sakanya. Napa simangot naman ang gaga at napagawi pa ang tingin nya sa akin.

"Baby, you should fire that bitch maid of yours!She insulted me!" hindi lang pala sya panget, sumbungera din.

Binigyan lang ako ni Young Master ng tingin bago tumingin ulit sa Honey nya.

"Leave now Honey,I don't want any disturbance today" dapat pala nag jacket ako dahil sobrang lamig lang naman ng pagkakasabi ni Young Master sa line na yun.

Umakyat na si Young Master ulit at iniwan na nyang parang kawawa ang honey nya na nanigas na ata sa kinatayuan

Ako naman,dumiretsyo na papalabas ng mansyon, hinayaan ko na ang gaga dun dahil alam ko namang mamaya maya ay aalis na rin yun.

Gusto kung pumunta sa park para makapagisip, siguro mas magandang dun nga muna ako.

--

Someone's Pov

"Did you find her? "

"Not yet boss"

"Okay,you may go now" he bowed his head to me before going out in the room.

I sight while looking at the ceiling.

It's been 2 years since the last time I saw her.I know she's mad at me because I left her without saying goodbye.

But. I hope she will forgive me.

I still love her

Leir's Pov

Nakakalungkot talaga. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko para mapansin ako ni Young Master.

Ngayon lang talaga ako naging desperada sa ganito. Ka swerte ni Young Master kasi sya ang kauna unahang lalakeng nagustuhan ko. Biruin nya dyosa ako tapos ako pa ang naghahabol.

Napaka swerte nyang nilalang.

Inopen ko ang cellphone ko at nag search ng pwedeng gawin para mafall na sa akin si Young Master

"Steps to make your crush fall inlove with you"

Wow, kadaming lumabas na result.Napatunayan ko na,talagang maraming nag hihirap sa mga crushes nila. At sad to say, kasali na ako dun.

Sinimulan ko ng magbasa ng mga tips at nanood din ako sa Youtube. Hanep talaga dami ko natutunan. Gagawin ko lahat ito kay Young Master pero pag hindi ito tumalab gagawa agad ako ng Blog ko at sasabihing "kahit anong gawin mo wala ka talagang pag asa sa crush mo! "Periodt.

Pagkatapos kong magpakasawang magbasa at manood ay naisipan ko ng umuwi sa mansyon dahil magtatanghalian narin

Habang naglalakad, nakasalubong ko ang dalawang lasing sa tulay na magkaakbay at pagewang gewang na naglalakad. Biglang tumigil ang isang lalake at tumingin sa ilalim ng tulay.

Habang papalapit ako sa kanila, narinig ko kaagad ang pinaguusapan nila

"Alam mo pre, Kung malalaglag ako dito  sa tulay, dun sa pinakailalim na"

"Ako pre, kung malalalaglag ako sa iyo nalang"

Anak ng? Napatigil ako at gulat na napatingin sa dalawang lasing.

Nagkakatitigan na sila sa mata tas maya maya sabay silang

"YIEE"

Putangina ahhaha, gusto kong tumawa ng malakas pero nakakahiya kaya nagmamadali akong umalis papalayo sa dalawang lasing at ng nakalayo na ako nilabas ko na ang tawang kanina ko pa pinipigilan

"Grabe ahhaha, LT yung magkumpareng yun"

"Bakit ka tumatawa dyan Ate Leir? "

Napalingon naman ako sa nagsalita at nagtakang nasa likod ko na pala si Gabriel.Napatingin ako sa paligid. Ay puta nandito na pala ako sa tapat ng mansyon

"May nakita lang akong nakakatawa Gabriel ahha, halika na pasok na tayo" kahit halatang gusto pa nito magtanong ay sumunod nalang ito sa akin na pumasok na sa mansyon.

Pagpasok namin sinabihan na kami ng mga maid na hinahanda na nila ang pagkain para sa tanghalian.

Dumiretsyo kami sa kusina at kita naming nandun na sila Ma'am at Sir pati narin si baby Luc at syempre ang pakipot kong Langit.

Binati ko sila Ma'am at Sir bago umupo sa tabi ni baby Luc. Kahit isang maid slash bodyguard lang ako dito  ay tinuring na nila akong pamilya.Tapos pinagaral pa nila ako kaya parang blessing in disguise narin ang pagkapunta ko dito sa Manila.

Sinimulan na naming kumain, sila Ma'am at Sir busy na naguusap about business minsan nakikisali rin si Young Master. Si Gabriel naman ay seryoso lang kumakain na parang may iniisip na malalim. Ako naman inaalala lahat ng nabasa ko kanina habang tuloy tuloy parin ang pagsubo.

"Right iha"

Ano kaya ang uunahin ko dun?

"Leir iha? "

Hmm patama kaya ako lagi ng mabibigat na Pick up line kay Young Master? Napatango tango ako. Tama dapat ganun

"she seems occupied honey"

"Ako na bahala gumising kay ate Leir mommy"

Ano ba yung nabasa kong pick up line kanina?

"ATE LEIR NAKATINGIN SI KUYA HEAVEN SAYO"

Para naman akong nagising sa malalim na tulog ng biglang sumigaw si Gabriel.

Napangisi naman ito ng tumingin ako sakanya sabay tingin kay Young Master na nakakunoot noo

"Hindi nga nakatingin sya sa akin Gab? "

Sila Ma'am at Sir naman ay nagtatakang nakatingin sa akin

"We've been calling you iha but you continue to ignored us but when Gab shout out about Heaven,you already back on your senses" parang nangaasar na litanya ni Sir Lucas. Napangiwi naman ako at tumingin kay Young Master na seryoso paring kumakain

"Do you like my son iha?" nakangiting tanong sa akin ni Ma'am Catherine. Napalunok naman ako ng laway dahil lahat sila binibigyan ako ng nangaasar na tingin maliban lang kay Young Master Heaven na kumakain parin at parang walang naririnig sa usapan namin

"Just Confess now ate Leir" panguudyok ni baby Luc,shutangin na hot seat ako ah

"Gusto ko po si Young Master Heaven"napalakpak naman si Maam Catherine at baby Luc samantalang si Sir Lucas at Gabriel ay lalong lumaki ang ngisi. Lahat naman kami napatingin kay Young Master nang tumayo ito at parang balak ng umalis  sa kusina pero bago pa sya makaalis ay

"Ma'am!Akin nalang po panganay nyo, papalitan ko ng tatlong sardinas,promise close my heart! "

Napanganga naman silang lahat sa sinabi ko

"What the fuck are you saying!!!?? " galit na galit na sigaw ni Young master

Ngumisi lang ako at nagbigay ng flying kiss sakanya

Napaingos ito at nagmadaling umalis sa kusina.

Nang binalik ko ang tingin ko kila ma'am ay bigla na silang tumawa.Si Gabriel naman ay parang matatae na sa sobrang tawa

Napangiti nalang ako. Atleast walang tutol sa panliligaw ko sa anak nila.

avataravatar
Next chapter