14 Chapter 13: Pang-huhusga Sa Ama At Kaklase

"YOUR LATE!" SABI NG INSTRUCTOR nila. Itinuro nito ang upuan kung saan ako nakapuwesto.

"I'm sorry sir!" senyales na puwede na ako umupo.

"This is the first time na na-late ka, ayoko na maulit okay, nagkakaintindihan ba tayo Ms. Salvador?"

"Yes sir, it won't happen again."

"So let's start on page 115 in your book."

********

NAGKAKLASE NA SILA samantalang si Alexa ay wala sa sarili tila malalim ang iniisip. Why I have this feeling that the guy she meet earlier in their house was so familiar and yet stranger to her.

'Paano nalaman ng lalaking iyon ang bahay ko atsaka bakit kilala nito si Gustavo na boss ko?' Sari-sari kakatwang isipan ang sumasagi sa isipan ko kung puwede na sana mabura.

Tanging si Gustavo pa lamang ang nakakaalam ng bahay ko, ngunit nakakapagtaka talaga na di binanggit ni Gustavo si Jin Imperial samantalang sinabi ng lalaki na magkaibigan daw silang dalawa.

*********

TAPOS NA ANG KLASE, Papasok na lang ako sa trabaho na pang-hapon tutal pinayagan ako ni Gustavo o sir Gustavo na maging working student kahit na sa kumpanya niya ako nagta-trabaho.

She started her task when unexpected visitor come near to her. "Alexa!"

"Yes!" nag-angat ako ng paningin, she saw Ashley. Nanlaki ang mga mata nito na di akalaing makikita niya ako dito.

"What are you doing here in my dad's company, don't tell me you work here right? RIGHT?!" she instantly exclaim without controlling her angerness.

"Yes! I work here as your dad's personal assistant, may problema ba ron?"

"Oo meron, because you are fired!"

Pati mga iba pang department ay napapatingin sa amin dahil sa lakas ng boses nito kapag sumisigaw.

"Hindi ikaw ang may desisyon kung mate-terminate ako o hindi, ama mo ang nagpapasok sa akin dito kaya siya ang may karapatan na patanggalin ako dito at hindi ikaw."

"Anak niya ako!"

"But you are not my boss."

"Sumosobra ka na!" nagkikiskisan ang mga ngipin nito sa galit, akmang sa sabungan mauwi ang sagutan ay dumating na si Gustavo kunot noo tinignan kaming dalawa.

"Ikaw ang sumosobra, nagta-trabaho lamang ako at walang masama roon."

"What's happening here? Ano itong gulo na ginawa niyo, Alexa Ashley?" medyo mabagsik ang hasik nitong sabi.

"Dad totoo ba ang sinabi ni Alexa sa akin, na ikaw ang nagpapasok sa kaniya rito para maging personal assistant mo?"

"Oo wala namang masama sa kaniyang trabaho, pinagbubuti pa nga niya yung trabaho niya eh!"

"Dad marami namang iba pang applicant pero bakit si Alexa ang napili niyo?"

"Ashley why are you so angry and hate her so much? Dapat nga makipaglapit at makipagkaibigan ka sa kaniya hindi yung nang-aaway ka."

"Dad ano ba pinakain sa'yo ng Alexa na ito" lumingon si Ashley kay Alexa, dahil sa kaniyang di mapigil na bibig ay nasabi ni Ashley masakit na tanong na lumabas sa bunganga niya "siguro inaakit mo ang dad ko ano?!" nag-uumyaming tanong nito.

Tila naumid ang dila at natigilan si Alexa sa sinabi ni Ashley "hindi ko inakit ang ama mo, ano bang pinagsasabi mo?"

"Wag ka nang magkaila pa dahil ngayon ko lang nakita ang Daddy ko na ganiyan sa isang babae, kahit pa nung nabubuhay pa ang Mommy ko. Never siya naging ganiyan sa Mommy ko."

"Look kung ano man ang iniisip mo tungkol sa aming dalawa nagkakamali ka. Para ko na rin tatay si sir Gustavo."

Tila sinaksak ng kutsilyo ang puso ni Gustavo dahil sa narinig mula kay Alexa. "Tama na puwede, go home Ashley sa bahay tayo maguusap na dalawa."

Di tumigil si Ashley at mas lalong lumapit kay Alexa "magkano ba ang gusto mo? Ibibigay ko basta't lubayan mo lang ang Dad ko!"

"ASHLEY!" singhal ng ama sa kaniya.

Mapaklang tumawa ito at humarap kay Gustavo " Dad your unbelievable, wow!" sabay palakpak at nag-walk out.

"ASH YOU BRAT GIRL!"

"Pabayaan mo siya, siguro dapat di ko tinanggap yung alok mong maging personal assistant mo" she sighed.

"Walang masama kung kinuha kita para magtrabaho sa kumpanya ko, nangangailangan ka ng trabaho kaya binigyan kita nito at wag mong sasayangin ang tulong na binigay ko dahil para na rin ito sa Manang Loleng mo."

"Maraming salamat sa pagtatanggol sir Gustavo" sabi ko na bahagyang ngiti sa labi.

Ngumiti lang din ito.

*******

SA BIGAT NA DALA-DALA ni Alexa bigla na lang siya nahulog sa staircase, napatili ako ng di oras sa pagaakalang babagsak siya sa lupa.

I close my eyes, instead of falling down the stairs I fell into someone's arms. She keep her eyes close when suddenly she heard his voice.

"Are you okay?" duon lang bumuka ang mga mata ko. Napagtanto ko na si Gustavo ang sumalo sa akin, ilang milya ang distansiya ng mga mukha nila sa isa't-isa. Sa totoo lang napakaguwapo ni Gustavo Vila Rama kahit nasa 40 plus ang edad nito. No wonder kung bakit maraming nagkakandarapa makuha ang pansin nito.

"Yeah of course!" yung eksenang iyon ay nakita mismo ni Ashley na paparating pa lang, hihingi na sana siya ng tawad pero nagkamali siya. Dahil nakita niya ang dalawa na nagyakap, si Alexa na nakasalo sa bisig ng ama.

Di siya makapaniwala sa nakikita ng mata, Ang kaniyang ama at si Alexa, may relasyon?

********

AKMANG INANGAT NI ALEXA nang makita niya si Ashley nakatingin sa kanilang dalawa, ganun na lang ang panlalaki ng aking mga mata dahil galit ang nangingibabaw rito.

"Ashley!"

"Hindi mo pala siya inaakit ha!" tumalikod ito paalis, sinundan ko siya hangang sa pinaka-lobby. Kailangan ko siyang sundan dahil mali ang nakita nito.

"Mali yung nakita mo kanina, Ashley."

"Anong mali nakita ko mismo. Nakita ng mga mata ko kung paano kayo magtitigan na dalawa."

"Tama ang sinabi ni Alexa Ashley, di niya ako inaakit. Muntikan na siya mahulog sa hagdan kaya nasalo ko siya."

"Hindi ako naniniwala, ano ba talaga ang intension mo sa Dad ko?"

"Wala akong intensyon sa kaniya, nandito ako upang magtrabaho at hindi mang-akit."

"Minsan kung ano nakikita ng mga mata ko, yun ang katotohanan Alexa kaya layuan mo na ang ama ko" sabi nito sabay balyang alis.

"Di ko alam kung ano ang pinuputok ng butsi ng anak mo sir Gustavo pero kailangan mo masabihan ang iyong anak na hindi totoo ang nakita niya kanina."

"Wag kang mag-alala, pagsasabihan ko siya" saka umalis nang di lumilingon.

avataravatar