webnovel

Chapter Two

Brit's Pov

"Bryle!" Malakas kong sigaw habang tumatakbo sa park. Kinuha kasi ni Bryle ang cellphone ko nang walang dahilan.

"Ano bang meron dito sa cellphone mo at ayaw mong pahawakan?" hinihingal na tanong ni Bryle sa akin.

Sa halip na sagutin ko ang tanong nya ay hinablot ko na lang ang cellphone ko at itinago iyon.

"Britania,you can't hide things from me.You can't lie again," seryosong saad ni Bryle sa akin.

Bigla naman akong kinabahan sa sinabi niya. May alam ba sya sa ginagawa ko?

"Bryle ano bang sinasabi mo? wala naman akong tinatago sayo. I don't have secrets," kalmado ngunit may diin na sambit ko.

"Just kidding Britania may tiwala naman ako sayo," nakangiti nyang sinambit sabay kindat.

Biglang kumislot ang puso ko sa ginawa niya f*ck this thing, i hate this feeling that starting to grow inside me.

"Tara na nga" masungit kong sinabi sabay talikod at mabilis naglakad palayo sa kanya.

Matapos akong ihatid ni Bryle ay kaagad akong pumasok sa kwarto at nilock ito. Sinuot ko na ang paborito kong black hood at nilagay sa bulsa ang isang baril at ang paboritong kong swiss knife. Nakaukit dito ang pangalan ko,napakatalim nito kung kaya't sino man ang magtangkang hawakan ang talim nito ay talaga masusugatan ng husto. Sinuot ko rin ang face mask ko na kulay itim at tsaka tumingin sa salamin,siguradong walang makakakilala sa akin. Dinala ko ang maliit na device, kung saan matatawagan ko si boss.

"Im ready boss" walang kagatol gatol kong sinabi.

"Good now, complete your mission. Kalmado ngunit may diin na utos sakin.

Hindi na ako sumagot at lumabas nalang sa bintana. Agad kong sinakyan ang motor at umalis na.

Next chapter