1 Chapter 1

3rd Persona's POV

Kasalukuyang naglalakad sa madilim na eskinita ang negosyanteng si Mr. Buendia. Ang kanyang atensyon ay nasa cellphone lamang kung kaya't hindi nya man lang naramdaman na may taong kanina pa sya sinusundan.

Kating-kati na si Brit na patayin ang negosyanteng si Mr. Buendia. Kanina pa nya ito sinusundan mula nang makipag usap ito sa mga kapwa nito negosyante hanggang sa lumabas ito sa restaurant na pinanggalingan nya.

Kung sya ang masusunod ay kanina pa nya ito pinatay, pero ang boss nila ay nag-iingat kaya inutos nito na patayin ito sa lugar kung saan walang tao.

Dahan dahan nyang itinutok ang baril sa ulo ni Mr. Buendia. Huminga sya ng malalim at muling tinignan ang kawawang negosyante agad nyang kinalabit ang gatilyo ng baril.

*BANG*

Kitang kita ni Brit kung paano sumabog ang ulo nito at humandusay sa eskinita. Marahan syang naglakad papalapit sa bangkay, kinuha niya ang sobre na nasa coat.

Matapos nyang makuha ay sinuot nya ulit ang hood nya at lumabas ng eskinita na tila ba walang nangyare.

"Bbzzzzt" tunog ng Cellphone ni Brit agad nyang sinagot ang tawag.

"Balita?" Kalmado pero malamig na boses ng kanyang boss.

Muli syang tumingin sa eskinita kung saan iniwan nya ang bangkay ni Mr. Buendia.

"Mission accomplished" mayabang nyang sinabi na may ngiti sa labi.

avataravatar
Next chapter