EPISODE ELEVEN
"The Pyro and the Kenetic Gang"Sa pagpapatuloy..."Walang laban ang apoy sa tubig!" Wika ni Nicole habang pinalilibutan si Chellyn ng tubig."Kung ako Sayo, isuko muna ang gift mo. Para di kana mahirapan." Dagdag ni Julianne.Bumuntong hininga si Chellyn Bago nag salita."Kung ganun, Basta wag nyo idadamay ang pamilya ko. Makukuha ninyo ang gift ko." Sabi ni Chellyn. Mula sa dibdib ni Chellyn Isang kulay pulang liwanag ang lumabas."Yan na ba ang gift ng Pyrokenisis?" Tanong ni Julianne."Malamang, Kunin mo na Juls!" Utos ni Nicole. Na agad namang lumapit ang babae sakanya at kinuha ang Isang maliit na bote Mula sakanyang bulsa.Akmang hihigupin na nang bote ang liwanag nang biglang isang malakas na kulog ang umalingaw-ngaw sa paligid kasabay ng Isang kidlat ang muntik ng tumama kay Julianne."Sino yun?" Sigaw ni Julianne na muntik nang matamaan ng kidlat. Habang si Nicole Naman ay di makagalaw dahil sa isang baging na nakapulupot sakanyang katawan."Nicole tulong!" Bulyaw ni Julianne sa kasama."Hindi rin ako makagalaw!" Sagot ni Nicole. Dahan-dahang naging yelo ang tubig na nakapulupot sa katawan ni Chellyn at mabilis itong nabasag.Mula sakanilang likuran apat na nilalang ang lumabas at nagpakilala sakanilang dalawa."Dalawa lang ba ang alagad ni Enigma?" Tanong ng Isang babae."Marahil bumubuo pa sila!" Sagot naman isang lalaki."Sino kayo?" Tanong ni Julianne na sa mga oras na iyon ay nag yelo ang kalahati ng kanyang katawan. Isang malaking pusa ang tumalon sa gitna at dito dahan-dahang nag anyong tao."Sila ang Kenetic Gang! Mukhang Hindi pinag isipan ang pangalan ng grupo pero yun ang tawag sakanila." Sagot ng babae na naging Isang malaking pusa.Ngumiti naman si Julianne at nag wika."Matagal Kang nawala sa earth, at mukhang sanay ka nang gamitin ang gift mo Madisson?""Slight, pero wag kang mag-aalala. Dahil pipilitin naming Hindi kayo magtatagumpay." Sabi ni Madisson sabay kindat.Ilang sandali naman ay dumating na Sina Angel."Umalis na Tayo dito Nicole, Hindi pwdeng ma bulgar ang undercover ko!" Sabi ni Julianne sabay kumpas ng kanyang mga kamay at sa isang iglap ay nag laho silang dalawa kasama si Nicole.Nang dumating na Sina Angel, Dave, Beam at Leah. Nakita nilang pinalilibutan si Chellyn.Akmang susugod na sana sila pero nang Makita nila si Madisson."Mga ate at kuya, kamusta kayo?" Bati ni Madisson sakanila. Mabilis nilang niyakap ang babae at kinurot sa pisngi."Anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Beam."Papano mo nahanap ang lugar ni Chellyn.?" Tanong ni Angel."Mga ate sasagutin ko yan mamaya. Pero, ipapakilala ko kayo sa team ko." Wika ni Madisson at Isa Isa nyang ipinakilala ang kanyang kasamahan."Si Richard the cyrokenisis, Alexis the Aeroskenisis. And this is our muse, Dawn the weather controller." Pakilala ni Madisson."Kung ganun, delikado kayo kay Bonch. Mag iingat kayo." Sabi ni Leah."Lalo na ngayon na kinukuha ni Bonch ang mga gift ng mga katulad natin. Mag iingat kayo." pag-alalang Sabi ni Dave."Kuya at ate, Hindi lang gift kinukuha nila. Ayun sa ulat ni Cathy. Bumubuo si Enigma ng mga taong may mga gift upang gamitin sila sa pag sakop ng earth ang masama pa nyan, uunahin nilang sirain ang pumuprotekta sa earth. " Salaysay ni Madisson."Ano?" Tanong ni Angel."Ang Novaria.." Sambit ni Beam na bakas sakanyang Mukha ang pag aalala.Samantala sa Novaria.."Handa kana bang magbalik ng Earth?" Tanong ni Queen Victoria kay Gemma."Handa na po, kelangan na ako ng aking mga Ahente. Kelangan ko nang bumalik Doon." Sagot ni Gemma."Gemma, kumikilos na si Bonch. Wag kang mag aalala. Hindi muna ako aalis ng earth sasamahan kita sa Opisina." Wika Naman ni Cathy."Salamat Cathy. Naway matapos na to! Gusto ko nang maging normal." Wika ni Gemma.Balik kina sa grupo nina Leah. "Hindi ako papayag na gagawin ninyo ulit iyon. Papano kung Hindi ang mga alagad ni Enigma ang nandoon. Madami silang mga skin walker. Anong laban ninyo?" Panenermon ni Leah sa grupo ni Madisson."Ate Leah, alam ko po na nag-alala ka po saamin. Ngunit, you don't have to worry. Sila ang unang natulungan ni Cathy at Miss Gemma sa earth laban sa mga skin walker and besides katulad ko dumaan sila sa pag sasanay." Wika ni Madisson. Naputol ang kanilang paguusap ng biglang nagsalita si Dave at tila may nakikita itong pangitain."Dave Anong nakikita mo?" Tanong ni Angel.Habang si Chellyn naman ay biglang nag apoy ang kanyang mga kamay katulad Kay Dave ay naging tulala ito."Anong nangyayari sakanilang dalawa." Tanong ni Dawn. Akmang gagamitin ni Alexis Ang kanyang gift ngunit pinigilan sya ni Dawn."Susunugin mo ba ang buong Bahay?" Wika ni Dawn."Ay oo nga pala." Sambit ni alexis. Mabilis namang ikinumpas ni Dawn ang kanyang mga kamay upang gumawa ng maliit na ulap."Richard Ang Nyebe!" Utos nya Kay Richard.At ang maliit na ulap ay nag labas ng Nyebe."Hindi stable ang emosyon ng Clairvoyant ninyo." Wika ni Chellyn. Nagkatinginan Sina Angel at Leah at mabilis nilang hinawakan si Dave."Nakakaloka! Anong nangyayari Sayo?" Wika ni Angel at napadpad sila sa isang Lugar na may romantic music."Nasaan ba Tayo?" Tanong ni Leah."Vision ba to?" Tanong naman ni Angel.Balik sa labas ng vision ni Dave."Anong nangyayari Chel?" Tanong ni Beam."Maging alisto kayo, wag nyong hahayaan na masunog ang host at ang Bahay." Wika ni Madisson."Napaka unstable ng mga Hestian." Sambit ni Alexis."Oo kapag Hindi makontrol ni Chellyn ang kanyang gift maaring Hindi lang ang buong Bahay Ang masusunog. Maging ang kanyang katawan." Wika ni Dawn na nakatitig sa babae.Sa Novaria..."Aalis kana ba bukas?" Sabi ng lalaki na nakayakap Kay Gemma."Oo, may mission pa ako. Sana hindi ka mapapagod saakin." Sagot ni Gemma."Pangako, mag aantay ako saiyong muling pagbabalik dito sa Novaria." Wika ng lalaki na hinalikan si Gemma sa noo."Kamusta ang Hestia?" Tanong nya sa lalaki."Nakakapagod, pero ayus lang nasasanay nako. Ikamusta mo nalang ako kay Randy." Sabi ng lalaki."Dapat ka nang masanay, Hindi kana munting prinsepe ng Hestia Xavier." Wika ni Gemma at siniil sya ng lalaki ng halik.Itutuloy...