Susunod narin sana sa pagpasok si Guyo kasama ang pangkat nito ngunit hinarang sila ng dalawang bantay.
"Hindi po kayo maaaring pumasok." Wika ng isang bantay.
"At bakit naman hindi?" Tanong ni Guyo sa dalawa.
"Tanging ang may pahintulot lang po ng reyna ang maaaring pumasok sa tahanan ng hahaliling prinsipe." Sagot ng tagabantay.
"Hoy! Kayong dalawa, para sa kaalaman ninyo ay minsan na akong pumasok dyan kasama ang reyna." Giit pa ni Guyo.
"Punong pangkat wag mo na silang pilitin, ginagawa lamang nila ang kanilang trabaho." Pag-awat naman ni Alena kay Guyo.
"Ikaw naman, ilang ulit ko ba sayo sasabihin na huwag mo akong tatawagin sa antas." Si Guyo kay Alena.
"Ngunit naririto tayo sa kabahayan ng hari, bilang pagpapakita ng paggalang ay nararapat lang na tawagin natin ang bawat isa ayun sa antas ng tungkulin nito." Si Alena naman.
"Bilang pagpapakita ng paggalang, tawagin mo akong kuya dahil mas matanda ako sayo." Paninindigan ni Guyo.
"Isa akong Adana, pasalamat ka pa nga at binabanggit ko pa ang ngalan mo. Punong pangkat Guyo."
"Aba!" Magsasalita pa sana si Guyo ngunit nakita niyang nakatayo na sa likuran ni Alena ang prinsiping tagapagmana.
"Pagbati sa Kamahalan." Bati ng dalawang bantay at ng mga kasama ni Guyo sa pangalawang prinsipe kasabay ang pagluhod ng mga ito.
"Oy! Kapatid kumusta!" Si Guyo naman na animoy kabarkada lamang ang dumating at tinangka pang lumapit sa prinsipe ngunit maagap naman ang dalawang bantay at kaagad na hinarangan ni Guyo. "Ano ba?"
"Kinagagalak kong muli kang makita kuya ngunit humihingi ako ng paumanhin at hindi kita maaanyayahang pumasok." Natutuwang wika naman ng prinsipe.
"Kuya?" Si Alena.
"Alena pariho tayong natalo niya sa larangan pamamana, at ayon sa pusta ay igagalang natin siya at tatawaging kuya." Pagpapaalala ng prinsipe.
"Kita mo? Mabuti pa ang tagapagmanang prinsipe tumutupad sa usapan." Si Guyo naman.
"Ngunit nanalo lang naman siya kasi—"
"Alena dapat mong matutunan na maging sino man tayo ay may kahinaan parin tayo kahit nga ang Hari at reyna, dapat mong tanggapin yun. At may ibang nilalang na mas magaling kaysa sa atin kaya naman ay dapat matuto tayong magpakumbaba kahit pa sa isang pulubi." Pangangaran ng prinsipe.
"Sige pangaralan mo yang Asawa mo." Si Guyo ulit kaya napasimangot nalang si Alena.
Ngunit muli ding ngumiti ng magbalik sa prinsipe ang tingin nito.
"Hindi na nga pala ako magtatagal dito. Pumonta lang ako upang magpaalam." Pag-iiba ni Alena sa usapan.
"Kailan ang balik mo? Bukas?" Pagbibiro naman ng prinsipe.
"Hindi bukas at hindi din sa susunod na araw. Basta babalik ako, hindi ko lang alam kung kailan." Paniniguro ni Alena at doon lang napagtanto ng prinsipe na hindi aalis si Alena upang umuwi lamang sa kabahayan ng Agela.
"Saan ka ba pupunta?" Tanong ng prinsipe at hinawakan pa ng dalawang kamay nito ang damit ni Alena na animoy batang iiwan ng nanay.
"Wag kang mag-alala may pasalubong ako sayo pagbalik ko."
"Hindi naman yun." Nakayukong wika na lamang prinsipeng tagapagman.
"Hoy tol mahiya ka nga dyan! Para kang supling kung makakapit sa damit ni Ale ha." Pag-awat ni Guyo kaya bumitaw ng prinsipe. "Wag kang mag-alala may pasalubong din ako sayo pagbalik namin, malakas ka sa akin eh."
"Kuya, ang gusto kong pasalubong mo ay makabalik kayong lahat ng ligtas." Ang prinsipe.
"Hindi mo na kailangan hilingan sa akin yun. Makakabalik kaming lahat, itatak mo yan sa bato." Paniniguro naman ni Guyo.
"Sige, itatatak ko yun sa bato." Pagsang-ayon ng prinsipe. "Alam kong mahalaga ang inyong pupuntahan kaya hindi ko kayo pipigilan. Alena, wag niyo lang sanang kakalimutan na may naghihintay sa inyong pag-uwi."
Mahaba ang naging paglalabay nina Alena. Nababagot na nga siya sa loob ng karwahing sinasakyan.
Sumilip siya sa bintana at nakita si Guyo na nakasakay sa kabayo na nasa tabi ng bintana.
"May kailangan ka?" Tanong nito sa kanya habang patuloy ang kanilang paglalakbay.
"Nakakahilo na dito, pwedi bang sumakay nalang ako kay Aura? At mauna nalang ako?" Ang Aura na tinutukoy ni Alena ay ang Kambit nito na isang mahiwagang ibon na bumubuga ng kulay asul na apoy.
"Hindi pwedi. Ang nais na pasalubong ng tagapagmanang prinsipe mula sa akin ay ang makauwi tayong lahat ng buhay at para mangyari ay hindi ka pweding mawala sa paningin ko." Wika ni Guyo.
"Diba lumilipad din naman ang kambit mo na si misyotigre?" Pangungumbinsi pa ni Alena. "Mauna nalang tayong dalawa.
"Hindi pwedi. Sabaysabay tayong umalis kaya sabaysabay din dapat tayong makarating." Muling pagtangi ni Guyo. "Hindi lahat ng mga kambitan ay may kambit na lumilipad."
Napatingin pa muna si Alena sa mga kasama nilang kawal na lahat ay may kanyakanyang kabayong sinasakyan.
Napabuntong hininga na lamang si Alena at tamad na pinagmasdan ang naglalakihan na mga puno.
"Ale matanong nga pala kita—"
"Una sa lahat, wag mo akong tawaging Ale." Putol ni Alena sa pagsasalita ni Guyo. "Bilang kawal dapat tawagin mo akong ginagalang na Adana. Kung ayaw mo ay pwedi mo din akong tawaging binibine."
"Kapag nahanap ko na ang totoong mga magulang ko at hindi ka pa pinakasalan ng tagapagmanang prinsipe ay gagawin kitang Ginang ng aking kabahayan. Doon ay tatawagin kitang Mahal kong Ale."
"Eeee...." Agad namang nandire si Alena sa mga sinabing iyon ni Guyo. "Yuko naman ng kaunti, taas ng pangarap ah. May kabahayan pang nalalaman eh nakatira nga lang sa himpilan."
"Ha! Ayon kay tatang na nakapulot sa akin, ang balabal na ibinalot sa akin noong napulot niya ako ay isang mamahaling tela na tanging mula sa angkan ng mga dato lamang ang makakabili." Pagmamalaki ni Guyo.
"Hindi pa ba sayo sapat na inampon ka na ng lola ko at kailangan mo pa talagang hanapin ang totoong mga magulang mo? Iniiwan ang pinapangarap ng marami na maging kasapi sa pangunahing pamilya ng Agila at nangangarap na mapabilang sa pamilya na nang-iwan ng isang sanggol."
"Dahil alam kong sampid lang ako sa Agela. Alam mo yung pakiramdam na parang maligamgam? Sa kabahayan ng Agela ay hindi ako tauhan at hindi din naman panginoon. Wala ni ano o sino ang masasabi kong akin."
Hindi na nagsalita pa si Alena. Hindi niya akalain na ganoon pala ang iniisip ni Guyo, kaya pala pumasok ito sa kabahayan ng piling kawal. Naalala niya ng malaman ng reyna na nakapasa ito ay kinausap pa ito upang bigyan ng mas mataas na katungkulan ng tumanggi lamang si Guyo. Iginiit nito na makikilala siya ng boong kaharian sa sarili niyang pamamaraan at walang kaugnayan sa Agela.
Naghanap na lamang si Alena ng maaari niyang gawing unan sa loob ng karwahi at natulog na.