5 Chapter 5

Chapter 5

Naalala ko na naman yung pagkikita namin ni bryan kahapon, parang ang saya saya nya no? sana all.

Naisip ko na lang mag bukas ng messenger kesa mag emote dito dahil sa isang taong ayaw ako ilove back, chos.

Pagkabukas ko ng messenger nakita ko na naman yung mga message ni tavisy, hanggang ngayon kasi nangungulit sya sa akin ei.

Tavisy's message

"Hi po beb"

"beb? kamusta na beb?"

"beb, pansinin mo naman ako"

Wow, beb? naol.

Bumaba na ako para kumain nagprito ng tilapia si mama ei, peborit ko yun ei.

"Oh, balita ko ay break na kayo ni bryan yung anak ni kumare?"Pagbubukas ni mama ng topic, ano ba yan kanino naman nya nalaman yan?

"Kanino mo nalaman ma?" Tanong ko kay mama, habang ngumunguya.

"dyan sa kuya mo, nagkita raw sila ni bryan kahapon" Sabi ni mama, agad ko namang tinignan si kuya nang masama, ngumiti lang sya na parang anghel, painosente amp.

"Hindi nama naging kami mama e, nakikinig ka jan kay kuya e mali mali mag imbento ng kwento yan" Sabi ko kay mama na agad  namang kinontra ni kuya.

"Imbento ka jan, ang sabi ni bryan binlock mo daw sya bigla" Sabi ni kuya.

Oo, ngat binlock ko sya, kasi ayoko ng magkaroon ng kumunikasyon pa kay bryan, grabe yung impact ng sakit na binigay nya sa akin e.

"Asan yung break don?" Tanong ko kay kuya. Napanguso naman sya, yak.

"Wala naisip ko lang naman, bakit mo ba sya ib-block kung hindi naman kayo nagka-problema" Paliwanag nya, sus.

Hindi ko na lang pinansin si kuya tapos naghugas na lang din ng plato, tapos na rin naman na kaming kumain.

Umakyat na ako, pagkatapos kong maghugas ng pinggan.

"anong label nyo?"

   

"wala"

"hindi ba naging kayo?"

"PQ lang naman kami e"

"PQ?"

"Pang Quarantine"

Nabasa ko sa isang post, natawa naman ako, napag isipan ko na posible kayang PQ lang din kami ni bryan HAHAHA.

Napag pasyahan ko na lang na mag omegle sikat yon sa fb eh.

Habang naghihintay ako, nagulat ako  dahil nakita ko si bryan sa screen.

Kung minamalas ka nga naman talaga o, handa na sana akong i next yon ng magsalita si bryan.

"Teka lang please, pakinggan mo ko" Sabi nya. "Iun-block mo na ako ayokong dito tayo maguusap" Sabi nya pinatay ko na agad tapos inunblock ko sya, wala e marupok.

Hindi lang naman siguro ako ang marupok ehe.             

Nakita ko agad si bryan na tumatawag. ang bilis naman nya pre, pero deep inside kinikilig talaga ako HAHAHA sweet eh.

Sinagot ko din naman sya agad.

"Bakit?" Walang reaksyon kong tanong.

"Please, comeback" Sabi nya, wow kapal.

"Bakit ako babalik? atsaka anong sinasabi mo? wala ngang tayo eh, ikaw yung nang reject sa akin diba? ang masakit pa don iniwan mo ako sa ere, wala kang sinasabi, pinatay mo biglan yung tawag" Sabi ko sa kanya at sa pagkakataong ito ako na mismo yung pumatay ng tawag. Ang kapal nya ha sobra.

Nag chat sa akin si bryan.

"Please, sorry okay? i am just shocked i love you too" Ha? hatdog ba sya ano yan pam-palubag loob?

Tumawag ulit sya at sa pagkakataong ito sinagot ko ulit.

"Ano yung sinasabi mong gago ka ha?" Sabi ko sa kanya.

"Mahal talaga kita, please kung pagbibigyan mo ako pwede ba kitang ligawan?" Sabi nya, ewan  ko.

Give a second chance, ika nga nila. Pero worth it ba?

"Okay"

--

Isang araw na rin ang nagdaan simula ng sagutin ko si bryan, hindi ko pa sinasabi kala mama.

Simula din nang araw na yon, mas naging sweet at caring sya, i know it's natural kasi you know, kami na hindi tulad noon na complicated pa.

Sa ngayon nag eenroll pa ako hahaha, pero si mama na pina sagot ko dun, kaya naman nya yon eh, at saka kausap ko si bryan ngayon hehe.

"Bebs, naka pag enroll ka na?" Tanong nya. kaka sabi ko lang diba.

"Yup, ikaw?" Tanong ko, balita ko rin pala bukas na malalaman kung ano section mo, dipende sa kung anong time ka or may kasabay ka yun na ang classmate mo.

"San ka nga pala mag-aaral?" Tanong ko sa kanya nung nakaraan kasi sa kabilang bayan sya nag enroll.

"Secret" Ano kaya yon, ang daming arte secret, secret pa HAHAHAHA chos.

"Wait, tanong ko lang kay mama kung tapos nya na ako ienroll ha?" Tumango lang sya sa akin.

--

Kinabukasan, balak namin ni bryan na sabay kami titingin kung ano section namin, ewan ko ba arte nya HAHA.

"Tignan mo na section mo" Sabi nya tapos ngingiti ngiti.

Pagtingin ko section B pala ako haha. Napatingin naman ako sa kanya ngumisi lang sya.

"Ngingisi ngisi mo jan bebs" Tanong ko, naglaho yung ngisi nya.

"Hindi mo pa ba nakikita?" Tanong nya.

Ang alin?

Tinignan ko ulit yon, tapos wahh!  classmate kami! kaya pala pa secret secret pa sya HAHAHAHAHA.

Nginitian ko sya.

avataravatar