3 Chapter 3

WARNING!! THEY'RE MANY TYPOGRAPHICAL AND GRAMMATICAL ERRORS IN THIS CHAPTER. Please accept my apology in advance.

Chapter 3

Magka video call kami ngayon ni bryan, habang naghuhugas sya ng pinggan. Tinatawanan ko nga sya eh, basang basa na kasi damit nya, paano napaka lakas ng gripo.

Ngingiti ngiti lang sya sa screen,  akala mo ay isang batang tuwang tuwa sa joy dahil sa bula.

Natawa ako sa naisip. Ganyan din kasi ako pag naghuhugas ng pinggan, sinasadya ko talagang damiham yung joy sa sponge para maraming bula.

Hindi naman sa nagsasayang ako atsaka choosy pa ba sila, ako na nga naghuhugas dahil wala ka namang aasahan sa kuya ko.

Hindi na ako magtataka kung tatandang binata yan si kuya. Paano ba naman kasi, walang ibang inatupag kung hindi ang mag LOL, GTA, CF at kung ano ano pa sa computer nya.

Pag cellphone naman ang hawak nya ay nag e-ml sya, hindi ko maipagkakaila na naglalaro din ako ml. Sa katunayan nga nyan ay legend na ako.

Minsan din naman nag rarank kami ni bryan, mythic na sya eh tapos papabuhat ako para mythic din ako hehe.

Tapos na rin pala si bryan maghugas ng pinggan, basang basa damit nya.

Andami ko ng nachika, hindi namang halatang madaldal ako diba, diba?

"Ano bayan maghuhugas ka lang ng pinggan ay dala dali mo pa ang laptop mo, paano pag nasira yan ha?" Sabi ng boses sakanila bryan. Sino kaya yon.

"Ma, hindi yan may kausap lang ako."  Rinig kong sabi ni bryan sa mama nya. Mama nya pala yon.

"Sino ba iyan at parang kay importante naman?" Napakagat lang ako sa labi dahil sa narinig.

Hinintay kong sumagot si bryan.

Nakita kong hinarap ako ni bryan sa mama nya.

"Ay kaganda naman pala" Namula naman ako agad. Enebe chos!

Nakita ko si bryan na ngingiti ngiti maya maya pa ay tumawa sya.

"Maganda ba yan?" Nahihimigan ang pang aasar sa tono nya. Aba'y siraulo anong pinapalabas neto pangit ako?

Pinanlakihan ko lang sya ng mata. "Sino ba yan girlfriend mo ba yan?" Tanong ng mama nya. Mas lalo akong namula dahil maski ako ay hindi ko alam.

Charot! wala naman kaming relasyon friends lang hehe.

"Hindi po tita. Ako nga po pala si arrissa" Sabi ko nalang kay tita.

"Ay ikaw ba ay anak ni meredith?" Pagtutukoy nya sa pangalan ni mama. Magkakilala ba sila?

"Kilala nyo po si mama?" Tanong ko.

"Kaibigan ko yon. Hindi mo ba ako naaalala? ako yung dumadalaw sainyo nung bata ka pa, hindi lang ako talaga nakadalaw dyan simula ng lumipat kami rito." Sabi nya. Parang wala naman akong naaala.

"Gusto nyo po bang kausapin si mama?" Tanong ko, tumango lang sya.

Bumaba na ako ng hagdan nakita ko pa si papa at kuya na nanonood ng tv.

"Maa may kakausap daw sayo" Pagtawag ko kay mama na nasa sofa.

"Sino yan" Tanong ni kuya

Hindi ko nalang sya pinansin. Nakita ko naman na lumapit si mama na may nagtatanong na muka.

Pinakita ko nalang sa kanya yung laptop.

"Uy, ikaw pala yan? kamusta na? bihira nalang tayong magkita ha" Rinig kong usap ni mama.

Hinayaan ko na sila at nag chat nalang kami ni bryan baka kasi hindi na kami yung maging bida ng kwentong ito at baka maging sila mama na.

" Si meredith at ang kanyang kumare"

Natawa na lang ako sa naisip kong title ng story nila.

Ano bayan arrissa puro kalokohan nasa isip mo.

Bryan

-yow

Chat nya yan saakin, 5 minutes ago pa. nagreply lang din ako sakanya ng sticker na may hello.

Paano kaya kung i-arrange marriage kami? charot!

"Arrissa eto na laptop mo" Sabi ni mama tapos pumasok na sa kwarto.

"Jan mo nalang ma" Sabi ko.

"Ka-gwapo pala nung anak ni kumare arrissa landiin mo kaya? atsaka paano mo na contact si kumare?" Tignan mo eto si mama turuan ba naman ako lumandi? hindi nya alam nilalandi ko na si bryan, charot.

Friends only.

"Kaibigan ko nga yung anak nya mama na sinasabi mong gwapo" Sabi ko kay mama.

"Mabuti yan at nang magkamabutihan kayo" Tinarayan ko nalang si mama sa sinabi nya.

Ipilit daw ba kami ni bryan. 'sus parang ayaw mo' ay epal ano ba yan kung ano ano na naririnig ko.

"O sya, sige na matutulog na ako. Basta anak ha alam ko na" Tumaas taas pa kilay nya.

"Maaaa!!!!" Ano ba yan si mama, dali dali naman syang umalis at kumaway pa.

Napaisip tuloy ako. Pwede bang more than friends na hehehehe?

Charot.

Nalason na ata ni mama utak ko.

avataravatar
Next chapter