webnovel

Ikalawang Yugto

Umupo ako sa silya ng hindi ko namamalayan. Hindi pa rin ako makapaniwala kung bakit ako naririto sa silid na ito, sa panahong ito. Nanaginip ba ako? Sinuri ko ang bawat mukha sa aking paligid. May ilan na aking pang natatandaan ang pangalan ngunit karamihan ay mukha na lamang sa aking alaala.

"Kyaa… Mak alam mo ba? Alam mo ba?" Patiling lumapit sa akin si Carla o sa pagkakatanda ko ay Carlos ang kaniyang tunay na pangalan.

Kunot noo ko sa kaniyang binaling ang aking paningin. "Na nananaginip pa rin ako? At panahon na para gumising?"

"Baliw" Pabiro niyang hinampas ang aking balikat at iniangklang tuluyan ang kanyang kamay sa aking braso. "May bagong dayo." Pabulonog niyang wika sa akin.

"Dayo?" Halos hindi ko na mauniligan ang aking tinig. Bumilis ang pintig ng aking dib-dib. Kung bumalik ang panahon ng labing isang taon-

Hindi ko na napansin ang pag-alis ni Carla sa aking tabi, ang sumunod na tagpo ang nagpatigil ng aking mundo.

***Ala-ala ni Maki***

"Maki, di ba sabi ko naman sayo sasamahan kita?"Nagtatampo niyang sabi sa akin habang hinaharangan ang aking daraanan.

"At sabi ko din naman sayo kaya ko namang mag-isa." Napapailing ko sa kanyang sabi, ngunit kinabig ko na rin siya sa aking tabi at sabay kaming lumakad. "Libro lang bibilhin ko. Di ba't kailangan mo pang mag-aral dahil may pag-susulit pa kayo sa Martes?"

Pinadyak-padyak niya ang kanyang paa habang nagmamaktol na nagwika, "Ayaw ko. Wala akong ganang mag-aral pag wala ka sa tabi ko."

Marahan kong pinitik ang noo niya at natatawang sinabi, "Hindi ka naman nag-aaral pag nandun ako. Puro ka kalokohan."

Kinabig niya ang kamay ko na pumitik sa kanya at inilapat sa kanyang mga labi. "Mas maganda ka sa mga libro."

Namumula kong hinila ang aking kamay at kinurot-kurot siya sa tagiliran, "Ayan, hindi ko talaga alam kung paano ka nakakapasa, puro ka pambobola."

Tumatawa niyang inilagan ang aking mga kamay. Para kaming mga bata sa kalsada na naghahabulan, walang bahid ng anuman.

***Kasalukuyan***

"Maki, bakit ka umiiyak?" Narinig kong turan ni Ginang Lupig sa akin. "Masyado bang magandang lalaki si Jay at hindi mo napigilang mapaluha?" natatawa niyang sambit habang nakitawa na rin ang buong klase.

Alam kong pabiro niya itong sinabi ngunit hindi ko na napigilan ang pag-ragasa ng luha sa aking mata. Muli kong ibinalik ang aking pansin sa binatilyong lubos kong pinanabikang makita. Ilang buwan ko na siyang hindi nakita? Unti- unti siyang lumapit sa akin at tila ba sa hindi ko na mabilang na pagkakataon naramdaman kong nahulog ang loob ko sa kanya.

Nakangiti niya akong inabutan ng panyo, ngunit wala akong lakas para abutin ito. Naruruon ang pangambang mag-lalaho siya kapag inabot ko ito. Nais ko siyang kabigin at yakapin ngunit natatakot akong magising sa panaganip na ito sa oras na mahawakan ko siya.

Naramdaman ko na lamang ang marahang pagdampi ng tela sa aking pisngi. Ang maingat na pag pupunas niya sa aking mga luha na parang bang ulan matapos ang mahabang tag-tuyot.

"Marami na akong napaiyak na babae, pero ngayon lang nangyare na may uniyak pag-kakita pa lang sa akin." Nanunukso niyang sabi sa akin habang patuloy ang pagpahid niya sa aking luha.

Matalim ko siyang tiningnan at madahas na kinuha ang panyo sa kanyang kamay. "Mas gwapo si Cole sayo." Hindi ko napigilang bulalas sa kanya at madalian akong tumayo at lumabas ng silid.

Next chapter