1 PROLOGUE

SAMPUNG MINUTO ANG NATITIRA...

Sa loob ng eskwelahan, ay may isang babaeng opisyal na nakaupo sa loob ng opisina nito at matamang nakatingin sa isang estudyanteng nakaupo rin.

Ang tanging nakapagitna sa kanila ay ang mesa.

Magkaharap ang dalawa ngunit walang nangangahas magsalita.

Tumingin ang opisyal sa orasang nasa dingding.

Sampung minuto na lang ang natitira sa kalahating oras na ibinigay na limit sa kanya para kausapin ang kasama.

Kapag hindi niya ito nagawang kausapin sa loob ng kalahating oras ay manganganib ang kanyang posisyon bilang Psychiatrist sa naturang unibersidad.

'Hindi ako papayag na mangyari 'yon!'

Hindi nakatiis ang opisyal at marahan siyang bumuntong-hininga para makapagsimula ng makipag-usap.

Lumunok muna siya para pakalmahin ang sarili bago nagtanong.

"Bakit ka..." naudlot ang sinasabi niya nang makita ang pagdilim ng mukha ng kaharap kahit pa nakayuko.

Mariin siyang napalunok uli dahil sa tindi ng kaba, subalit nagdesisyon siyang ituloy ang tinatanong kahit pa natatakot siya.

Natatakot siya dahil dalawa lang sila.

Sinadya niya 'yon para makausap ito ng masinsinan. Makausap ito ng walang isturbo at ng sarilinan.

Natatakot rin siya dahil hindi na ito bata, nasa tamang edad na at kolehiyo na isang taon na lang magtatapos na ito.

Halos lahat ng mga estudyante rito ay nasa tamang edad na nang mag kolehiyo kaya naman hindi na bata ang mga estudyante nila nasa tamang edad na ngunit ang tanong nasa tamang pag-iisip ba?

Gaya nitong kausap niya ngayon?

Ito na ang pagkakataong makausap ang naturang estudyante kaya hindi na niya palalagpasin!

Isa siyang guro kaya kabaliwan ang matakot sa isang estudyante lang.

Ito ang estudyanteng mastermind ng pagiging Psychopath.

Notorious murderer.

Bumuga uli siya ng hangin bago ipinagpatuloy ang tinatanong.

..."p-pumapatay?"

Humagkis ang matalim nitong tingin sa kanya kaya nanlalaki ang kanyang mga mata at napaatras.

Nagsimula siyang pawisan kahit pa naka full ang aircon sa lamig.

Tumayo ang kausap.

Kumabog ng husto ang kanyang dibdib sa tindi ng takot. Napaupo siya ng tuwid.

Naging alerto siya at naghagilap ang mga mata ng pwedeng ipanlaban kung sakali man.

Alam niyang anumang oras ay maaari siyang mapahamak. Isang maling galaw lang niya tiyak ang kanyang kapahamakan.

Dahan-dahan nitong inilapit ang mukha sa kanyang mukha kaya nanigas siya sa kinauupuan.

Itinukod pa nito ang isang kamay sa mesa habang paunti-unting lumalapit.

Hindi niya ito hinihiwalayan ng tingin, gano'n din ito kaya habang papalapit ito ay nakatitig sila sa isat-isa.

Hindi siya nagpahalata na natatakot siya rito ngunit ang isang kamay niya ay nakahawak sa isang bote sa loob ng bag. Tuwid na tuwid ang katawan niya kahit nakaupo pa. Handa siya sa pag-atake nito kung gagawin man 'yon ng kaharap.

Patuloy pa rin ito sa paglapit sa kanya kaya humihigpit ang pagkakahawak niya sa bagay na nasa loob ng bag kahit pa nanginginig ang kamay.

Itinigil nito ang paglapit nang dalawang dangkal na lang ang pagitan nila saka nito ibinuka ang bibig at nagsalita.

"Bakit ka... nagtatanong?" Malamig at mahinahon nitong saad na para bang napakabait at napaka inosente.

Tinapangan niya ang mukha para ma intimidate ang kausap.

Mariin niya itong tinitigan bago sinagot, "Gusto kitang kilalanin."

Ngumiti ito, maging ang mga mata nito tingin niya ay nakangiti rin. Umaliwalas ang anyo ng estudyante at nagmukhang maamo sa kanyang paningin, ngunit hindi niya ibinaba ang depensa. Hindi siya padadala sa mga ipinapakita nito.

Gumalaw pa ito at inilihis ang ulo patungo sa gilid ng kanyang pisngi.

Tumigil ito nang tumapat ang bibig sa kanyang tainga bago sumagot ng pabulong.

Nanlaki ang mga mata ng opisyal sa narinig subalit nakabawi rin sa pagkabigla dahil tumayo ng tuwid ang kausap sa kanyang harapan saka ngumiti.

Isang magaan na ngiti kasabay ng maaliwalas nitong anyo.

Isang malalim na paghinga ang pinakawalan niya bago nagdesisyon sa isang bagay na kailangan niyang gawin.

'Ang mga estudyante rito, mababait ngunit may saltik...'

avataravatar