webnovel

Prologue

Prologue

Alisha's POV

Napadaing ako sa sakit ng tumama ako sa matigas na dingding. Napahawak pa ako sa braso sa sakit dahil sa pagkakahampas ko sa pader.

Humarap ako kay Elissa pero sinimulan naman niya akong dinuro-duro hanggang napapaatras ako. Habang pakanta-kanta naman ang dalawa pang kasama niya na sina Micah at Chloe.

"Sino ka ba sa akala mo, huh?" Inis na sigaw pa niya sa akin. Kinuha ko ang natitirang pera sa bulsa ko at inilahad sa kanya.

"Kunin mo na ito at umalis." Walang emosyong saad ko dito pero tinawanan lang nila ako.

"Alam mong hindi ko kailangan niyan dahil marami ako niyan." Pagmamataas pa niya. "Sino ka para magbigay ng pera?" Saad pa nito sa mukha ko at pinagpatuloy ang pangduduro sa akin.

"Tama na sa pagiging selosa mo." Walang emosyong usisa ko.

"Ano? Anong sabi mo? Selosa? Ako?" Umakting pa itong natatawa pero alam kong inis na inis na siya. "Gusto kong masuka sa pinagsasabi mo."

"Nagseselos ka na. Sa tuwing makakakita ka nang mas maganda kesa sayo... hindi mo maiwasang i-bully sila." Balik ko sa kaniya. "Ang mukha mo ngayon ay sobrang pangit. Gusto ko tuloy masuka."

"Baliw ka talagang babae ka. Tang*na mo!" Sigaw niya sa akin at itinulak ako ng malakas dahilan para mapaupo ako at tumama sa tatlong nakahilerang basurahan. Umupo siya sa harap ko para magkatapat kami at noo ko naman ngayon ang dinuro-duro niya. "Baliw ka ba? Hindi ka ba natatakot sa akin?" Hindi ako sumagot. Agad siyang napatayo at inis na nagsisigaw. "Binabaliw mo ako. Gusto kitang ibaon ng buhay sa lupa. Ayy, tang*na." Papasugod pa sana siya sa akin ng pigilan siya ng mga kasama niya.

"Maghunos-dili ka." Payo sa kaniya ni Chloe.

"Gusto mo talagang mabugbog ngayon, huh? Gusto mong makakita ng dugo?" Sigaw pa niya sa akin pero nanatili lang akong walang imik. Nagpumilit pa siyang lumapit sa akin nang mapatigil ito.

"Hindi ako makapagsigarilyo dahil sa ingay niyo." Matigas na sabi nito.

"Jonathan..." Ang isang matapang na tigre naging isang maamong pusa na hindi alam kong ano ang gagawin. "Hindi ganun yon. Ito kasi..." turo pa niya sa akin.

"May lighter ka?" Maangas na saad ni Jonathan habang may isang stick pa ng sigarilyo sa bibig nito at hindi pa nasisindihan.

"L-lighter? W-wala. Wala akong lighter." Malumanay na sagot naman ni Elissa.

Dahil sa inis ay idinura niya ang sigarilyo sa harap namin."Kung wala, hindi ba tumatakbo na kayo ngayon at bumili ng lighter?" Maangas parin na tanong ni Jonathan.

"Oo. Sige." Wala namang nagawa ang tatlo kundi nagsitakbuhan pero bumalik si Elissa dahil sa bag na naiwan.

Nang makaalis sila ay hindi ko maiwasang mapangalumbaba sa takot dahil sa titig na ipinipukol nung maangas na si Jonathan. Dahan-dahan siyang lumapit sa akin at naupo sa harap ko. Napalunok ako ng tatlong beses at linakasan ang loob para tumingin sa kaniya. Hindi ko maiwasang manginig dahil sa takot sa kaniya.

"Nagkikita tayo parati." Napalunok ako at nanghihina ang tuhod ko dahil sa takot. "Iwasan nating magkita parati." Dagdag pa nito at sinenyasang umalis na.

Kahit nangangatog ang tuhod ay nagawa ko pa ring tumayo. Nakakailang hakbang palang ako ng mapaupo ako. Hindi ko na magawang tumingin sa gawi niya dahil alam kong nakatingin parin siya sa gawi ko. Kaya inipon ko ang natitirang lakas at tumayo bago kumaripas ng takbo.

Lakad-takbo, lakad-takbo ang ginagawa ko at ramdam ko ang pagpatak ng sariling pawis. Ang bilis ng tibok ng puso ko at kahit nakalayo na ako ay hindi parin tumitigil ang pagbilis ng tibok nito. Nandun pa rin yung kaba.

Dahil sa takot at pagod napasalampak na ako sa sahig. Kinapa ko and dibdib ko sa sobra-sobrang lakas ng tibok nito. Ilang minuto pa akong nasa ganun ang posisyon nang maramdamang kumalma na kahit papano ang nararamdaman ko. Tumayo na ako at dahan-dahang naglakad.

Nasa gitna ako ng paglalakad ng may marinig akong kaluskos na nagmumula sa likod ko. Naririnig ko ang bigat ng mga hakbang. Naramdaman ko na naman ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Hindi ko na nagawang lumingon at agad na tumakbo palayo sa lugar na iyon.

Pagliko ko, hindi ko nakita ang nadaraanan ko at hindi inaasahang nadapa ako. Natanggal ang isang suot na sapatos ko. Hindi ko na pinansin ang sapatos ko at hindi ininda ang sakit ng tuhod gawa ng pagkakadapa ko, kahit nahihirapan ay ipinagpatuloy parin ang pagtakbo.

Agad na napatigil ako ng makita na wala ng daan. Napasok ako sa isang eskenita na walang lagusan dahil may mga bagay na nakaharang dito. Kahit sobrang hapdi na ng tuhod ko ay sinubukan ko pa ring akyatin ang nagsisilbing harang pero dahil sa nerbyos napabitaw ako sa pagkakakapit ko at nahulog.

Agad akong tumayo at sinubukan ulit na umakyat nang isang kamay ang pumigil sa akin, nagpumiglas ako pero huli na nang malakas na inihampas ako ni Jonathan sa pader.

Hinawakan niya ang magkabila kong balikat at hindi ko naman maiwasang mataranta. "Sinabi ko na kanina sayo Alisha, iwasan natin ang palagiang pagkikita." Matigas na saad pa nito sa harap ko.

"Jo-Jonathan. Nababaliw ka na ba?" Natatakot ako pero linakasan ko na ang loob ko para magsalita.

"Ikaw ang bumabaliw sa akin!" Napapikit ako dahil sa sigaw niya sa akin. Napalunok na lamang ako. "Kung alam mong mabubugbog ka na, bakit hindi ka pa magtino!" Bulyaw pa niya sa akin. "Makinig ka. Kung ayaw mong mamatay, pwes, takpan mo na ang tenga mo at bibig mo. Limutin mo ang mga nalalaman mo hangga't maaari. Wala kang nalalaman."

"P-pero..."

"Gusto mo na ba talagang mamatay?" Napapikit ako sa sigaw ng boses niya. "Ang mga taong makaalam nito ay maaaring mamamatay. Kaya wag na wag kang magsasalita. Yun nga lang kung gusto mo nang mamatay. Naiindindihan mo?" Dahil sa takot, wala na akong nagawa kundi tumango-tango sa harap niya.

Nakahinga naman ako ng maluwag ng binitawan na niya ako. Narinig ko pa ang pagbuntong-hininga niya at bumaling ulit ng tingin sa akin. "Sige na! Sabihin mo sa nanay mo para siya ang unang mamamatay." Saad pa nito bago ito naglakad paalis. Napasalampak na lang ako ng upo dahil sa takot at kasabay nito ang sakit sa tuhod ko. Napahikbi ako at hindi alam ang gagawin.

Ginamit ko ang natitirang lakas sa paglalakad pauwi. Nagpagewang-gewang angg ginagawa kong paglakad dahil sa halo-halong emosyon ng takot, kaba, at sakit na nararamdaman.

Mabuti na lang at hindi kalayuan ang bahay namin. Ramdam ko na ang malamig ng simoy ng hangin at naririnig ko na ang malalakas na paghampas ng alon sa dalampasigan. Naamoy ko na ang dagat at alam ko na malapit na ako.

Ramdam ko na rin ang pagod at nagsisirko ang buong paligid hanggang maramdaman na bumagsak na pala ako. Kumurap-kurap ako at humarap sa madilim na langit. Bumuntong-hininga ako at hindi napansin ang isang hakbang na papalapit sa akin. Unti-unting pumipikit ang mga mata ko. Gusto ko silang imulat para tingnan ang taong lumapit sa akin.

Kahit anong pilit ay hindi ko magawa. Naramdaman ko na lamang ang pagbuhat niya sa akin at nawalan na ako ng malay.

Agad na iminulat ko ang mga mata ng maramdaman ang pagdampi ng malamig na basahan sa noo ko. Agad na napaupo ako sa kama ng makita ang hindi inaasahang tao.

"J-Jo-Jonathan." Nabibiglang tawag ko sa pangalan niya. Bumuntong-hininga ito at inilagay muna ang basahan sa isang palanggana bago humarap sa akin.

Mas nanlaki ang mata ko nang biglang hawakan niya ang magkabilang balikat ko. "Kailangan mong humiga at magpahinga. Ang sabi sa akin ng nanay mo ay buong gabi ka raw na mataas ang lagnat."

"A-anong ginagawa mo dito?" Nanginginig ngunit buong tapang kong sigaw sa mukha niya. Inalis ko ang pagkakahawak niya sa balikat ko at linakasan ang loob kong tumitig sa mga mata niya. "Umalis ka na."

"O anak, gising ka na pala." Napatingin ako kay Nanay na biglang pumasok sa kwarto ko. "Humiga ka nga muna dahil may lagnat ka pa. Naku, mabibinat ka niyan." Saad pa nito at lumapit sa akin. Wala naman akong nagawa kundi humiga na lamang ulit at inayos naman niya ang kumot ko.

Bumaling siya kay Jonathan. "Ayy naku iho, naabala ka pa namin." Nakita ko ang pagsilay ng isang ngiti sa labi nito bago ako tinapunan ng tingin.

"Naku, hindi po. Okay lang po iyon." Sagot pa nito. "Wala naman po akong ginagawa sa bahay. Mas mabuti na pong narito ako at mababantayan ko pa si Alisha." Biglang bumilis ng tibok ng puso ko dahil sa kaba. Ayon naman yung takot sa loob-loob ko.

"Oh sya sige. Maiwa-" Naupo ako at agad na nahila ang braso ni Nanay ng tangka nitong tumayo. Binigyan ko siya ng tingin na hindi niya ko pwedeng iwan pero nagpumiglas ito. "Wag ka ngang ganyan. Mahiya ka naman sa bisita." Saway pa niya sa akin. Bumaling siya kay Jonathan at ngumiti. "Maiwan ko muna kayo iho, aayusin ko lang ang hapagkainan at kakain na tayo maya-maya." Sabi nito at dali-daling sinara ang pinto nang makalabas ito.

Wala na lang akong nagawa kundi humiga ulit at nagtalukbong ng kumot. Narinig ko naman ang pag-angil niya.

"Ganyan ba ako nakakatakot ngayon?" Rinig ko sa malumanay na boses nito.

"Kung wala ka nang sasabihin, pakiusap, umalis ka na." Saad ko sa ganoong posisyon.

"Sinong tinakot mo?" Rinig ko pa ang maikling pagtawa nito.

"W-wala akong tinatakot." Pilit kong kinukubli ang kaba ko pero hindi ko magawa sa laki ng epekto niya sa akin.

Narinig ko ang paggalaw nito at naramdaman ko na lang na natanggal na ang pagkakakumot ko. Inabot niya ang headboard ng kama ko at dahan-dahang inilapit ang mukha niya sa akin. Napalunok naman ako sa sobrang kaba. Naramdaman ko ang panginginig ng labi ko. Humigpit ang pagkakakapit ko sa kumot ko dahil ang lapit-lapit namin sa isa't-isa.

"A-ano s-sa tingin m-mo ang g-ginagawa m-mo." Pilit kong pinatatag ang loob ko. Nakita ko pa ang pagngiti nito ng nakakainsulto bago umayos ng tayo.

"Aalis na ako. Magpagaling ka at sa tingin ko ay marami pa tayong pag-uusapan. Kita tayo ulit." Paalam nito at agad nang lumabas ng kwarto ko.

Naiwan akong hindi alam ang gagawin. Napaupo ako sa kama ko at inabot ang dibdib ko dahil hanggang ngayon ramdam ko pa rin ang bilis ng takbo nito. Agad kong pinunasan ang biglang pagdaloy ng luha sa mata ko ng bumukas ang pinto at pumasok si Nanay.

"Nay!" Tawag ko sa kaniya at ngumiti.

"O anak, may nangyari ba? Nag-away ba kayo ng kaibigan mo? Bakit ka umiiyak?" Sunod-sunod na tanong nito habang palapit sa akin at yinakap ako. "Naku anak, ano tong mga pinagagawa mo? Mabuti na lang at nakita ka ni Jonathan sa dalampasigan at agad na inuwi dito." Agad na kumalas ako sa pagkakayakap sa akin at agad na tumingin sa kaniya.

"Siya po ba ang nagbuhat sa akin pauwi?" Mabilis na tanong ko na ikinagulat niya.

Kahit nanghihinayang ay sumagot pa rin ito. "Oo anak. Ang sabi niya nawalan ka daw ng malay sa dalampasigan kaya agad ka niyang inuwi. Kawawa nga ang batang yun e, gising siya buong gabi para bantayan ka." Kwento pa niya.

"Ginawa niya po yun?" Hindi makapaniwalang tanong ko at tumango naman ito.

"Oo naman. Sinabi pa niya na huwag ko sabihin dahil baka raw mag-alala ka. Papatayin mo kami sa kaba kagabi dahil ang taas ng lagnat mo." Napailing-iling pa ito at napatitig din sa akin kalauna. "Teka nga anak." Ako naman ang napatitig sa kanya. "Bakit ka kinakabahan? Bakit ka kinakabahan tuwing sinasabi ko yung mga ginawa nung batang yun?" Napalunok naman ako agad. "Teka nga, inaaway ka ba ng batang yun?" Nagpeke ako ng tawa.

"N-nay naman, k-kaibigan ko po yun. T-tsaka ikaw na po ang nagsabi na nag-effort siyang gising para bantayan ako. Kaya h-hindi naman niya siguro gagawin yun sa akin." Ngumiti ako sa kanya para ipaniwala sa kaniya ang gusto niyang paniwalaan.

"Sigurado ka anak?" Tanong pa nito at tumango na lang ako. Ngumiti ito sa akin at agad na naupo sa kama ko. "Pero alam mo anak," Sabi pa nito. Inabot niya ang suklay sa mesa ko at sinimulang suklayin ang mahaba kong buhok. "Ang gwapo ng batang iyon at sobrang bait pa. Nakita ko kung paano ka niya alagaan kagabi. Nakakainggit nga e dahil ang sweet-sweet niya sayo." Hindi ako nakapagsalita dahil lahat ng sinabi niya ay kabaliktaran ng mga sinabi ni Nanay.

Matagal ko nang kilala si Jonathan, nag-iisang anak siya ng pamilya Cadiente, ang may ari ng buong isla kung nasaan kami ngayon. Napakalaking sakit-ulo ng lalaking iyon dahil lahat ng gusto nakukuha nito. Mahilig siyang mambully at ang nakakatawa sa lahat ay isa ako sa mga pinahihirapan niya. Wala siyang pakialam kong pisikalan o emosyonal ang gagawin niya sayo. Ang importante sa kaniya ay makita ka niyang naghihirap, nasasaktan at nanginginig sa takot. Kapag naramdaman ko na ang presensya niya, kailangan ko nang kumaripas ng takbo para hindi niya ako maabutan. Ganun palagi ang scenario ko kapag nakikita ko at nararamdaman ko siya.

"Nak, okay ka lang ba?" Napatingin ako kay Nanay at nakita ko na naman ang pag-aalala sa mata niya. "Kanina pa kita tinatawag sa pangalan mo." Ngumiti ako para pawiin ang nararamdaman niya.

"Okay lang po ako. Gutom na siguro ako." Sabi ko at agad na tumayo sa kama.

"Teka, okay na ba ang pakiramdam mo?" Nag-aalalang tanong nito at tumango ako kasunod nun ang pagngiti sa kaniya. Sabay kaming lumabas ng kwarto at pumunta sa kusina para kumain.

"Nasan po si Tatay?" Tanong ko pa kay Nanay.

"Ay naku anak, nagpunta raw sa kabilang isla para doon manghuli ng isda." Sagot ni Nanay.

"Mag-isa po ba siyang pumaroon?" Tanong ko pa dito.

"Hindi anak. Huwag kang mag-alala dahil kasama naman niya sina Manong Oscar at Manong Cielo mo." Napatango-tango naman ako. "O anak, kumain ka lang oh." Saad pa niya at linagyan ng ulam ang pinggan ko. Ngumiti ako sa kanya at tumango pero agad rin napawi ang mga iyon ng makita ko ulit siya. Nasa labas siya nakatingin sa gawi ko at binabantayan ang anumang galaw ko.

"Okay ka lang ba, anak?" Bumaling ako kay Nanay at binigyan siya ng pilit na ngiti bago tumango. "Ano bang mayroon sa labas at ganyan na lang ang reaksiyon mo!" Napatingin siya sa may bintana sa likuran niya bago naman napatingin sa akin.

"Wala lang Nay. May nalala lang ako pero wag mo nang pansinin. Okay na ako." Sabay wagayway pa sa dalawang kamay ko.

"Sabi mo yan ha!" Tumango-tango ako at hindi na pinansin si Jonathan sa labas ng bahay namin.

Prologue done!

I-am-Midnight🔱

Don't forget to vote~comment~share

^_^~^_^~^_^~^_^~^_^~^_^~^_^~^_^