webnovel

Chapter 1

Nagising ako ng marinig ko ang mga boses ng mga kaklase ko habang nag-uusap usap sa unahan. Kunot noo kong tinaas ang aking ulo. . .

'Nasaan si Prof?'

Agad akong napatampal sa sarili kong noo at saka daling dali kinuha ang aking cellphone upang tingnan ang oras.

~Sh*t

"Akala ko di ka na gigising sleeping beauty?"

Napalingon ako sa aking likuran nang marinig ko si Jesse na nagsalita. Kunot noo ko siyang tiningnan habang pilit na di patiklupin ang mga mata ko na ina-antok pa.

"Talagang pinanindigan mo bes!" she giggled habang may pagpalakpak na nalalaman.

Sinamaan ko siya ng tingin na kinatigil niya at saka marahang inayos ang mga libro at ballpen na nasa ibabaw ng desk ko.

Naptigil ako ng tumikhim siya na parang may gustong hulihin sa akin. Tiningnan ko siya at talaga tama ang hinala ko.

"What?" naasar kong asik sa kaniya at iling lang ang natanggap kong sagot.

Pinagpatuloy kong maglipit ng aking mga gamit nang biglang mag-ring ang aking phone. Si Ian?

"Hello" bungad ko ng sagutin ko ang tawag niya. Agad naman napatayo si Jesse na naka-upo sa tabi ko at saka masayang tinanong ako.

"Sino iyan?" she asked.

"Bakit Ian?" may diin ang huling salita ko at narinig ko naman inilingan ako ni Jesse.

'Tch'

"Nasaan na kayo? Bumibili na kami ng drinks? Sabay ba kayo sa amin?" sunod sunod na tanong ni Ian kaya napalayo ko ang cellphone dahil sa naka-loud speaker pala phone ko.

Sasagot na sana ako ng umentra sina Luan at Marie na may kaniya-kaniyang hawak na inumin.

"Sino kausap m-" di natapos na tanong ni Luan ng biglang magsalita si Ian sa cellphone.

"Hoy sasabay ba kayo?" Malakas na tanong ni Ian na sapat marinig nila Luan at Marie.

Agad naman lumapit si Luan sa direksyon namin habang sinu-sukbit ko ang strap ng aking bag sa aking balikat.

Nakangiti naman kinuha ni Luan ang phone ko sa ibabaw ng desk at saka mahinang bumangisngis bago sumagot.

"Sasabay kami sa inyo!"

Napangiwi ako sa ka-kornihan niya dahil seriously parang ewan lang ang peg may patawa-tawang pang nalalaman. Narinig ko naman na napatawa sina Jesse at Marie sa ginawa ni Luan.

'So childish'

"Aah okay wag nalang!"

Biglang napatampal ng noo si Marie at biglang pumait ang lasa ng mukha ni Luan ng biglang nagsalita ang magaling manira ng trip sa amin.

"Ah okay, basta di ka makakapasok sa bahay namin." entrang sagot ni Marie sa phone ko at saka pinatay na ang tawag.

Natawa ako sa ginawa niya dahil, ano ang ba nagustuhan niya sa lalaking malayo sa personality niya?

Humagalpak ng tawa naman si Luan na parang nagwagi sa asaran samantala naman si Marie ay serysong nakatingin sa akin?

"What?" natatawang puna ko sa kaniya.

Narinig ko siyang bumuntong hininga at saka tumalikod. 'Anyare doon?'

Napalingon ako kay Jesse at Luan na napatigil rin sa pagtawa... Ba't ba sila ganito sa akin?

"Ano ba iyan, ang slow mo naman sleeping beauty!" Jesse exclaimed habang nagtatakang kong tinitigan siya.

"Oo nga slow!" tawa ni Luan habang hawak hawak ang tiyan...

Ano ba nangyari?

"Adios! Sleeping beauty's phone is mine! Gotcha!"

Napatigil ako sa sandali nang marinig ko ang matunog na sapatos ni Marie na pumasok sa loob kwarto hawak hawak ang...

MY PHONE!

"Marina akin na yan!" habol ko sa kaniya ngunit siya naman ay nginitian ako at saka tumakbo palabas.

Inis kong nilingon sila dahil... Arghh!

Dali-dali akong napatakbo papalabas ng classroom nang mapatigil ako dahil... Patay!

"Sorry po," pagtungo ko sa direktor.

Napa-angat ako ng tingin ng napatigil rin ang direktor ng school namin sa aking harapan.

'Bakit mukha siyang bata?'

"Ok, but next time be careful miss." mahinahong saad nito at saka naglakad muli.

Napalingon naman ako sa aking paligid para hanapin ang magaling kong kaibigan na si Marie.

'Lagot talaga siya sa akin'

"Hoy Issarie! Sino iyon?"

Napatalon ako sa gulat ng tawagin ako ni Marie na dala-dala parin ang phone ko at sumunod na lumabas ang dalawa...

"Conspirancy talaga kayo sa akin!" kunyaring nagtatampo na saad ko at saka unti-unting lumapit sa kanila.Nakangiti naman na lumapit sa akin si Jesse hawak hawak ang phone ko.

"Curious lang kami dahil you are always sleeping," bulong niya at tinapik ang balikat ko ng dalawang beses na kinangiti ko.

***

"Marie, sorry na asar lang iyon!"

Kararating lang namin sa  subdivision nina Marie at naabutan namin si Justin na mag-isang panay ang pagkatok sa gate nila Marie.

Malakas na tumikhim si Marie kung kaya napahinto si Justin ng na-realize niya na wala pa si Marie sa bahay ng marinig niya si Marie at saka nagsi-sigaw.

"Mel and Ian how da-"

"Shut your noisy mouth dahil I informed your friends na huwag kang papasukin." Marie cut Justin word.

Nakita kong bumulong ng mahina si Justin na di ko marinig dahil sa malayo ang distansya namin gawa huminto lang ang sasakyan ni Jesse sa may tabi para panoorin namin si Justin na mag-isang magtatalon.

Sumukay muli kami sa loob ng sasakyan at saka pinaandar uli ni Jesse ito sa likod ng sasakyan ni Justin. Agad naman lumapit sa gawi namin si Justin upang katukin kami.

"What do you need?" maangas na tanong ni Jesse sa pinsan niya ng pinagbuksan niya ng siya bintana. "Her!" turo ni Justin kay Marie na naka-cross arm na naka-upo sa tabi niya.

Napangiti ng walang bukas si Luan sa sinabi ni Justin samantala kaming dalawa ni Jesse ay napangiwi dahil seryoso. Ang korni niya talaga.

Mataray na bumaba si Marie sa kotse at muka sa bintana ay kita namin na tinuro niya ang likod ng sasakyan at napakamot nalang ng ulo si Justin dahil kailangan niya talagang gawin.

***

"Why took so long bro?" bungad sa amin ni Mel or let me say kay Justin.

Inilingan siyang nilagpasan ni Justin buhat buhat ang mga pinamili namin juices and junkfood that Luan insist para mamaya.

Narinig ko naman tumawa ang gaga kong katabi na si Luan at napatahimik siya ng biglang lumabas si Ian hawak hawak ang isang bote ng white wine.

"Seriously bro? Ang aga mo at saan mo nakuha iyan?" Mel asked at saka lumapit kay Ian na nakangiti.

"Secret!" masayang sagot ni Ian sabay kinggat sa gawi namin.

Nilapitan naman ako ng magaling kong kaibigan na si Jesse sabay ng sunod sunod niyang mga tanong.

"It is just a sleepover not hang-over"

#

VielyXx

Next chapter