webnovel

Chapter 1

[NIKA'S POV]

"Ang ganda-ganda naman ng anak ko. Bagay na bagay talaga sa 'yo ang unipormeng 'yan." sabi sa 'kin ni Nanay.

"This is it Nay. Matutupad na natin ang ating mga pangarap. Hindi niyo na kailangang magtrabaho para magkaroon tayo ng pera." sabi ko sa kanya.

By the way, I will introduce myself first. Hi! My name is Nika Anderson. Kapatid ako ni Gerald Anderson. Hahaha! Joke lang. I'm 21 years old. I am the new professor of De Guzman University of the Philippines. Ang saya ko nga nang matanggap ako bilang professor sa DGUP. Dream come true 'to para sa amin ni Nanay.

"Anak, salamat ha dahil lagi mo akong tinutulungan. Isa ka talagang mabuting anak." sabi sa 'kin ni Nanay.

"Wala 'yon Nay. Para naman sa atin 'to. Simula noong namatay si Tatay ay nagpursigi talaga ako sa pag-aaral para magkaroon tayo ng magandang buhay." tugon ko sa kanya.

"Hindi ko talaga pinagsisihan na maging anak kita." ani Nanay sabay yakap sa akin. Niyakap ko rin siya.

"Sige Nay, alis na po ako." paalam ko.

"Mag-iingat ka anak. Good luck sa first day mo. Malay mo ay mahanap mo do'n ang lovelife mo." sabi sa 'kin ni Nanay na may kakaibang ngiti.

"Nay, wala pa sa isip ko ang lovelife na yan." sabi ko sa kanya.

"Nagbabakasakali lang naman ako anak. Gusto kong maging masaya ka." ani Nanay.

Si Nanay talaga. Siya lang naman ang kasiyahan ko at hindi 'yon mapapalitan ng iba kahit poging lalaki pa 'yan.

Umalis na ako sa bahay para pumunta sa DGUP.

Bago ako pumunta sa DGUP ay napadaan muna ako sa sari-sari store para bumili ng chocolate drink. 'Yon kasi ang nakagawian ko tuwing umaga. Ang uminom ng chocolate drink.

"Pabili nga po ng chocolate drink." sabi ko sa tindera.

May biglang sumingit na isang lalaki sa akin.

"Isang chocolate drink nga." sabi ng lalaki sa tindera.

"Naku! Iisa na lang po yung chocolate drink namin." sabi sa 'min ng tindera sabay lagay ng chocolate drink sa harap namin.

Hinarap ko naman yung lalaki.

"Pasensiya ka na dahil ako ang nauna kaya sa akin 'tong chocolate drink." sabi ko sa lalaki sabay kuha ang chocolate drink.

"Miss, ako ang nauna. Pina-reserve ko lang 'yan sa tindera. 'Di ba Manang?" tugon ng lalaki sabay agaw sa akin ang chocolate drink na hawak ko.

Kinindatan pa niya yung tindera. Yung tindera naman ay kilig na kilig. Sus, feeling gwapo 'tong lalaking 'to. GGSS. Gwapong-gwapo sa sarili.

"Hindi. Akin 'to." sabay agaw ko sa kanya ang chocolate drink.

"Tignan mo, meron pa pala eh." sabi ng lalaki at may tinuro siya.

Ako naman ay nagpa-uto sa kanya kaya naagaw niya yung chocolate drink mula sa akin. Kainis siya!

Aagawin ko sana ulit yung chocolate drink sa lalaki pero inangat niya iyon gamit ang kamay niya.

"Abutin mo." sabi niya sabay behlat sa akin.

Hay naku! Ayokong makipagtalo sa isang abnormal na tulad niya.

Hinayaan ko na lang na mapunta sa kanya ang chocolate drink.

"Isang milk drink nga at isang milo." sabi ko sa tindera.

Kumuha ang tindera ng isang milk drink sa refrigerator at milo na nakasabit sa tali.

Pagkatapos ay inabot niya ito sa akin.

"Ito po ang bayad." ani ko sa tindera.

Tumatawa naman ang lalaking abnormal na nasa likod ko.

"Kawawa ka naman." sabi niya sa akin sabay pat sa aking ulo.

Pinalo ko naman yung kamay niya. Grabe siya makapat. Ano ako? Aso?

"Ouch! Ang sakit no'n ha." sabi sa 'kin ng lalaki at nag-sad face pa talaga siya.

Mukha siyang tanga.

By the way, hinaluan ko ng milo yung milk drink ko at shinake ko ito.

Pagkatapos ay tinikman ko yung milk drink with milo. Okay, pareho naman ang lasa niya sa chocolate drink na lagi kong binibili pero napamahal lang ako ng eight pesos.

"Masarap ba?" tanong sa 'kin ng lalaki.

Siya na naman? Nang-aasar ba 'to? Nakakainis na siya.

Hindi ko na siya pinansin at sumakay na lang ako ng jeep. Sumakay din siya ng jeep. Pero sa kasamaang palad, katabi ko siya.

Nika, wag mo siyang papansinin. Just enjoy your day.

Umandar na ang jeep.

"Manong, para po." sabi ko sa driver ng jeep nang nasa harap na kami ng DGUP.

Bumaba na ako sa jeep. Gano'n din yung lalaki.

Nang nakababa na ako ay napatingin ako sa taas.

***

Welcome to De Guzman University of the Philippines

***

Totoo ba 'to o nananaginip lang ako? Waaaaaa! Sa wakas ay makakapasok na rin ako diyan.

"Miss, tutunganga ka lang ba diyan o papasok ka na?" tanong sa 'kin ng lalaki.

"Ikaw na naman? Sinusundan mo ba ako?" inis na tanong ko sa kanya.

"Hindi ah. Ano ako? Staker mo?" tugon sa 'kin ng lalaki.

Ang kapal din nito.

"Kung hindi mo ako sinusundan, ano ang ginagawa mo rito?" pagtataray na tanong ko sa kanya.

"Professor ako dito sa DGUP." sagot niya sa 'kin.

Wait, tama ba ang narinig ko? Professor siya dito sa DGUP?

"Hahahahahahaha!"

Napatawa ako bigla. Hahahahaha! Grabe ang joke niya. Bentang-benta.

"Bakit ka tumatawa? May nakakatawa ba?" nagtatakang tanong sa 'kin ng lalaki.

"Hahahahaha! Oo, ikaw. Hahahahaha! Nakakatawa ka. Hahahahaha! Ikaw? Professor dito? Hahahahaha! O baka janitor ka lang dito. Hahahahaha!" natatawang sabi ko.

Pasensiya na kayo readers. Nakakatawa kasi.

"Sige, tumawa ka lang. Tingnan na lang natin kung tatawa ka pa rin mamaya." sabi sa 'kin ng lalaki at umalis na siya.

Hindi ako natatakot sa 'yo lalaking abnormal ka. At isa pa ay hindi na rin kita makikita kahit kailan.

Pumasok na ako sa DGUP. Wow! Ang lalaki naman ng mga buildings nila. Parang maliligaw ako nito.

[STEVIE'S POV]

Sinusundan ko ngayon ang babae kanina sa tindahan. Mukhang naliligaw siya. Buti nga sa kanya.

"Sir Stevie, anong ginagawa mo diyan?"

"Ay kabayong bading."

Nabigla ako dahil may isang babaeng nagsalita. Si Louise yung babaeng tinutukoy ko. Dahil do'n ay nakita ako ng babaeng sinusundan ko.

"Ikaw na naman? Please lubayan mo na ako janitor ka." sabi sa 'kin ng babae.

"Ahm Ma'am. Professor po rito si Sir Stevie at hindi po siya janitor." sabi ni Louise sa babae.

Napatingin naman sa akin yung babae. Ngumisi naman ako sa kanya.

Well, sino ngayon ang napahiya?

[NIKA'S POV]

Nakakainis siya! Dahil sa kanya ay napagalitan ako ni Mr. De Guzman. Huhuhu! First day na first day ko pa lang ay hindi na maganda ang performance ko dahil sa lalaking 'yon. At meron pa, makakasama ko pa siya sa iisang classroom tuwing weekdays. Ang malas ko naman ngayon.

Nanonood ako ngayon ng boring na discussion ni Mr. Abnormal--este Mr. Williams.

"Class. What is the factorial of 5?" tanong niya sa mga estudyante.

Sus! Ang dali-dali lang naman niyan. Ang sagot lang naman diyan ay 25.

"Sir, 120 po ang sagot." sagot ng isang estudyante.

Tama ba ang sagot niya?

"Tama ang sagot mo Ms. Reyes." tugon ni Mr. Abnormal--wste Mr. Williams sa estudyanteng sumagot.

Tama nga yung estudyante at mali ako. Pasensya na po. Mahina po ako sa Math.

Bigla namang nag-bell. Haaaaay sa wakas! Lunch break na.

"Don't forget to study your lessons. May quiz tayo bukas." sabi ni Mr. Williams sa mga estudyante.

Pagkatapos ay lumapit siya sa akin.

"Kumusta ang katititig mo sa akin Ms. Anderson?" tanong ni Mr. Williams na ikinainis ko.

Ang kapal talaga ng mukha niya. Hindi man lang siya nahiya sa kayabangan niya.

"Haaaay! Ang boring mong mag-discuss." sagot ko sa kanya.

Nagulat na lang ako nang biglang sumipol si Mr. Williams out of nowhere. Hindi ko alam kung bakit.

Hanggang sa nakita kong nakatingin pala siya sa may dibdib ko.

"Pervert!" sigaw ko bigla sabay bato ang marker sa kanya.

"Anong pinagsasabi mo diyan?" tanong niya na parang wala siyang alam sa sinabi ko.

Nagmamaang-maangan pa talaga siya.

"Kita ng dalawang mata ko na nakatingin ka sa dibdib ko! Hindi ka lang abnormal! Pervert ka pa!" sigaw ko sabay bato ng eraser sa kanya.

Naka-ilag naman siya.

"Tama na! Sorry na Nika." pagmamakaawa niya sa 'kin.

Huminga naman ako nang malalim. Calm down Nika.

"Pero may itatanong lang ako sa 'yo." dagdag pa niya.

"Anong tanong mo sa akin?" mahinahon kong tugon.

"Ano ba ang cup size ng breast mo?" tanong niya na ikinagulat ko.

This time ay sasabog na talaga ako sa galit.

"PERVERT!" sigaw ko sabay kuha ang flower base sa mesa at ibinato ko ito sa direksyon niya.

Naka-ilag na naman siya habang tumatawa.

Humanda ka sa akin lalaki ka!

***

Kinuwento ko kay Nanay ang naging first day ko sa DGUP. 

"Nakakainis siya Nay. Ang yabang yabang niya." naiinis kong kwento kay Nanay.

"Ano pa anak." ani Nanay.

Naku! Patay ka kay Nanay abnormal ka.

"Tapos ang bastos pa niya. Sinipulan ba naman ako habang nakatingin siya sa dibdib ko." sagot ko kay Nanay.

Ineexpect kong magagalit si Nanay pero hindi ako makapaniwala sa naging reaksyon niya.

"Yiiiiieee! Anak, lumalablayb ka na." kinikilig na sabi sa 'kin ni Nanay.

Pati ba naman siya?

"Isa ka pa Nay. Huhuhu! Akala ko ba kakampi tayo since I was a child."

Inaasar na nga ako ng mga co-professors ko kanina tapos dumagdag pa si Nanay.

"Malay mo anak. Siya na pala ang nakatadhana para sa'yo." ani Nanay.

"Over my dead body. Hinding-hindi 'yon mangyayari." tugon ko.

I won't fall for that jerk. No way.

To be continued...

AriadneWPcreators' thoughts
Next chapter