webnovel

Prolouge

***

Isang silid ang medyo madilim at walang mga gamit maliban sa isang mesa at dalawang upuan sa magkabilang gilid nito. Sa taas ng mesang iyon ay may bumbilyang mahina ang liwanag na nakalambitin sa itim na wire.

May nakaupo namang isang babae na marumi ang damit, gulo-gulo ang itim na buhok at tulala lamang na nakatitig sa maduming puting ding-ding. Nakaposas ang kanyang mga kamay sa mesa at bumabakas na ang talim ng bakal nito sa kanyang balat.

Ngunit kahit man anong sakit ay hindi na iyon maramdaman ng babae. Mulat man ang mga mata nito ngunit tila isang nanigas na bangkay.

"I wish it was only a dream.

I wish it was only an illusion.

I wish, I wish, I wish..."

Yan ang paulit-ulit niyang sinasabi sa kanyang isipan. Mga katagang naglalaro sa kanyang isipan.

Ilang minuto lang ay isang tunog ng pagbukas ng pintong metal ang kumalansing. Kasunod nito ang mga yapak na papalapit sa pwesto ng tulalang babae.

Lumapit ang isang lalaki na tila isang opisyal base sa kanyang suot, naka suot ito ng kayumangging amerikana na may bliog na metal ang nakasabit sa kanang dib-dib. At sa bilog na metal na ito ay may nakaukut na simbolo kung saan malalaman ang iyong katungkulan sa lipunan.

Malumanay itong umupo sa isa pang silya na nakaharap sa direksyon ng babae at kri-noss ang mga daliri.

"What is your name?" tanong nito na nagbulabog ng katahimikan.

Tulala pa rin ang babae at tila walang naririnig ni napapansing may tao.

"I'm inspector Lim, and you are?"

Pag-uulit nito.

"Ako si inspektor Lim, at ikaw ay si?"

Tinagalog nya na at nagbabakasakaling makakasagot na.

Ilang minuto silang nakatunganga habang nakatitig si Inspector Lim sa mata ng babae.

"Putch* naman oh! Sumagot ka nga!!" sigaw nito ng nawalan sya ng pasensya.

"Hoy!!!" yugyug nya sa balikat ng babae.

"Hanggang san mo kayang makipaglaroz huh?"

Gamit ang kapangyarihan nyang kumontrol ng metal, ay mas hinigpitan nya pa ang kapit ng posas.

Dahan-dahan nya itong hinihigpitan habang naka abang sa pagbabago ng reaction mula sa pagkakatulala ng babae. Hanggang sa halos maputol na ang kamay nito ngunit tulala parin na tila walang nararamdaman.

Kahit paano ay nakaramdam ang inspector ng awa kaya napagpasyahan naman nya na itigil iyon at nilipat ng bahagya ang posas kung saan hindi matatamaan ang sugat na nadulot nito.

Naisip nya na baka maya maya ay bumalik din ang nawawalang espirito sa katawan nito kaya di makapagsalita.

Dahan dahan syang tumayo at tumalikod patungo sa labas.

"BOO!!!" malakas nyang panggulat.

Tinignan nya ang reaction ng babae. Wala paring nagbago.

"Hihipuan kita dyan pag di ka gumalaw!" pang aasar nya.

Muli nyang binaling ang tingin sa babae, wala paring reaction.

"Ayan na ako.."

Linapitan nya ang babae at nagdalawang isip kung tutuloy nya ba ang kalokahang naiisip nya.

"Uhmm.. Di ako sanay ng ganito pero, ito na."

Dahan-dahan nyang inilapit ang daliri nya sa dib-dib ng babae. At nang ilang centimetro na lang ang distansya nito--

"I change my mind, sa hita na lang."

Dahan-dahan naman nyang linapit ang daliri sa lugar na iyon, ngunit tulad ng kanina ay hindi nya magawa iyon dahil alam nyang may asawa sya na bubugbog sa kanya.pag nangyari iyon.

"*Sigh*" buntong hininga ng inspector at muling umupo sa upuan.

Pinagalaw nya ang nakakadenang posas nito at dinala sa harap ng babae kung saan ay sariling kamay nya ang humahawak sa sarili nyang hinaharap.

"Don't worry, I'll not look." sabi nya habang naka iwas ang tingin sa babae.

"*hik hik hik*" finally, her reaction changed. And it changed into sobbing ngunit tulala parin.

Itinigil iyon ng inspektor at muling liningunan ang babae. Bahagyang napataas sya ng kilay sa pagtataka kung saan pinanghuhugutan ang luha nito.

"What's your name?"

"*hik hik hik*" sinusubukan parin nyang pigilan ang pag agos ng mga luha.

"ANONG PANGALAN MO!"

"S-stella." napilitan nyang sagot at agad yumuko habang di parin nawawala ang pag agos ng kanyang mga luha.

"Good, after an hour nagsalita karin."

"What happened?" ma-autoridad nitong tanong.

He sighed for awhile and, "ANONG NANGYARI!"

Lalong lumakas ang tagaktak ng kanyang luha habang umiiling-iling.

"Anong *ginaya nya ang pagiiling ng babae* huh?"

She continue shaking her head, tila ayaw nyang maalala kung anong nangyari. Tilaa gusto nya itong takasan at kalimutan kahit imposible.

"Napakagandang sagot! Sana sinabi mo na tagalog ka pala at mahilig gumamit ng body language!" inis nitong sambit.

*Criiing*

Isang tunog ng bell ang naghuhudyat na tapos na ang shifting hours, kaya makakapagpahinga na si Inspector Lim ngunit dismaya ito sapagkat wala syang nakuhang magandang impormasyon.

"Tch! Buset." Bulong nito sa sarili sabay binalibag ang mesa at tuluyan ng umalis.

"I wish it was only a dream.

I wish it was only an illusion.

I wish, I wish, I wish..."

Muli nyang sabi sa kanyang isipan.

"I wish I can kill myself."

~

"Why kill yourself? If you can kill themselves?"

***

Author's Note:

Hi guys! So what can you say!! Don't forget to VOMENTS!! NO SILENT READER PLEEEEAASE HIHIHIHIHI.

SEE YA!