webnovel

Chapter 191

Editor: LiberReverieGroup

Mabilis na kumilos ang hukbo, naglaho sa isang iglap sa malawak na manyebeng kapatagan. Sa isang kisapmata, panibagong hukbo ang sumunod sa bakas nila. Ang gabing ito ay hindi ang gabi na makakatulog ng payapa ang mga tao.

Gabing-gabi na ng nakita ni Huo An si Zhuge Yue. Sa Mingxi Valley, tanging 200 nalang ng 300 ang natira, ngunit pinanatili nila ang parehong pamantayan ng ingat at kagustuhang lumaban. Ang pasukan sa Mingxi Valley ay makitid; madali dumipensa pero mahirap umatake. May sapat na hayupan sa lambak; hindi na kailangang mag-alala na maubusan ng rasyon. Basta't makatagal sila ng tatlong araw, mapagtatanto ni Zhao Che na ang dami ng mga sundalo ng Yan Bei na nakatalaga sa Yanming Pass ay nabawasan. Tapos ay kukuhanin niya ang oportyunidad na umatake, pipilitin si Yan Xun na bumalik. Sa oras na iyon, inaasahan ni Zhuge Yue na magkakaroon siya ng gintong oportyunidad para tumakas.

Sa kaunting tingin, naintindihan ni Huo An ang kasalimuutan ng plano ni Yan Xun. Sa kalupaan at pormasyon ng hukbo ni Zhuge Yue, kahit na pwersahan silang pumasok sa lugar na ito, kailangan nilang magbayad ng malaking halaga.

"Heneral Zhuge, isa akong tauhan ni Heneral Chu, ang komander ng hukbo ng Xiuli, si Huo An. May mahalaga akong sasabihin sayo."

Nakasuot si Zhuge Yue ng maayos na kasuotan at pinanatili ang malamig niyang tingin. sa kabila ng katotohanan na isa siyang puganteng nagtatago, kalmado siya. Simple niyang tinignan si Huo An sa mata at marahang nagtanong, "Kung tama ang natatandaan ko, ang komander ng hukbo ng Xiuli ay si He Xiao dapat."

"Namatay sa labanan si Heneral He Xiao. Sa kasalukuyan, naatasan akong palitan siya," walang emosyon na sagot ni He Xiao, na may kalmadong tingin sa kanyang mukha.

Nagtaas ng kilay si Zhuge Yue nang marinig ang sinabi nito pero hindi na nagtanong pa. Simple siyang tumingin dito, ang matalas niyang tingin ay tumatagos sa lalaki. Inipon ni Huo An ang kanyang emosyon at kalmadong sumagot, "Sinabi ni Heneral Chu na nalantad na ang kinaroroonan mo. Kung anumang isyu na kailangan gawin kaagad, pakiusap umalis kayo kaagad. Naghanda siya ng lihim na daanan para sayo sa bundok ng Helan. Kung naniniwala ka sa kanya, pwede kang maglakbay tungo sa Tang at tumakas mula sa Yan Bei. Kung may iba kang dadaanan palabas, bilisan niyo ang pag-alis. Nagpakilos ang Kamahalan ng malalaking hukbo para palibutan kayo. Kapag hindi kayo umalis ngayon, hindi na kayo magkakaroon pa ng pagkakataon."

"Anong nangyari kay Heneral Chu? Bakit namatay sa labanan si Commander He Xiao?"

Nagbago ang itsura ng mukha ni Huo An. Matagal siyang nag-isip bago sumagot, "Inutusan ako ni Heneral Chu na sabihin lang sa iyo ang mga salita na ito. Para naman sa ibang bagay, patawarin mo ako dahil hindi ko na masasabi." Nang matapos niya ang kanyang sinabi, tumalikod na siya at naghandang umalis.

Tinawag siya ni Zhuge Yue, "Tigil."

Hindi tumigil si Huo An. Swoosh! Isang batang sundalo ang naglabas ng kanyang espada at inilagay ito sa leeg ni Huo An. Malamig niyang sinabi, "Hindi mo ba narinig na tinatawag ka ng Young Master?"

Tumalikod si Huo An para makita ang binatang nasa 18 hanggang 19 na taon gulang. Ang tingin ng kanyang mata ay tanging eskrimador lang ang nagtataglay.

"Yue Ji, huwag ka magpadalos-dalos." Utos ni Zhuge Yue sa mababang boses. Umatras ang batang eskrimador na nakatungo ang ulo. Tumalikod si Huo An at tumingin kay Zhuge Yue, na may kalmadong tingin sa kanyang mata. Marahan niyang sinabi, "Heneral, naglitawan ang mga traydor sa loob ng departamento ko. Sinaktan nila kayo ni Heneral Chu. Inutos ng Kamahalan kay Heneral Chu na patayin kayo, ngunit tumanggi siya. Nagpakilos pa nga siya ng mga sundalo para pigilan ang mga sundalo ng Kamahalan, nasira sa hukbo. Sa kasalukuyan, wala akong dignidad para bumalik at harapin ang Heneral, o humingi ng pagpapatawad niya. Hiling ko lang na makinig ka sa sinabi ni Heneral Chu at umalis kaagad. Kung hindi, ang 9,000 tauhan ng Southwest Emissary Garrison, kasama si Heneral Chu, ay nagsakripisyo sa wala."

Nang matapos niya ang kanyang sasabihin, inilabas ni Huo An ang kanyang espada at hiniwa ito sa leeg niya. Mabilis na tumugon si Zhuge Yue, nilihis palayo ang espada nito. Gayumpaman, nahuli pa rin siya. Isang bakas ng dugo ang bumahid sa leeg ng lalaki at nagsimulang walang tigil na tumulo.

Naningkayad si Meng Feng at malapit na tinignan si Huo An, na nakahandusay sa lupa. Tumingala siya at sinabi, "Huwag kang mag-alala. Hindi siya mamamatay."

Taimtim ang ekspresyon ni Zhuge Yue. Tumingin siya sa tigang na manyebeng lupain at nanatiling tahimik ng matagal na sandali. Nakatingin sa kanya ang lahat ng tauhan niya. Sinabi ng isa sa kanila, "Heneral, hindi natin lubos na mapapaniwalaan ang sinabi ng lalaking ito."

Tumango si Zhuge Yue at sinabi, "Maghanap tayo ng impormasyon."

"Masusunod!"

Nang pumutok ang bukang-liwayway, isang tagamanman ang tumatakbo pabalik at sinabi, "Heneral, naimbestigahan na namin. Ilang sibilyan ang nagsabi na papunta ang hukbo ni Heneral Chu sa syudad ng Yuegong gamit ang pinakamabilis nila. Kakalagpas lang nila dito dalawang oras ang nakakalipas. Nasuri ko ang mga yabag ng kabayo. Magulo ang mga ito, ipinapakitang nagmamadali sila. Gayumpaman, walang opisyal na pabatid mula sa Yan Bei para sa paghuli kay Heneral Chu."

Tumango si Zhuge Yue at nanatiling tahimik, malalim ang kanyang iniisip.

Sa maiksing sandali, panibagong tagamanman ang nakabalik at sinabi, "General, naimbestigahan namin. Ang Black Eagle Army ay pinangungunahan ni Cheng Yuan. Naghiwalay sila sa limang direksyon at nakasunod kay Binibining Chu para hulihin siya. Mayroon silang higit 100,000 tauhan."

"Master, ang mga probinsya sa kahabaan ng Yuegong ay nagbibigay ng dagdag na kawal at nagtatayo ng harang sa daan. Ang mga pinilit magsundalo ay nasa maingat na pagpapatrol. Ang syudad ng Yuegong ay naghahanda sa malakihang pagpapakilos ng mga sundalo. Hindi ito mukhang maganda."

"Heneral, patungo din sa Yuegong si Yan Xun."

Patuloy na nagngalit ang hangin; mapanglaw ang kapaligiran. Nakabihis si Zhuge Yue ng grey na manto habang diretso siyang nakatindig. Lumapit siya sa kanyang kabayong pandigma at sinabi sa mababa ngunit matatag na boses, "Pumunta tayo sa Yuegong."

"Heneral!" hinawakan ni Meng Feng ang renda ng kabayo ni Zhuge Yue. Tumayo siya sa harap nito at sumagot sa mababang boses, "Hindi ka maaaring umalis."

Bahagyang tumingala si Zhuge Yue ngunit nanatiling tahimik. Naintindihan ni Meng Feng ang mensahe na ipinapabatid ng mata ng lalaki. Mahigpit siyang nag-abiso, "Maraming butas sa kwentong ito. Kahit na totoo ito, sa kasalukuyang kapabilidad natin, hindi dapat tayo magpadalos-dalos."

"Tama iyon, Heneral." Ang pangalan ng bise-heneral ni Zhuge Yue ay Chen Ru. Dati siyang alipin na nakatalagang magpakain ng mga kabayo sa kanyang pamamahay. Dahil sa kanyang namumukod-tanging talento, tinanggalan siya ng kanyang estado bilang alipin, at tinuruan upang maging bise-kumandante ng kanyang mga piling kasamahan.

Sinabi ni Chen Ru sa mababang boses, "Pakiramdam ko rin ay may mali. Kung isa itong sikretong operasyon, bakit madali niyang makukuha ang balita, sa nagkataong oras?"

Sumimangot si Yue Jiu at idinagdag, "Master, pakiramdam ko rin ay may mali."

"Heneral, ang mga pangyayaring ito ay masyadong nagkataon. Kung totoo iyon, paano tayo nahanap ni Huo An? Hindi ba't ibig sabihin nito na sinusundan tayo ni Chu Qiao? Kailangan natin mag-ingat. Pakiramdam ko ay dapat tayong magpatuloy sa orihinal nating plano. Umatras kaagad ang pinakamagandang solusyon."

"Tama kayong lahat," tumango si Zhuge Yue at marahang sinabi. Nagsaya ang lahat sa katotohanan na nakinig na siya sa wakas sa kanila. Gayumpaman, mabilis siyang sumimangot at tumingin sa kanila at sinabi, "Ngunit paano kung tunay ang mga sinabi niya? Anong gagawin natin?"

Lahat ay natigalgal at napaisip sa sarili nila: Oo, kung totoo iyon, sa mga kilos ni Yan Xun, hindi ba't siguradong mamamatay si Chu Qiao? Anong dapat gawin kapag nangyari ito?

Hindi hinintay ni Zhuge Yue ang kanilang sagot habang sumakay siya mismo sa likod ng kanyang kabayo. Lahat ay lumapit sa kanya para pigilan siya, na gulat. Nag-abiso ulit si Meng Feng, "Heneral, sa tingin ko ay 80 hanggang 90 porsyento na hindi totoo ang impormasyon na ito. Sinasadya ni Yan Xun na maglatag ng bitag para sayo..."

"80 hanggang 90 porsyento itong hindi totoo. Ngunit paano ang 10 hanggang 20 porsyento?"

Hindi nakapagsalita si Meng Feng. "Karapat-dapat bang isugal ang buhay mo para sa 10 hanggang 20 porsyento na ito?" tanong niya.

Nanatiling tahimik si Zhuge Yue at umiling. Bumulong siya, "Hindi natin lubos na makukumpira ito..." hindi siya nagpatuloy sa pagsasalita o sigurado sa kahit ano. Ang ekspresyon ng lalaki ay biglang hindi naging sigurado. Tumingala siya, tumingin sa nyebe sa malayo. Ngumiti siya at nagbigay ng malamig na tawa habang sinabi na, "Saka, hindi magiging madali kay Yan Xun na kunin ang buhay ko."

"Yue Jiu," malamig na nag-utos ni Zhuge Yue, isang determinadong kasamaan ang kumislap sa kanyang mata, "Sabihan si Yue Da na maaari na natin umpisahan na gamitin ang mga tauhan natin sa Yan Bei."

Mga tauhan? Isang pagdadalawang isip ang kumislap sa mata ni Yue Jiu, ngunit sa isang iglap, nawala siya sa pagkatulala niya. Sumunod siya, at umalis sakay ng kabayo niya. Ang tunog ng mga yabag ng kabayo ay naglaho sa malayo.

Umupo si Zhuge Yue sa likod ng kanyang kabayo at naningkit ng mata. Kalmado ang kanyang ekspresyon ngunit may nakatagong pakiramdam na kontra sa nararamdaman sa kapaligiran na kumislap sa kanyang mg mata. Tinimbang niya ang mga pagpipilian at kinonsidera ang pinakamalalang mangyayari. Kung totoo ito, maaari ba...maaari bang may pag-asa pa siya? Handa siyang makipagsira kay Yan Xun para sa kanya. Papatunayan ba nito na may lugar siya sa puso ng babae? Napaisip si Zhuge Yue at umiling habang natatawa. Ang kanyang kahinaan ay pinagsasamantalahan muli ng iba.

Tumatakbo ang mga kabayo tungo sa syudad ng Yuegong. Sumikat ang araw, ngunit naharangan ng madilim na mga ulap. Nababalot ng kadiliman ang mundo. Yuegong, ang syudad ng rasyon sa Yan Bei, ay sinalubong ang bagong tala sa aklat ng kasaysayan ng araw na iyon.

Nang araw na iyon, ang buong Yan Bei ay nakukumutan ng nyebe. Parang isang baliw ang mga hangin, umuungol habang umiihip sa kapatagan. Tatlong talampakan ang lalim ng nyebe, at bumagsak sa mukha ng mga tao na parang maliliit na bato. Ang tiyan at mata ng mga pandigmang kabayo ay nababalot ng leather, ngunit natataranta pa rin silang pumalinga-linga. Sinuot ng mga mandirigma ang kanilang manto at sumbrero. Umihip ang hanging sa kanilang mga mata, dahilan para hindi nila ito mabuksan. Maaari nalang silang magsumikap sa pagdaan nila sa manyebeng kapatagan.

Nang dumating si Chu Qiao sa ilog ng Moli, inutusan niya ang buong hukbo na huminto. Nagmadali pumunta sa harap si Sun Cai para tignan ang nangyayari, ngunit nakakita lang ng malamig na anino ng likuran. Ang batang babaeng heneral ay nakatayo sa dalisdis na nakatalikod mula sa hangin at tumingin sa malayong mga karagatan. Nagulat ang mga ibon na lumilipad habang nagpatuloy sa pagngalit ang nyebe at hamog.

Habang naglalakad siya pababa, tinulak ni Sun Cai sa tabi ang ilang mga sundalo sa galit at sumigaw kay Chu Qiao, "Heneral Chu, anong ginagawa mo? Nasa panganib ang Kamahalan, ngunit nasa disposisyon ka pa para tumigil dito at hangaan ang tanawin?"

Malamig na sumulyap si Chu Qiao sa kanya. Bata pa ang dalaga, ngunit lahat ng nakakakilala sa kanya at nakatayo sa harap niya ay tila kinakalimutan ang edad niya, nanginginig at nangangatog sa takot. Sa kabila ng malamig na panahon, tumutulo ang butil ng pawis sa noo ni Sun Cai. Habang naramdaman niya na may mali, nag-utos si Chu Qiao, "Itali siya."

Sa isang segundo, ang mga mandirigma ng hukbo ng Xiuli ay sumugod at itinali si Sun Cai. Sumigaw ang batang opisyales habang nagpupumiglas siya, "Anong ginagawa mo? Heneral Chu, nagrerebelde ka ba?"

Malamig na tumingin si Chu Qiao sa kanya; ang kanyang tingin ay tumatagos sa lalaki. Lagpas sa gulat at galit sa labas nito, walang pagsisikap niyang naramdaman ang pagkataranta at takot sa loob nito. Nagsimulang lumamig ang kanyang puso.

"He Xiao, ilabas mo lahat ng pampasabog na mayroon ka. Magpasabog ka ng butas sa ilog at mag-iwan ng 300 katao para depensahan ang lugar na ito. Bago mag-umaga bukas, kapag may nakalagpas mula sa kabilang parte, hindi mo na kailangang bumalik at magpakita sa akin."

"Masusunod!" tumalima si He Xiao.

Sumakay si Chu Qiao sa likod ng kabayo niya at inutusan ang mga tauhan niya, "Tayo na."

"Heneral Chu! Alam mo ba kung anong ginagawa mo?"

Marahang tumalikod si Chu Qiao at malamig na tumingin kay Sun Cai. Kalmado siyang sumagot, "Syempre alam ko."

"Pinipigilan mo ang mga tauhan natin na sagipin ang Kamahalan! Isang pagtataksil ito!"

Tumawa si Chu Qiao sa nanunuyang tono. "Heneral Sun, masyado kang walang muwang o isa ba akong tangang tao sa mga mata mo? Sinasabi mo na ikaw lang ang nakatakas palabas ng syudad ng Yuegong. Bakit may mga sundalong hinahabol tayo sa limang direksyon ngayon? Tinahak ko ang pinakaruta pabalik sa Shangshen at mas maaga ng isang araw na umalis. Maraming oras ang nagugol ko para makarating dito. Paano mabilis na nakapunta ang Black Eagle Army dito kung ganoon? Sinabi mo na pinangunahan ni Zhuge Yue ang 50,000 sundalo para gambalain ang tustos ng rasyon sa Yuegong na hindi nakikita, at pinalibutan ang Kamahalan. Sabihin mo sa akin kung ganoon, dahil papalapit na ang bagong taon, imbis na manatili sa kanyang tanggulan, anong ginagawa niya dito?"